Marry You

By pinkyjhewelii

21M 304K 51K

│PUBLISHED│ Tigers #2 Lance Abellano More

MARRY YOU
Chapter 1 ♥ Meet Yumiko
Chapter 2 ♥ Meet Mr. Cold
Chapter 3 ♥ First Meeting
Chapter 4 ♥ Kiss Stealer
Chapter 5 ♥ Ipis
Chapter 6 ♥ Bar
Chapter 7 ♥ Meet Enrique
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 ♥ My Fault
Chapter 44 ♥ Cry
Chapter 45 ♥ End
MUST READ

Chapter 34

348K 5.3K 586
By pinkyjhewelii

Yumiko POV

Sabado ngayon. Walang pasok. Narinig ko kay Lance kanina, pauwi daw ngayon Papa nila. Nagkanda-delay-delay na nga pag-uwi non sa pagka-busy sa business nila.

Pero may naalala ako. Kakausapin nga pala ako ni Tito about dun sa pagpili ko ng fiance. Sabagay, kelangan ko paba pag-isipan yon?

Pero pag ganitong mag-isa napapaisip ako about Lance. Parang sumosobra na yung kahigpitan nya sakin. Yung tipong wala na akong social life. Tulad ngayon, hindi ko alam nasaan si Lance.

Sabi nya may pupuntahan lang sya saglit. Wag daw ako lalabas ng mansyon.

Daig ko pa nakakulong 'no? Diko gusto pagiging possessive nya. Nasasakal ako.

*tok tok*

Oh may tao. Binuksan ko pinto. "Hey Yumi! Papa is there na sa library, pinapatawag ka nya. See, he makes utos pa to me. I will make him tapon to pluto talaga."

"Wag ka ngang ganyan sa Papa mo."

"Whatever. Let's go na. Reid is wala pa eh." Sabi ni Fancy saka ako hinila sa braso.

Nakarating kami dito sa library. Pagpasok ko...

"Papa?" Hanla. Bakit andito din si Papa. Wala man lang sya pasabing uuwi din sya dito. Tapos andito na pala sya, di man lang ako pinuntahan sa kwarto?

Si Fancy di pala tumuloy dito sa loob. Iniwan ako. Bale kami lang dito tatlo nina Papa at Papa ni Lance.

"Anak." Niyakap ako ni Papa. Medyo naluha ako kasi naman namiss ko din Papa ko.

"Bakit ka umuwi? Wala ka man lang pasabi 'Pa."

"Urgent lang 'to iha. Kelanga---"

"Damn it! What's the meaning of this 'Pa!"

Si Lance bigla nalang sumugod dito tapos may dala sya envelope tapos nilapag sa table ng Papa nya. Galit itsura nya.

Lalapitan ko dapat sya kaso pinigilan ako ni Papa.

"Tutal andito kana din, sasabihin na namin sa inyo."

"PAPA!" Sigaw ni Lance. Natakot ako bigla. Galit na galit sya. Ano bang nangyayari?

"Makinig ka Lance!" Sigaw ng Papa ni Lance. Galit na din. Waa. Diko sila ma-gets.

Lumapit sakin si Lance pero naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sakin ng Papa ko. Bakit?

Yayakapin ako ni Lance ng...

"Wag na wag mong hahawakan ang anak ko."

Napatingin ako kay Papa. Dilat na dilat mata ko kasi hindi ko talaga ma-gets ang nangyayari.

"Babe..." Naiiyak nako. Si Lance di nya ako hinahawakan. Lumayo din sya sakin. Nakatungo sya at hawak ang ulo nya.

Ano bang meron kasi.

Si Lance nagdabog ulit. "Damn! Pa! Sabi mo itatagpo ko lang sa kliyente ang envelope na yan! Tapos malalaman ko na ang laman nyang envelope na yan ay ang lahat ng tungkol sa magiging bagong fiance ko? At hindi kliyente ang pinatagpo nyo sakin kundi pamilya ng magiging fiance ko! Damn it 'Pa! May fiance nako! Si Yumiko yun!"

Kusang tumulo ang luha ko sa narinig ko mula kay Lance. In-arrange sya sa iba? Anong ibig sabihin nun? Bakit? Ibig sabihin di na ako yung fiance nya? Panong...

Tumingin ako kay Papa. "What's happening 'Pa.."

"May alitang nangyari samin. Pumunta lang ako dito para sunduin ka anak. Di mo na fiance ang anak ni Mr. Abellano. Cancelled na ang arrange marriage nyo. Kunin mo na gamit mo para makaalis na tayo."

