It's Him! My Jerk Boss!

By sherann0588

14.7M 131K 12K

Isang gabi ng lagim, Tahimik ang paligid, Pero sandali bago kayo mag-isip ng kung ano- ano, Hindi ito Horror... More

TEASER
Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
Chapter 3
CHAPTER 4
Chapter 5
Chapter 6
CHAPTER 7 Part 1
CHAPTER 7 part 2
CHAPTER 8
CHAPTER 9 part1
CHAPTER 9 part2
Chapter 10 part 1
Chapter 10.2
Chapter 11
Chapter 12
CHAPTER 13 instruction on how to view the hidden chapter
Chapter 14
CHAPTER 15
Chapter 16
chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
CHAPTER 22
Chapter 23
Chapter 24
chapter 25
Chapter 25.2
chapter 26
Chapter 27.1
chapter 27.2
Chapter 28
Chapter 28.5
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
chapter 34
chapter 34.2
Chapter 35
chapter 36.1
CHAPTER 36.2
Chapter 37
Chapter 38
chapter 39
Chapter 39.2
Chapter 40
CHAPTER 41
Chapter 42
Chapter 42.2
Chapter 43
CHAPTER 43.2
Chapter 44
CHAPTER 44.2
CHAPTER 45
CHAPTER 46
Chapter 46.2
Chapter 47
Chapter 47.2
Chapter 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE

Chapter 29

221K 1.7K 118
By sherann0588

Madaming mga bagay ang madalas ipagpilitan ng mga tao. Mga bagay na hindi naman talaga dapat pero ginagawang posible. Mga bagay na dapat na iniiwasan nalang pero mas pinipili pa natin na lapitan. Mga pangyayaring ipinipilit nating mangyare. They say Love is a work of magic. Sa isang siglap pag nahulog ka, you're dead. Magiging dead na dead ka sa kanya kaya kadalasan makakaramdam ka ng sakit lalo na kung feeling mo hindi naman nasusuklian ang pagmamahal mo. Pero syempre pinipili mo pa ding manatili. Bakit? Kasi you're dead na dead na nga. Katulad nalang nitong si Anya. Tsk tsk tsk. NGANGA. Hindi pa din sya makamove on sa pagtawag ni Jin ng baby sa kanya. Kung tutuusin title nalang talaga ang kulang sa kanila. Maging In A Relationship na kaya ang facebook status nya bago matapos ang araw na ito. Grabe panay lang ang titig nya kay Jin na walang ibang ginawa kung hindi mapangisi at mapailing nalang. May time pa na hahawakan nya ang kamay ni Anya at saka hahalikan. Tae lang! Sana naman magkaroon na ng progress di ba?

"Kanina ka pa nakatitig. Wag kang mag alala hindi ako mawawala." Sabi pa ni Jin nang hawakan nya ang kamay ni Anya.

"Ha?.. ahmm.. hindi ah. Sa labas ako nakatingin." Pagiiwas ng tingin ni Anya. Nakakahiya naman ang pinag gagagawa nya.

"So.. kamusta ang tuhod mo? Sa susunod hinay hinay lang sa paginom ha.. tsk tsk tsk.." sabi pa ni Jin na umiiling iling.

"Ha?! Paano mo nalaman?" Gulat na sabi ni Anya. Grabe kanina pa nya pilit na pinagtatakpan ang pagkalasing nya eh.

"I tasted it.." maikling sagot ni Jin sabay kagat ng pang ibabang labi. Kainis! Nangaakit ba sya? Napa amoy tuloy si Anya sa hininga nya. Shet talaga amoy alak nga ata kahit tatlong beses pa sya nagtoothbrush.

"What are you doing?" Natatawang tanong ni Jin ng mapansin na inaamoy ni Anya ang bibig nya. "Don't worry you still taste sweet.." sabi pa ni Jin.

Shet talaga! Pulang pula na siguro si Anya.

"Teka nga! Boss naman eh. Sumosobra ka na ih..  nakikilig na ko eh tapos biglang mambabae ka nanaman eh! Wag ka na ngang paasa!" Grabe kung saan nahugot ni Anya ang lakas ng loob para sabihin iyon malamang sa alak na binili nya at ininom nila kanina.

"What? Nambababae? Ako!?" Inihinto ni Jin ang sasakyan at saka hinarap si Anya.

"Oo! Yung kahapon na babae!" Nakasimangot na sabi ni Anya. Grabe feeling girlfriend na talaga sya.

"Si Xanine?.. Nagseselos ka kay Xanine?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Jin. Alam nya, his PA is jealous and he's loving it!

"iiihhhhhh...." tae nakakahiya na talaga.. "sa bagay.. wala naman nga pala akong karapatang magselos. You are the boss and I'm just your personal assistant. You'll just call me when you need me."

"You are more than that to me.." seryosong sabi ni Jin na nakapagpalingon kay Anya.

