Miss Always Rank #2

De deliixx

678K 19.2K 2.5K

St. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson Mai multe

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Wakas

Kabanata 25

9.4K 312 6
De deliixx



Kabanata 25

Sick Again...

Nagising ako dahil sa lamig, narinig ko ang boses ni Maxxine na mukhang natataranta na. Mabilis akong umupo at napagtanto kong nasa clinic ako. What happened?

"Tiara! Bakit ka bumangon?" natatarantang sabi ni Maxxine at pilit na tinulak ako para makahiga ulit. Umiling ako at tinanggal ang kanyang kamay sa aking balikat.

"Anong nangyari?" tanong ko at tinignan ang paligid, it's just me, Maxxine and some of the nurses inside.

"Sobrang taas ng lagnat mo kaya ka nahimatay! Sabi na nga ba't may mali sa'yo kanina."

"Ikaw ang nagdala sa akin?" tanong ko. Where's Nick? Siya ang huling kausap ko bago ako tuluyang mahimatay.

"Si Zeeyan! Sino pa nga ba?" I was hoping to hear Nick's name but... Nevermind.

"Speaking of Zeeyan, tatawagin ko muna iyon para ibalita na gising kana." agad kong hinawakan ang kamay nya para pigilan sa kung anong gagawin nya

"No... I don't want to see him." ilang segundo nya akong tinignan, nag-iwas ako ng tingin.

I want some time to be alone, kung maaari lang ay ayokong marinig ang pangalan nya. I just want to rest from all of these.

Sa huli ay tumango sya at umupo sa dulo ng kama ko.

"Do you want anything? Soup? Water?' umiling ako, I need  blanket. Itinuro ko sakanya ang blanket na nasa paanan ko, mabilis nya itong kinuha at binigay sa akin. Tumingin ako sa orasan ng clinic at nakita kong alas dose na ng hapon. Hapunan na pero hindi ako nagugutom, mas nararamdam ko pa ang sakit ng aking katawan.

"You should eat, Maxxine. Puntahan mo sina Bianca, I'm fine here." sabi ko at tinakluban ang sarili ko ng kumot.

"How about you? I can't leave you here, Tiara. The nurses called your parents to fetch you here because of your condition."tumango ako at pinikit ang mata ko "For God's sake, eat something. Hindi ka pa nakakainom ng gamot kasi tulog ka at kailangan mong kumain bago mo gawin iyon

Ngumuwi ako. I'm not sure if Maxxine Morales is my friend, right now she sounds like a Mom to me. Tumango na lang ako at bumangon para tabihan nya. I don't want to eat anything kaya ieentertain ko na lang sya hanggang sa dumating ang magsusundo sa akin.

Ilang minuto ang nakalipas ng makita ko si Mommy sa pintuan ng clinic, she hurriedly come to me and hug me.

"Are you okay, darling? May masakit ba sayo?" tanong nya at hinawakan ang ulo at leeg ko.

Umiling ako "I'm fine, Mom." nilipat ni Mommy ang tingin kay Maxxine na nasa gilid ko

"Thank you for taking care of Tiara, Maxxine."

"Anytihing for Tiara, Tita." may pinirmahan si Mommy sa desk bago kami lumabas ng clinic.

Pagkalabas namin ay iyon naman ang pagpunta ng mga kaibigan ko sa clinic, mabilis nila akong dinaluhan at tinanong kung okay na ba ako. Tumango ako sa kanila at nagpaalam na dahil naghihintay si Mommy sa aking likod.

"Dadalawin kita mamaya pagkatapos ng klase." sabi ni Maxxine bago ako pumasok ng sasakyan, tumango ako at kinawayan silang lahat.

Medyo nawala ang sakit ng ulo ko pero nanlalamig naman ako ngayon, hindi ko rin maitatanggi na mainit ang buong katawan ko.

"What do you want to eat? Ipagluluto kita." sabi ni Mommy, bahagya akong napangiti doon. I love her masterpiece. Although ang Filipino food lang na kaya nyang gawin ay adobo at sinigang, which are both delicious.

"Ramen na lang, Mommy." sabi ko para hindi sya mahirapan. And besides, I don't think if I can eat properly in this situation.

Pagkauwi ay diretso ako sa kwarto when something suddenly entered my mind, it feels nostalgic entering this room when I'm sick. Memories the last time I'm sick came into my mind like lightning.

"I respect you and your privacy, but someday I'll enter this room when you tell me you love me."

