WILD RIDE ( Wild Series 1 : J...

By Soulful_Eyes

570K 9.6K 345

Jaime Vince Montevallo, a guy who has everything. but his past keep haunting him..isang bilyonaryong CEO at m... More

NOTEs
Soulful_Eyes
Prologue
W. R -1 ( The past )
W.R -2 ( Race )
W.R-3 ( Bipolar)
W.R -4 ( Kindat )
W.R - 5 ( Call )
W.R - 6 ( Kiss )
W.R - 7 (Gala)
W.R - 9 ( Push The Button )
W.R - 10 ( Asar Talo )
W.R -11 ( Lake )
W.R -12 ( Rover )
W.R -13 ( Ethan & Ericka )
W.R -14 ( Engagement Party)
W.R - 15 ( Broken)
W.R - 16 ( Passion Burning)
W.R -17 ( Touch )
W.R - 18 ( Lost)
W.R-19 (Love)
W.R - 20 ( Pregnant)
W.R - 21 ( Cold)
W.R - 22 ( Burden )
W.R -23 ( Ring)
W.R -24 ( Masquerade Proposal)
W.R -25 (Candle light)
W.R - 26 ( Cravings)
W.R - 27 ( Wedding)
W.R - 28 (WAKAS)
W.R - 29 ( SC1)
W.R - 30 (S.C2)

W.R - 8 ( Karera )

13.9K 266 24
By Soulful_Eyes

Chapter 8

Montevallo Stadium ( MStadium)

Second time ko na nakapunta dito. hindi pa din ako komportable dahil sa dami ng tao dito. wala naman ako magagawa dahil bigla na naman ako kasi basta na lang sinama dito ng bipolar kong boss. tsk!

umupo ako sa may gutter ng stadium, habang tinitingnan ang ibang racer na nagaayos ng kanilang mga gears. nasa loob pa ng isang private room si JV. naghahanda para sa race. napatingin ako sa isang Porsche na tumigil sa gilid ng Stadium. the music is too loud. pero biglang natahimik ang mga nandun' ng lumabas ang nagmamay-ari nun'. napasinghap ang mga kababaihan pagkalabas ng lalake. sino ba naman hindi, kapag ganyang malayo pa nakaukit na isang pilyong ngiti sa mga labi nito.

saglit akong natigilan. siya 'yung guy na pumunta sa AMC last time. before i could utter any word biglang iniluwa dun' ang kasama ng lalake na siyang nagpasipol sa mga kalalakihan dun. ohkaay! the girlfriend Maria Ericka Lagdameo. swerte mo bakla!.

all smiled itong kumaway sa mga kakilala niya. naka-fitted jeans at hanging blouse na white ito. she scanned the crowd, nakita kong nilapitan niya si Jigz Alcantara. tinanong siguro kung nasaan si Jaime.

nahagip ako ng paningin ni Ethan. katulad ng una ko siyang nakita nandun' pa din ang boyish smile nito. kinalabit nito ang kasama habang nakikipagusap sa mga ibang racer dun.' tumingin sa may gawi ko si Ericka. she wave her hand, sa mga tao nandun' at nagpaalam saglit ng matanaw niya ako. naglakad sila palapit sa akin.

" why are you here? where's JV by the way.? " tanong sa akin ni Ericka.

hindi ko maiwasan hindi paikutin ang mga mata ko sa kawalan. jusko! why am i here?..engot ba siya alangan andito ako for my JV labs. hanudaaw?? .. ayan pati sariling utak ko nagsasalita na naman.

" nasa loob pa. nagbibihis.." sagot ko. nginitian ko si Ethan ng mapansin ko itong ngiting ngiti nakamata lang sa akin. okay! siya na po ang gwapo mayghad!

" by the way honey, meet Tabitha De Guzman. secretary ni Jaime, she's my friend too. " malambing na sabi ni Ericka sa kasama.

sasagot sana ako na nakilala ko na ang kasama niya ng biglang nagsalita si Ethan.

