Seducing Alexandra

By DianeJeremiah

1.5M 28.1K 3K

Arabella Mendez -- She's ambitious and determined. Hindi siya naniniwala sa true love. She said, love is just... More

Author's Note
Chapter 1 Arabella "Ara" Mendez
Chapter 2 Search Operation
Chapter 3 The Mission
Chapter 4 Alexandra "Alex" Montalban
Chapter 5 Close Encounter
Chapter 6 Play with Fire
Chapter 7 The Gravity Between Us
Chapter 8 Feeling Accomplished
Chapter 9 Everytime We Touch
Chapter 10 The Fever
Chapter 11 Don't Fall For Me
Chapter 12 The Mission or Alexandra?
Chapter 14 Change of Heart?
Chapter 15 Hurt
Chapter 16 Hard To Say I'm Sorry
Chapter 17 The Punishment
Chapter 18 Hot 'n Cold
Chapter 19 Guilty
Chapter 20 Irreplaceable
Chapter 21 Just So You Know
Chapter 22 The Deal
Chapter 23 Courtship
Chapter 24 Hottest Girl in Town
Chapter 25 My Fallen Angel
Chapter 26 Hatred
Chapter 27 Taking the Fall

Chapter 13 Washout

36.4K 947 67
By DianeJeremiah

"They say love doesn't cost a thing. But I disagree. Because falling in love with the wrong person can cost you everything."

Alex POV

"Aray!!!" Malakas na daing ko ng nilalagyan ng doktor ng benda yung kaliwang braso ko na muntikan ng mabali.

"Sa susunod kasi mag-iingat kang bata ka!" Galit ngunit nag-aalalang sambit ni nana na nasa tabi ko nakaupo.

"Eh hindi ko naman ho kasalanan yung nangyari nana." Depensa ko na nakalabi. Masakit na nga pinapagalitan pa ako.

Maaga pa lang nagpunta na ako sa kuwadra kanina para tingnan si Misty dahil itinawag sa akin ni Mang Amarilyo na nagwawala daw ito. Nagbabago na nga ugali ng kabayong yun. Malapit na talaga manganak.

At sana nga manganak na ang sakit ng sinipa!

Buti na lang kamo hindi direkta na nasipa ang braso ko kundi lamog ngayon sana ito baka worst, nabalian pa ako ng braso.

Ng makarating kasi ako dun sa may kuwadra niya, sinipa ng likod ng paa niya yung kahoy na nagsisilbing kulungan niya, natanggal yung kahoy at tumama sa kaliwang braso ko ng isangga ko yun sa mukha ko para di matamaan ulo ko. May sugat iyon pero di naman gaanu kalaki at kalalim. Kung tutuusin parang daplis lang. Ang masakit ay yung laman.

Gusto nila ako dalhin sa hospital kanina kaya lang di ako pumayag. Ever since bata ako ayoko talaga sa hospital. Lalo na yung amoy. Kaya naman wala na nagawa sina nana kundi ipatawag ang family doctor naming si Dr. Reynald Gutierez.

"Eto pala yung pain reliever, Alex." Sabi niya sa isang bote ng gamot. "Take this after meal. Wag ka magtetake nito basta basta kung pag sumakit yan."

"Salamat dok." Pasalamat ko sa fifty two year old na doktor bago kinuha ng kanang kamay ko ang gamot at inilagay ito sa bedside table.

"Pero kailangan pa rin yang ma X-Ray para makita kung naapektuhan yung buto." Payo niya.

"Sige ho dok. Kung kailangan ko ipabuhat yang batang yan para maipa xray gagawin ko." Sagot ni nana.

Napailing iling na lang ako na may ngiti sa labi sa sinabi ni nana Idad.

"Sige, mauuna na ako." Paalam sa amin ng butihing doktor.

Tumango kami dito at sinabing mag-ingat sa pag-uwi, pagkatapos nun ay lumabas na ng kuwarto.