Him and Kelsey have a date yesterday, noong sinundo nya ba si Kelsey sa kanilang bahay ay pumunta ba sya sa kwarto nya? Sinabi nya rin ba iyong katagang iyon. No... I'm sure Kelsey told Johansson that she love him kaya pwede syang pumasok sa kwarto nya. And how does it end?

Kumirot ang dibdib ko sa naisip ko, pabagsak ang humiga sa kama at tinabunan ang sarili ko ng comforter. You're just making everything worse, Tiara! Stop thinking about nonsense things! Mabuti pa at matutulog na lang ako.

Nagising ako ng naramdaman kong gumalaw ang aking kama, minulat ko ang mata ko at nakita si Mommy sa paanan ng kama na nilalapag ang bowl of ramen sa bed tray. Umupo ako at medyo nahilo sa ginawa at ilang segundo akong nanatiling ganoon para mawala ang sakit na nadarama.

"After eating, drink these." binigay nya sa akin ang dalawang tableta na para sa sakit ng ulo at katawan

"Thank you, My." sabi ko at nagsimula ng kumain.

Nakatulog rin ako pagkatapos noon, nagising lamang ako dahil sa init. Pinagpapawisan ako dulot ng mga gamot kaya bumangon ako para hinaan ang aircon. Napatalon ako ng makita lahat ng kaibigan ko sa loob ng aking kwarto, tahimik silang nakaupo sa floor kaya hindi ko sila agad napansin.

"Jesus! You scared me." natawa si Nick

"Akala namin hindi ka na magigising." sabi ni Bianca at tumayo sila para makita ang kalagayan ko. All of them touched my forehead and neck at nang napansin ni Maxxine na pawisin ako ay pumasok sya sa closet para kumuha ng shirt.

"Dumiretso kayo dito?" tanong ko

"Obvious ba?" sarcastic na tanong ni Nick, nginiwian ko sya pero tumawa lang sya. Itong bading na'to ang sungit kapag babae ang kausap.

"May dala kaming pizza at naisipan namin na mali ang nabili namin, dapat fruits pero may bumili na pala kaya..." kibitbalikat ni Karlie. Tinignan ko ang study table ko kung nasaan ang tinutukoy nyang pizza at tatanungin ko na sana kung sino iyong bumili ng prutas para tanungin kung may grapes ba syang binili ng bumukas ang pintuan at pumasok si Mommy.

"Gising na ba si Tiara?" tanong nya, hindi nya ako agad nakita dahil nasa study table ako, bandang dulo ng kwarto ko.

"I'm here, Mom. Bakit po?"

"Zeeyan's downstairs, tinatanong kung okay kana." biglang kumalabog ang puso ko ng marinig ang pangalan nya.

"He wants to see you, papaakyatin ko iyon mamaya para makita nya sa sarili nya na okay kana." I hate how my Mom trusts him, kung alam mo lang My, kung alam mo lang.

"No Mom! Pababa na kami, hindi ba?" binalingan ko ang mga kaibigan ko na nakatunganga sa amin.

"Huh?" clueless na tanong ni Shaira.

"Oo kaya! Wait lang My, tell Johansson na pababa na kami at hindi na nya kailangan pang pumunta dito." kahit na ayaw ko syang makita

Naligo ako dahil sa lagkit na nararamdaman ko at sa loob na rin ng banyo nagbihis dahil ayokong lumabas ng nakatapis lang lalo na't nasa kwarto ko ang mga kaibigan ko.

"Mukha kang aalis." puna ni Bianca pagkalabas ko ng banyo dahilan kung bakit lahat sila ay nakatingin sa akin at sa suot ko.

"Oo nga parang kanina ay naka shirt ka lang at plain shorts." ani Karlie

"Nalaman nya kasing narito si Zeeyan kaya nag-effort talaga syang magbihis." inasar na nila ako ng inasar hanggang sa natapos ko ng ayusin ang buhok ko

Hindi ko naman sinasadya na ganito ang suot ko at kanina lang sa banyo ko napagtanto na sa bahay lang pala ako pero iyong nakuha kong damit ay mukhang aalis. I just don't want to wear house clothes lalo na't lahat ng kaibigan ko ay narito at paniguradong pagsasabihan ako ni Mommy kapag iyon ang sinuot ko.

Hindi ko na pinatulan ang mga asar nila sa akin, mabuti na lang rin at napalitan ang topic about sa school. Nang tapos na akong mag-ayos ay lumabas na sila ng kwarto ko para pumunta sa living room, si Nick ang may dala ng pizza.

Do I really have to face him? I don't want to force myself to talk to him. Pakiramdam ko ay hilaw na ngisi at sarcasm ang maicocontribute ko sa magiging kwentuhan namin.

