PROMISE

PurpleSwallow tarafından

60.2K 2.9K 370

몰라요. Daha Fazla

Author's Note
Chap. 1
Chap. 3
Chap. 4
PAALALA
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 8
Chap. 9
Chap. 10
Chap. 11
Chap. 12
Chap. 13
Chap. 14
Chap. 15
Chap. 16
Chap. 17 Nerine
Chap. 18 MARLO/ JAMES
Chap. 19
Chap. 20
Chap. 21
Chap. 22
Chap. 23
FINAL
EPILOGUE

Chap. 2

2.7K 131 10
PurpleSwallow tarafından

Natapos din ang kasalanang dinaluhan ko. Heto, nasa aking mga kamay ulit ang bouquet. Walastik! Ang malas ko yata ngayong araw na 'to. Alam ko namang lumampas na ang edad ko sa kalendaryo pero naman nakakaasar ang joke ng tadhana sa akin. Hindi ko talaga matanggap na ang byuti kong ito ay mapapansin ng mga GURANG..buti lang sana kung mga single na katulad ko at kalevel ang mga edad. Pero sa mga byudo! At lahat panot na ang mga ulo. May gaddddd! Wat a jowk!!! Huh! Masamang pangitain.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Oliver sa akin..paano nalang kung magkaboypren ako ng katulad ng mga lalaking 'yon. Tapos maghahalikan kami, mabuti lang sana kung 'yong kapartner ko ang makakalunok ng sariling pustiso nya..eh papano kung ako ang nakalunok? Ewwww, may gadd! Magbibigti ako ulit. Dapat pala, sisiguraduhin ko ang magiging syota ko..check ko muna ang ngipin kung implant o hindi. Oh my God, ano bang naiisip ko?

Napatigil nalang ang aking pagmumuni muni nang sitahin ako ng aking MADER.

"Uday ( Autumn ) ano bang iniisip mo? Kanina pa kita napapansin at tila malayo ang tinatakbo ng utak mo."  Tanong ni Mader.

"Tsk. Napapaisip kasi ako sa bouquet na 'to. Lagi nalang akong nakakakuha pero hindi parin ako nagiging bride. Bakit naman kasi halos lahat na lumalapit sa akin kung hindi panot.. bungi, kung hindi naman panot o bungi ---mukhang dugyutin. Tapos,  sa tingin ko pera lang ang habol sa akin. " reklamo ko kay Mader.

"Uday, bawas bawasan mo nga ang pagiging pihikan. Malay mo doon ang swerte mo sa mga lalaking ganun. Eh kesa naman si Cholo..mukhang makalaglag panty pero sanga sanga naman ang naging kasintahan. Mabuti nalang at di nya na naisipan pang bumalik dito. Nahiya siguro sa ginawa nya sa 'yo."

Napasinghap ako. Hindi parin pala ni Mader nakakalimutan ang nangyari noon.

FLASHBACK

Sa loob ng ilang taong nililihim ko ang paghanga kay Kuya Cholo noon, napaisip din ako na parang hindi ko na mahihintay ang pag-edad ng 18. Inaamin ko na masayang masaya ako noong dumating ang unang DALAW ko. Syemrpre, dalagita na ang matatawag sa akin. Sabi pa nina Mader at Pader:

"Ingatan mo na ang sarili mo Uday. Kasi, hindi kana bata."

Alam ko naman 'yon eh. Pinangako ko sa sarili ko na ibibigay ko lang ang aking PURI sa taong mahal ko. At syempre iisang lalaki lang ang pumasok sa isipan ko..si CHOLO.

Hindi naman siguro matatawag na malandi ako? Pero madami akong binabalak noon. Sabi ko pa nga sa sarili ko; KUNG HINDI LANG NAKAKAHIYANG LIGAWAN SI CHOLO..aaraw arawin ko syang dadalawin sa bahay nila. Bahala na ano pang sabihin ng buong sambayanang Pilipino. Hindi puso nila ang nahihirapan. Di ba?

Naaalala ko, tuwing nangungulekta ng mga basura sina Oliver, Abebet, Red at Chai doon sa bahay ng Lolo't Lola ni Cholo..kahit hindi ako kasama sa raket nila sasama ako. Gusto kong makita ang loob ng bahay. Tapos, tuwing sumasama ako sa kanila ang bait bait ng mga matatanda sa amin. Hindi kami nakakalabas ng gate ng bahay na di busog ang mga tiyan.Palibhasa, isang dating Attorney ang lolo ni Cholo at dating Principal ng isang paaralan ang kanyang lola. Naging titser pa nga ng mga Kuya ko ang Lola ni Cholo. Kaya kilalang kilala na nila ako.

