TBBS2: The Restaurateur's Bil...

Od lovelySharian

4.4M 86.4K 5.3K

2nd installment of The Billionaire Bachelors Series SCHULAIKA GONZALES, restaurateur and a chef. Sikat ang... Viac

DISCLAIMER
SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
PLEASE READ
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 30
PLEASE WAIT
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
PASASALAMAT
EPILOGUE

CHAPTER 29

65.8K 1.4K 173
Od lovelySharian

First and last ngayong araw. Tatapusin ko pa yung tula ko para mamaya. Hindi ko alam kung may update bukas. May quiz bowl kami -.- Mag-aaral ako mamaya. Yun lang :) Enjoy reading!

Unedited.

Nakatanga pa rin ako sa lalaking nagmamaneho ng sasakyan ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya.

"You look funny." pigil ang ngiting komento niya.

"Eh, ikaw kasi. Talagang ginawa mo yun? Tinotohanan mo?" nabibigla pa ring sabi ko.

He chuckled softly. "Ikaw lang, eh. Wala kang tiwala sa akin."

Pakshet lang mga bes! Bumili nga siya ng sasakyan sa Toyota kanina! Kagagaling nga lang namin dun, eh. Pero makukuha niya pa raw yung sasakyan after ilang weeks dahil ipa-process pa raw nila.

But all the while he was talking to the sales agent I was just gaping at him.

"Shet! Rich kid ka pala, Martin!"

Nahihiyang ngumiti siya. I even saw a tinge of red on his ear. Namumula pa ang lolo niyo! "Hindi naman. Nag-iipon lang talaga."

"Huu. Pahumble ka pa, dude! Mayaman ka talaga, eh!"

"Hindi nga. Nag-iipon lang kasi talaga. Iba naman yun sa mayaman, no."

"Mayaman ka nga kasi!"

Bumuntong hininga siya na para bang suko na. "Okay. Mayaman na ako."

"Sabi na, eh!" natatawang sabi ko. Aklain mo yun? Sumuko sa akin? Iba na talaga ang ganda ko. "Saan tayo pupunta?"

"Sa mall."

"Sa mall?!" gulat kong tanong. "Bakit sa mall? Nakashades ako, Martin! Magmumukha akong tanga kung papasok ako dun nang nakashades. Hindi ko naman pwedeng alisin to dahil makikita nila ang namumugto kong mga mata--"

"Sshh..." pagpipigil niya sa akin. "Sinong may sabi na papasok tayo? Sa labas lang tayo, no. Magbibilang lang tayo ng sasakyan sa parking lot." nakangisi niyang sabi.

Hinampas ko siya sa braso. Natatawang lumayo siya sa akin.

"Kainis ka!" nakasimangot kong sabi.

"Ito naman, di na mabiro. I just wantes to make you smile. Dahil mas bagay sayo ang nakangiti kesa sa umiiyak sa walang kwentang lalaki." seryoso niyang sabi.

Natahimik ako. Naalala ko na naman siya. Naalala ko na naman ang dahilan ng pag-iyak ko kagabi. Naalala ko na naman kung bakit ako nasasaktan. Naalala ko na naman na--

"Oh, shit! I'm sorry, Schulaika. I didn't mean to remind you. I'm sorry." hinging paumanhin ni Martin na halatang guilty.

Nginitian ko lamang siya at umayos na ng upo. Isinandig ko ang aking ulo sa bintana at doon itinuon ang pansin. I sighed.

Nararamdaman ko na naman ang pag-iinit ng mga mata ko. I shut my eyes tight as I willed myself not to cry.

Napuno ng katahimikan ang buong biyahe namin papunta sa mall. I thank Martin na hindi na siya nagsalita pa dahil hindi ko alam kung kaya ko pang pigilan tong mga luha ko once I speak. Ganiyan ako, eh. Kapag pinipigilan ko ang luha ko tapos may kakausap sa akin o kaya magsasalita ako, babagsak na lang sila bigla.

Makalipas ang ilang sandali ay naghahanap na ng mapaparadahan sa parking area si Martin. Tahimik pa rin kami hanggang sa makababa na kami sa sasakyan. Magkaagap kaming naglalakad papasok ngunit may sapat akong distansya mula sa kaniya.

Pagkadaan sa security guard ay nagtabi kaming muli. I felt his hand brush against mine kaya napaigtad ako at napalingon kaagad sa kaniya. He was just looking ahead but I can see that he wanted to do something. Pasimple akong lumayo ng kaunti. It felt awkward, really.

I heard him sighed. "Saan mo gustong kumain?"

Sasagot sana ako nang bigla akong bumangga sa isang tao. Kung hindi lang ako nakahawak rito para sa balanse ay matutumba ako. Naramdaman ko ang mainit niyang bisig na pumalibot sa aking bewang at likod para sa suporta. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang maamoy ang pabangong iyon.