Kung hindi lang ako binalikan ni Maxxine sa kwarto ay baka nanatili ako sa aking kwarto hanggang sa naisipan nilang umuwi na.

"Sumakit ba ulit ang ulo mo?" tanong ni Maxxine, umiling ako. Honestly, the shower helps it kaya nang nakababa na ako ay nakisama ako sa ingay nila ng dumating ang inorder ni Mommy na buffalo.

Austin was here too, I made a blurred vision sa lalaking katabi nya para hindi kami magkatinginan. Na-divert ang atensyon ko sa biruan nila, lalo na't inaasar ni Nick si Shaira sa pagiging mali mali ne'to. Tawa kami ng tawa hanggang sa dumating ang shakes na hinanda ng mga kasambahay.

Nag-uusap kami ni Bianca tungkol sa ex nya ng biglang pumagitna sa amin si Maxxine hawak ang kanyang shake. Sumipsip muna sya bago mag-salita.

"Bakit hindi mo pinapansin si Johansson?" nagulat ako sa diretsong tanong nya, hindi man lang nya naisipang hinaan ang boses nya! Liningon ko si Johansson, baka sakaling narinig nya ang sinabi ni Maxxine. Natigilan ako ng makita syang titig na titig sa akin, he smirked when he saw me looking at him. Agad akong nag-iwas ng tingin. Why is he here anyway? Hindi ba sya busy, perhaps another date with Kelsey?

Hindi naman nya kailangan puntahan ako dito. No one ask for him here, especially me. May mga bagay na mas worth it gawin kesa sa dalawin ako at tumunganga na lang sa sofa.

And for Maxxine's question, bakit ko sya papansinin? Hindi nya ako sinabihan na hindi sya papasok, he had a date with a Wilson na ako lang ang nakakaalam sa mga kaibigan ko and yet narito sya sa harapan ko, umaasang kakausapin ko sya na parang walang nangyari. I'm sorry but I'm still on guard, hindi ako magbubulagbulagan. I will never stood to that level just to be with someone.

"Kanina pa sya titig na titig sayo." puna ni Bianca

"Did the two of you have a fight?" umiling ako sa tanong ni Maxxine

Nanatili ang tingin sa akin ni Maxxine, tila hindi naniniwala sa sagot ko. Hindi ko na lang iyon pinansin at pinakinggan na lang ang kwento ni Bianca.

Pinahiram ako ni Maxxine ng notes kaya umakyat ako para kuhanin ang aking bag sa kwarto at sa baba ko na iyon icocopy. Nasa coffee table kaming dalawa ni Maxxine ng maisap ng iba na gawin ang assignment sa Literature. Tungkol sa poem ng sikat na poet sa Pilipinas.

Lumipat kami sa study room dahil hindi sapat ang coffee table para sa aming walo. May malaking lamesa sa gitna at sampung tao ang pwede doon. Puno ng libro ang paligid at may malaking dictionary sa gitna na mas matanda pa sa akin.

Umupo na sila habang ako naman ay kinuha muna ang remote ng aircon sa cabinet para buhayin ito. Pagkabalik ko sa lamesa ay iyong upuan sa gitna nina Johansson at Maxxine habang iyong isa naman ay sa tabi ni Austin na puno ng bag nilang lahat.

Bumugtong hininga ako. Of course, everyone will think the same way. Na kailangan katabi ko ang dalawang taong pinakamalapit sa akin. Whatever.

Hindi ko sinuklian ang titig ni Johansson habang naglalakad ako palapit sakanya. Hinawakan nya ang upuan na para sa akin pagkatapos ay tinulak ito, making it easier for me to sit.

Tumikhim ako at umupo doon. Walang alinlangan nyang kinuha ang bag ko at nilagay iyon sa harap nya kasama ang kanyang bag. Tumikhim ulit ako at hindi iyon pinansin. Kinuha ko ang copy ni Maxxine ng tula at sinimulang basahin iyon.

Para sa aming assignment ay kailangang intindihin ang tula at alamin kung sino ang persona, addressee at setting ng tula. May ilan ring katanungan na kailangang sagutin in essay form.

Kumunot ang noo ko habang binabasa ang tula, it's too deep that we have to search for each words.

Habang kami dito ay hirap na hirap intindihin ang assignment, ang katabi ko naman ay laptop ang inaatupag. Answering e-mails na walang kinalaman sa assignments namin.

Umiling ako. Ito ba ang way ng communication nila ni Kelsey? I didn't know that they are this formal.

"Do you want my help?" bulong ng katabi ko

"No thanks, I know what I'm doing." sabi ko ng hindi sya tinitignan.

