Just Fall In Love Again (Publ...

By asherinakenza

12M 167K 10.6K

Published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P199.00 Kaya mo pa bang magmahal kung sobra sobra ka... More

Just Fall In Love Again
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Finale
Epilogue
Pagbati at Mensahe mula kay Ate Ash :">
Special Chapter: Drake's payback time...
Special Chapter: Drake Tyler Christmas Gift

Kabanata 39

175K 2.6K 178
By asherinakenza

Dedicated kay @annttpmntn thank you sa support! <3 :">

FEATURED COMMENTS FROM THE PREVIOUS CHAPTER: iflovestrucks-Hahaha! nagiging pervy na si drake! xD Cant get enough lang ang drama sa lips ni kei marie?! xD Mwahaha. sweet as ever ni drake. may ganyan pa ba sa mundo?! XD mukzienaf-Ang halay lbg drake'gravity sobrang nabubuhayan ako ng dugo sa ksweeetan..parang kelan lng my takot ipaglaban yung relasyon nila..merong my ayaw a relasyon nila ngaun..boom..sila ng nkkakilig.. ireneight-SULIT PO TALAGA YUNG UPDATE!!! Ü TEAM DRAMA FTW~!!! infinite110612- kahit maiksi , sulit naman ee " nakakamiss si drake lalo na yung nagmumura niyang dimples haha xD grabe 3 dAYS lang silang di nagkita akala mo isang taon na e pag ibig nga nman ,. napapabago talga ng love ang ugali ng tao nagiging masiyahin na at di na masungit .. grabe ang sweet talaga ni drake sana may makilala din akong katulad ni drake :"'""> kakainggit si marie !! waaahh ' grabe ung mga banat ni drake nkakamatay sa sobrang kilig .. eurmylyn4ever-kung hindi ako nagkamali sa pag bilang may 5 sa lips 1 sa pisge at 1 sa ilong na halikan ang naganap sa chapter na to!! waaah! kayo na sweet, kasing sweet ng banana chips. grabe iba talaga ang nagagawa ng pag ibig, mababago at mababago ka talaga, good thing is positive ang nagawang pagbabago nun sa kanila.kyaah!


----------------------


Kabanata 39


Kinabukasan maaga kaming umalis ni Drake papuntang Zambales, punong puno ng excitement ang buong katawan ko para sa pagbabasa ng mga sea shells na sinulatan namin. Ano kayang mga hiniling nitong si Drake?


Nilingon ko siya na ngayon ay masayang nagmamaneho, "Matulog ka muna sweetheart, malayo pa tayo." Nakangiting sabi niya, tinusok ko yung dimple niyang nagmumura.

"Sinong may dimples sa parents mo?" Usisa ko sakanya, napangiti siya lalo sa tanong ko.

"Lola ko, kaya nga paboritong apo ako eh." Kwento niya, nakakatuwa kasi yung dimples niya sobrang lalim kaya wagas kung magmura.


Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at marahan na pinisil iyon, "Mamaya pagdating natin nandun si Mama.." Biglang sabi niya, napatingin ako sakanya! "A-ano?!" Hiyaw ko, nakakahiya.

"Gulat na gulat lang sweetheart? Haha, nandun si Mama pati si Yesha, pero uuwi din sila mamaya kasi may pasok bukas si Yesha.. H'wag kang mag alala, napagsabihan ko na si Yesha." Paninigurado niya saakin, napailing iling ako.


"Drake hindi mo naman kailangan pagsabihan yung kapatid mo.." Bulong ko, sandali siyang lumingon saakin pero kaagad din niyang ibinalik ang tingin sa kalsada.

"No sweetheart, kailangan matuto din yang si Yesha. Saka isa pa kinausap din siya ni Mama, kaya h'wag ka nang mag alala."



Pagkadating namin sa bahay nila sa Zambales, kaagad akong tumakbo sa pampang ng beach, nakakamiss yung hangin dito pati yung mga nagkalat na sea shells. "Hey, mababasa yang sapatos mo!" Suway saakin ni Drake at napapitlag ako nang tumungo siya para tanggalin ang sintas ng sapatos ko inalis sa paa ko iyon.


Pagkatanggal niya mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi. "Thank you sweetheart!" Magiliw na sabi ko na naging dahilan ng pamumula ng mukha niya! Hinawakan niya lang ang sapatos ko at hinayaan akong lumusong sa tubig.

"Ayaw mo?!!" Hiyaw ko sakanya, nginitian niya lang ako at mas pinili niyang panoorin ako, para bang bawat kilos ko kinakabisado niya, yung mga malalalim niyang titig nakakataas ng pagkatao.


