Paper Roses

By risingservant

29.9K 1.9K 742

A girl living in a simple life meets a guy who will make her life miserable. Hindi niya ito pinapansin dahil... More

Paper Roses
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17

Chapter 13

759 90 24
By risingservant

Hale's POV

Malapit na ang pasukan kaya excited na rin ako. Bakit? Kase mas nag-eenjoy ako sa school kasama ang aking mga tropa kaysa sa bahay na sobrang nakatatamad dahil wala man lang akong makausap ni isa. Paano ba naman super busy ni Dad sa trabaho at si Mom? I hate her! At bakit? Basta.

Kapag nakakakita ako ng isang buong pamilya ay naiinggit ako dahil mayaman nga kami at nakukuha ang lahat ng aking gusto kaso malungkot naman ang aming pamilya. Hindi man lang kami magkaroon ng bonding time, tapos hindi man lang kami sabay-sabay kapag kumain. Pagkagising ko pa lang sa umaga nandoon na sila sa mga trabaho nila sa aming kompanya at ako lang lagi ang kumakain mag-isa. Kalungkot 'no? Para akong pinabayaan at walang pamilya hindi gaya ng iba na mahirap man pero masaya dahil buo ang kanilang pamilya.

Isa pa itong si Ate Irah, dati noong nag-aaral pa siya in short noong nasa college pa siya at high school pa lang ako ay tinuturuan niya ako sa mga homeworks ko at lagi pa kaming nagkukwentuhan at marami siyang time para makapagbonding kami.

Kaso simula nang nakatapos na siya at nagtrabaho sa aming company ay nawalan na rin siya ng time sa akin. Sad to say na parang wala nang concern people sa akin at parang feeling ko ay walang nagmamahal sa akin. Pero napalitan ang aking lungkot nang kaunting ligaya nang maramdaman kong may nagmamahal din pala sa akin at pinahahalagahan ako noong tumungtong ako ng kolehiyo.

Wait isa pa, minsan nagseselos ako kay Ate Irah dahil parang paborito siya nina Mom and Dad dahil noong elementary at high school ay siya ang Valedictorian. Noong college ay Summa Cum Laude naman, lagi silang dumadalo at sila pa ang nagsasabit ng mga medalya ni Ate.

Pero ako, noong elementary ay Salutatorian lang ako at hindi sila um-attend sa graduation ko kaya napakalungkot ko noon, tanging si Ate Irah lang ang sumipot dahil busy raw sina Mom and Dad. Oo noon, nagkaroon ako ng hinanakit sa mga magulang ko pero sabi ni Ate ay babawi daw sina Mom and Dad pag-uwi kaso hindi na naman sila sumipot kaya malungkot na naman ako noon.

Nag-celebrate lang kami ni Ate. I'm so disappointed sa parents ko dahil mukhang mas mahalaga pa 'yung trabaho nila kaysa sa akin. Pero kahit na ganoon, ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob dahil ginagawa nila iyon para sa kinabukasan namin.

Pinagbutihan ko ang aking pag-aaral para makamit ko ang pagiging Valedictorian para naman matuwa sina Mom and Dad at para maging proud sila sa akin kagaya ng kay Ate. Noong graduation ng high school ay nakamit ko na rin sa wakas ang pagiging Valedictorian kaso hindi na naman sila sumipot kaya nagalit na ako sa kanila noon pero bumawi rin kaya naging masaya naman ako noon at hindi na ako galit sa kanila.

First day of school noong first year ako ay may nakita akong babaeng nakalupasay sa sahig at naputol ang takong ng kaniyang sapatos. Malamang niyan ay hindi niya kayang tumayo at nasaktan siya kaya tinulungan ko siya. Binuhat ko siya ng pangkasal at dali-daling dinala sa may clinic. Natawa ako dahil natulala siya noong makita niya ako, ganito ba talaga epekto ng charm ko sa mga babae? Maganda siya at mukhang anghel na bumaba mula sa langit at para bang ang gaan ng loob ko sa kaniya. Sa tingin ko nga ay crush ko na siya.

Wala namang masama kung magkaroon ka ng crush e... ito ay paghanga lamang at malayo sa love kaya huwag OA. First crush ko siya, sana malaman ko 'yung name niya. Mukhang... gusto ko siyang maging kaibigan.

"Tapos mo na ba akong inspeksiyunin?" sabi ko dahil habang bitbit-bitbit ko siya ay nakatitig siya sa mukha ko.

"Sabagay, sino bang hindi maiinlove sa akin sa guwapo kong ito?" dugtong ko pa sabay kindat sa kaniya at tila ba naging tuod itong babaeng ito dahil parang nanigas at hindi makakilos at parang napipi rin dahil wala siyang masabi sa akin.

"Don't worry, wala akong gagawing masama sa iyo. Dadalhin kita sa clinic dahil mukhang nagkaroon ka ng sprain kaya take a rest," turan ko at ibinigay ko ang aking pinakamatamis na ngiti. Ano kayang nangyayari sa babaeng ito? Hindi naman siguro siya praning. Noong nakarating kami sa clinic ay iniwan ko na siya at binilin sa nurse.

Kinabukasan after class ng aming first subject ay lumabas agad ako dahil nagugutom na ko at hindi pa ako kumakain ng breakfast. Pagkalabas ko at habang naglalakad sa may hallway ay may sumigaw na babae.