"Damn it! Please sir wag. Wag nyong isama si Yumiko. Sya ang fiance ko! Sya ang pakakasalan ko!" Sigaw ni Lance saka mabilis na nilapitan ako at hinila mula sa Papa ko.

Nanlalambot ako. Di ako makapaniwala na nangyayari ngayon 'to. Diba dapat papapiliin lang ako ng Papa ni Lance? Bakit ganito? Bakit malalaman kong hindi ko na fiance si Lance at ilalayo na ako sa kanya?

Niyakap ako ni Lance. "Akin lang si Yumiko. Sya ang pakakasalan ko. Hindi ako magpapakasal sa iba at hindi ako papayag na makasal si Yumiko sa iba! Ipinagkasundo nyo na kami! Kung may alitan na nangyari sa inyo, wag nyo kaming idamay!"

Naiyak lang ako habang nakayakap kay Lance.

"Yumiko ayusin mo na mga gamit mo." Narinig kong sabi ni Papa. Kakalas na sana ako kay lance pero niyakap nya ako ulit ng mahigpit.

"No babe. Di ka sasama sa Papa mo. Hindi ka aalis dito. Babe..."

Ang bilis ng pangyayari. Bakit ganito? Bakit ganito nangyayari ngayon? Di ko matanggap.

"Iho, bitawan mo na ang anak ko kung ayaw mong magpatawag pa'ko ng pulis." Sabi ni Papa.

Pilit ako kumawala kay Lance pero wala. Ayaw nya ako bitawan. "Babe please, wag kang bibitaw. Please..."

Hindi ko kayang bumitaw. Hindi ko kayang iwan si Lance. Hindi ko kayang malayo sa kanya. Hindi ko matangap na cancelled na arranged marriage sa pagitan namin.

Yumakap ako ng mahigpit kay Lance. Napahagulhol na din ako ng iyak.

"Ssshhh... Babe, tahan na. Hindi ako papayag na ilayo ka nila sakin. Hindi." Sabi ni Lance saka naramdaman ko yung paghalik nya sa noo ko.

"Yumiko get your things now!" Kinabahan ako lalo nang marining yung sigaw na yun ni Papa.

"Lance hayaan mo na sya! May bago kang fiance! Cancelled na ang arrange marriage nyo!" Sigaw naman nung Papa ni Lance.

Lalo pa akong naiyak sa naririnig kong sigawan. Bakit? Paano nangyari 'to? Ang saya saya na namin ni Lance. Ba't ngayon pa? Bat ngayon pa ika-cancel? Sana noon pa nung hindi kami okay sa isa't isa.

"Hindi 'Pa! Si Yumiko lang ang fiance ko. Wala akong ibang pakakasalan bukod sa kanya." Sagot ni Lance na lalo pang humihigpit ang pagyakap sakin.

"Iho bitawan mo na ang anak ko. Kung hindi mo pa sya bibitawan, mapipilitan nakong tumawag ng pulis."

Pinilit kong kumalas sa yakap ni Lance. Alam ko pag seryoso si Papa. Gagawin nya kung ano ang sinabi nya. Ayokong mapa-pulis si Lance.

"Babe..."

Sheeet! May luha na din sa mga mata ni Lance. Hinawakan ko sya sa dalawang pisngi nya. "Palamigin muna natin sila. Ako pa din ang fiance mo babe. Kelangan muna natin sila sundin ngayon. We have to go. Ayokong tumawag pa si Pa---"

He kisses me. He kissed me torridly in front of our fathers. I respond. I love this man. Bakit kelangan nila ko ilayo sa kanya? Bakit kelangang magkaroon sila ng alitan? Hindi ba nila alam na nasasaktan kami? Sheeet lang!

"Yumiko!" Napapitlag ako sa sigaw ni Papa.

Tiningnan ko sa mga mata nya si Lance. "Babe hindi kita iiwan. Aalis lang kami ni Papa dito sa mansyon nyo pero ikaw pa din fiance ko. Ako pa din fiance mo babe."

Lance is crying. "Babe wag mokong iwan. Please..."

"Wala tayong magagawa sa nangyayari. Kelangan lang natin maging malakas." Sabi ko para mapalakas ang loob nya. "Aalis lang ako dito sa mansyon. Hindi ako aalis sa buhay mo."

He hugged me. "I love you babe. I love you. Tawagan mo agad ako. Sabihin mo agad sakin nasaan ka. Sabihin mo sakin mga nangyayari... please babe..."

