BARANG

By jjmuah

10.9K 431 18

Ang "barang" ay isang uri ng mahika na sinasabing higit-dobleng mas mabagsik kaysa kulam. Ang isang mangkuku... More

Ang Pagibig ng BARANG
Ang Pagibig ng BARANG
Ang pagibig ng BARANG
Ang Pagibig ng BARANG

Ang pagibig ng BARANG

1.8K 104 0
By jjmuah

             Ilang linggo rin nagkulong sa kanyang tahanan si Cardo mas pinili na lamang niyang manahimik sa mga ginawa ni Mayor Sebastian,may ibang paraan siyang naisip para makaganti.
Ngunit ang kanyang ikinagagalit ay ang binitawang mga salita ni Rosa.napanghihinaan siya ng loob sa tuwing masasagi sa kanyang isip ang mga sinabi ni Rosa.

Alas sais na ng hapon ng matapos sa bukid si Cardo pagkuway nagtungo na ito sa kanyang tahanan.matapos kumain ay may bagay siyang naalala mula sa baul sa ilalim ng kanyang papag.kinuha niya ito at binuksan.
Nangilabot siya ng makita ang mga gamit ng kanyang inang yumao.mga kagamitan para sa pang babarang,
Ang mga bagay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang.ang mga bagay na gawa ng itim na mahika.
Halos lahat ng dasal ay kabisado ni Cardo dahil simula pagkabata niya ay ito na ang mga naririnig niya sa kanyang Ina.

Nakaramdam ng kilabot ang buong katawan ni Cardo ng mga sandaling iyon. Nais ni cardo na kalimutan na lamang  ang pamamaraan niya ng pag ganti.
Iniwasan niya ang tukso ng itim na mahika.pagkuway ibinalik niya ito sa baul at muling itinago.

Isang gabi habang natutulog  ang binata ay nakaramdam siya ng mainit na pakiramdam mula sa kanyang tagiliran napapitlag siya ng makitang nasusunog ang dingding ng kanyang bahay .mabilis na kumilos si Cardo upang makalabas .wala siyang nagawa natupok ng apoy ang barong barong nitong tahanan  kasama ang mga kagamitan,maliban sa isang bagay na naligtas ang baul na naglalaman ng gamit pang barang at ang litrato niya na kasama si Rosa.
Sa gawing likuran ng kanyang bahay ay nakarinig siya ng ingay ng sasakyan, mabilis na tinungo niya ang pinanggalingan ng ingay doon nakita niya ang pulang sasakyan.pamilyar ito sasakyan ni Mayor sebastian.doon ay nanggalit ang katauhan ni Cardo.,...Wala siyang nagawa kundi manahimik na lamang
nais man isumplong niya sa mga kinauukulan Ang mga nagawa sa kanya ni Mayor Sebastian ay baka baliktarin pa siya dahil may pangalan ang babanggain niya.
Tinanggap na lamang ni Cardo ang mga ginawa sa kanya ni Mayor.nanahimik na lamang siya at mas pinili niya itayo na lamang ulet ang barong barong niyang tahanan.

****

Lumipas  na ang  dalawang  taon........

Isang umaga nagtungo si Cardo sa bayan upang ipag bili ang naani nitong mga sariwang gulay.
Naibenta agad ito ni Cardo.mukang maswerte ang araw na iyon para sa kanya.
Habang siyay naglalakad ay naulinigan niyang nagkaka tsismisan Ang mga tindera ng isda.

"Ay totoo pala! TalagAng mag aasawa na si Mayor Sebastian."

Wika ng isang tindera.habang binabasa ang
hawak nitong Dyaryo.

Lumapit rito si Cardo at nagtanong

"Mawalang galang na po.Maaari ko ho bang mahiram iyang Dyaryo?"

Nandilat ang mga mata ni Cardo ng mabasa at makita ang larawan nina Mayor Sebastian at Rosa na magkahawak kamay
Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib
galit ang nasa kanyang isipan ng mga sandaling iyon nais niyang pakawalan ang mga ikinubling galit kay Mayor Sebastian at Rosa. Kahit na halos dalawang taon na ang nakalipas ay may nararamdaman parin siyang pagmamahal para kay Rosa
Halos manlumo ang katawan ni Cardo habang siyay papauwe nadaanan sya ng sasakyan ni Mayor lulan nito si Rosa patungo sa bayan upang sukatan siya ng damit pangkasal.
Lakas loob na hinarang ni Cardo ang sasakyan.biglang preno naman ang nagmamaneho nito.pagkuway lumabas si Rosa.gayun na lamang ang pagkagulat niya ng makita si Cardo.