Iisang tao lang ang may ganoong amoy.

Unti-unti akong nag-angat ng tingin mula sa kaniyang dibdib hanggang sa kaniyang mukha. Muntik na akong maiyak nang makita siya. Mabuti na lamang at napigilan ko at nakashades ako para hindi niya mahalatang may namumuong luha sa mga mata ko ngayon.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Lumukob ang kakaibang damdamin sa dibdib ko. I want to hug him and kiss him. I missed him.

Nakatitig lang din siya sa akin nang mataman. Seryoso siyang nakatitig kaya hindi ko alam kung masaya ba siyang makita ako o kagaya nang dati ay wala siyang pakialam. Ah, oo nga pala. Wala na siyang pakialam sa akin dahil bumalik na ang babaeng mahal niya.

"Oh my gosh, Schulaika! Are you okay?"

Napalingon ako sa nagsalitang iyon. Parang sinaksak ang puso ko nang malingunan si Nashien na nasa tabi ni Ian. Magkasama pala sila. I should have known. Iiwan ba naman ni Ian ang babaeng mahal niya? Hindi, di ba?

Inalalayan ako ni Ian patayo. Hindi ako makatingin ng dirertso sa kaniya kahit na ba may shades akong suot. Ngunit kahit ganoon ay ramdam ko pa rin ang panunuot ng titig niya sa akin.

Nabigla ako ng pinihit ako ni Martin paharap sa kaniya. Nag-aalala ang mukhang tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa tapos inikot pa ako ng ilang beses.

"Okay ka lang? Hindi ka nasaktan?" nag-aalalang tanong niya.

I smiled sadly at him. Double meaning ba yun? Dahil hindi ako okay at oo, nasasaktan ako. Sobrang sakit ang nararamdaman ko. Umiling na lamang ako at saka humarap sa dalawa.

I bit my lip when I saw the two so close to each other. I felt Martin grip my hand and I gripped it back tightly para doon kumuha ng lakas. I am grateful Martin is with me at this time dahil makakakuha ako ng lakas at alam kong may karamay ako.

Bumaba ang tingin ni Ian sa magkahawak naming mga kamay. Napahigpit lalo ang kapit ko sa kamay ni Martin. I saw how Ian's eyes darkened at the sight of our hands holding and I saw his jaw twitch as if he was not liking what he was seeing.

Pero bakit ganyan siya makaasta? Bakit ganiyan ang reaksyon niya? Di ba dapat si Nashien lang ang pinagtutuunan niya ng pansin tutal siya lang naman ang mahalaga sa kaniya, di ba? Nakalimutan niya ngang kasama niya pala ako kahapon.

Bitter? Hell, yeah! Now I understand why there are people who are bitter about love. Dahil masakit pala talagang magmahal ng taong iba naman ang gustong kapitan at makasama. Masakit makakita ng mga lovers sa tabi-tabi dahil naaalala mo ang sinapit ng sarili mong istorya.

"Hi, Schu!" masiglang bati ni Nashien.

Tipid na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. I waved a little using my free hand. "Hello."

Mabait si Nashien. Kahit kakikilala ko pa lang sa kaniya, nararamdaman kong mabait siya. Mukhang singit nga lang talaga pero mabait talaga. Kahit na gustong-gusto ko siyang lutuin sa pagbabalik niya ay hindi ko magawa dahil nga mabait siya. Dahil nga siya ang mahal ng mahal ko. Dahil alam kong malulungkot na naman si Ian kapag nawala siyang muli.

"Siya ba si Chef Martin?" tanong muli ni Nashien na nakangiting nakatingin kay Martin.

Nagkatinginan kami ni Martin. Parang nagtatanong kung paano niya nakilala ang lalaki. Sabay pa kaming nagkibit-balikat.

"Yeah. Martin, si Nashien nga pala. Nashien, si Martin." pagpapakilala ko sa dalawa.

"Nice meeting you." Martin extended his free hand to Nashien.

Ginagap naman ito ni Nashien. "Nice meeting you, too! Ang gwapo mo! Kamukha mo si Chris Evans! Captain America!" kinikilig na sabi ni Nashien.

Tiningnan ko si Martin. Pinakatitigan ko kung nagsasabi ba nang totoo si Nashien. Napataas ang kilay ko nang mapansing kamukha nga niya si Chris Evans a.k.a Captain America. Akalain mo yun? Bakit ngayon ko lang napansin?

"Nashien, your hand." ang biglang sabi ni Ian.

Napalingon kami sa kaniya at nakitang seryoso siyang nakatingin sa kamay ni Nashien at ni Martin. Muli na naman ang pagsalakay nang sakit sa aking dibdib. Possessive much, huh? Ayaw lang mahawakan ng iba ang kamay ng iniibig niya.

