Chap. 2

2.7K 131 10
                                    

Natapos din ang kasalanang dinaluhan ko. Heto, nasa aking mga kamay ulit ang bouquet. Walastik! Ang malas ko yata ngayong araw na 'to. Alam ko namang lumampas na ang edad ko sa kalendaryo pero naman nakakaasar ang joke ng tadhana sa akin. Hindi ko talaga matanggap na ang byuti kong ito ay mapapansin ng mga GURANG..buti lang sana kung mga single na katulad ko at kalevel ang mga edad. Pero sa mga byudo! At lahat panot na ang mga ulo. May gaddddd! Wat a jowk!!! Huh! Masamang pangitain.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Oliver sa akin..paano nalang kung magkaboypren ako ng katulad ng mga lalaking 'yon. Tapos maghahalikan kami, mabuti lang sana kung 'yong kapartner ko ang makakalunok ng sariling pustiso nya..eh papano kung ako ang nakalunok? Ewwww, may gadd! Magbibigti ako ulit. Dapat pala, sisiguraduhin ko ang magiging syota ko..check ko muna ang ngipin kung implant o hindi. Oh my God, ano bang naiisip ko?

Napatigil nalang ang aking pagmumuni muni nang sitahin ako ng aking MADER.

"Uday ( Autumn ) ano bang iniisip mo? Kanina pa kita napapansin at tila malayo ang tinatakbo ng utak mo."  Tanong ni Mader.

"Tsk. Napapaisip kasi ako sa bouquet na 'to. Lagi nalang akong nakakakuha pero hindi parin ako nagiging bride. Bakit naman kasi halos lahat na lumalapit sa akin kung hindi panot.. bungi, kung hindi naman panot o bungi ---mukhang dugyutin. Tapos,  sa tingin ko pera lang ang habol sa akin. " reklamo ko kay Mader.

"Uday, bawas bawasan mo nga ang pagiging pihikan. Malay mo doon ang swerte mo sa mga lalaking ganun. Eh kesa naman si Cholo..mukhang makalaglag panty pero sanga sanga naman ang naging kasintahan. Mabuti nalang at di nya na naisipan pang bumalik dito. Nahiya siguro sa ginawa nya sa 'yo."

Napasinghap ako. Hindi parin pala ni Mader nakakalimutan ang nangyari noon.

FLASHBACK

Sa loob ng ilang taong nililihim ko ang paghanga kay Kuya Cholo noon, napaisip din ako na parang hindi ko na mahihintay ang pag-edad ng 18. Inaamin ko na masayang masaya ako noong dumating ang unang DALAW ko. Syemrpre, dalagita na ang matatawag sa akin. Sabi pa nina Mader at Pader:

"Ingatan mo na ang sarili mo Uday. Kasi, hindi kana bata."

Alam ko naman 'yon eh. Pinangako ko sa sarili ko na ibibigay ko lang ang aking PURI sa taong mahal ko. At syempre iisang lalaki lang ang pumasok sa isipan ko..si CHOLO.

Hindi naman siguro matatawag na malandi ako? Pero madami akong binabalak noon. Sabi ko pa nga sa sarili ko; KUNG HINDI LANG NAKAKAHIYANG LIGAWAN SI CHOLO..aaraw arawin ko syang dadalawin sa bahay nila. Bahala na ano pang sabihin ng buong sambayanang Pilipino. Hindi puso nila ang nahihirapan. Di ba?

Naaalala ko, tuwing nangungulekta ng mga basura sina Oliver, Abebet, Red at Chai doon sa bahay ng Lolo't Lola ni Cholo..kahit hindi ako kasama sa raket nila sasama ako. Gusto kong makita ang loob ng bahay. Tapos, tuwing sumasama ako sa kanila ang bait bait ng mga matatanda sa amin. Hindi kami nakakalabas ng gate ng bahay na di busog ang mga tiyan.Palibhasa, isang dating Attorney ang lolo ni Cholo at dating Principal ng isang paaralan ang kanyang lola. Naging titser pa nga ng mga Kuya ko ang Lola ni Cholo. Kaya kilalang kilala na nila ako.

Noon pa nga, may mga panahon na dumadalaw ang lola ni Cholo sa bahay namin. Bumibili ng mga halaman ni Mader. Tapos may dalang DUNKIN DONUT para sa akin.

"Uday, dalas dalasan mo naman ang pagpunta sa bahay namin. Isama mo 'yong mga kaibigan mo. Nalulungkot kami sa bahay eh. Eto naman kasing si Cholo, dibdiban ang pagtatrabaho. Ewan ko ba, at ginagabi nga sa pag-uwi. Dahil nag-o-over time."

"Sige po."

Tuwang tuwa talaga ako noon.

May mga panahon na tuwing pumupunta kami ng mga kaibigan ko sa bahay ng mga matatanda; nandoon din si Cholo. Panay kantiyaw sa akin nina Oliver. Nakakahiya talaga kasi pakiramdam ko nahahalata na ni Cholo ang mga hagikhikan ng mga kasama ko. Sino ba naman ang hindi maiinlove ng todo kay Cholo---kung tuwing punta namin agad lalapit sa akin at aakbayan ako. Umaapaw talaga ang saya ko. At hindi mababayaran ng salapi ang kilig na nararamdaman ko. Kulang nalang mapunit ang pisngi ko sa malapad kong ngiti.

PROMISEWhere stories live. Discover now