" Nice to meet you miss De Guzman. " pormal nitong sabi at pasimpleng kumindat pa. parang nakuha ko agad ang kanyang mensahe.

" Oh' its my pleasure to meet you Mr. ---? " pabitin ko pang sabi.

" Ethan James Lee.." sabi niya.

" okay Mr. Lee.." i hissed.

tiningnan ko si Ericka na ngayon nakamata lamang sa amin.

" Hindi talaga kita nakilala, nun unang makita kita sa opisina ni JV. sobrang ganda mo. " sabi ko bigla. i just want to cut the awkwardness.

ngumiti siya sa akin nang pagkatamis tamis. even her smile babaeng babae talaga.

" Well, alam ko naman lahat kayo magugulat. kahit nga si JV hindi ako nakilala eh. " maarte nitong pahayag. inakbayan siya ni Ethan, at hinalikan sa pisngi ng umakap sa kanya si Ericka.

masyadong malanggam! ibang klase..naiinggit ka Tabby?...

" You mean, nagpunta ka kay Mr. Montevallo without a permission from me.? " mariin na tanong ni Ethan kay Ericka pagkatapos nitong masuyong halikan ang pisngi ng huli.

uh-oh! seems like trouble..

hindi na nakasagot si Ericka ng
narinig namin ang pagbukas ng pintuan sa likuran namin. lumabas dun' si Jaime na naka-gear up na para sa race. nagulat pa ito saglit ng makita ang dalawa.

" hello' sweetheart.." malambing na salubong sa kanya ni Ericka. bumitaw ito sa kasama at nakipag beso kay Jaime. yayakap pa sana ito, kaso hinila na siya ni Ethan. wow! possessive si fafa Lee. keber???!

nagpout ng kanyang labi si Ericka sa ginawi ni Ethan.

" don't be jealous honey. i told you JV is my friend. ganyan lang talaga ako sa kanya sweet. " hayag nito sa huli.

" I don't like to see you flirting with other guy. " pabulong na sabi ni Ethan na hindi naman nakaligtas sa pandinig namin.

nilingon ko si Jaime, ng bigla itong umakbay sa akin.

" Are you alright?. " parang nag slow ang lahat ng magtama ang aming mga mata. his sweet voice echoed in my mind. i simply nod at him. he pinch my cheek and patted me.

" Just watch me okay.? i need you to shout my name kapag natalo ko ang mga 'yan. " turo niya sa ibang mga racer. humalukipkip lamang ako at nginitian siya.

tumingin ako sa dalawa na nasa harap ko.

" oh' i almost forgot i need to change now, malapit na ang race. " sabi ni Ethan.

" Sasali ka..? " magkapanabay na tanong namin dalawa ni JV.

kunot noong tiningnan kami ni Ericka.

" of course! he's going to race. kaya nga kami nandito dibeey?.."
pabaklang sagot nito.

" you invited me, Mr. Montevallo. remember?." sabi ni Ethan kay JV.

shunga! din palang isang 'to makakalimutin. kailangan nito memo plus gold na inumin. tsk!

kaya pala ibang kotse ang dala ni Ethan. isang Chrysler Viper na model na nakaukit dun ang nakita ko. tapos sa likod nito nakalagay 'Hush'. then sa may hoodie nito nakadesign naman 'Hot & Crazy'. ang weirdo ng mga nakasulat dun.'

" Alright..alright, get yourself ready. " surrender na sabi nito. habang nakataas ang dalawang kamay.

bumaling ako ulit ng tingin kay Jaime ng magsalita ulit ito kay Ethan.

agad din umalis si Ethan para magpalit. sinamahan ito ni Ericka. infairness ang cool nilang tingnan dalawa.

" do you have a crush on him..?" tinanggal ko ang tingin ko kina Ericka at hinarap ang taong kasama ko ngayon.

" crush? kanino..? " tanong ko kay Jaime.

" Ethan.." simpleng sagot niya lang.

wow! ibang klase din itong isang 'to. tiningnan ko lang crush na agad?. matinde!