"Ooops! Sorry, Chef Martin! Ang gwapo mo, eh." natatawang sabi ni Nashien kasabay ng pagbawi ng kaniyang kamay. "So, nagde-date talaga kayo?"

Nabigla ako sa tanong niya. Sasagot na sana ako ng pigilan ako ni Martin sa paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

"Yeah. Namamasyal lang kami. Bakit?"

"Galing kasi kami sa restaurant mo, Schu. I wanted to eat sana kaya lang ang sabi naman nung isang staff mo wala ka nga raw tapos wala rin si Chef Martin kaya baka nga raw magkasama kayo."

"Pumunta kayo sa restaurant ko?" nagulat na tanong ko.

Nashien nodded. "Yep. I wanted to taste your cooking sana kaya lang wala ka raw so we decided na magmall na lang. Dito na lang kami kakain."

Napalingon ako kay Ian. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa amin--rather sa magkahugpong naming mga kamay ni Martin. Hindi ko na naman napigilan ang pagbilis ng tibok nang puso ko nang tumuon sa akin ang seryoso niyang mga mata. Nahigit ko ang aking hininga ng dumilim ang kaniyang mukha nang hapitin ako palapit ni Martin sa kaniya.

"Schu." Nilingon ko si Nashien. "Why are you wearing shades?"

"Ha? Ahm," Hindi ako makaapuhap ng isasagot. Alangan namang sabihin kong umiyak ako ng umiyak kagabi hanggang kaninang umaga kaya namugto ang mga mata ko. Tapos kapag nagtanong siya kung bakit, alangan namang sabihin kong dahil sa unrequited love ko kay Ian. Kaya imbes na sabihin ang totoo, naghabi ako ng kwento. "Kasi may dare si Martin sa akin. Iba-ibang klase ng shades sa loob ng fifty days ang kailangan kong suotin. You know, this is called the 'Fifty shades game'."

Binuntutan ko pa ito ng alanganing tawa. Peste! Ang pangit pa ng palusot ko.

Nashien looked as if she heard the most hilarious jokes of all times. Tumawa siya ng tumawa sa sinabi ko kaya nahiya tuloy ako. Napakamot ako sa likod ng ulo ko sa hiya sa mga pinagsasasabi ko. Shet yan! Ang baduy!

"Oh, God! Seriously?" natatawang tanong nito na nakatuon ang pansin kay Martin.

Martin just nodded kahit na ba may pigil na ngiti sa kaniyang mga labi. "Yes. I dared her and it is called the fifty shades game."

I smiled at Martin. Mabuti na lang talaga at kasama ko siya kung hindi magmumukha na naman akong tanga. Mabuti na lang at nandyan siya para damayan ako. Mabiuti na lamang at nandyan siya at sinakyan ang kalokohan ko.

"Wow! Ang galing naman!" Nilingon nito si Ian at kumapit pa sa braso nito. "Gawin din natin, Xian! Pero ikaw ang magshe-shades!"

"No." ang matigas na pagtanggi nito.

Ngumuso naman si Nashien at halatang nalungkot. Narinig ko pa ang pagbulong nito ng, "KJ!"

"Kain na lang tayo!" yaya nito maya-maya.

Nagkatinginan kami ni Martin. Ayokong sumamang kumain sa kanila dahil paniguradong masasaktan na naman ako sa makikita ko. Ayokong makita silang dalawa. Masakit na nga ngayon sa puso na makita silang dalawa sa harapan ko. Ayoko...

"Kasi, Nashien--"

"Any suggestions?" nakangiting tanong nito na pumutol sa sasabihin ni Martin.

"Sa McDo." ang sabi ko.

Sabay-sabay silang tumingin sa akin as if tinatanong kung tama ba ang narinig nila. I shrugged.

"McDo? Why there?" tanong ni Nashien.

Kasi gusto kong magmove on na. Tapos uupo ako sa may glass wall tapos magkakaroon ng background music na "Tuloy Pa Rin" tapos oorder ako ng burger!

"Because I wanted to eat the new Burger McDo made beefier and tastier than the previous recipe." ang sagot ko na lang. Ang pambansang pagkain ng pagmu-move on!

Kahit naguguluhan ay tumango lang si Nashien at niyaya na kami. Hinila na niya si Ian na nagpahila naman sa kaniya. Malamang.

I sighed as I watch their backs. They look good together.

"Sinasaktan mo na naman ang sarili mo."

Nilingon ko si Martin at nginitian ng malungkot. "Nasasaktan na rin naman ako, bakit hindi ko pa lubusin? Let's go."

Sumunod na nga kami sa dalawa.

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

357K 9.9K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
... Od Rhod Selda

Paranormálne javy

78.9K 2.8K 26
46.3K 952 34
A true Prince Charming who turned into a Heartless Devil VS A Weirdest Girl. This is the Side Story of Gabby Amoroso. Ang isa sa bestfriend ni Ace...
373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...