"Narinig mo yun ha, Alexandra?" Sabi ni nana. "Uminom ka daw ng gamot." Bigay diin nito.

Napakamot ako sa ulo at sumandal sa headboard ng kama. Alam kasi niyang ayoko sa lahat yung umiinom ng gamot. Ang sama sama ng lasa. Hangga't maaari ayoko uminom niyan.

"Opo." Parang batang pinagsabihan na sambit ko sa kanya.

Pagkaiwan sa akin ni nana sa kuwarto ko ay umayos ako ng higa. Aaminin ko, kumikirot yung sugat ko ngayon pero titiisin ko na lang muna yung sakit kaysa uminom ng gamot. Itsura pa lang alam mo ng di masarap inumin.

Dapat ba masarap yung gamot para magustuhan mo inumin? Sabi ng inner self ko.

Itutulog ko na nga lang yung sakit baka sakaling paggising ko, mawala na yung hapdi.

Saktong pananghalian na ng magising ako. Hindi naman na masyado masakit yung sugat ko. Pinilit kung maupo sa kama. Ayoko yung nagbababad sa kama parang lalong sumasakit katawan ko pag ganun. Sanay na akong buong araw may ginagawa.

May kumatok sa pinto ko. Si nana na naman siguro. Sabi ko sa sarili ko.

"Pasok." Wika ko habang sinusubukan kong bumaba ng kama. "Nana pakilagay na lang sa may lamesita dun na lang ako kakain." Sabi ko pa na hindi nakatingin sa kanya.

Wala ako narinig na sagot o naramdaman na gumalaw man ito kaya nagtatakang nag-angat ako ng tingin.

Isang magandang babae na dirty blonde ang buhok, kulay asul ang mga matang mataray na nakatingin sa akin kasabay ng nakaangat na perfectly trim na kilay nito. May dala din itong tray ng pagkain.

"A-ano ginagawa mo dito?" For the first time in my life ngayon lang ako nautal sa isang babae.

"At sinong may sabi sayo na pwede ka ng tumayo sa kama?" Mataray na sabi nito sa akin.

"Ara," Sambit ko. "Hindi pa ako baldado kaya ko pang tumayo. Braso lang yung natamaan sa akin." At sinubukan ko ulit tumayo biglng kumirot yung sugat ko at di ko yun naitago sa biglang pagngiwi ng bibig ko.

"Kaya huh?" Tuya niya sa akin. "Balik sa kama." Utos pa niya sa akin.

At kailan pa siya nagkaroon ng karapatang utus-utusan ako?

"At kailan ka pa---"

"I said go back to bed!" Maawtoridad na sabi niya sa akin.

"And who gave you the right to boss me around inside my own house?" Medyo inis na sabi ko. Sa lahat ng ayoko yung inuutusan ako.

Madami ka naman talagang ayaw, Alexandra. Kasi akala mo kaya mo lahat. Tuya pa ng isipan ko sa akin.

"Me." Matapang na sagot niya.

Lumapit siya sa kinauupuan ko sa gilid ng kama at inilapag sa bedside table yung tray ng pagkain.

"Iwan mo na lang diyan. Kaya kong kumain mag-isa." Magkasalubong ang kilay na sabi ko sa kanya.

Pero imbis na sundin ako, yumuko siya at hinawakan yung dalawang paa ko. Pagkatapos ay inangat niya iyon at wala sabi-sabing ibinalik sa kama.

"Ara---" Muntik na ako mapahiga pero naagapan niya yung ulo ko. "Ano ba?"

"Ngayon nga try mo kumain mag-isa." Hamon niya sa akin.

I glared at her. "Kaya ko. Kaya lumabas ka na ng kuwarto."

Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. She even crosses her arms across her chest and look down at me.