Noon pa nga, may mga panahon na dumadalaw ang lola ni Cholo sa bahay namin. Bumibili ng mga halaman ni Mader. Tapos may dalang DUNKIN DONUT para sa akin.

"Uday, dalas dalasan mo naman ang pagpunta sa bahay namin. Isama mo 'yong mga kaibigan mo. Nalulungkot kami sa bahay eh. Eto naman kasing si Cholo, dibdiban ang pagtatrabaho. Ewan ko ba, at ginagabi nga sa pag-uwi. Dahil nag-o-over time."

"Sige po."

Tuwang tuwa talaga ako noon.

May mga panahon na tuwing pumupunta kami ng mga kaibigan ko sa bahay ng mga matatanda; nandoon din si Cholo. Panay kantiyaw sa akin nina Oliver. Nakakahiya talaga kasi pakiramdam ko nahahalata na ni Cholo ang mga hagikhikan ng mga kasama ko. Sino ba naman ang hindi maiinlove ng todo kay Cholo---kung tuwing punta namin agad lalapit sa akin at aakbayan ako. Umaapaw talaga ang saya ko. At hindi mababayaran ng salapi ang kilig na nararamdaman ko. Kulang nalang mapunit ang pisngi ko sa malapad kong ngiti.

Meron pang nangyari noon, pauwi na ako galing paaralan, malakas ang ulan dahil may bagyo. Nakaligtaan kong magdala ng payong kaya napasulong ako sa ulan. Bumaha 'yong daanan sa mismong harap ng paaralan namin. May huminto na sasakyan sa unahan. Nagulat ako dahil bumaba si Cholo at may dalang payong. Lumapit sa akin.

"Cutie, tara sumabay kana sa akin." Sabi pa nya habang pinapayungan ako.

"Kuya.."

"Teka, hawakan mo 'tong payong." Utos nya. Hinawakan ko rin naman. Bigla ba naman akong binuhat. Parang nagbuhat lang ng 3 years old na bata.

Napakagat ako ng labi. Kaya para feel na feel ko yong moment napakapit na naman ako ng todo sa kanya. Palibhasa payatin ako noon kaya bale wala sa kanya ang bigat ko. Ilan sa mga kaklase ang napapatili. At isa na doon si Oliver.

"Igatlan!!!" Sigaw nya. Mabuti nalang at di naiintindihan ni Cholo ang wikang Bisaya.

Alam kong inis na inis si Oliver sa akin.

Sa tuwing napapadalaw ako sa bahay nila; ang Lolo ni Cholo ang madalas akong kinakausap. Hindi ko alam at parang natutuwa ang matanda sa akin. Madalas n'yang sabihin..

"Mag-aral ka ng mabuti. At ng maging katulad ka ni Kuya Cholo mo. Hayy, maabutan pa kaya kita bago mag-18. Aba'y noong maliit ka palang madalas kana naming hinihiram sa nanay mo. Hindi pa man inuuwi si Cholo dito noon; ikaw na ang paborito namin."  Sabi ng Lolo ni Cholo. Wala man lang nabanggit sa akin sina Mader at Pader. Pero at least, masaya ako dahil natutuwa ang matatanda ni Cholo sa akin.

Minsan pa nga may naitanong sa akin ang matanda; Noong nakita nila akong pauwi ng bahay. Tinawag nila ako upang dumaan sandali sa bahay nila.

"Uday, kung magkaboypren ka si Kuya Cholo mo nalang ha?"

Napakunot ang noo ko.

"Matanda po sya sa akin." Sagot ko.

"Di bale na, lalaki ka naman eh."

Syempre kinilig ako ng husto kaya napa-Oo ako.

"Promise? Hindi ako nagbibiro." Sabi ng matanda. Pero parang may napapansin akong kakaiba sa Lolo ni Cholo. Parang bumabalik bata. Panay ang gawa nya ng eroplanong papel at kung anu ano pang disensyo na yari sa papel.

Magaling ang matanda gumawa ng Origami.

Napangiti pa ako. Alam ko nagbibiro lang sya. Sumingit din sa usapan namin ang Lola ni Cholo.