"You're ignoring me." tumikhim ako. Hindi iyon tanong kaya hindi ako magsasalita para sagutin iyon. Sana hindi marinig ni Maxxine ang bulungan naming dalawa.

"And you are sick because?" nanatili akong nakatitig sa aking papel at hindi sya nilingon

Nilagay nya ang kanyang kamay sa aking noo na agad kong iniwasan. Natigilan sya at mukhang naoffend sa ginawa ko, ramdam na ramdam ko ang titig nya sa akin at dahil sobrang lapit nya ay hindi ako komportable. Pakiramdam ko ay bumalik ang sakit ko.

Ilang minuto ang nakalipas nang natapos ako pero hindi ako sigurado sa huling sagot, I'll just make a research later. Tinawag ako ni Bianca na tatlong upuan ang layo sa akin, inayos ko ang mga gamit ko sa mesa bago tumayo para tulungan sya sa kanyang assignment.

"This paragraph means that the persona has a miserable life and he compares it to the wave..." nakinig na rin ang iba sa explanation ko, bahagya akong natigilan ng makitang pati si Johansson ay nakikinig sa akin.

Hati kami sa upuan ni Nick, pumalakpak sya pagkatapos kong ipaliwanag sakanila iyong tinatanong ni Bianca, agad ko syang siniko para matigilan.

"How about the last question, Tiara?" tanong ni Shaira. Tumingin ulit silang lahat sa akin, naghihintay ng sagot. Nag-kibitbalikat ako, I'm not sure about the last number...

"Iyong sagot ko lang ay iyong nasa third sentence sa last paragraph, I didn't justify my answer." sagot ko kaya napatingin sila sa kanilang copy ng tula habang si Johansson naman ay sa papel ko ang tingin.

Pinagmasdan ko kung paano sya kumuha ng papel at ballpen at may isinulat doon. Hinayaan ko na lang at tinulungan si Bianca sa pag contruct ng kanyang sagot.

Pinatapos ko silang lahat bago ako bumalik sa pwesto ko, may nakita akong piraso ng papel sa tabi ng aking pen. Kinuha ko iyon at binasa.

Naroon ang kumpletong sagot sa huling tanong, all capitalized letters at ganoon ang sulat kamay ni Johansson kaya napalingon ako sakanya. Kinuha nya ang mga gamit ko sa lamesa pagkatapos ay nilagay sa loob ng aking bag. Hinayaan ko syang gawin iyon at nauna ng lumabas ng silid.

Pumunta ako sa kusina para sabihan sina Manang na ihanda na ang hapunan sa garden. The long dining table would just intimidate us.

Tinulungan ko sila sa paglabas ng mga pagkain patungong garden, may malaki kaming bar counter sa gilid ng pool kung saan lagi sina Daddy kasama ang kanyang mga kaibigan, may malaking table sa tabi at doon ko naisipang ilapag ang mga pagkain kesa sa gazebo na kailangan pang buksan ang ilaw dahil nasa dulo iyon. Besides, the view here is better. You can see how amazing the landscape is, plus the pool.

Pinatawag ko kay Manang Lucy ang mga kaibigan ko habang ako naman ay pinuntahan ang tanggapan ng bisita ni Daddy kapag wala sya sa kanyang building.

Nang makitang nakapatay ang ilaw ay tinawagan ko si Mommy kung uuwi ba sila para pagsabihan si Manang Lucy na magtabi ng pagkain para sakanila

"No, darling. Mag-didinner na lang kami ng Daddy mo sa restaurant malapit dito."

"Okay po, My. Ingat po kayo. Love you." sabi ko

"Love you too, your sister will not be home. Nasa bahay sya ng kaibigan nya."

Pagkatapos ng tawag ay bumalik ako sa garden at nakitang naroon na silang lahat. Bumugtong hininga ako ng napagtantong katabi ko nanaman si Johansson. Walang bakas na saya sa aking mukha ng umupo ako sa tabi nya at ni Maxxine, gusto kong makipagpalit ng pwesto kay Nick but that would give them ideas. I don't want them to know that there's something wrong with me at ayokong sabihin sakanila ang rason kung bakit ako nagkaganito.

"Oh bakit ang bagal mong kumain?" puna ni Maxxine sa kaharap nyang si Karlie, diretso ang tingin ko sakanyang plato na dapat ay tapos na at kukuha sya ng extra rice. Nakakapanibagong hindi nya pa nakakalahati ang kanyang pagkain.

"Dahil ba narito si Austin?" umiinom si Karlie ng tinanong iyon ni Nick, nasamid sya at may lumabas na tubig sa bibig nya dahilan kung bakit kami nagtawanan.

