Girl Crush (GonzaQuis)

By gonzaquis813

43.9K 940 82

GonzaQuis Story featuring Erica Adachi More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 26

1.2K 26 3
By gonzaquis813

Jovs' POV

"Aaaaahhhhh! Ano ka ba naman Ate Chel bakit bigla bigla kang pumapasok sa kwarto ko?" napatili ako at nagmamadaling ibalot uli ang twalya sa katawan ko ng marinig kong parang may bumagsak sa sahig sa may bandang pinto at nakita kong nakatayo dun si Ate Chel.

"S-sorry Jovs di ko naman alam na magbibihis ka pala. Bakit kasi di mo nila-lock tong pinto mo?" hindi ito makatingin ng diretso sakin at nagmamadaling isinara ang pinto at ni-lock.

"Eh kasi naman kwarto ko to lahat naman ng pumapasok dito kumakatok. Well except ikaw." mataray na sagot ko naman. Aba parang sya pa ang galit ha!

"Kahit na dapat nagla-lock ka pa din! Paano nalang kung hindi ako ang pumasok dito? Eh di may iba ng nakakita nyang katawan mo? Magbihis ka na nga mamaya mo na ko sungitan." mataray din na balik nito sakin kaya naman tinaasan ko nalang sya ng kilay at dumiretso na sa CR para magbihis.

Matapos kong magbihis at lumabas sa CR ay nakita ko syang nakaupo sa kama ko habang hawak ang isang bouquet ng bulaklak. Lalo naman akong nabwisit ng maisip na malamang binigay sa kanya ni Rey ang bulaklak na yun. Padabog tuloy akong nagpunta sa cabinet ko kaya napalingon sya sakin.

"Tapos ka na pala. Nga pala para sayo." sabi nito sakin habang inaabot ang bouquet ng bulaklak.

"Para san yan? Sorry di ako tumatanggap ng recycled." inis na tinignan ko lang ang bouquet na inaabot nya sakin.

"Anong recycled?" takang tanong naman nito.

"Eh di yang mga bulaklak! If I know bigay lang sayo yan ng higanteng yun tapos ngayon bibigay mo sakin. Mas mabuti pang itapon mo nalang yan!" di ko na talaga napigil ang inis ko.

"Ano bang pinagsasabi mo? Akala mo ba bigay sakin ni Rey to at ngayon binibigay ko sayo? Hoy hindi ako cheap no! May sariling pambili ako ng bulaklak!" halatang naiinis na din ito.

"Talaga lang ha? Don't tell me binili mo talaga yan para sakin kasi hindi ako naniniwala."

"Alam mo ikaw nakakainis ka na ha! Ikaw na nga binibigyan ng bulaklak ikaw pa nang aaway! Sabi sakin ni Iñaki pag binigyan daw kita ng bulaklak mawawala na yang pagsusungit mo pero mukang di uubra sayo yung ganito." natawa naman ako sa sinabi nito.

"You mean idea ni Iñaki to?" di makapaniwalang tanong ko.

"Oo! Sabi ko kasi galit ka sakin. Bigyan daw kita ng bulaklak para di ka na magalit. Pero kakaiba ka ata sa lahat ng babae hindi natutunaw ng bulaklak yang katarayan mo." bagsak ang balikat na sabi nito. Parang naawa naman ako ng makita ang lungkot sa mga mata nito.

"Hindi ba talaga bigay ni Rey sayo yan? Binili mo ba talaga yan para sakin?" paninigurado ko. Sa totoo lang ay lumalambot na din ang puso ko at gusto ko na syang yakapin ngayon din.

"Oo nga ayan o tignan mo pa yang resibo." sabi naman nito at binunot ang isang papel sa back pocket ng shorts nya.

"Oo na naniniwala na ko." sabi ko dito at inabot na din ang bulaklak. May card pa ang bulaklak kaya naman binasa ko ang note doon.

Jovs,

Sorry na kung ano man yung kinaiinis mo. Bati na tayo please. Miss na miss na kita.

Love,
Chel

Naantig naman ang puso ko ng mabasa ko ang note. Nakatayo pa din sya sa harap ko habang nakayuko na para bang nanlulumo.

"Halika nga dito." hinawakan ko ang mga kamay nya at hinila palapit sakin tapos ay niyakap ko sya ng sobrang higpit.

"Bati na tayo?" tanong nito na lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

"Oo naman. Di naman ako galit sayo. Naiinis lang ako kasi sabi mo di ka na makikipagdate dun sa higanteng yun pero kahapon halos magkapalit na kayo ng mukha sa sobrang lapit nyo." naninikip ang dibdib ko pag naaalala ko kung gaano kalapit sa kanya yung higanteng yun kahapon.