Lumusong na ulit ako at napakunot ang noo ko nang may makita akong malaking sea shells, kinuha ko iyon! Wala na ang kahati nito kaya naman parang may mga crack na, "Drake! Pwede ko bang kuhanin 'to?" Tanong ko sakanya, tumango siya saakin.

Naglakad na ako palapit sakanya, "Sulatan natin mamaya tapos idikit natin sa head board ng kama mo!" Natatawang suhestiyon ko, "Sure sweetheart, kahit anong gusto mo." Nakangiting sagot niya, hinawakan na niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad papasok sa bahay nila, naamoy ko kaagad yung sinigang na niluluto ng Mama niya.

"Kuya? Kayo na ba yan?" Bigla akong nakaramdam ng kaba nang marinig ko ang boses niya Yesha, humigpit ang hawak ko kay Drake, "It's okay sweetheart.." Bulong niya saakin saka hinalikan ang buhok ko.


Narinig ko ang pagtakbo ni Yesha mula sa kusina, nakangiti siya saakin at nagbitiw ang kamay namin ni Drake nang bigla akong yakapin ni Yesha.

"I'm sorry Ate!" Bulong niya sa tainga ko atsaka mas lalong hinigpitan ang yakap saakin, "A-ayos lang yun Yesha.." Bulong ko, humiwalay siya ng yakap saakin at nginitian ako, may dimple din siya kaya lang isa lang iyon, nasa kaliwang pisngi niya iyon.


"Sorry talaga Ate.." Paumanhin niya, ngumiti ako sakanya, maya maya lang napansin ko ang si Tita Aira na nakangiti saamin, nakashorts lang ito at maluwag na tshirt, mukha siyang teenager. "Mabuti naman at maayos na kayo." Sabi niya saamin, lumapit siya saakin at hinalikan ako sa pisngi. "Kumusta hija?" Ngiting ngiti siya saakin, siguro nga hindi siya malumanay magsalita pero ramdam ko ang saya doon dahil nagkita ulit kami.

"O-okay lang po Tita.." Nauutal na sagot ko, "Mabuti kung ganoon, malapit nang maluto yung sinigang, sabay sabay tayong kumain, pagkatapos uuwi na rin kami ni Yesha at maaga pa ang klase nito bukas." Nakangiting pahayag niya.


Nagkwentuhan kami ni Yesha doon sa sala, mukha namang okay na ako sakanya kasi niloloko loko na niya ako sa kapatid niya, may sinabi din siya saakin na sikreto. Yung crush daw niya lumiligaw daw sakanya, h'wag daw akong maingay kay Drake dahil baka pagalitan siya. Nakakatuwa siya, naalala ko dindati nung mga panahong puro crush lang nasa isip ko. Napatingin ako sa tv nang marinig ko ang isang familiar na pangalan.

"Grabe ang manyak naman niyan!" Sigaw ni Yesha habang nakatitig din sa tv. "Anong pinapanood niyo?" Biglang dumating si Drake, may dala dala siyang mansanas, napatahimik din siya nang malaman niya kung anong pinapanood namin, umupo siya sa tabi ko at pinadausdos niya ang kamay niya sa baywang ko.


"Karma na niya yan." Bulong niya, napatango nalang ako. Nasa balita kasi ngayon na natagpuan ang bangkay ni Leo sa Taguig, matagal na pala siyang pinapahanap ng Daddy niya dahil isang linggo na daw hindi umuuwi, ayun pala pinatay siya dahil sa ginawa niyang sex slave ang bago nitong girlfriend, hindi niya alam na mga militar pala ang kapatid nung girlfriend niya.

"Dapat lang sakanya yan! Ang hilig niya ha!" Galit na galit na hiyaw ni Yesha, napakunot ang noo ko. "Kilala mo siya?" Pagtataka ko, naisip ko kasi na baka napanood niya yung video namin ni Leo, o baka may nakapag sabi lang sakanya? "Hindi Ate, pero kawawa naman kasi yung babaeng ginawa niyang sex slave." Malungkot na sabi niya, humigpit ang kapit ni Drake sa baywang ko.

"Are you alright sweetheart?" Bulong niya sa tainga ko, tumingala ako para matitigan siya. "Oo naman." Nakangiting sagot ko saka hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya, naramdaman ko naman ang paghalik niya sa buhok ko.