"Ano ba ang kailangan mo!? Bakit ba lagi kang nakasunod sa kin!?"

Pasigaw na wika ni Rosa.lalong namangha si Cardo kay Rosa sapagkat lumitaw lalo ang kagandahan ni Rosa.

"Totoo ba ang balita!?
Na magpapakasal kana kay Mayor Sebastian!?"

Sumungaw ang nakakalokong ngiti mula sa labi ni Rosa bago siya nag wika.

"Oo! Ikakasal na ako kay Mayor!  At siya ang papakasalan ko dahil alam kong hindi ako mamatay sa gutom kapag siya ang pinakasalan ko!"

"Ngunit hindi mo pa kilala si Mayor!"

"Mas lalong hindi kita kilala! Kaya pwede ba lubayan muna ako! Pag balik baliktarin mo man ang mundo hinding hindi kita magugustuhan at mas lalong hinding hindi kita mamahalin!!!"

Sa pagkakataong iyon nagsi isyoso na ang mga tao na nakapaligid sa kanila.bulong bulungan ang kanyang mga nauulinigan.
Kesyo daw opotunista sya at nais nya lamang daw makapangasawa ng maganda.

Umuwe Na ng kanyang bahay si Cardo. Doon na niya nailabas ang sakit na nararamdaman napaupo na lamang siya sa upuang gawa sa kahoy at doon na nagsimula ang pagpatak ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata.natuptop niya ang kAnyang mga kamao dahil sa sobrang galit na nararamdaman kala Rosa at Sebastian.
Pagkuway lakas loob niyang  inilabas niya ang baul na naglalaman ng mga kagamitang pang barang. Taliwas man sa kanyang kalooban ang binabalak ay mas nangibabaw ang nararamdamang galit ni Cardo.

****

Naalimpungatan mula sa pagkakatulog si Rosa.tumayo siya upang mag banyo pagkatapos ay napalingon siya sa orasan alas tres na ng madaling araw ng mga sandaling iyon.
Pagkuway naisipan niya na buksan ang malaking karton na naglalaman ng kanyang trahe de boda.
Nang buksan niya ay napasigaw siya sa kanyang nakitapuno ng dugo at uod ang kanyang trahe de boda.kaya naitapon niya ito.Walang tigil sa pagsigaw si Rosa.

"Rosa! Anak! Rosa!!!"

Humahangos  na nagising si Rosa. Nanlaki ang mga mata nito at pinagpawisan siya ng malamig.

"Umuungol ka anak ano bang napapaginipan mo!?"

Ikinuwento ni Rosa sa kanyang ina ang sinapit niyang panaginip.
Na paantanda (Sign of the cross ) ang kanyang sa mga ikinuwento ni Rosa.

"Diyos ko ija! Masamang pangitain ang panaginip mo."

" anong ibig nyo pong sabihin inay?"

"Ayon sa kwento ng mga matatanda kapag napaginipan mo na punit o may kung anong bagay sa trahe de boda mo ay hindi matutuloy ang kasal mo o may mangyayaring hindi maganda "

Nangilabot si Rosa sa mga sinabi ng kanyang Ina.ngunit binaliwala lamang niya iyon.

****

Mayor nalalapit na pala ang kasal ninyo ni Mam Rosa

Wika ni Arman ang Assistant ni Mayor Sebastian.

ngiti lamang ang tinugon nito kay Arman.
Ilang araw na lang ay nalalapit na ang kasal nina Sebastian at Rosa.lahat ay nakahanda na tanging ang araw na lamang ang kanilang hinihintay.
Ngunit walang kamalay malay sina Rosa at Sebastian na ang araw na kanilang pinakananabikan ay ang araw din na kanilang pagsisisihan.......

****
Next part
Please vote my story thanks regards












Continue Reading

You'll Also Like

646K 46.4K 70
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...