" hindi ah..." tanging nasabi ko lang.

naramdaman ko ang kanyang presensya na lumapit pa sa akin. umupo din siya sa gutter kung saan ako nakaupo. nakamata lamang ako sa ibang mga racer ngayon na sumasabay sa tugtog.

" good! because i don't want to see you admiring someone other than me. do you get me Tabby pea?." aniya sa husky na boses.

nilingon ko siya, isang dangkal na lang ang layo ng mukha niya sa akin. sheyt! kilig pems!

nagiwas ako ng tingin. hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga titig. those expressive eyes.

hanggang sa yumuko na ako dahil hindi ko kayang tagalan ang kanyang mga mata na tila nangungusap dahil sa reaction ko, dahil sa sinabi niya. nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagsupil ng aking ngiti.

napaangat ako ng tingin ng biglang magsalita ang isa sa mga taga-hawak ng race.

" ladies & gentlemen! tonight we are going to witness a blood raw for this drag race let's hit the road! racer's.."

Shout the guy from the mini stage inside the stadium. nagpalakpakan, sigawan ang mga tao dun. they roared their engine one by one. tumayo na si JV mula sa tabi ko at pumunta na sa kanyang red Chevrolet Corvette model. meron itong nakalagay na design. astig na astig tingnan. WILD RIDE ang nakaukit sa bandang gilid nito. may nakita pa akong ibang Lexus cars na iba't ibang modelo na pang-karera talaga. hindi naman kasi basta drag racing lang ito, legal na drag racing itong sa mga Montevallo. iba't -ibang race ang ginagawa dito. last time kasi may event din na puro mga motorcycle naman.

muli pa siyang lumingon sa akin at kumindat. i compose myself not to giggled. potek! pwede pahalik mylabs..sigaw ng munting utak ko. nginitian ko na lamang siya. ng makita kong pagbukas sa kanyang kotse, muli ko siyang tinawag.

" JV..! " sigaw ko dito. lumingon siya sa akin. raised his brows na nagaantay sa sasabihin ko.

" goodluck!." sabi ko na lang. sabay saludo pa sa kanya. ginaya niya din ang gesture ko at ngumiti.

tumalikod na ako mula sa kanya. habang pinigilan ang mga ngiti sa labi ko. ang nagrarambulan sa tiyan ko, hindi ko na alam nangyayari . kinikilig ako na hindi mawari.

napaangat ako ng tingin ng bumalik ako sa pwesto ko kanina. kunin ko sana ang sling bag ko na basta ko na lang nilagay kanina sa may tabi ng pinag-upuan ko. i saw Ericka smiling at me. humarap ako sa kanya, sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking kamay.

" I can feel it. you don't have to hide what you really feel for him Tabby. he's a nice guy anyway. kahit na minsan cold siya at suplado. " sabi niya sa akin. humalukipkip ito at sumandig sa may gutter na kasama ako.

painosente akong tumingin sa kanya.

" humahanga lamang ako sa kanya. 'yun lang 'yun. " deny ko sa kanya.

lumingon siya sa may gawi ko. tinaasan niya ako ng kilay. hindi mo aakalain na dati itong lalake. ibang klase talaga ang nagagawa ng sensya at teneklohiya ngayon. mula sa kilos at pananamit, sa mukha, katawan babaeng babae na talaga ang isang Erick nun'.

" Don't deny it girl. 'yang mga mata mo sa tuwing titigan mo si fafa Jaime. parang may lumalabas na puso at bituin emoticon dyan. 'wag ka nga!. maloko mo man ang iba, ako hindi. malayo ka pa lang amoy na amoy ko na ang pagnanasa mo kay fafa Jaime. if i know, baka gabi-gabi mo siya pinagpapantasyahan. "

natatawang sabi nito habang nakapameywang.

" Ay! aba. mas magaling ka pang kumilatis sa aking nararamdaman. kesa sa sarili ko ah.!"  natatawang sabi ko na lang.

pinandilatan ko siya ng mata. pinaikot lamang niya ang kanyang mga mata sa akin.