"Wait lang, Kuyang matangkad na nakabag ng jansport na kulay green! MR. HELPFUL!" Sigaw nito at napatingin naman ako sa sarili ko; matangkad check, naka-green na bag na jansport check, at helpful check kaya naman lumingon ako.

Napangiti ako nang makita ko 'yung babaeng tinulungan ko. Si crush, ano kaya ang kailangan niya sa akin?

"Ano kailangan mo sa akin MS. CLUMSY? Pakilakasan ang boses mo at baka hindi ko marinig!" Sigaw ko rin kaya nakahihiya na kaming dalawa. Nagulat ako nang tumakbo siya papalapit sa akin at bigla akong hinila sa kung saan man. Tapos, huminto kami sa may garden.

"Una sa lahat MR. HELPFUL ay gusto ko lang magpasalamat sa iyo sa pagtulong sa akin noong isang araw. Pangalawa, sana hindi ka na sumigaw pa dahil masyado tayong nag-iiskandalo sa hallway at huli ay huwag mo akong tawaging MS. CLUMSY! I have a name! Ako si Laira Flores just call me Laira," pagpapaliwanag niya sa akin habang nakatayo kami pareho may harap ng fountain.

Nakatutuwa naman siya, hindi man lang siya nag-alinlangan na kausapin ako gayong hindi naman niya ako lubusan na kilala.

"Okay, Laira. Huwag mo rin akong tatawaging MR. HELPFUL dahil nakahihiya. I have a name too! I'm Hale Iris Celestine just call me Hale. Walang Anuman," turan ko at binigyan ko siya ng aking matamis na ngiti na nagdulot naman sa kaniya ng kilig para mag-blush. At dahil namumula siya at nahiya sa akin ay kinaladkad na naman ako sa may canteen treat niya raw. Noong una ay ayaw ko dahil babae pa ang manlilibre kaysa lalaki awkward masyado kaso pinilit niya ako bilang pasasalamat niya raw kaya hindi na ako tumanggi.

Tapos naging magkaibigan kami hanggang tumungtong kami ng 2nd year kaso nag-iba ang pakikitungo ko sa kaniya dahil sa natuklasan ko.

Minsan ay nagkaroon ng problema ang aming pamilya na ikinagalit ko kay Mommy, halos kamuhian ko siya at hindi mapatawad dahil may ginawa siyang kasalanan.

Ngayon ay hindi ko na siya nilalapitan o kinakausap dahil mayroon akong mabigat na dahilan.

Ako si Hale Iris Celestine na anak ng may-ari ng isa sa pinakamalaking company dito sa atin bansa. 20 year old student taking up Business Administration Major in Entrepreneurship at graduating na ako.

---

Galing ako sa mall kasama ang aking tropa. Hindi kami namili kundi para tumambay at mag-enjoy ganoon kasi ang aming gawain kapag nagpupunta sa mall. Pauwi na ako noon nang maalala ko na may pinapabili pala sa akin si Ate Irah sa market. Kaya doon ako dumiretso at binili ang aking dapat bilhin. Dumaan ako sa book store para bumili ng school supplies at laking gulat ko ng mayroon akong nakitang paper roses na origami kaya hinayaan ko na lang. Siguro ay inilagay dito no'ng babae sa may counter.

Nasa waiting shed ako ngayon para maghintay ng bus. Hindi ko ginagamit ang kotse na niregalo ni Dad dahil mas gusto kong mag-commute kapag may pinupuntahan ako, mas gusto ko kasing makisalimuha sa ibang tao kaysa naman na umasta na mayaman na mayaman. Mainam ding makipagkapwa-tao minsan.

Mayamaya ay may huminto ng bus at nag-unaunahan na 'yung mga taong sumakay rito. Aakyat na sana ako nang may nakita akong babaeng biglang natumba sa may lapag at halos masubsob na siya. At dahil mayroon akong pusong mamon ay tinulungan ko siya at bago ako tuluyang umakyat ng bus ay binigay ko sa kaniya yung paper rose na nasa bitbitin ko dahil napag-alaman kong bulag siya at sinabi ko mag-iingat siya.

First day of school bilang 4th year student ay naging mas interesante para sa akin lalo na nang malaman kong may new student kaya siya ang trip ko ngayon. Paano ba naman, ang pangit ng feedbacks sa aming klase kaya kung sino man siya na nagbalak na sumama sa klase namin ay kailangan niyang maparusahan. Initiation kumbaga.

Late siyang pumasok at isa pala siyang babae. Ano kaya magiging reaction nito kapag binully namin siya? Magdadrop na kaya siya? I want to make her life miserable dahil isa pa siyang plastic. Akala mo anghel tapos hindi pala kaya palalabasin ko ang tunay mong ugali. Pare-pareho lang silang lahat.

---

Word of God

Learn to do good; seek justice, rebuke the oppressor; defend the fatherless, plead for the widow.

-Isaiah 1:17

The heart filled with praise brings pleasure to God.


Continue Reading

You'll Also Like

51.9K 1.7K 24
Have you ever met someone for the first time and wondered if they'd become an important part of your life or they'd just passed by like a fleeting br...
447K 24.2K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.