PROMISE

By PurpleSwallow

60.2K 2.9K 370

몰라요. More

Author's Note
Chap. 1
Chap. 2
Chap. 4
PAALALA
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 8
Chap. 9
Chap. 10
Chap. 11
Chap. 12
Chap. 13
Chap. 14
Chap. 15
Chap. 16
Chap. 17 Nerine
Chap. 18 MARLO/ JAMES
Chap. 19
Chap. 20
Chap. 21
Chap. 22
Chap. 23
FINAL
EPILOGUE

Chap. 3

2K 119 11
By PurpleSwallow

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabing 'yon ni Cholo. Tilang pansamantalang tumigil ang pahinga ko at pagpintig ng puso. Parang ilang segundo pa ang inabot bago bumalik ang utak ko sa tamang pag-iisip.

"He he he he Kuya nakahithit ka ba?" Tanong ko kay Cholo. Napakunot ang kilay nya sa tanong ko.

"Hoy, hindi ako adik." Mahina pa nyang pinitik ang noo ko.

"Aray!"

Hinimas himas ko pa ang noo ko.

"May sanib ka yata." Sabi ko. Dahil hindi nga ako makapaniwalang gagawin nya 'yon.

"Painosente ka pa."

Inalug alog ko pa ang ulo ko.

"Cutie, girlfriend na kita ha. Wala ng atrasan."

"Kuya, joke lang di ba?"

"Anong joke? Hinalikan na nga kita..joke pa ba 'yon?"

Napaisip pa ako. Ayaw paring gumana ng utak ko eh.

"Basta simula ngayon; syota na tayo. Bawal na ang may manliligaw sa 'yo." Sabi pa nya.

"Ha? Tapos ikaw may girlfriend." Sabi ko.

"Ha ha ha ha ha..wala akong girlfriend simula na nagkaroon tayo ng LOVE PROMISE."

Napangiwi ako ng mukha.

"Kuya, h'wag mo akong pagtripan." Sabi ko sa kanya.

"Hoy, hindi kita pinagtitripan." Sabay akbay nya sa akin.

Inalis ko ang braso nya.

"Kuya, joke lang 'yon ng mga matatanda." Naniniguro parin ako.

Umiling s'ya.

"O di ba ako mismo ang gumawa ng kasulatan natin? Ibig sabihin gusto kita."

"Waaaaaaaaa! Ginulat nya ako." Lihim kong nasabi sa sarili ko.

"Pero Kuya..hindi ka naman nanliligaw eh. Tsaka di pa ako 18 years old." Hindi parin ako makapaniwala.

"No need. Ayaw ko nang hintayin pa ang 18th birthday mo. Mamaya magbago pa ang isipan mo; tsaka mamaya marami pang hahadlang sa akin. Mabuti nang diretsahang aksyon para wala kang takas." Sagot nya.

"Pwede ba naman 'yon?" Parang natatakot na ako. Hindi pa ako handa.

"Pwede. H'wag kang mag-alala Cutie, hindi naman kita mamadaliin. Syempre, mag-aaral ka muna. Hinalikan kita para may tanda kana sa akin. That you belong to me."

Napanganga ako. Hindi ko alam kung kikiligin ako. Pero yong kaba ko hindi na maipaliwanag.

"O sige na. H'wag mo munang intindihin at seryosohin ang usapan nating ito. You can enjoy yourself with your friends. Hindi kita pipigilan at pagbabawalan. Pero NO BOYS."

Napayakap ako sa aking sarili.

"Cutie, Matagal ko nang itinuon ang mga mata ko sa 'yo..Grade 5 ka palang,hinihintay na kita. Bakit kasi huli kana na pinanganak? Tsk. Ang dami ko tuloy naging girlfriends sa kakahintay ko sa 'yo. At last, this time you are mine." Sabay hawak nya sa kamay ko.

" I really wanted you to bring my name MRS. AUTUMN ELIZALDE- VIEN."

"Kuya..sabihin mo sa akin joke lang 'to? Ayaw ko ng ganitong biro. Oo, crush kita pero..SYOTA..hindi ko pa kaya.."