" halika ka na nga! nag-start na ang race. " aniya, sumabay pa 'to sa tugtog na pini-play ng DJ sa taas ng mini stage na nasa loob ng stadium.

hinila na ako ni Ericka. humilera kami sa mga taong nagkukumpulan sa may tabi ng mga kotse. naka-ready na sila para sa race. bago pa makapag-start 'yung go signal ng isang babae na may dalang maliit na red something hind ko alam name nun'. basta 'yun na yun. nilapitan ni Ericka si Ethan sa may gilid. hindi ko marinig ang usapan nila, basta nakangiti lamang si Ericka habang hawak ang pisngi ng binata. nakita kong humalik sa labi nito ang huli bago umalis.

goodluck kiss! ikaw din Tabitha lapitan mo si JV bilis.

wow! believe na ako sa konsensya ko naghuhumiyaw na ngayon. nasa gitna si JV. napatingin siya sa may gawi ko. hindi ko man lang namalayan si Ericka na nasa tabi ko.

" bilis na! girl lapitan mo na si fafa Jaime. sabihin mo lang goodluck." mariing sabi sa akin ni Ericka. sa nagkakaguluhang mga tao dun'. excited na ang lahat. hindi pa ako nakapagsalita, nakita ko na lamang na hinila ako ni Ericka patungo kay Jaime.

" fafa Jaime! goodluck, sweetheart. " maarteng sigaw ni Ericka. hahalikan sana niya ito. nang parehas kaming nagulat dahil sa biglang lakas ng busina mula sa gilid. nag peace sign si Ericka ng makita ang naka-kunot noong si Ethan. natawa na lamang ako at binalingan ulit si Jaime.

" Start na ang race niyo. basta galingan mo ah?. goodluck!." sabi ko sa kanya. aalis na sana kami dahil nagtatawag na ang emcee sa stage, hudyat nang umpisa ng race.

" wala bang kiss.?." dinig kong tudyo ni Jaime sa akin. lumingon ako at nag-flying kiss lang sa kanya. umiling ito at nag-smirk lang.

nag magsimula ang race, napuno ng sigawan ang buong Stadium. kitang kita sa mga racers kung gaano ito kaseryoso. i saw the car of Jigz ng kumambiyo siya para unahan si Ethan. ngayon ko lamang nakita ang binata na may galing pala sa estilo sa pagra-race.

" go! babe.." sigaw ni Ericka sa tabi ko. bahagya ko siyang nilingon. tumingin siya sa gawi ko wide smile.

nilagay ko ang dalawang daliri sa bibig ko para pumito. alam ko sa lawak ng stadium na ito, hindi ko alam kung makikita ako ni Jaime.

" go! JV my labs.." sigaw ko pa. napahinto si Ericka sa pag-cheer, ng mapansin niya ang pagsigaw ko.

she giggled and grind her hips. at tinudyo tudyo ako sa tagiliran.

" Sabi ko na eh. kaya ako lumayo noon, dahil alam kong wala akong pag-asa kay fafa Jaime. swerte mo girl." birong sabi niya sa akin.

" hindi pa nga kayo. my labs na agad tawag mo sa kanya?. pauso Tabby?." panunudyo pa ni Ericka sa akin.

ngisi lamang ang naisukli ko sa kanya. muling bumalik ang atensyon namin sa race. dahil sa hindi namin matanaw ang habulan ng mga kotse. tinuon namin sa malaking screen na nasa taas ng mini stage ang aking tingin para makita ang nangyayari sa karera. meron din sa may gilid ng stadium nakasabit na TV Screen para makita ito.

seryosong seryoso ang mukha ni Jaime, habang nag-dadrive panay ang tingin nito sa rearview mirror niya. ng malampasan ni Ethan si Jigz humiyaw ito. at ngingisi ngisi pa habang nagda-drive. palakpakan ang tao sa loob ng stadium. ang mga babae naman panay ang hiyaw sa knilang mga bet.

