Chap. 3

2K 119 11
                                    

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabing 'yon ni Cholo. Tilang pansamantalang tumigil ang pahinga ko at pagpintig ng puso. Parang ilang segundo pa ang inabot bago bumalik ang utak ko sa tamang pag-iisip.

"He he he he Kuya nakahithit ka ba?" Tanong ko kay Cholo. Napakunot ang kilay nya sa tanong ko.

"Hoy, hindi ako adik." Mahina pa nyang pinitik ang noo ko.

"Aray!"

Hinimas himas ko pa ang noo ko.

"May sanib ka yata." Sabi ko. Dahil hindi nga ako makapaniwalang gagawin nya 'yon.

"Painosente ka pa."

Inalug alog ko pa ang ulo ko.

"Cutie, girlfriend na kita ha. Wala ng atrasan."

"Kuya, joke lang di ba?"

"Anong joke? Hinalikan na nga kita..joke pa ba 'yon?"

Napaisip pa ako. Ayaw paring gumana ng utak ko eh.

"Basta simula ngayon; syota na tayo. Bawal na ang may manliligaw sa 'yo." Sabi pa nya.

"Ha? Tapos ikaw may girlfriend." Sabi ko.

"Ha ha ha ha ha..wala akong girlfriend simula na nagkaroon tayo ng LOVE PROMISE."

Napangiwi ako ng mukha.

"Kuya, h'wag mo akong pagtripan." Sabi ko sa kanya.

"Hoy, hindi kita pinagtitripan." Sabay akbay nya sa akin.

Inalis ko ang braso nya.

"Kuya, joke lang 'yon ng mga matatanda." Naniniguro parin ako.

Umiling s'ya.

"O di ba ako mismo ang gumawa ng kasulatan natin? Ibig sabihin gusto kita."

"Waaaaaaaaa! Ginulat nya ako." Lihim kong nasabi sa sarili ko.

"Pero Kuya..hindi ka naman nanliligaw eh. Tsaka di pa ako 18 years old." Hindi parin ako makapaniwala.

"No need. Ayaw ko nang hintayin pa ang 18th birthday mo. Mamaya magbago pa ang isipan mo; tsaka mamaya marami pang hahadlang sa akin. Mabuti nang diretsahang aksyon para wala kang takas." Sagot nya.

"Pwede ba naman 'yon?" Parang natatakot na ako. Hindi pa ako handa.

"Pwede. H'wag kang mag-alala Cutie, hindi naman kita mamadaliin. Syempre, mag-aaral ka muna. Hinalikan kita para may tanda kana sa akin. That you belong to me."

Napanganga ako. Hindi ko alam kung kikiligin ako. Pero yong kaba ko hindi na maipaliwanag.

"O sige na. H'wag mo munang intindihin at seryosohin ang usapan nating ito. You can enjoy yourself with your friends. Hindi kita pipigilan at pagbabawalan. Pero NO BOYS."

Napayakap ako sa aking sarili.

"Cutie, Matagal ko nang itinuon ang mga mata ko sa 'yo..Grade 5 ka palang,hinihintay na kita. Bakit kasi huli kana na pinanganak? Tsk. Ang dami ko tuloy naging girlfriends sa kakahintay ko sa 'yo. At last, this time you are mine." Sabay hawak nya sa kamay ko.

" I really wanted you to bring my name MRS. AUTUMN ELIZALDE- VIEN."

"Kuya..sabihin mo sa akin joke lang 'to? Ayaw ko ng ganitong biro. Oo, crush kita pero..SYOTA..hindi ko pa kaya.."

Bigla s'yang tumawa ng malakas.

"Bwahahahahaha.. nahuli rin kita!!"

Nanlaki ang mga mata ko. Parang gusto kong maiyak. Napayuko agad ako. Matabil kasi ang dila ko kaya nasabi ko tuloy. Dala narin ng kaba sa dibdib. Pero..

PROMISEWhere stories live. Discover now