Karakatha

By Aymadrimer

7.1K 212 102

Mga Kwentong Dagli More

Karakatha
Belo
Apartment A at B
Papa Lolo
Regalo ni Santa
Pulang Enbelop
Kapalit ni Ina
Pila
Girlfriend
Trabaho
Liham
MRT Boy
Putahe
Sa Loob
Suko
Bayaning Mapaniil
Regalo sa Kasal
Prinsesa
Sarap
Please read this!
Mare
Akda
Salamin
P(Utol)
HuMAYO
Alimango
Bagay sa Kamay
Hapdi
Charles Darwin
Sana Masaya Ka Na
Aral Muna Bago Landi
Baho sa Lipunan
Anibersaryo ng Kalandian

Estudyante

145 6 2
By Aymadrimer

Estudyante

Isinulat ni Aymadrimer



"Oh! Nandito ka ulit, hija? Gumawa na naman kayo ng proyekto, ano? Hay nakung eskwelahan n'yong 'yan, napakaraming proyekto! Magastos na nga, mahirap pang gawin. Kawawa naman ang mga estudyante ngayon. 'Yong anak ko nga, hindi na nakatutulog dahil sa rami ng ginagawang takdang aralin. Ayon, nakakulong lagi sa kwarto at puyat. Eh ikaw, hija? Nahihirapan ka na siguro 'no? Basta talaga matatalino, laging puyat. Hayaan ninyo't magagamit ninyo rin 'yang pagod na 'yan para sa kinabukasan n'yo. Oh siya, kumain ka na ba? Tapos na ba kayo?" mahaba-habang litanya ni Aling Mira sa nakasalubong niyang kaklase ng kaniyang anak. Kahabag-habag ito dahil halatang pagod na pagod habang bitbit ang napakalaking bag na may lamang mga aklat at kuwaderno. Pauwi na siya mula sa tahanan ni Aling Mira.

"Ah, opo. Katatapos lang po. Mauuna na rin po ako," nakangiting pahayag ng dalaga.

"Napakasipag talaga! Pero ayaw mo bang hintayin muna ang miryenda?"

"Hindi na po, kakakain ko lang din po kanina lang."

"Mabuti naman. Akala ko'y hindi ka pinakain ng anak ko. Oh siya, sino ba ang magdadala ng nagawa ninyo?"

"Ako po."

"Napakasipag talaga! Napakarami mo na ngang bitbit, ikaw pa magdadala. Mabigat ba 'yan? Dapat ipinadala mo na lang sa anak ko. Patingin nga! Ano ba 'yang nagawa niyo?"

"Ito po," sagot ng dalaga sabay turo sa tiyan niya. "Apo n'yo po."

#KarakathaEstudyante

Continue Reading

You'll Also Like

124K 2.7K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
208K 250 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
73.7K 1.9K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found Kadi. And no...
46.4K 802 89
Sabina Maliari is a woman with an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smar...