"Xanine is just a friend, she's the daughter of our new investor. I've known her for years already. That's it. And you? You are mine." Sabi ni Jin na ngumisi sabay labas ng sasakyan. Umikot ito sa kabila at pinagbuksan ng pintuan si Anya. Nagulat pa si Anya nang mapagtanto kung nasaan sila.

"Home sweet home.." sabi pa ni Jin. Nasa tapat sila ng bahay nila Anya. Hindi makapaniwala si Anya. Grabe sobrang hindi nya namalayan na dito sila papunta. Masyado kasi syang nagfocus sa gwapong mukha ng boss nya eh kaya ayan . She was just standing there infront of their house. Hindi makapagsalita si Anya. Napangiti sya habang lumuluha. Grabe! Miss na nya ang bahay nila. Napatingin sya sa boss nya na nakatitig lang sa kanya. Ginulo pa nito ang buhok ni Anya sabay ngumiti.

"Pasok na tayo." Yaya ni Jin kay Anya tapos ay biglang binuhat sya ni Jin na akala mo bagong kasal sila na papasok sa bagong bahay na titirhan nila. Grabe lang. Kung araw araw ba syang madadapa araw araw din kaya na bubuhatin sya ni Jin? Kakaibang saya ang nararamdaman ni Anya. Hindi pa din nya mapigilan  ang pagluha nya. Kahit pala may pagka jerk ang boss nya mahilig pa din pala ito mang surprise. Ang sweet sweet lang. Hay...

"I know you missed your house badly.. Don't worry. Malapit mo na tong mabawi." Sabi pa ni Jin na hinarap si Anya nang ibaba nya ito sa loob ng bahay. Pinahid nito ang mga luha ni Anya gamit ang kamay nya. He cupped her face with his both hands. They are standing in the middle of that empty house facing each other. Parang sila lang ang tao sa mundo. Shet! Pagkakataon na to ni Anya! Emote kung emote pero kasi naman! Nakakatouch naman kasi.

"I'll give you back your house in the right time." Seryosong sabi ni Jin. Ang totoo, gusto na talaga nyang ibalik kay Anya ang bahay nila. He was just afraid na baka pag ginawa nya iyon mawala na din si Anya.

"What do you mean?" Kumunot ang noo ni Anya. Napangiti pa si Jin nang mapansin iyon kaya bahagya syang yumuko para magkadikit ang mga noo nila.

"You don't have to pay me back. Just stay with me. Be mine." Seryosong sabi ni Jin habang nakapikit. Grabe ang tibok ng puso ni Anya. Gusto na nyang maglupasay sa kilig.

"Then I'll be yours boss." Wala sa sariling sabi ni Anya. Nakakadala kasi ang boss nya. Teka lang ano ba? Sila na ba?

"Yes you are mine. You have no choice." Sabi pa ni Jin at saka dinampian ng isang halik ang mga labi ni Anya. Shet! Nabitin si Anya kaya naman ipinulupot nya ang mga braso nya sa batok ng boss nya at hinabol ang mga labi nito. She kissed him torridly. Wala nang hiya hiya. Ayan na eh, isang Greek God na ang lumapit sa kanya, papakawalan pa ba nya ang isang Jin Kingson Estude?

"So.. akin ka na din ba boss?" Namumungay ang mga mata ni Anya. Nakakalasing ang pinagsaluhan nilang halik.

"If that's what you want baby.." He answered in a husky tone. Tapos ay si Jin naman ang humabol sa mga labi ni Anya.

"Teka.. teka.. wait lang!" Pigil ni Anya sa paghahalikan nila. "Boss paki ulit nga.." request ni Anya.  Nakakainis naman kasi! Bakit ba nakakakilig? Parang hindi kapani paniwala ang mga nangyayari sa kanya.

"Ang alin?" Kunot noong tanong ni Jin.

"Yung- yung... >\\\\>... yung.. <\\\\\<.. baby... >\\\\<" eh kasi naman usually isang malutong na Antonia ang tawag sa kanya ng boss nya eh.

Napangisi pa si Jin habang si Anya ay pulang pula naman. "Yes baby...I'm yours and you are mine." Then he claimed her lips again.

May isang oras din silang nanatili sa bahay nila Anya. Sa byahe ay nakatulog pa nga si Anya ng nakangiti. Hinayaan lang sya ni Jin na matulog. Sa totoo lang may 30minutes na silang nakahinto sa parking lot ng isang restaurant. Walang ginawa si Jin kung hindi panoorin lang si Anya sa pagtulog. Natatawa pa sya kapag humihilik ito.

Sa isang banda, naalimpungatan si Anya. Unti unti syang napadilat at laking gulat nya sa pares ng mga mata na nakamasid sa kanya. Hindi sya agad nakagalaw. Pasimple nyang pinahid ng likod ng palad nya ang laway na patulo palang sana sa gilid ng labi nya. Shet! Nakakahiya!.

"Nakapagpahinga ka ba?" Tanong pa ni Jin na hindi inaalis ang tingin kay Anya. "Hang over?" Pahabol pa nito.

Oo nga.. ang sakit ng ulo ni Anya. Grabe. Gaano ba sya katagal nakatulog. Napatingin sya sa relos nya.