"Ayan kana naman..niloloko mo ang bata. Naku, pag narinig ka ni Cholo maaasar na naman sa 'yo." Sabi ng Lola ni Cholo.

"Mmmmm..naku, hayaan mo s'ya. Si uday nalang ang irereto natin sa kanya."- Lolo

"Tumigil ka nga. Ang bata bata pa ni Uday sinasali mo na sa kalokohan mo. Mamaya n'yan hindi na 'yan papupuntahin ng mga magulang nya dito." Saway ng Lola nya.

"Uday, promise me." Itinaas ng lolo ni Cholo ang kanyang hinliliit at nag-pinky promise ako.

"Ano yang nasa kamay mo?" Tanong ni Lolo.

"Bubble gum po. Ginagawa kong lipstick He he he he.." napansin nya ang ilang bubble gum na maliliit sa kamay ko.

"Pahingi." Sabi ng matanda. Tapos naglipstick sya sabay halik sa pisngi ni Lola.

Naglolokohan sila. Tawa ako ng tawa.

Tamang tama naman at dumating si Cholo noon. Sinumbong kami ni Lola kay Cholo. Napakunot pa ang noo ni Cholo. Tapos biglang tumawa.

"Cholo, kayo na ni Uday ha." Sabi ng Lolo nya.

"Uday, sige ikaw na ang girlfriend ko ha. Promise." Sabi ni Cholo. Kahit alam kong biro lang 'yon nakisakay ako. Thumbs-up ang sagot ko. Pumalakpak ang matandang lalaki.

Kumuha si Cholo ng kapirasong pulang papel at sinulatan..

LOVE PROMISE

Nakasaad doon na maging girlfriend ako ni Kuya Cholo pagtungtong ko ng 18. AT MAGPAPAKASAL KAMI PAGKATAPOS KONG MAG-ARAL NG COLLEGE. Pinermahan pa nga ni Cholo. Ako din pumerma. Kasama ng mga lip marks namin gamit yong bubble gum na pula.

Kinuha ng Lolo ni Cholo ang papel at tinupi at ginawang HEART ang papel. Hindi ko binigyan ng pansin ang mga nangyayari noon.

Ang mga pag-uusap namin ay hindi ko naikinuwento sa mga kaibigan ko. At maging sa mga magulang ko. Pinagkibit balikat ko lang ang lahat.

Pero hindi namin inaasahan nang mabalitaan na nagkakasakit na ang Lolo ni Cholo.

"Kuya, bakit wala na dito si Lolo?" Tanong ko sa kanya nang minsan kaming pumunta sa bahay nila.

"Ahmmm..nasa Hospital si Lolo. Meron kasi s'yang Alzheimer." Sabi sa akin ni Cholo.

"Alzheimer? Ano 'yon?" Tanong ni Oliver.

"Ibig sabihin lumalala na ang pagiging malimutin ni Lolo. Nawawala na ang ala-ala nya." Malungkot nyang sagot.

Nalungkot din kami.

"Ibig sabihin ba nun hindi nya narin ako maaalala?" Tanong ko.

Tumango si Cholo.

Gusto kong maiyak kasi 'yong Lolo n'ya ang mahilig makipag-usap sa amin at makipagbiruan. Mabilis nanghina ang katawan ng matanda. Hanggang isang araw, nagulat akong may dumating na isang babae sa harap ng bahay namin. Ang katulong nina Cholo.

"Uday, pinapatawag ka nina Señor. Sumama ka sa akin." Pinaalam ako ng katulong kina Mader at Pader.

Ewan ko at kinakabahan ako ng husto.

Nang dumating kami sa Hospital. Nakita kong umiiyak ang matandang babae.

"Lola.." Tawag ko.

"Uday.."

Bigla akong niyakap ng matanda.

"Uday, halika sa loob. Kanina ka pa hinihintay ni Kuya Cholo mo."

Sa totoo lang kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung bakit?Pumasok ako sa loob. Nakita ko si Kuya Cholo na parang namamasa ang kanyang mga mata. Pero nabigla ako dahil nakita kong nakahiga sa kama ang matanda at tila natutulog nalang.

Umiiyak ako. Hindi ko makayanan ang nakikita ko eh.

"Uday.." Lumapit si Kuya sa akin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

Nabigla ako ng husto dahil bigla nya akong niyakap.

"Wala na si Lolo.." Sabi nya.

