Sarap

126 4 2
                                    


Sarap

Isinulat ni Aymadrimer

Binuksan niya ang kalan. Nilagayan niya ito ng kawali, sabay lagay ng mantika. Nang uminit na ito'y iginisa niya naman ang bawang, sibuyas at kamatis. Nilagyan niya pa ng rekado na mabibili lang sa malapit na tindahan na ang karaniwang presyo ay tres pesos. Hinalo niya ito sa pamamagitan ng siyansi. Nilagyan niya pa ng iba't ibang klase ng gulay na pampasarap.

At ito na nga, nilabas niya na ang sahog ng kaniyang putaheng kay bango —  ang mga tao.

"Sarap!" sigaw ni Sistema.

#KarakathaSarap


KarakathaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant