Famous Meets Bad Girl (Publis...

By SweetAdmirer

29.8M 609K 121K

Published under Pop Fiction. Available at bookstores/convenience stores nationwide for 195php. Taglish. Compl... More

Chapter 1 - The Encounter
Chapter 2 - Scholarship
Chapter 3 - Princess
Chapter 4 - Detention
Chapter 5 [1] - Naked
Chapter 5 [2] - Bad
Chapter 6 - Dreams
Chapter 8 - World War 4
Chapter 9 - Announcement
Chapter 10 - Boys Talk
Chapter 11 - Past
Chapter 12 - Gas Station
Chapter 13 - Catwalk
Chapter 14 - Text
Chapter 15 - First Class
Chapter 16 - Call
Chapter 17 - Trunks
Chapter 18 - Threat
Chapter 19 - Like a Boss
Chapter 20 - Kid
Chapter 21 - Ceasefire
Chapter 22 - Mad
Chapter 23 - Deal
Chapter 24 - SPG
Chapter 25 - Clarification
Chapter 26 - Big Day
Chapter 27 - Duet
Chapter 28 - Anger
Chapter 29 - Mess
Chapter 30 - Savior
Chapter 31 - Good Side
Chapter 32 - Uyy!
Chapter 33 - Wtf
Chapter 34 - Bar
Chapter 35 - Huli Ka!
Chapter 36 - Island
Chapter 37 - Grabe
Chapter 38 - His Warning
Chapter 39 - LAME TO!
Chapter 40 - Sexy
Chapter 41 - Quest
Chapter 42 - Serious
Chapter 43 - Overthinking
Chapter 44 - Confusions
Chapter 45 - TV
Chapter 46 - Chase
Chapter 47 - Hanky
Chapter 49 - Risk
Chapter 49 - Stranger
Chapter 50 - Secret
Chapter 51 - Heartbreak
Chapter 52 - Agony
Announcements
Chapter 52.5 - Dumbfounded
Chapter 52.5 - Revelation
First Part of the Last Chapter
Last Chapter
Epilogue
Admirers
Announcement
Author's note
ABOUT THE BOOK TWO
PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA

Chapter 7 - Classmates

534K 10.8K 1.5K
By SweetAdmirer

Chapter 7

Nagising ako ng 5am. Ang aga 'no? Gan'yan talaga kapag maganda, maagang nagigising. Gulat naman kayo? Walang koneksyon 'yan.

Kinuha ko yung thermometer at isinaksak sa p'wet ni Terrence. Pero s'yempre joke lang. Digital thermometer lang 'to at hindi anal. Hahaha!

Tinaas ko yung kilikili nya. Amuyin ko kaya? Joke!

"Check ko lang temperature mo.." sabi ko. Umupo ako sa tabi n'ya.. At nilagay na 'yung thermometer sa kilikili n'yang mabantot. Haha! Joke lang! Alaga siguro 'to ng derma n'ya? Ang puti!

"Bumaba naman na ang lagnat mo. . . sayang naman." nag-snap pa ako ng fingers.

"Talikod ka nga sa akin hoy!" nakapikit pa s'ya at parang walang pakialam sa paligid n'ya. Kaya sapilitan ko s'yang itinagilid. May ichecheck lang naman ako.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Tanging lampshade lang ng kwarto n'ya 'yung bukas. Natulog pala ako sa tabi n'ya, 'wag kayong OA! May nakaharang na unan sa pagitan namin. Naduwag lang ako sa lintek na devil's hour na yan. Sisihin ang mga pinapanood kong horror movies, bwisit!

"Hoy papalitan kita ng damit! Pakers ka!" kumuha ako ng isang white t-shirt 'yung cotton. Basa kasi s'ya ng pawis..Pinalitan ko na s'ya. Tumabi na ako at natulog ulit. Waaah! Nakakapagod talaga ngayon. Puyat na puyat pa ako.

zzzZzz..

"AHH! ANO BA?!" sigaw ko. May mabigat na nakapatong sa dibdib ko. Pagtingin ko sa parteng dibdib ko ay nakita ko ang isang kamay na nakapatong doon, kaagad tumaas ang lahat ng dugo sa mukha ko.

"WAH! ANG MANYAK MO!" sabay hinampas ko 'yung kamay n'ya. Halos maputol ang litid ng vocal cords ko.

"WAH! ANONG GINAWA MO SA AKIN?! ANG MANYAK MO!" sabay binato ko sa kan'ya ng mga unan. Wala akong paki kung may lagnat pa s'ya basta ang alam ko ay kailangan kong saktan s'ya.

"ANO BA?! ANONG PROBLEMA MO AT NAGSISIGAW KA JAN?!" sabi n'ya. Aba pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa kanya, sisigawan n'ya pa ako. Pagkatapos n'yang hawakan ang mga bagay na hindi naman dapat hawakan ay ganoon na lang ang sasabihin n'ya?

"AT IKAW PA ANG MANINIGAW HA?! ANG MANYAK MO! HINAWAKAN MO ANG BOOBS KO!" sabay takip ko sa dibdib ko gamit ang isang unan.

"HINDI KO GINUSTO YUN! TSAKA ISA PA, WALA NAMAN AKONG NARAMDAMAN... MERON BA?" naglalaro sa mga labi n'ya 'yung smirk na 'yan. Mas lalo atang tumaas ang dugo ko, hindi sa kahihiyan bagkus sa galit ko sa kan'ya.

"ARAY! WALANGYA KA TALAGANG BABAE KA!" sigaw n'ya. Buti nga, sapul sa ulo ng 12 inches na vase. Hahaha! Joke lang, sapul s'ya ng sapatos n'ya. Hinaplos haplos naman n'ya 'yung ulo n'ya. Mabuti na lang talaga at expert ako sa pagbato.

"Hoy mukang okay ka na. Alis na ko..Hindi pa tayo tapos, ang manyak mo." inirapan ko s'ya at nagmadaling lumabas ng kwarto n'ya.

"Bakit? Ayaw mo ko gumaling para makatsansing ka sa akin?" he said without regret. Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Wala ng mas yayabang pa sa kan'ya.

"Ang kapal mo! Peste ka! Pakibuksan ang pinto ng makaalis na ko. Kailangan ko pang magpaliwanag ng mahabang mahaba sa Papa ko. Panira ka kasi eh! Sh-t lang!" inis na sabi ko. Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng panget n'yang pagmumukha.

"Hatid na kita.." sabi n'ya. Weh?

"Wow! Hatid your face! Kaya ko ang sarili ko. Kung gusto mo, bigyan mo na lang ako ng pamasahe.." actually, may pera pa naman ako. Hindi ko lang talaga gagastusin. Nakahawak sa bewang 'yung isa kong kamay habang 'yung isa ay nakalahad at naghihintay ng pera.

"Tss.." lumapit s'ya sa akin at nilagay yung P1000.00

"Hoy! Halimaw! Ang laki naman nito! 100 lang! Kainis 'to!" sabi ko sabay abot sa kan'ya ng isang libo n'ya.

"Yan lang barya ko, e." walang ganang sagot n'ya sabay higa sa kama n'ya.

"Kbye!" nagsalita s'ya para mabuksan ang pinto. Lumabas na ako at umuwi na.

***

Pagkatapos kong bumaba sa isang taxi ay dumeretso na ako sa loob. Ay, kinakabahan talaga ako. For sure, magagalit si Papa.

"Papa.." bungad ko sa kan'ya. Nakunot 'yung noo n'ya at napalingon sa akin. Eto na nga ba ang sinasabi ko. Patay ka Trish..

"Kumain na ba kayo Pa?" nag-pasweet pa ako. Sabay upo sa tabi n'ya. Nasa sofa kasi s'ya at nagbabasa ng dyaryo. Nakita kong itinupi nya yung dyaryo. Oh no! Baka ipukpok nya sa akin 'to.

"Papa! Wait chill lang! Magpapaliwanag po ako!" sabi ko naman. Tumingin si Papa sa damit ko. Patay! Isinuot ko kasi 'yung damit ni Terrence. Kasi naman nakauniform ako.

"A-ano P-papa! Hiniram ko 'yung damit kay Te- a- ano sa kaklase ko! Tama sa kan'ya! Diba nga po kasi nakauniform ako? So 'yun! Gumawa po kami ng project.." I lied. Patawarin nyo po ako Lord. Nagsinungaling ako. Wah! I hate this!

"Ok. Now, go to your room. Fix yourself. May pasok ka pa diba?" sabi n'ya. Thursday pa nga pala ngayon. Sakit sa bangs!

"Okay Pa.." sabay halik ko sa pinsgi n'ya. Ngumiti ako sa kan'ya ng pagkalawak lawak, "Pa! Balita ko..ah wala.." balita ko makakarecover na ang kompanya natin.

***


Guzman University

Para akong zombie na naglalakad. Taas noo akong bumaba sa taxi na sinakyan ko. Sensya! Mahirap ang estado ng buhay namin ngayon. Kaya ganun. Papasok na lang ako ng gate ng tinitigan ako ng guard na mukang ipis mula ulo hanggang paa.

"May ano manong? Makatitig ka sa akin? Anong meron? Pakicheck na po ang bag ko.." sabi ko sabay bukas ng bag ko.

"Naninabago lang ako sa'yo ija, ang laki ng eyebags mo e.." sabi n'ya naman at talagang takang taka s'ya sa itsura ko ngayon. Hindi naman ako pumangit dahil never akong papangit.

"O-okay.." sabi ko at umalis na sa guard house na yun. Sitahin ba naman ako tungkol sa masagana at healthy kong eyebags? Tiningnan ko ang reflection ng mukha ko sa front cam ng phone ko.

Tama nga si kuya, nakakapanibago. Ngayon ko lang naexperience yung ganito. Nabawasan ang kagandahan ko. Konti lang. Pero kahit tingnan mo! Cute kaya!

Mga 100 meters at 5 inches and .25 centimeters na lang siguro at nasa engineering building na ako. Gan'yan ang mga engineer, magaling sa sukatan. Huwag mo na itanong kung paano ko nagawang sukatin yun, instinct lang.

Biglang nagpantig ang tenga ko sa mga narinig kong bubuyog sa harap ng rebulto sa Guzman University!

"Oh s'ya pala yung rank one ng engineering? Infairness, mukhang tao! Kala ko kasi sis, mala-beta-lafea lang! Hakhak!" sabay tawa ni ate na sobrang tangos ang ilong, squidward alert.

"Yah, s'ya nga 'yun and you bet, s'ya din ang nanampal kay baby Terrence! Gan'yan pala sya noh? Matalino pero masama ang ugali. Bakit hindi n'ya kaya gamitin yung katalinuhan n'ya sa mabuti. Tss poor girl!" sabi ni ate na may pailing iling pa. Let's call her Sandy, yung sandy sa spongebob, laki ng ngipin eh.

"Bravo! That is so amazing girls! Hindi ko narinig ang pag-uusap nyo! Clap clap for that!" pumalakpak pa ako ng bongga habang papalapit sa kanilang dalawa. Bigla naman umurong ang mga buntot at sungay ni sandy at squidward. Takot na lang nila sa kagandahan ko. P’wes walang maaapi kung walang magpapaapi.

"Lalakas n'yo makapagsalita noh? Pero pagkaharap n'yo... walk out lang? Because I'm kind, palalampasin ko pa 'to.."  nagkaripasan ng takbo yung dalawa. Dahil astig ako, naglakad na ako pabalik. Third floor again. Bakit kasi nasa third floor pa ang room namin? Nakakapagod kaya!