Malakas talaga gumanti ang karma sa buhay, kagaya ng nangyari kay Leo, sinabi saakin ni Mateo noon na idemanda ko siya pero tinanggihan ko dahil alam kong gagawa at gagawa ng butas ang pamilya nila. Naniniwala naman kasi ako na may gaganti rin para saakin, sa pamamagitan ng karma.


"Don't think too much sweetheart, hindi mo naman kasalanan yung nangyari sakanya." Seryosong sabi ni Drake, nandito na kami ngayon sa terrace ng kwarto niya, kaaalis lang nila Tita Aira, gabi na rin kasi.


"Hindi naman ako nag iisip Drake, after all totoo naman talaga yung karma." Sagot ko sakanya, nilagyan niya ng blanket ang balikat ko at niyakap niya ako mula sa likod, hinalikan niya ang pisngi ko. Ang init nung paghinga niya nakakatindig ng balahibo. "Yes sweetheart, buti nga hindi ako ang pumatay sakanya." Natatawang sabi niya, hinampas ko ang dibdib niya!


"Ikaw Drake ha!" Suway ko sakanya, tumawa naman siya at mas hinigpitan ang yakap saakin.

"Basahin nanatin yung mga sinulat natin sa shell." Sabi niya saka kumuha siya ng isang nakadikit na shell.

"Sulat mo 'to." Natatawang sabi niya, yung ekspresyon niya nakakaloko akala mo may nabasa siyang nakakatawa!

"Hahahahaha! Seriously sweetheart?! Hindi ka pa nakakasakay ng carousel?!!" Sigaw niya! Biglang namula ang mukha ko sa kahihiyan! Sinubukan kong agawin sakanya yung shell pero itinaas niya yon!

"Oh edi ikaw na matangkad!" Pagsusungit ko sakanya! Pero minura lang ako ng dimple niya, kainis talaga! "Hahaha, hindi nga sweetheart?" Pagtatanong niya, huminga ako ng malalim.

"Okay fine, hindi pa. Kasi hindi ako pinapayagan ni Mama na maglaro sa labas o kahit pumunta manlang sa amusement park.." Kwento ko sakanya, napakunot ang noo niya. "Bakit naman?" Tanong niya, wala namang dahilan kung hindi ko sasabihin sakanya.

"Nung baby kasi ako inoperahan ako sa puso..nung pinanganak kasi ako may butas ang puso ko.." Kwento ko na mas lalong nagpakunot ng noo niya, nabitawan niya yung shell. "M-may sakit ka?" Nauutal na tanong niya, kita ko sa mukha niya ang pag aalala. Humakbang siya palapit saakin, hinampas ko ng mahina ang dibdib niya. "Magaling na ako Drake, may mga gamot lang akong iniinom." Sabi ko sakanya, "Hanggang ngayon?" Tanong niya, tumango ako bilang sagot, kung dati hindi na ako umiinom ng gamot, pero simula nang sinabihan ako ni Mama umiinom na ulit ako.

"Kaya ba tuwing umiiyak ka nahihirapan kang huminga? Nung panahong magkaaway tayo, nasaktan ba kita ng sobra? Nun--" Pinutol ko ang pagsasalita niya, "Drake, magaling na ako."

"No sweetheart. Nakita ko, nakita ng dalawang mata ko kung paano ka mahirapan.. " Ngumiti ako, saka umiling iling ako. Nakakatuwa ang reaksyon niya, para bang alalang alala siya saakin. Lumapit ako dun sa mga shells at kumuha ako ng isa, ramdam ko pa rin yung titig niya saakin na sobrang lalim.

Binasa ko ang nakasulat dun sa kinuha ko.

--Sana mahalin ako ng best friend ko, yung tipong ako lang.--

Napangiti ako, sulat kamay kasi ni Drake iyon. Tinignan ko siya, nanginginig ang mata niya na para bang ang dami niyang gustong itanong saakin.

"Natupad na yung hiling mo." Bulong ko, kinuha ko ang kamay niya at inilagay ko sa palad niya ang shell, kaagad niyang binasa iyon.

Ibinalik niya ang tingin saakin, "Mahal na mahal kita Drake, ikaw lang ang nag iisang best friend, boyfriend, at magiging partner ko habang buhay.." Hindi na ako natatakot na sabihin sakanya lahat ng nararamdaman ko, dahil kapag natakot pa ako alam kong sasabog yung pagmamahal ko sakanya ng kusa.


Humakbang siya palapit saakin at inangkin niya ang labi ko, yung malamig na hangin na humahampas sa katawan naming dalawa, napaplitan ng init mula sa labi niyang maingat na gumagalaw sa labi ko. Dahan dahan niyang pinaghiwalay ang labi naming dalawa.