Bigla s'yang tumawa ng malakas.

"Bwahahahahaha.. nahuli rin kita!!"

Nanlaki ang mga mata ko. Parang gusto kong maiyak. Napayuko agad ako. Matabil kasi ang dila ko kaya nasabi ko tuloy. Dala narin ng kaba sa dibdib. Pero..

"Hmmmmmmpp.."

Another kiss. Parang nawawala na naman ang utak ko sa tamang takbo.

Hingal na hingal ako nang maghiwalay ng dahan dahan ang labi namin.

"Autumn, promise me...AKO LANG HA? WALANG BIRO." Bulong nya.

Hindi ko alam kung matutuwa ako..At least, dream come true ang drama. Pero bakit ganun? Nakakatakot rin pala.

Pinagdikit pa namin ang aming mga noo.

"I love you.." Mahina n'yang sinabi.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"H'wag kang magbitaw ng salita..SAKA MO SASABIHIN SA AKIN SA TAMANG PANAHON." Dagdag nyang sinabi. At pareho kaming napangiti.

Umuwi ako ng bahay na tila hindi parin makapaniwala. May Instant boypren na ako. Sa isip ko, ayaw kong ipaalam kina Mader at Pader. Maging sa mga kapatid ko. Maski kina Oliver at iba pang mga taong nakakakilala sa amin ni Cholo ay dapat walang makakaalam. Napag-usapan namin ni Cholo na normal lang ang pakikitungo namin sa isa't isa tuwing kasama ang ibang tao. PERO pag kaming dalawa lang..SYEMPRE MAGSYOTA KAMI.  Hindi naman daw ako dapat matakot dahil HINDI DAW NYA SASAMANTALAHIN ANG KABATAAN KO. Ayaw din daw nyang magkaroon kami ng di pagkakaunawaan. S'ya daw 'yong matanda dapat UNAWAIN NYA ANG KALAGAYAN KO.

Pero sa totoo lang..OVER FLOW ANG SAYA KO.

---------------------------------------------------------------------------

Sa school..

"Hoy Inday, malapit na ang JS Prom. Last na natin ito kaya kailangan maging maganda ka." Sabi ni Abebet.

"Korek." Dugtong ni Chai.

"May damit kana ba?" Tanong ni Abebet.

"Syempre meron na." Sagot ko.

"Yong kapareha mong THIRD Year; i-request mong magsuot ng high heels. Susmaryosep! High school ba talaga 'yon? Mukhang grade 6 lang ang height. May gad! Hula ko hindi pa 'yon na-circumsized." Sabay ang malakas na halakhak ni Abebet at Oliver.

"Okay lang 'yon sa akin." Sabi ko.

"Sinong maghahatid sa 'yo?" Tanong ni Abebet.

"Si Pader." Sagot ko.

"Ay wala na. H'wag ang Pader mo at baka hindi ka aabutin ng 10pm pauuwiin kana. Dahil baka maalarma lang ang tatay mo sa mga makikita n'yang mga kaklase natin na may kanya kanyang syota. Alam mo naman ang iba d'yan gagawa na ng paraan to EXPRESS THEIR LOVE. Ha ha ha ha ha magha-HUNTING nga kami ni Abebet eh." Tawa ng tawa si Oliver.

"Mabuti pa, kausapin mo si CHOLO. Tama, tutal friend naman kayo..pagbibigyan ka nun." Sabi ni Abebet sa akin. Napakagat ako ng labi.

"Naku, mas istrikto pa 'yon kesa kay Pader. Baka nakabantay narin 'yon sa loob ng party." Sabi ko sa sarili.

Nang pauwi na ako at habang naglalakad papuntang bahay; muli akong napadaan sa bahay nina Cholo. Diretso lang naman ang lakad ko dahil alam kong hindi pa sya umuwi galing trabaho. Nang..

Nagulat ako nang may humawak ng kamay ko.

"Uwi ka muna sa bahay."

"Cholo.."

Hawak hawak nya ang kamay ko papunta ng gate ng bahay nila.  Mabuti nalang at walang tao sa paligid.

Nang pumasok na kami sa loob ng bahay nya. Bigla nalang akong niyapos.