"10pm na?!!!!"laking gulat nya ng makita ang oras.

"Hindi na kita ginising. Sarap ng tulog mo eh." Nakangising sabi ni Jin. "Kain na tayo." Sabi ni Jin na isinenyas ang restaurant na nasa harapan nila.

..

..

Tahimik lang na kumakain sina Jin at Anya. Halatang nagutom lang sila. As for Anya feeling nya nasa Cloud 9 pa din sya. Nandyan na yung susulyap sya sa boss nya tapos nahuhuli nya itong nakatingin sa kanya tapos ay magba blush pa sya. O di ba? Parang teenager lang ang Peg. Pa virgin ang lola mo. Eh kasi naman eh! Si Jin kaya yun!

"Kingson.. hey!" Isang tinig ng babae ang pumukaw ng atensyon nila. Napatingin sila sa babaeng naka purple na dress. Hapit na hapit pa iyon. Si Xanine.

"Oh.. Xanine.. What a surprise!" Tumayo pa si Jin para makipagbeso sa babae.

"Yes what a surprise. I thought you said hindi ka pwede for a dinner? Nakakatampo ka ha. You are with your PA naman pala." Sabi ni Xanine na sumulyap pa kay Anya at ngumiti dito.

"May pinuntahan lang kami. Wanna join us?" Alok ni Jin kay Xanine. At syempre pumayag naman ito. Disappointed man ay hindi nalang nagpahalata si Anya. Pakiramdam nya isa syang malaking sagabal sa dalawa. Hindi kasi sya makarelate sa pinaguusapan ng dalawa. Puro tungkol sa business pero kahit papaano ay kinakausap naman din sya ni Xanine at si Jin? Panay lang ang tingin sa kanya. Oo nakakainis! Nakakapikon! Ano na nga ba kasi sila ng boss nya? May pa baby baby pa at mine mine pero hindi naman sya pinakilala bilang girlfriend. Oo nga naman. Hindi nga pala sya girlfriend. Property lang. Shet! Ganun ba yun?

Sinalinan ng waiter ang baso nya ng wine. Kinuha nya iyon para inumin pero may kamay na pumigil sa kanya. Napatingin sya sa kung sino man ang pumigil sa kanya.

"Don't drink. Nakainom ka na kanina Antonia." Ma awtoridad na sabi ni Jin. Tiningnan lang sya ni Anya. Antonia? Kanina baby tapos ngayon first name basis na ulit?

"Ano ka ba Jin. It's just a wine." Sabi pa ni Xanine na napatingin sa kamay ni Jin na nakahawak sa braso ni Antonia para pigilan iting uminom.

"Oo nga boss.. wine lang naman po ito." Tapos ay iniiwas nya ang braso nya at ngumiti kay Xanine bago inumin ang wine.

"Oo nga pala Jin. Ako na ang magreready ng suit mo para sa General Assembly next week. I want to be sure na magkamatch ang color ng dress ko and style ng suit mo. I'm sure nasa frontpage ulit tayo ng magazine after that just like last year." Sabi pa ni Xanine.

Bumuntong hininga si Jin at saka nagsalita. "Ok.. you already know my size naman."

Napatahimik lalo si Anya. So si Xanine din siguro yung date ni Jin noon? Sya pa din pala ngayon. T@ngina. And that Xanine know his size? Fvck! Nagnakaw din kaya sya ng brief ni Jin?

"Magrerestroom lang ako.." paalam ni Anya at tumayo na papuntang cr. Nakakainis! Bakit ba nakakainis? Oo na!  Nakakaselos! Tiningnan ni Anya ang sarili sa reflection ng salamin. Naisip nya, oo nga naman.. napaka imposible nga ata ng iniisip nya. Isang hamak na PA lang naman sya. PA na nilandi ng boss nya. Gaga! Nagpapaka gaga sya. Dapat hindi nalang sya umasa na maglelevel up pa kung ano man ang meron sila. Iyon lang iyon. Empleyado sya, si Jin ang amo.

"Antonia.." nagulat pa si Anya nang bigla ay lumitaw si Jin sa loob ng ladies room.

"Boss anong ginagawa mo dito?"

"I was just checking you.."

"Ha? Bakit?" Maang ni Anya.

"Because I know you are jealous.." seryosong sabi ni Jin.

"Huh?" Nganga si Anya. Sobrang halata na ba? Napatawa pa si Anya sabay sabing. "@$$hole.."

Napangisi si Jin at napapailing. Ang sarap talagang asarin ng PA nya.

"D@mn, I'm loving this!" Sabi pa ni Jin bago tuluyang sundan si Anya na nagwalkout na palabas ng ladies room.

..to be continued..

Continue Reading

You'll Also Like

8.1M 501 1
Nang dahil sa isang maling akala ay nawala sa akin ang lahat, ang batang nasa aking sinapupunan, ang mga pangarap na magkasama naming binuo, ang pagt...
1.2M 53.8K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
1.4M 56.2K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
1.1M 20.8K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...