"Opo babe. I love you too." Iyak pa din ako ng iyak. Feeling ko panaginip lang ang lahat. Hindi ko kaya na mawala sakin si Lance.

For the last time, he kissed me again. Passionately. "Ingatan mo sarili mo. I will call you. Aayusin ko 'to. Trust me babe. Just promise me na tatawagan moko at sasabihin ang mga nangyayari sayo. Okay?"

Tumango ako. "Okay babe."

Niyakap nya ulit ako ng mahigpit.

"Yumiko!!"

Napakalas ako kay Lance. Tiningnan ko sya. "We have to go."

Tumango sya sakin.

Pinaglalayo man kami ngayon, di ako susuko kay Lance. Sya lang gusto ko maging fiance. Sya lang.

Lumabas na kami ni Papa dun sa library. Hindi ko lubos maisip na aalis ako dito sa mansyon. Kinasanayan ko na'to. Kinasanayan ko ng kasama ko lagi si Lance.

"Papa.."

"Be strong Iha. Patawad anak pero kailangan mo ng tanggapin na hindi na sya ang fiance mo."

Yan ang huling sinabi ni Papa saka sya nanahimik hanggang maka-alis kaming tuluyan sa mansyon. Hindi ako papayag. Kung gagawa ng paraan si Lance, ako mismo gagawa din ng paraan. Ni hindi ako nakapagpaalam kina Fancy at James.

At di man lang ako nakasulyap kay Lance sa huling saglit.

Lance POV

"Damn it 'Pa! I love her! Sya lang ang gusto kong maging fiance!" Sigaw ko.

Diko matanggap ang nangyayari. Fuck. Parang gusto kong pumatay sa galit. Umalis si Yumiko. Umalis sya dahil kinancel nila yung arranged marriage sa pagitan namin.

"Watch your word Lance! Igalang mo ako!"

"Paano ko kayo igagalang kung kayo mismo hindi nyo ginagalang ang nararamdaman ko bilang anak nyo? Nakita nyo naman! Mahal ko si Yumiko! Mahal nya ako! Tapos nagkaroon lang kayo ng alitan, paghihiwalayin nyo kami? Ngayon pa kung kelang mahal na namin ang isa't isa? Kung paghihiwalayin nyo lang din naman kami, sana noon pa! Nung wala pa kaming pakialam sa isa't isa! Damn! Papa hinding-hindi ako magpapakasal sa kahit kanino! Tandaan nyo yan!"

"Lance! Sobra kana! Ama mo ko! Igalang moko!" Sigaw ni Papa. Alam kong masama yan sa kanya dahil may sakit sya sa puso pero hindi.

Hindi ako papayag sa gusto nilang mangyari.

"Igagalang ko lang kayo ulit kapag ibinalilk nyo sakin si Yumiko." Matigas na sabi ko saka lumabas na ng library na yun.

Dumiretso ako sa kwarto ko.

"Aaaahahhhhhh!!" Binasag ko lahat ng mahagip ko dito sa kwarto ko.

Tangna! Mababaliw ako pag tuluyan akong iniwan ni Yumiko. Tangna nila!

*tok tok*

Hindi ko pinansin yung katok na yun. Pinagbabasag ko lahat ng gamit. Pinagtutumba ko lahat ng makita ko dito sa kwarto.

"Bro!" Si James pala.

Napaupo ako sa sahig ng kwarto ko at nasabunot ko sarili ko.

"Bro anong nangyari?"

Umiyak ako. Umiyak ako, oo! Ano naman? Nasasaktan ako eh! Tch!

"Bro.."

Tinapik ako ni James sa balikat. Nanggigigil ako sa galit. Galit ako kay Papa. Galit na galit. Kunin na nya ngayon lahat sakin, wag lang si Yumiko. Wag lang sya. Wag lang ang babe ko. Wag lang ang babaeng mahal ko..

"Bro ano bang nangyayari. Bakit ganito ang kwarto mo?"

"S-Si Yumiko.."

"Anong nangyari kay Yumiko? Asan ba sya?"

Napansin ko nagdu-dugo pala kamay ko. Dahil siguro sa babasaging nabasag ko.

"Sinundo sya ng Papa nya. Kinancel nila ang arranged marriage. H-Hindi ko kayang mawala sakin si Yumiko."

"Ano? Ano namang nakain nina Papa at kinancel yun?"