Doon umiyak akong bigla. Hindi ko na sya inabutan. Pero may napansin akong nasa bulsa ng damit ng matanda. Isang pulang papel na puso. Kinuha ko 'yon. Yon 'yong LOVE PROMISE na sinulatan ni Cholo.

"Uday, hinanap ka nya kanina. Nagulat kami nang binanggit nya ang pangalan mo. Kaya pinatawag kita." Sabi ng matandang babae.

Alam kong may nais pang sabihin sa akin ang matanda kaso huli na ang lahat.

Itinago ko ang papel na 'yon.

-------------------------------------------------------------------------------

Nang inilibing ang matandang lalaki, naging malungkot narin ang matandang babae. Madalas na ring dinadala sa Hospital. Kaya napilitan si Cholo na ipasok ang matanda sa isang hospital. Napapadalaw rin naman kami ng mga magulang ko. Naging malapit narin kasi sa amin ang dalawang matatanda noon.

Maging ang mga kapit bahay namin ay dumadalaw rin.

Pero tulad ng Lolo ni Cholo. Biglaan din ang paghina ng katawang matandang babae. Kaya, isang taon lamang ang pagitan nila ng kanyang asawa ay sumakabilang buhay narin. Naging mag-isang na lamang si Cholo sa kanilang bahay.

Sa mga panahong 'yon nasa 16 taong gulang na ako.

Madalas noon na wala si Cholo sa bahay nila. At kung umuwi naman ay minsan hinahatiran ng ulam ng mga kapitbahay namin. Malapit kasi si Cholo sa amin at ibang tao. Maging kami rin ay nagbibigay na ulam sa kanya. Sa tuwing nagpapahatid ng ulam si Nanay kina Cholo; ako agad ang nagpipresenta sa sarili ko.

Hinatid ko sa bahay nila ang ulam. Inabutan ko s'yang may binabasang mga papel. Sa tingin ko mga kontrata.

"Kuya, pinabibigay ito ni Mader sa 'yo."

"Salamat Cutie."

Sa totoo lang humahanga ako ng husto kay Cholo dahil masipag sa trabaho. Para bang mataas ang ambisyon nya sa buhay.

"Kuya, hindi ka ba nalulungkot?"

"Malungkot dahil nag-iisa ako dito." Sagot nya.

"Bakit hindi ka gumigimik?"

"Ayaw ko. Pagod ako sa trabaho."

"Mmmm..'yong girlfriend mo?" Ewan ko at bigla kong natanong 'yon.

"Girlfriend? Di ba ikaw na ang girlfriend ko? Remember 'yong LOVE PROMISE natin." Pangiti ngiti pa sya. Sa totoo lang nag-blush ako ng bongga. Hindi ko akalain 'yon ang sasabihin nya.

Ewan ko ba, alam ko namang hindi nya binibigyan ng halaga ang kalokohang 'yon pero para sa akin parang tutuong tutuo na . Ayaw ko lang pahalata.

"Ako ba type mo?" Tanong nya.

"Ha?"

"Sabi ko type mo ba ako?"

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Natameme akong bigla. 'Yong tipong kalokohan lang ang nasa isip ko tapos biglang ganun ang itatanong sa akin.

"He he he he.. Kuya joke lang 'yon di ba?" Kinabahan akong bigla.

Ngumiti lang sya at ginulo ang buhok ko.

Nang biglang..

"Hmmmmmmpppp..."

Nanlaki ang mga mata ko.

Hinalikan nya ako..

DUB DUB DUB DUB

At sinabing..

"GIRLFRIEND NA KITA, AUTUMN."

----------------------------------------------------------------------------------

AN : ON HOLD muna siguro itong story SUPER busy ako ngayon. Sana mahintay nyo parin.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

29.2K 2.2K 26
Cydric Liam Madrigallanes..isang beki na mahilig pumapel bilang lalaking lalaki kuno. Paano kaya kung s'ya ang ma-in love? Sa kapwa lalaki kaya o...
159K 5.7K 22
Avery Mariz...Blake Gabriel...Braxx Gabriel... "Mahal kita! Andito ako buhay na buhay sana makita mo naman 'yun!"
104K 1.3K 28
Si Kyla Ann Roa ay isang babaeng workaholic at walang panahon sa lovelife at isang....bitter? Ngunit dahil sa isang lalaki na nakasiping niya isang g...
192K 709 19
Drew Avander, now better choose life or sex?