Pagkadating ko agad sa Engr. Bldg. Tinahak ko yung elevator. Tagalog yan para astig! Halos lumuwa lahat ng mata nila dahil nakakita na naman sila ng dyosa. Puno ang elevator kaya hagdan na lang ang ginamit ko.

Tamad na tamad akong maglakad. Isa pa ay inaantok ako to the infinite level, feel na feel ko ang pamimintog ng mga malulusog kong eyebags. Dapat talagang sisihin yung arogante at mayabang na lalaki na ‘yun. Habang naiisip ko kung bakit ko s’ya inalagaan ay bumabaliktad na ang sikmura ko. Imagine? Sa ganda kong ‘to ay inalagaan ko ang katulad n’ya? Just ew, ew talalaga!

Finally nasa third floor na ako. Kung kanina zombie lang ako. Ngayon naiiritang zombie na. 309, 'yan ang room ko. Pumasok na ako kaagad. Kaagad akong naglakad papunta sa upuan ko, umupo ako sa unahan. Yung favorite spot ko. Nakaupo naman ako kaagad. First row sa may kanan, pangalawang upuan sa dulo. Five minutes pa bago magsimula ang klase.

Wala akong katabi. Tss mga takot umupo sa unahan. Ano bang deal kung uupo sila sa uunahan? E, mas matututo pa nga sila dito kaysa naman na sa likod sila maupo, puero daldal lang ang kahihitanan nila doon. Maya may may tumabi na sa akin. Pagtingin ko ay nakita ko ang isa pang nakakairitang pagmumukha.

"Boo!" gulat n'ya sa akin. Nakunot naman ang noo ko. Tinaas ko yung kamay ko at tinakpan ang ilong ko.

"Ang baho ng hininga mo!" sabi ko sa kan'ya. Natawa naman ako sa kan'yang reaksyon. Pero joke lang, di naman mabaho, bango nga eh. Fine!

"Huwaahhhh..." sinapo n'ya pa ng palad n"ya ang hininga n'ya. Seriously, muk'a s'yang tanga. Patulan ba naman ang pang-aasar ko?

"Di naman mabaho. Nag-tooth brush kaya ako at nag mouthwash pa.." seriously? Naniwala s'ya sa sinabi ko? Kahit kalian talaga may mga taong hindi marunong tumanggap ng joke.

"Malay ko bang maniniwala ka? Haha! Kung nakita mo lang reaction mo, that was a blast! Haha!" pumalakpak pa ako habang s'ya naman ay sumimangot.

"Heh! Muka kang zombie Princess!" pagpuna n'ya sa mga malulusog kong eyebags.

"I know Liam. So shut up!" sita ko sa kan'ya. Nag-cross arms ako at inirapan s’ya.

"Doon ka nga sa likod. Makikinig ako sa prof. Ayaw ko ng maingay!" protesta ko. Ayaw ko pa naman na habang nagkaklase ay may gumugulo sa pakikinig ko. Nandito ako sa school para matuto at hindi makipagdaldalan.

"Oo na. I'll be quiet promise!" tinaas n’ya pa yung kanang kamay n’ya. Inirapan ko naman s’ya. Lagi na lang naeexercise ang mga eyeballs ko dahil sa mga salot na lalaki na ‘to. Kailan ba nila ako lulubayan?

"Ang korny mo!" After 5 minutes, putek. Dumating na din ‘yung prof namin. English chuchu. Taas noo s’yang pumunta sa harap habang bitbit bitbit n’ya ang kan’yang mga folders, bitbit n’ya din ang isang laptop at isang projector. Imagine kung gaano kalaki ang mga kamay n’ya?

"Okay class.. You have your new classmates.." inilapag n’ya ang kan’yang mag bitbit sa mesa. Ako naman ay nakaprenteng upo lang sa armchair at tahimik na nakikinig sa kan’ya.