" Ohmayghaad! ang gwapo ng isa na chinito. handa akong ibigay sa kanya ang aking puri mapa sa akin lamang siya ngayong gabi!. " tili nito sa kasama. halos mabali ang leeg ni Ericka sa paglingon sa babaeng sumigaw. natawa ako at kinalabit si Ericka.

" Pabayaan mo na. " sabi ko sa kanya. pinaningkitan niya pa ng kanyang mga mata ang mga babaeng na naglulupasay na sa pagkilig kay Ethan.

concentrate kaming lahat at pigil hininga ng malapit na sa finish line. pumapangatlo ang isa sa mga drag racer na hindi ko alam ang pangalan. isa siya sa mga business partner ng mga Montevallo pero hindi ko siya kilala by name, by looks lang. masyadong malayo ang distansya nila kina Jaime at Ethan. na ngayon ay concentrate sa knilang ginagawa. ayaw magpatalo ang isa't isa. hiyawan ang lahat ng nandoon na sa isang iglap binirahan ni Ethan ang pagkambiyo ng kanyang kotse kaya siya ang nauna sa finish line. he made it, natalo niya si Jaime at ang iba pa.

nakangising lumabas ng kanyang kotse si Ethan at nakipagkamay sa ibang racers.

" Well, well i didn't know that your really good at it huh?." seryosong sabi ni Jaime kay Ethan at tinapik ito sa balikat.

ngumiti si Ethan at nagpasalamat.

" Welcome to the club, Mr. Ethan James." muling sabi ni Jaime dito.

tinakbo ni Ericka ang distansy ng boyfriend, nakita kong tumalon payakap si Ericka dito. sinalo naman ang bigat ng kanyang ng huli kasabay ng paghalik nito sa labi ni Ethan. whoah! gulat ako dun.'

natawa lamang si Jaime. napatingin siya sa may gawi ko. lalakad na sana siya patungo sa akin, sa gitna ng hiyawan at ingay ng mga tao sa paligid ng biglang sa isang pitik lang ng kamay. nakita ko ang isang seksing babae na mukhang clown na dahil sa make-up ang nakapulupot ngayon kay Jaime.

walang iba kundi si Grazilda. hindi ko alam saan siya nanggaling. i was awed to my surprise ng bigla nitong hinalikan sa labi si Jaime. hindi lamang simpleng halik. kundi isang mainit na halik.

parang piniga ang puso ko ng makita kong pumulupot ang kamay ni Jaime sa beywang nito. hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan, napaatras ako sa aking kinakatayuan. feeling ko huminto lahat ang ingay at kabog na lang ng sakit ng damdamin ko ang naririnig ko ngayon.

hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. bago pa ako malingon nila, nagmamadali akong tumalikod at tumakbo palabas ng stadium. hindi na ako lumingon ng marinig ko ang pagtawag ni Ericka sa akin.

bakit ganun'?. bakit ako nasasaktan?. nakagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang pagalpas ng aking hikbi. tumakbo lang ako, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. naramdaman ko na lang sarili ko, nakatayo na ako sa isang bar.

never ko pang naranasan uminom na mag-isa. pero dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. magagawa ko ito. hindi pa nga kami naguumpisa ni JV nasasaktan na ako. what more na kung mas lumalim pa itong nararamdaman ko para sa kanya.

hindi pa nga ba malalim Tabitha?. umiiyak ka ngayon dahil mahal mo na siya.

sigaw ng munting boses ko sa aking utak. parang isang punyal ng kutsilyo ang eksena kanina. ung paghalik sa kanya ni Grazilda at paghapit niya sa beywang nito.

pinahid ko ang aking luha. pumasok sa mini bar na 'yun at nag-order ng inumin.

" What kind of beverage do you want ma'am." tanong sa akin ng bartender.