"Hindi naman ako nakipag date sa kanya. Di ko naman alam na nandon din sya kahapon eh. Si Bolick ang nagsama sa kanya dun." paliwanag nito na para bang takot na takot na magalit ako sa kanya kaya naman hinaplos ko ang pisngi nya at ngumiti ako sa kanya.

"Sorry din na di ko naisip agad yun. Masyado lang akong nainis na halos di na sya umalis dun sa tabi mo." alam kong wala akong karapatan na pagbawalan sya makipaglapit kahit kanino pero di ko talaga mapigilan ang inis ko pag nakikita ko syang kasama si Rey.

"Ikaw kasi ayaw mo ko pansinin kahapon lalo tuloy akong di makatakas dun sa tabi nya. Puro si Erica nalang ang inatupag mo." nakangusong sabi nito. Napaka cute nya talaga at hirap na hirap akong pigilan ang sarili ko na halikan sya.

"Sorry na nga promise babawi ako sayo." tinaas ko pa ang kanang kamay ko.

"Sinabi mo yan ha. Kung gusto mo bumawi mag dinner date tayo mamaya." sabi nito habang inaayos ang collar ng blouse ko.

"Sure yun lang pala eh."

"Siguraduhin mo yan Gonzaga ha. Pag ako inindian mo lagot ka sakin!"

"Pano naman kita iindianin eh magkasama tayo dito sa barracks. Sige na papasok na ko para matapos ko ng maaga yung mga trabaho ko." paalam ko na dito at palabas na sana ko ng kwarto ng may maalala ko. Bumalik ako at kinuha ang bouquet ng bulaklak at hinalikan ko sya sa noo.

--------------------------------

Lunch time na ay hindi pa din ako tumatayo sa upuan ko. Tambak ang mga reports na kailangan ko tapusin ngayon kaya naman di na ko sumama kina Ate Tina nung nagyaya sila mag lunch sa Barracks dahil pinagluto daw kami ni Ate Chel. Kailangan kong matapos tong mga trabaho ko dahil kung hindi malamang mapa-overtime pa ko mamaya at di pa matuloy ang dinner date namin.

Buti nalang at pinagbaon ako ni Ate Sha ng sandwich yun nalang ang kakainin ko mamaya pag nagutom ako. Dahil kanina pa ko nakababad sa pag gawa ng paper works naisip kong magpahinga muna kahit isang minuto para naman marefresh ang utak ko. Napatingin ako sa bouquet ng bulaklak at sa katabi nitong picture frame na nasa lamesa ko at napangiti. Ang picture na nasa frame ay selfie namin ni Ate Chel. Nakakawala talaga ng pagod pag nakikita ko ang ngiti nya. Tinitigan ko pa saglit ang picture hanggang sa may kumatok sa pinto ng opisina ko.

"Corporal Gonzaga may naghahanap po sa inyo." sabi ni Private Sta. Maria matapos sumaludo sakin.

"Di ba sabi ko di ako pwede tumanggap ng kahit sino ngayon? Ang dami ko pang kailangang tapusin na trabaho." sya ang tumatayong assistant ko at mahigpit kong pinagbilin kanina na bawal akong istorbohin.

"Kahit ako yung bisita bawal? Grabe ka naman Corporal!" biglang singit naman ni Ate Chel na di ko agad napansin na nasa may pintuan.

"Sige na Private Sta. Maria iwan mo na kami dito." utos ko at nagmamadali naman syang umalis sa opisina ko.

"Ang sungit mo pala pag nasa opisina ka." komento ni Ate Chel habang nililibot ang tingin sa loob ng opisina ko.

"Ano pala ginagawa mo dito?" tanong ko dito habang unti unting tinatago ang picture frame. Mahirap na baka makita nya pa to at kung ano pang isipin nya.

"Dinalhan kita ng lunch pati lunch ko dinala ko na para sabay tayo. Ayaw mo daw kasi sumama kina Ate Tina kasi busy ka sa work. Ano yang hawak mo?" patay! Napansin nya ang hawak kong frame at pinipilit tignan ito.

"Wala to! Lika na dito sa table mag lunch na tayo." buti nalang at di na sya nagpumilit na tignan ang frame at ipinaghain na nya ko ng pagkain sa lamesita dun sa office ko. Umupo kami sa sofa at sabay na kumain.