Hindi naman ako nagulat sa sinabi ng professor naming na magkakaroon kami ng bagong kaklase. Kung angular man ako ay slight lang at hindi kagaya ng mga kaklase kong over ang pagkagulat. Nag-start na silang magbulung-bulungan hanggang umingay na ang buong klase.

"Actually, I think you know them.." sabi ng professor naming babae. Nagtuck in pa sya ng buhok sa tainga n’ya. Paano naman naming makikilala ‘yung mga transferees? Alam ba ni professor ang sinasabi n’ya? Kapag ‘yan ay hindi ko kilala, I swear lalapit ako sa professor ko ay i-qquestion ko ang sinabi n’ya. Hmm..

'How can we know them? Tss.' sabi ko sa sarili ko. Pero sa utak lang yun. Mahirap na kapag rumatrat na naman ang bibig ko.

"Introduce yourself boys.." sabi ni Ma’am. Sakit sa bangs ng patweetums na boses!  Bigla naming pumasok ang isang maputing lalaki, kulay pink ang buhok nito at may kagwap—ew! Hindi s’ya gwapo, mukha s’yang mayabang at arogante.

"Hi I'm Carl Gonzales. Hi new blockmates!" sabay nag bow pa s’ya ng ulo n’ya. Wait, I think I know him. Di ko lang maalala kung saan ko s’ya nakita. He looks so familiar. Well, it is not my business anymore. Bakit nga ba ako mag-aaksaya ng oras para kilalanin s’ya? Psh!

OMG! KAKLASE NA DIN NATIN S’YA?!

WAAAA! FAFA CARL! I LOVE YOU!

PA-AUTOGRAPH MAMAYA CARL!

Ano ba naman ‘yan? My fans agad? Sino ba yung Carl na ‘yan? Hindi porket gwapo ay gan’yan na ang reaksyon nila. Para silang mauubusan ng lalaki. Okay lang naman mag fangirl pero huwag naman yung OA na. Nakakasakit na sila sa mata.

"Okay..meet your next classmate. Please introduce yourself handsome.." sabi ni Ma’am ulit. Pumasok naman yung maamo ‘yung mukha, maputi, matangkad, at talagang magkapareho sila nung unang lalaking pumasok sa room. May kulay din ang buhok n’ya, plum ‘yung color. Kapansin pansin din ang pagkamisteryoso ng isang ‘to. Paano ko nasabi? Dahil sa instinct ko, maganda kasi ako.

"I'm Dominique Ignacio.." simple as that. Umusog s’ya sa tabi ng kulay pink ang buhok at tumingin sa kan’yang phone.

Sunod na tinawag ‘yung isa pang lalaki. Medyo may kaliitan s’ya kaysa sa mga naunang pumasok. Pero kung susumahin mo ang kagwapuhan ng isang ‘to ay may ilalaban naman s’ya. W-wait? Did I say gwapo? Binabawi ko na pala, mukha s’yang playboy na ewan.

"I’m Kurt Silva!" sabay kumindat s’ya sa mga buong klase. Kung p’wede lang talaga ako masuka ay nasuka na ako ngayon dahil sa sinabi n’ya. Puno s’ya ng kahanginan sa katawan n’ya, okay sana kung humble kahit paminsan minsan eh.

Isinaksak ko sa tenga ko ‘yung earphone. Makakinig na lang music. Puro kahanginan lang ang naririnig ko. Puro sigawan ng klase. Parang transferee lang? Sus! Tao di ‘yan. Pantay pantay lang tayo. Like duh! Tao din sila..kaya dapat ay pantay pantay ang pagtrato natin sa isa’t isa.

Ipinikit ko ang mata ko at ini-enjoy ang music. Bahala sila, wala ako time para sa mga gan’yang bagay. Basta ako, cool lang.