Kinuha ng kanang kamay ko yung tray at inilagay sa may hita ko. Kinuha ko yung kutsara, since di ko naman mahahawakan yung tinidor. Nakamasid lang siya sa akin. Sinubukan kong kumatsara ng kanin na may isda kaya lang kailangan talaga ng tinidor eh. Wala pa naman ako pasensya sa mga ganitong sitwasyon.

Ayokong may ibang nakakakita sa weak side ko. Gusto ko nakikita nila ako bilang si Alexandra na matapang. Na halos kaya ang lahat. Na kung maaari lang, hindi ako hihingi ng tulong sa iba. That I can do it myself. And now what? Si Arabella pa ang unang unang makakakita sa panahong ang hina ko.

"Damn it!" Napamura ako ng mahina sabay bitaw sa hawak kong kutsara.

"See?" May kayabangang sambit niya. "Now tell me you don't need me."

Matiim akong tumingin sa kanya. Now tell me you don't need me. Ang yabang ng pagkakasabi niya nun sa akin. Pero habang tinititigan ko si Ara, I realize she's right. I need her. I need her in my life. I want her to be a part of me.

This past few days, being with her gives me warmth. May naibibigay siyang saya sa kaluluwa ko. Not just because she's hot underneath me, but, she completed the puzzle inside my heart. She's the missing part of me.

"A-akin na nga. Susubuan na kita." Naiilang na agad itong nagbawi ng tingin at umupo sa tabi ko.

Kinuha niya ang kutsara at tinidor. Sinimulan niyang lagyan iyon ng pagkain. Ang mga mata ko'y di maalis alis sa makinis niyang mukha. Wala siyang make-up ngayon pero ang ganda ganda pa rin niya. Para siyang barbie.

"O." Sambit niya sabay subo sa akin nung pagkain. "Alex naman eh." Reklamo niya ng di bumuka bibig ko para tanggapin yun.

Wala na akong nagawa kundi tanggapin na hindi ko kaya kumain mag-isa sa ngayon at si Ara ang magpapakain sa akin.

"Ba't ka ba nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Don't talk when your mouth is full." Sabi lang niya at kumatsara ulit ng pagkain.

At kahit na hindi ko pa nalulunok lahat ng pagkain sa bibig ko sinubuan ulit niya ako tapos ulit, tapos ulit na naman. Punong-puno na yung bibig ko. Di ko na kaya pa kaya iniwas ko na yung mukha ko sa kanya.

Maluha-luhang inabot ko yung tubig. Para yatang magbabara lalamunan ko sa ginagawa ng babaeng 'to. May balak ba siyang patayin ako?

"Eto pa." Sabi niya pero umiling ako. May laman pa bibig ko at pilit ko yun nilulunok. "Alexandra!"

Nilunok ko na lahat ng nasa bibig ko bago nagsalita. "Papatayin mo ba ako?"

Inirapan lang niya ako. "Kumain ka pa." Inis niyang sabi.

"Ayoko na." Tanggi ko.

Inis na binaba niya yung kutsara sa plato. Ano ba problema niya?

"Nakakainis ka kasi eh..." Saglit, umiiyak ba siya?

"Ba't ka umiiyak diyan?" Parang bigla naman ako nataranta.

"Kasalanan mo!" Bulyaw niya sa akin.

"Ano ba ginawa ko sayo?" Maang na tanong ko. "Wala naman ah!"

Hinampas niya ako sa kanang braso. Seryoso? May balak na siyang pati kanang braso ko madali din?

"Ba't ba kasi ang tanga-tanga mo?!" Sabi pa niya sabay punas sa luha niya.

Nanlaki naman ang mata ko sa kanya. "Ano ba kasi ginawa ko sayo?" Naguguluhan na talaga ako sa babaeng 'to.

"Alam mo na kasing nagwawala yung kabayo pinuntahan mo pa!" Panisi niya.

"Alangan naman na hindi ko puntahan si Misty?" Ano ba talaga problema niya? Ano kasalanan ko dito?