"Thank you dito ha. Naabala pa ata kita." sabi ko dito ng inililigpit na namin yung pinagkainan namin.

"Hindi naman wala naman akong schedule for today saka talagang nagluto ako para sayo tapos ikaw pa yung wala dun kaya dinalhan na kita dito. Ikaw nagagalit ka pag di ako nag aalmusal pero ikaw din pala pag madaming work di ka rin nagla-lunch. Wag mo na uulitin to ha! Ayokong nagugutom ka." halata ang pag aalala sa tono nito kaya naman na-touch ako.

"Oo na po. Ang cute mo pag nag aalala ka." at kinurot ko pa ang pisngi nya.

"Hindi ako nagbibiro Gonzaga. Pababantayan kita kina Ate Tina pag nalaman kong di ka kumain lagot ka sakin." pagbabanta pa din nito kaya sumang ayon nalang ako.

Matapos magligpit ay di nya ko pinayagan na bumalik agad sa trabaho ko. Magpahinga daw muna ako kahit saglit dahil alam nya daw na kanina pa ko nagtatrabaho. Minasahe nya ang sentido ko kaya naman di ko napigilan ang mapapikit. Ang sarap sa pakiramdam ng pagmamasahe nya kaya naman di ko na din nalabanan ang antok. Napadilat nalang ako at nakitang nakatitig sya sakin habang nakaunan ang ulo ko sa may kandungan nya. Hinahaplos nya ang buhok ko ng mapansin nyang gising na ko. Napabalikwas naman ako ng bangon.

"Bakit hinayaan mo ko matulog? Gaano katagal ako nakatulog?" tanong ko dito dahil parang groggy pa din ako hanggang ngayon.

"Saglit lang naman mga 20 minutes lang. Alam ko kasi na kailangan mo yan para marefresh yang utak mo." sabi nito sakin na may kakaibang ngiti sa labi.

"Bakit ganyan ka makatingin?" di ko na napigilan na itanong dito. Kakaiba kasi talaga yung ngiti nya.

"Ikaw ha tinatago mo pa to kanina. Akala mo naman di ko makikita." nanlaki ang mata ko ng makita ko ang picture frame na hawak nya.

"Siguro pag napapagod ka na tinitignan mo to no? Sabi na nga ba hanggang ngayon crush mo pa din ako eh!" pang aasar pa nito at sigurado kong pulang pula na ang mukha ko.

"Wow ang hangin! Di kita crush no! Nakalimutan ko lang yang tanggalin dito pero kung gusto mo kunin mo na." di ko alam anong pwede kong idahilan para di na nya ko asarin.

"Wag na baka mas lalo kang ma-stress pag di mo nakita ang magandang mukha ko dyan sa desk mo. Saka wag ka na mahiya crush din naman kita eh. Sige na una na ko para makapag work ka na. See you later!" paalam nito sakin at hinalikan ako sa gilid ng labi ko.

Naiwan akong nakatulala at parang hindi pa nagsisink in sakin lahat ng nangyari. Di ko alam kung tama ba yung mga narinig kong sinabi nya o nag iilusyon lang ako. Pati yung paghalik nya sakin malapit sa labi ko ay hindi ko alam kung totoo ba o panaginip lang. Pero base sa lakas ng tibok ng puso ko siguradong hulog na naman ako sa mga bitag nya. Ayaw ko man na mangyari uli to ay hindi ko naman maikailang sobrang saya ko kaya bakit ko pa pipigilin ang sarili ko di ba? Masigla akong bumalik sa trabaho ko at kailangang magmadali akong tapusin ito para makabalik ako agad sa piling ng dyosa ng buhay ko.

-------------------

Matapos ang ilang oras ay natapos ko na din ang trabaho. Nagmamadali akong umuwi sa barracks para makapag prepare na para sa dinner date namin ni Ate Chel. Pagdating ko sa barracks ay naabutan ko syang nag aayos na din para sa date namin.

"Wow ang ganda ganda naman ng ka-date ko!" puri ko dito habang pinagmamasdan ang maganda nyang mukha sa salamin kung saan sya nag aayos ng buhok.

"Aba syempre para sakin lang ang buong atensyon mo tonight." sabi nito at kinindatan pa ko.

"Ang masama lang nyan pati atensyon ng iba for sure nasayo na din mamaya." sobrang ganda kasi talaga ng ayos nito at ang sexy pa sa suot na maikling red dress.