Kinakalabit ako ni Liam na naging dahilan para mainis ako. Inis ko s’yang hinarap na nakasalubong ang dalawang magaganda kong kilay. Nandoon na ako sa mataas na parte ng kinakanta ko. Ibibirit ko na, eh! Panira ng moment, nakakainis!

Tinaasan ko s’ya ng kilay, "Problema mo?" mahina kong sabi. Ayaw kong mag-eskandalo at mas lalong ayaw ko na marinig ng professor naming strikto ang pagkainis ko. Trip kong maging good girl sa kan’ya.

"Eto naman ang sungit… Tss di ka interesado sa kanila?" turo n’ya sa mga lalaking nasa harapan. Yung tatlong unggoy, yeah mukha silang unggoy. Mahirap talagang magcompliment sa mga gwapo, I mean sa mga nasa harap ngayon. Nasesense ko na kapag nagcompliment ka sa kanila ay lalaki kaagad ang mga ulo nila.

"Hindi e. Sino ba sila?" simple kong sagot at tanong. Nakunot naman yung noo n’ya sa sinabi ko. May mali ba?

"Ow! Seriously di mo sila kilala?" pag-uulit n’ya na naman. Bakit hindi ba s’ya makapaniwala sa sinabi ko? Hindi ko na s’ya pinansin. Masyado na akong nastress at puyat na puyat pa ako. Isinaksak ko ulit ‘yung earphone sa kaliwang tenga ko at muli s’yang hinarap para sagutin ang tanong nya.

"No." walang ganang sagot ko. Ipinikit ko ulit ang mata ko. Bahala na. .wala akong pakialam sa kanila. Hindi naman big deal yung pagiging transferee nila. Whatever!

Tahimik lang akong nakikinig sa playlist ko. Ramdam na ramdam ko ang kanta ni Miley Cyrus. Habang busy ako sa pakikinig ay mas lumakas ang hiyawan at sigawan. Hindi ko parin pinansin at nagfocus ako sa pagkanta ko.

“Omg! Is he our new classmate too?!” narinig kong sigaw ng class beadle naming na si Tiara. Kahit kailan talaga ay walang makakatalo sa pagkadalahira n’ya. Halos aabot ang lakas ng boses n’ya sa kabilang building.

“Like omfg talaga! I can’t believe this!” may sumigaw na naman sa mga kaklase ko. Medyo naiirita na rin ako dahil hindi ko mapakinggan ng maayos ang pinapakinggan ko. Nakakainis to the point na gusto kong lumabas na ng class room at umuwi na sa bahay at magpahinga.

“AHHHH! OMYGHAD! IHHH!!” doon ko na idinilat ang mata ko dahil sa malakas na malakas na bunganga ng nasa likod.

Idinilat ko ng dahan dahan ang mga mata ko at ini-scan ang buong paligid. Napatingin ako sa harapan at nakita ko ang tatlong unggoy na lumalapit sa lalaking nakatalikod.

Dahan dahan na humarap ang lalaki at nakita ko ang pagmumukha ng isang halimaw, bigla na naming nag-init ang ulo ko ng makita ko ang halimaw n’yang mukha, “Hi! I’m Terrence Andrew Sy, your new classmate..” tinawag ko ang lahat ng santo at nagdasal n asana ay panaginip na lang ang lahat ng ‘to.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 25K 34
(PUBLISHED UNDER LIB) Isang BOY sa ALL GIRLS SCHOOL. Cute and playboy. Yan si Keifer Trunk. Mapipilitan siyang mag-disguise as a GIRL sa PRISTINE ACA...
141K 2.4K 30
Can love always win? How love conquer everything? Will you conquer everything to prove your love?
3.6K 159 10
Binasted ni Danica si Cielo nang mag-proposed ito sa kanya. Pero nang ma-realized niyang gusto rin pala niya ito, siya naman ang nagtapat. Laking gul...
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...