"Eh sana di mo na lang nilapitan!" Asik niya sa akin. "Stupid! Hayan tuloy nangyari sayo." Sabay tingin sa nakabendang braso ko.

Mataman ko siyang tinitigan. Nag-aalala ba siya sa akin?

"Teka lang," Sambit ko na pinipigilan ang ngisi sa labi ko. "Nag-aalala ka ba sa akin?"

"Ay hindi!" Sarkastiko niyang sabi saka siya umirap sa akin.

Di ko na napigilang tumawa. Ah... kaya pala ganun na lang siya kung umasta kanina, nag-aalala siya sa akin. Ang sarap naman sa pakiramdam.

"Hey, don't laugh at me!" Mataray na sabi niya. "I still hate you."

"For what?"

"For being stupid! Duh!" Sabi niya ang arte lang eh.

"Aray..." Kunwaring daing ko.

Biglang gumuhit ang matinding pag-aalala sa mukha niya. "Anong masakit?"

"Dito." Turo ko sa kanya.

"Saan? Yung braso mo?" Alalang alala talaga eh nagpanic na din yata siya.

"Dito o." Sabay turo sa dibdid ko. "Sa puso ko. Napana yata ni kupido."

"What?!" Bigla itong naguluhan.

Then a slow realization hit her. She slapped my thigh.

"Ang korny mo!" Sabay irap sa akin pero di maitatagong kinilig naman siya.

"Buti hindi ka napapagod." Kunwaring seryosong tanong ko.

"Okay lang ako. Bakit mo naman naitanong?" Seryoso ding tanong niya kapagkuwan.

"Kasi takbo ka ng takbo sa isipan ko." Sabay ngiting sabi ko sa kanya.

Di na niya napigilang tumawa. "Hindi ko alam may itinatago ka pa lang kakornihan sa katawan."

"Ayoko lang na nakikitang umiiyak ka." Sabi ko sa kanya. "Mas lalo ka kasing pumapangit." Biro ko pa. Hahampasin na naman sana niya ako pero pinigilan ko yung kamay niya. "Opps! Nakakarami ka na ha?"

"Panu ang sama sama mo!" Ganti niya sabay bawi sa kamay niya. "Pangit ba talaga ako?" Nakalabing tanong niya.

Di ko na naman napigilang mapangiti ng malawak. "No."

"T-talaga?" She stammered.

"You're the most beautiful girl I've ever seen." Nakatingin ako sa mga mata niya.

Biglang namula yung pisngi niya. Na-conscious pa yata.

"K-kukunin ko na nga yang tray at mailagay sa kusina." Sabi niya na di makatingin sa akin ng diretso.

"Sige." Sabi ko naman at hinayaan siyang kunin yung pinagkainan ko.

"Uminom ka ng gamot." Sabi niya pagkatayo niya. "Para di kung anu-ano pinagsasabi mo diyan." Dagdagpa niya pero parang nakita ko na nakangiti siya ng sinabi yun.

Naiwan ako sa loob ng kuwarto, mag-isang nakangiti at nakatingin sa pintuang nilabasan niya.

You made me like this, Ara. You changed me...

Binantayan ako ni Arabella buong maghapon. Sinabi ko na sa kanyang kaya ko naman yung sarili ko. Kumikirot lang talaga kanina yung sugat, pero nung nakainom na ako ng gamot nawala na din naman yung hapdi.

Pero ayaw niya pumayag. Hinayaan ko na din siya na dun sa bahay matulog. At kahit na nagtataka man, di na lang kumibo si nana at inulan ako ng usisa. Pero tiyak yan, pagkagaling ng braso ko, di ako tatantanan nun ng tanong.




Continue Reading

You'll Also Like

348K 7.3K 54
Summer Rain Canda the youngest daughter of the famous family of Canda. The richest in town, and Ranked 2nd richest family in the philippines. She's t...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
My Professor By Caleb_grey

Mystery / Thriller

8.5K 95 37
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...