"Hindi mo na kailangan ulit ulitin Kei Marie, dahil nararamdaman ko yung pagmamahal mo saakin." Bulong niya at hinila niya ako para ikulong sa bisig niya, ang ingay ng puso niya.. Nag uunahan din pala ang mga sasakyan dun na para bang lahat gustong makarating sa finish line.

"Ituloy nanatin yung pagbabasa." Sabi ko sakanya, naramdaman kong tumango tango siya.

"Pero pwede bang habang binabasa natin yung mga wishes natin, magkayakap tayong dalawa?" Hiling niya, napangiti ako at niyakap ko siya ng mahigpit. "Sige.."


Nakabalot kami ng blanket ngayon habang nakayakap siya sa likod ko, pareho kaming nakaupo sa sahig kaya naman ramdam na ramdam ko yung hubog ng katawan niya sa likod ko. Kumuha ako ng isa doon, yung sulat ko ang nakuha ko.

--Mahal na yata kita, Drake.--

Narinig kong tumawa siya ng mahina, "Yata? Ibig sabihin pinagnanasaan mo na ako noon sweetheart?" Natatawang tanong niya, napakayabang talaga nitong si Drake!

"Hindi noh! Yata nga lang diba!" Pagtatanggol ko sa sarili ko, tumawa siya at hinalikan ang balikat ko. "Pero ngayon hindi na yata, mahal mo na talaga ako." Masayang sabi niya. Siya naman ang kumuha ng shell, katulad ng saakin yung kanya din ang nakuha niya.

"Gusto kong maligo sa beach kasama ka sweetheart." May halong pang aasar na sinabi niya iyon, hinampas ko siya pero tinawanan niya lang ako.

"Seryoso ako sweetheart, gusto kong maligo sa beach kasama ka. Gusto kitang halikan dun mismo sa beach." Natawa ako sa wish niya! "Grabe Drake, ang korni mo!" Sigaw ko sakanya!

"Hahaha, after ng period mo maligo tayo sa beach." Sabi niya saka inilapag niya sa sahig yung shell, tumango nalang ako, kumuha na ulit ako ng shell, ngayon naman yung sakanya ang nakuha ko.

--Sana matanggal ko lahat ng sakit sa puso mo KM.--

Tumingala ako sakanya, "Natanggal mo na nga diba?" Nakangiting sabi ko, ngumiti siya at inabot ang labi ko. Ang sarap niya talagang humalik para bang ako pa yung tinuturuan niya.

Nginitian niya muna ako bago siya kumuha ng shell ulit, tinitigan ko ang mukha niya habang binabasa ang nakuha niya, mukhang maganda yung nakuha niya.


--Gusto kong magkaroon ulit ng baby..--

Nanlaki ang mata ko dahil sulat kamay ko iyon! Mabilis kong inagaw sakanya iyon, ngumiti siya.

"Nahihiya ka pa sweetheart? Gagawa naman talaga tayo ng baby.." Pang aasar niya, "Drake!!" Sigaw ko!

"Hahaha! Hayaan mo sweetheart, tutuparin talaga natin yang wish mong yan! Alam mo namang malakas ka saakin!" Masayang sabi niya, pulang pula ang mukha ko!

"Pero sweetheart, anong gusto mo babae o lalaki?" Usisa niya, nag iwas ako ng tingin sakanya. "A-ano, kahit ano..basta healthy siya." Sagot ko sakanya, hinigpitan niya ang yakap saakin at napapikit ako nang halikan niya ang pisngi ko, kasabay non ang paghaplos niya sa tiyan ko at bumulong siya sa tainga ko.

"Magpakasal na tayo."

****

A/N: Sa Thursday ulit UD. Thank you sa mga nagbabasa saka sa matiyagang nag hihintay ng UD. Ingat! 

Ate Abo.

Continue Reading

You'll Also Like

14.6M 50.2K 10
#StanfieldBook2: ZekeSteele (#Wattys2016Winner Collector's Edition) "I've made mistakes out of my rebellion. But I embrace t...
10.3M 140K 81
Kung sa "My Boss is a Freak" ay napatunayan niyong posibleng magkaroon ng isang unbelievably handsome, smart, and mega-rich na freak, dito naman sa p...
1.9M 30K 45
| COMPLETED| 26 June 2016 - 10 August 2016 | MR. PERFECT SERIES #2 | Heath and Antoinette have been living the life they built for themselves. Taki...
5.1M 103K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...