"Don't worry di ko naman sila papansinin. Aba may gwapa na sa harap ko maghahanap pa ba ko ng iba? Sige na mag ayos ka na para makaalis na tayo. Aantayin nalang kita sa baba." paalam nito ng matapos na sya mag ayos.

Naligo na din ako at nagbihis. Isang maikling white dress lang ang sinuot ko. Light make up at hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko. Bumaba na ko at nakita si Ate Chel na nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV kasama sina Royse.

"Let's go?" yaya ko dito at napatulala naman ito sakin.

"Wow Jovs sobrang gwapa mo naman! Naku Daquis kung ako sayo bilis bilisan mo ang kilos. Sayang naman ang pagkukulot mo dyan sa buhok mo kung maagaw lang din sayo ng iba yang si Gwapa!" sabi dito ni Ate Ging pero di pa din ito nagsasalita at nakatulala pa din sakin kaya hinawakan ko na ito sa kamay at inakay palabas matapos magpaalam sa mga tao sa barracks.

Nung nasa labas na kami ay saka lang ito parang natauhan at biglang binitawan ang kamay ko.

"Ano yang suot mo?" nakasimangot na tanong sakin nito.

"Bakit pangit ba?" taka ko naman. Hindi naman kasi nalalayo ang style nito sa mga dress na sinusuot nya.

"Sobrang ikli Jovs! Tapos nakalabas pa yang cleavage mo! Hala magpalit ka ng damit di pwedeng naka ganyan ka pag alis natin." bigla syang nag beast mode kaya natawa nalang ako.

"Ano ba Ate Chel male-late na tayo dun sa pinareserve kong table. Halika na umalis na tayo at baka matraffic pa tayo." yaya ko dito at hindi ko na binitawan ang kamay nito hanggang sa sasakay na kami sa kotse. Pinagbukas ko sya ng pinto at saka ako lumipat sa kabila at sumakay sa driver's seat. Hanggang sa makaalis kami ay tahimik lang ito pero huling huli ko na tumitingin sya sakin. Lalo na sa legs ko.

"Bakit ang tahimik mo may problema ba?" tanong ko dito makalipas ang ilang minuto.

"Jovs wag na kaya tayo tumuloy? Gusto mo pagluto nalang kita dun nalang tayo sa condo ko." di ko maintindihan kung bakit parang nagpapanic sya.

"Ano ka ba di pwede no nakapagpareserve na ko. Dun yun sa restaurant ng Mama ni Ate Cel nakakahiya naman kung magka-cancel ako. Biglaan nga lang yung atin siningit lang nila alam mo naman ang hirap magpareserve dun di ba?" si Ate Cel ay ang asawa ni Coach Rico. Limited slots lang kasi every night ang nakakakain dun sa restaurant na yun kaya dapat ay advance ang reservation.

"Eh kasi ano eh...." tila di nito alam kung paano sasabihin ang gusto nitong sabihin.

"Ano ba kasi talagang problema?" nahihiwagaan na talaga ko sa kinikilos nya.

"Ayaw ko kasi may makakita sayo na ganyan ka kasexy gusto ko ako lang." halatang nahihiya na sabi nito.

"Napaka possesive mo naman. Don't worry hanggang tingin lang naman sila di naman nila ko makukuha." pag aassure ko naman dito at hinawakan ko ang kamay nito.

"Eh kahit na ayoko pa din!" maktol pa din nito.

"Ate Chel wag ka ng makulit please. Nagdadrive ako o!" pakiusap ko na dito.

"Tse! Bahala ka sa buhay mo!" sabi nito matapos biglang bitawan ang kamay ko at di na naman ako pinansin.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din kami sa restaurant. Ayaw pa din ako pansinin nitong dyosang kasama ko pero grabe naman kung makakapit sa braso ko at parang gustong awayin lahat ng nasasalubong namin na napapatingin sakin. Buti nalang at nakita agad namin si Ate Cel.

"Hi Jovs and Chel! Welcome sa restaurant namin. Lika dito yung table nyo." aya nito samin at iginiya kami sa isang table sa gilid ng restaurant.

"Thanks Ate Cel ha kahit di kita naabisuhan agad nagawan mo pa din ng paraan."

"Sus wala yon basta para sa inyong mga anak anakan ni Rico. Kamusta pala nagkakaubusan ba ng tela sa Army?" tawa nito ng mapansin na pareho kaming naka maikling dress ni Ate Chel.

"Naku Ate Cel buti napansin mo, may jacket ka ba dyan? Kailangang balutin ko yang katawan nyang si Jovs." hanggang ngayon ay yung damit ko pa din pala ang pinoproblema nya.