Humihinga ako ng malalim. Hindi tumitigil ang pagtulo ng luha ko. "Nagkaroon daw sila ng alitan. Damn! Ba't kelangang maapektuhan ang arrange marriage? Tapos may kapalit na agad si Yumi? May bago na agad fiance? Damn it!"

"Bro kumalma ka muna. Siguradong si Yumiko nasasaktan din yun at the same time iniisip ka non."

Tama. Alam ko nasasaktan sya ngayon kaya dapat nasa tabi nya ko. Tangina.

I grabbed my phone and dialled Yumiko's number.

[Wag mo ng tawagan ang anak ko! ---Papa!]

Fuck. Papa ni Yumiko ang sumagot at narinig ko pa sa backfround ang boses ni Yumiko. Damn! Mababaliw ako! Hindi ako papayag sa ginagawa nila samin.

Hahanapin ko si Yumiko. Hahanapin ko sya.

Tatayo sana ako pero pinigilan ako ni James. "Bro, ayusin mo muna sarili mo."

Tumango ako habang lumuluha pa din. "I need to find her. I need her. She needs me." Sabi ko.

"Tutulungan kita Bro basta ayusin mo muna sarili mo."

Buti andito kapatid ko. Damn! Itataga ko sa bato, makakalaban ako ng Papa ko pag hindi nya binalik dito si Yumiko.

Damn it!


Yumiko POV

"Papa mahal ko si Lance. Bakit ngayon nyo pa kinancel? Bakit ngayon pa?" Iyak ako ng iyak dito kay Papa. Tumuloy kami sa isang hotel. Dito daw muna ako mag-stay. Sya kelangan nyang bumalik sa Japan dahil sa business.

Aayusin pa daw nya mga papeles ko para bumalik ako Japan. Dun na daw ulit ako.

No. Ayoko. Ayokong malayo kay Lance. Pag binalik nila ako sa Japan, siguradong ia-arranged na naman nila ako kung kani-kanino.

"Sorry iha pero kalimutan mo na ang lalaking yun."

Umiling ako. "No 'Pa. Ayoko. Sya lang gusto ko." Hagulhol nako sa pag-iyak. Kasi naman nasasaktan na talaga ako.

Parang diko kaya na tutulog ako sa gabi na hindi ko katabi si Lance, na gigising ako sa umaga na mukha ni Lance ang una kong makikita, yung sabay kaming pumapasok at umuuwi, yung nagkukulitan kami at nagba-bonding lagi sa kwarto nya, yung sabay kaming kakain, yung magkasama kami all the time..

Diko kaya. Sanay nako sa presensya ni Lance. Di ako papayag na ilayo nila ako.

Iniisip ko, oo nga't makikita ko pa din si Lance pero hindi na tulad dati na magkasama kami sa bahay, na mag-fiance kami. Ngayon..

Wala na...

"Ayusin mo sarili mo. Mamaya din ang flight ko pabalik ng Japan. Dito ka titira sa hotel na'to. Iwasan mo na ang lalaking yun dahil ipapaalala ko sayo, hindi na kayo mag-fiance."

Hindi nako sumagot. Naiinis ako sa kanila. Hindi nila iniisip ang nararamdaman namin. Business nalang palagi ang umiikot sa isip nila.

Dumapa ako sa kama saka nagtaklob ng kumot. Yung phone ko kinuha ni Papa kanina pero ibabalik naman siguro mamaya bago umalis.

Pag-alis nya mamaya, makikipagkita ako kay Lance. Diko sya kayang tiisin. Alam kong dina ako makakapunta sa mansyon nila dahil sa Papa nila, pero at least makikita ko pa din sya kahit saang lugar.

Simula na ng kalbbaryo ko. For sure magiging malungkot ang buhay ko. Uuwi ako dito sa hotel ng mag-isa? At ano? Mag-isa akong matutulog? Mag-isa akong kakain? Mag-isa akong papasok? Mag-isa akong uuwi? Mag-isa akong nakakulong sa kwartong ito?

I want Lance....

Continue Reading

You'll Also Like

8.1M 10.7K 6
A love story between friends. Cliche? Yes, but Jeri loved him so bad that she can do anything and will do anything for her love. Unselfishly. ...
1.7M 75.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
The Substitute By Pinky

General Fiction

1.1M 8.7K 5
Nagsimula sa pagpapanggap dahil sa isang pabor. Pumabor din kaya si Kupido at ang tadhana?
86.9K 2.4K 7
Classmate ko na siya last year at seatmate pa. Pero never niya akong kinausap. Di naman siya suplado, ayaw lang siguro niya sa maingay na katabi. M...