"I miss you. Pagod ako galing trabaho." Ramdam ko ang mahigpit nyang yakap.

""Mmmmm.." Pakiramdam ko nadudurog ang mga buto ko.

"Cutie, may good news ako." Panimula nya.

"Ano?"

"Nakumbisi ko na maglagak ng negosyo ang kaibigan kong mga Japanese sa Kompanya ng tiyuhin ko. Malaking pera ang papasok sa kompanya. Syempre, may share akong binigay ang tiyuhin ko. Kaya, may surpresa ako sa 'yo."

"Ha?"

"Yup. Aalis tayo. Sandali lang. Magdi-dinner lang tayo."

"Eh naka-uniform pa ako."

"Don't worry. Hindi naman iisiping mag-syota tayo. Mas iisipin pa ng ibang tao na kapatid kita."

"Kung sabagay." Tipid kong sagot. At agad kaming sumakay ng kanyang sasakyan.

Masaya ako dahil may tagumpay s'yang tinatamasa. Masayang masaya ako para sa kanya. Kahit nagmamaneho si Cholo magkahawak parin ang mga kamay namin. Dinala nya ako sa isang mamahaling restaurant. Kahit pinagtitinginan kami ng mga tao, hindi namin parehong pinapansin. Hindi ko rin namang nakakaligtaang tawagin parin s'yang KUYA CHOLO.

"Cutie, anong meron sa school ninyo?" Tanong nya sa akin habang kumakain kami.

"JS PROM. Third year ang kapareha ko."

"Gwapo ba?"

"Ha? Cute. Pero mas gwapo ka." Sabi ko.

"Hayy salamat. Kahit papano lamang ako." Sagot nya.

Napangiti ako. May simpleng selos agad ang mokong.

"Ihahatid kita sa JS PROM mo. At ako rin ang magsusundo sa 'yo. Ipapaalam kita sa tatay mo."

"Ha?"

Tumango s'ya.

"Hindi ko namang sasabihing magkasintahan na tayo. Syempre, 'yong gusto mo ang masusunod." - si Cholo.

Nakahinga ako ng maluwag sa dibdib.

"Naniniguro ako baka mamaya may saltik yong partner mo." Sabi pa nya.

"Mmmm..seloso ka lang."- Ako

"Hindi masama ang pagiging proctective. Alam ko namang maraming may gusto sa 'yo. Maswerte na nga lang ako eh dahil may Love Promise tayong dalawa.Syempre maniniguro ako kesa maunahan pa ng iba."

Napailing ang ulo ko.

Tuwing matutulog ako; lumilipad ang isipan ko kay Cholo. Hindi ko alam kung talagang seryoso s'ya sa relasyon namin. Alam kong maging s'ya ay napapaisip din. Pero dahil sa MAHAL NA MAHAL KO S'YA at di ko lang maipakita ng husto sa kanya; AYAW KONG MATAPOS ANG LAHAT SA AMIN. SANA NGA..KAMI NA HANGGANG SA PAGTANDA. GUSTONG GUSTO KONG INUULIT SA ISIPAN KO NOONG SINABI NYANG..

MRS. AUTUMN ELIZALDE- VIEN  ako.

----------------------------------------------------------------------------

AN : Sabi ko HOLD ON muna itong kwento..nangati na naman kamay ko, kaya nakapagpost tuloy ng update. Pasensya na maiksi muna.





Continue Reading

You'll Also Like

260K 5.8K 33
under editing-- ang daming typo errors eh. Kung bibigyan ka ng pagkakataong makasama ulit yung first love mo. would you still fight for him?
29.2K 2.2K 26
Cydric Liam Madrigallanes..isang beki na mahilig pumapel bilang lalaking lalaki kuno. Paano kaya kung s'ya ang ma-in love? Sa kapwa lalaki kaya o...
225K 6.5K 25
"Tandaan mo kaya ko ng tumbasan ng salapi ang pag-ibig mo!!" Mariin at puno ng suklam sa sabi ni Marlon Buenavista.
288K 9.3K 19
Villa Fontana Series-1 Wayne & Ellaine