"Bakit naman ang sexy kaya ni Jovs sa damit nya." sabi naman ni Ate Cel na nagtataka.

"Yun na nga eh sobrang sexy halos lahat na tuloy ng tao dito nakatingin sa kanya." di na nya naitago ang inis nya habang pinagmamasdan ang paligid ng restaurant.

"Naku Jovs ang higpit naman nitong date mo hahaha. Mabuti pa maiwan ko na kayo dyan at ng maihanda na namin ang food nyo." umalis na ito na natatawa pa din samin.

"Ate Chel wag ka na mainis please. Hayaan mo silang tumingin. Basta ako sayong sayo lang ang atensyon ko." hinawakan ko ang kamay nito at hinalikan. Napansin ko naman na biglang namula ang pisngi nito dahil sa ginawa ko.

"Sorry ha kung feeling mo nakakasakal ako. Di ko din alam bakit ganito yung nararamdaman ko. Di ko din alam pano ko pipigilan." malungkot na sabi nito.

"Ok lang naiintindihan kita. Basta wag ka na mag alala. Isipin mo nalang tayong dalawa lang ang tao sa mundo wag mo silang pansinin." unti unti naman ngumiti ito at tumango.

"Ito pala ang official na first date natin no? Kaya dapat talaga good vibes lang tayo. I promise di na ko maiinis." at nginitian na ko nito ng sobrang tamis.

"Ayan ganyan smile ka lang parati. Mas gusto ko pag nakikita kitang masaya." at napangiti na din ako sa kanya.

Hanggang sa dumating ang mga pagkain namin at matapos ang dinner namin ay wala ng naging problema. Masaya kaming nagkwentuhan at tawanan. Lahat ng inis nya kanina ay tila mag evaporate na. Di ko maikakaila na isa ito sa pinaka masayang gabi sa buhay ko. Di ko akalain na maide-date ko si Ate Chel ng ganito. Yung tipong hindi basta friendly date lang. Napakasaya namin habang nasa byahe kami pauwi sa barracks.

"Jovs sana hindi ito yung huling date natin ha. Sana may mga kasunod pa." sabi nito sakin bago kami pumasok sa pinto ng barracks.

"Oo naman. I would love to do this over and over again with you. Only you." sa totoo lang kahit ata araw araw namin gawin to ay di ako magsasawa. Nagkatitigan kami at unti unti ng naglalapit ang mga mukha namin sa isa't isa ng biglang bumukas ang pinto. Mabilis naman kaming naglayo.

"O nandyan na pala kayo bakit di pa kayo pumasok at mahamog na. Ang iikli pa naman ng damit nyo." sabi ni Ate Joanne na dumiretso sa labas para itapon ang basura sa malaking garbage can sa tapat ng gate namin.

Di naman kami halos makatingin sa isa't isa ni Ate chel matapos ng nangyari. Kung di biglang lumabas si Ate Joanne siguradong nauwi na sa halikan yung titigan namin na yun kanina. Parang mas nakahinga ako ng maluwag na hindi natuloy ang halik na yun dahil hindi ako sigurado sa magiging reaksyon nya. Paano kung di nya magustuhan at mailang sya uli sakin di ba? Di ko na gusto na magkalayo uli kami. Dahil dito ay tila nagkaroon na naman ng pagdududa ang puso ko. Tama pa ba tong ginagawa ko? Tama ba na nagiging ganito kami kalapit sa isa't isa? Na tipong lumalampas na kami sa linya ng pagiging magkaibigan? Pero pag tinitignan ko sya ay pakiramdam ko tama lang ang lahat.

Kahit medyo nag aalangan ay hinawakan ko na ang kamay nya at iginiya sya paakyat sa kwarto ko. Saka ko na iisipin ang mga bagay na di pa naman nangyayari. Basta sa ngayon ay nanamnamin ko muna ang saya na nararamdaman ko kapag kasama ko si Ate Chel. Bahala na kung anong mangyayari bukas.

Continue Reading

You'll Also Like

187K 3.9K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
3.1K 1.6K 32
These is the first part of a 5 series fanfics inspired by my Loves B1A4. μ•ˆλ„!! Jhie here a certified BANA. Been listening to their songs and watching...
1.6M 35.3K 162
A story made for Jedean Gawong Fan❀🌈
421K 17.4K 128
[EDIT] VERY, VERY IMMATURE WORK!!! Read at your own risk. "Hi, Naghahanap po ako ng boyfriend." "Maling hotline po ang natawagan niyo." - ❝In which T...