"Uy ano ba! Nakakahiya!" sigaw ni Karlie habang pinupunasan ang damit nyang mas basa. Pulang pula sya at hindi makatingin sa banda ni Austin. So totoo nga? Na may gusto sya kay Austin? Sabagay, gwapo nga naman si Austin. Paniguradong pati si Nick ay patagong pinagpapantasyahan ang kaibigan namin.

Tinignan ko si Austin na nasa kaibilang dulo, napatingin rin sya sa akin. Nag-thumbs up ako sakanya para tanungin kung okay lang sya, baka kasi hindi nya nagugustuhan ang biruan naming ganito. Tumango sya at tumawa nanaman sa asar ni Nick kay Karlie.

"Tss..." napaupo ako ng maayos ng marinig iyon sa katabi ko, bahagya na lang akong tumawa ng mapansin na lahat kami ay tumatawa pwera sa taong katabi ko.

Patuloy parin nilang inaasar si Karlie na ngayon ay nahihiya ng kumain. Binaba ko ang tingin sa pagkain ko, there's beef steak and mushroom soup. Itinabi ko ang beef steak at hinigop na lang ang mainit na mushroom soup. My appetite is still not back kaya ang gusto ko lang ay iyong mainit na sabaw.

Nasa kalahating bowl na ako ng biglang pinagpalit ni Johansson ang aming plato ng steak kung saan ang kanya ang naka-slice na. Nilingon ko sya at itinuro lang nya ang steak na nasa harap ko ngayon.

"Eat this, hindi ka mabubusog sa soup lang." ngumuso ako. Kahit sabaw lang ay pakiramdam ko busog na ako, paano pa kaya kapag steak?

"Kapag hindi mo kinain yan ay susubuan kita." sabi nya at kukunin na sana ang tinidor ko pero inunahan ko sya. Hell no, I won't allow that to happen.

Nakatatlong maliit na piraso ako ng steak bago ako tumigil. Tapos na rin silang lahat at hinihintay na lang nila akong matapos kumain.

Ngumiwi ang mga babae ng biglang bumuhos ang malakas na ulan at dahil medyo malayo ang pwesto namin sa bahay sa parking lot ay kailangan naming takbuhin ang distansya o tawagin sina Manang para kumuha ng payong.

Sa katarantahan dahil sa lakas ng ulan ay hindi na nila naisipang maghintay para sa payong, dali-dali nilang nilusong ang ulan at tumakbo palayo ng bahay. Susunod na sana ako ng biglang hinigot ni Johansson ang aking kamay para sumilong ulit.

"Johansson! Kapag hindi pa tayo tatakbo ngayon ay mas lalong lalakas ang ulan." sigaw ko habang pinagmamasdan ang mga kaibigan ko na kumakaway na sa amin, siguro nagtataka kung bakit hindi pa kami umaalis dito

"Alam ko pero sana alam mo ring may sakit ka pa at hindi ka pwedeng magpaulan." sabi nya at tinanggal ang kanyang coat na parte ng kanyang uniporme, nilagay nya iyon sa taas ng ulo ko pagkatapos ay sabay kaming lumusong sa ulan.

Habang naglalakad ay inangat ko ang tingin sakanya, unti-unti syang nababasa ng ulan, nakakunot ang kilay nya at his hair still remains the same kahit na nababasa rin ito ng ulan. Nakaakbay sya sa akin habang hawak ang kanyang coat dahilan kung bakit amoy na amoy ko ang bango nya.

Napapikit ako, it can't be right? He's not like other men, Tiara. He can't do that to me, kung totoo ngang may namamagitan sakanilang dalawa ni Kelsey ay sa dinner party palang ay hindi nya ako pinakilala bilang girlfriend nya at si Kelsey dapat ang kasama nya at hindi ako.

I will trust him as long as I can. Alam kong hindi nya iyon gagawin sa akin. Those girls were just giving me thoughts that would break my trust to Johansson at hindi ako makapaniwalang muntik na akong mauto sakanila.

Continuă lectura

O să-ți placă și

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
20.3K 776 56
Chiara has one mission, mapa-oo ang masungit na may ari ng maliit na farm na nasa gitna ng property ng mga Kim's para matuloy ang expansion ng hotel...
August and Apple De Reynald

Ficțiune adolescenți

1.1M 22.1K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
59.9K 2.1K 59
Brex Louie Ortegas is the most rude, harsh and foul-mouthed, U-Prince Ambassador from the faculty of Fine arts, who always rejected the love confessi...