" 'yung basta na malakas na inumin niyo at the best para sa mga wasak na puso, bigay mo sa akin." sagot ko sa bartender na tulala sa akin ngayon.

hindi ko alam kung tulala ba siya sa kagandahan ko o tulala siya dahil sa mukha na akong baliw.

maya maya pa nilagay sa may harap ko ng bartender ang inumin. kinuha ko lamang iyon kahit hindi ko alam ang pangalan. hindi masyadong maingay ang bar na ito. maliit lamang siya kumpara sa ibang bar. tinungga ko ang inumin at sumirit sa lalamunan ko ang hapdi nun'. nawala din naman 'to at masarap din ang lasa. inilibot ko ang aking paningin sa loob ng mini bar na ito. may umupo sa isang high stool chair sa tabi ko.

" Stop it! Tabby. umuwi na tayo. " napatingin ako sa gawi ng nagsalita. pagak akong tumawa ng mapagtanto kung sino.

" p-pabayaan mo na ako! umalis ka sa harapan ko.!" singhal ko kay Jaime. ang kapal ng mukha niyang magpakita.

" dun' ka na sa Grazildang iyon. tutal naman mukhang nagkakasarapan na kayo eh." sabi ko pa. mukhang isang bote pa lang naiinom ko, kalahati pa lang bakit parang lasing na ako.

masyado ng matabil ang dila ko sa mga lahat ng sinasabi ko.

nangangamoy na selos ka Tabitha.

sigaw ng aking utak. hindi ako dapat magselos i don't have the right to feel this jealousy thing.

" Come on' Tabby. lets go, enough of this. " malalim siyang bumuntung hininga after niya sinabi iyon. gamit ang kanyang malambing na boses.

imposible! maybe dahil sa alcohol kaya naiisip ko naririnig ko malambing na boses ang gamit niya. naramdaman ko na lang ang pag-angat ko sa aking upuan. pinasan niya ako na parang sako lang ng bigas.

" ibaba mo ako JV.! " sigaw ko sa kanya habang nagpapasag ako sa mga kamay niya.

" wag kang malikot, mahuhulog ka Tabby." he said in gritted teeth.

naramdaman ko ang pagbaba niya sa akin. muli sana ako maglalakad paalis pagkalapag niya sa akin. ngunit mabilis niya akong nahila.

" Where do you think your going Tabitha?." aniya sa akin at may diin sa pagkasabi ng aking pangalan.

nagtama ang aming paningin ng sinalubong ko ang kanyang titig. seryosong Jaime ang sumalubong sa akin. muli kong nakita ang aura niya na katulad ng una ko siyang nakita.

" Wala ka ng pakialam dun.' " matapang kong sagot sa kanya.

sinalubong niya ang matapang kong titig sa kanya. napasuklay siya sa kanyang buhok, gamit ang kanyang mga daliri. he looks frustrated from the way i see it. nakatikom ng mariin ang kanyang labi. kitang kita ko ang pag-igting ng kanyang panga. huminga ito ng malalim, kasabay ng dahan dahan niyang pagbukas ng pintuan ng kanyang kotse.

" Let's go..." sabi niya sa pinal na boses. mariin akong tiningnan nito. shit! galit ba siya.

wala akong nagawa kundi ang humakbang at pumasok sa kanyang kotse. pabalang niya ito sinara. napapitlag ako, nakaramdam ng takot sa kanyang pinakita. umikot siya sa driver's seat. seryosong mukha nito ang sumalubong sa akin.

patay! mukhang galit nga. ano ba kasi nangyayari sayo Tabitha. makaasta ka 'te girlfriend lang girlfriend?.

Kinakabahan na nga ako. sumisirit pa ang boses ng konsensya ko. bahala na si batman, gangman, gulaman, birhenman, hulmaman,hitman...jusko! ano ba 'tong pinagsasabi ng utak ko.

trouble na 'to. ginalit ko si mamang pogi. tsk!

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 54.4K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
200K 6.5K 30
Euclid Astral Gemini led her life stealing. Why? Dahil wala s'yang pamilya, wala s'yang identidad, and all the persons she once loved all disappeared...
21.7M 783K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
1.4M 18.6K 46
[Accidental Romances Series Book II] [Summary] Matagal nang in love si Lyka Santiago sa best friend at childhood friend niyang si Keith De Chavez. Ma...