Love Me Too

By Sweetmagnolia

6.9M 126K 22.7K

The story depicts the game of love and desires. Clarisse De Silva was a lawyer who was famous not only for he... More

LOVE ME TOO
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 (Final)
Epilogue

Chapter 10

138K 2.3K 194
By Sweetmagnolia

                                                    ****

Umpisa pa lamang ng gabi ay nakikipag-inuman na sa mga barkada si Pierce sa isang bar and restaurant. He has woman in his arm. Maingay at nagtatawanan ang mga kasama niya at may kanya-kanya rin katabing mga babae. Samantala, seryoso at tahimik lamang siyang nag-iinom habang humihitit ng sigarilyo. Mainit ang ulo niya buong araw dahil sa naganap na pagtatalo nila ni Clarisse. Sanay na siya sa mga pabalang na sagot at pagtataray sa kanya ng babae subalit ang nangyaring sagutan nila sa araw na yun completely ruined his mood.

“Pare anong nangyari sayo? Sabi mo pahinga ka muna sa paglalabas at pag-inom. Bakit bigla-bigla kang nag-aya ngayon? Hindi ka rin nakatiis ano?” nanunuksong sabi sa kanya ng isa sa mga kabarkada.

Tiningnan niya ang nagsalitang kasama. Humitit siya sa sigarilyo , nagbuga ng hugis bilog na usok, pinatay at idiniin ang yosi sa ashtray at saka ginantihan ng ngisi ang nagtatanong.

“I need to get out of the house for a while. That place is suffocating me. Nagkasagutan kami ng kasama ko sa bahay,” aniya sabay inom sa bote ng alak.

Hinaplos-haplos siya sa dibdib ng katabing babae at tumingin ito sa kanya nang may nagtatampong mukha.

“Baby who was that woman I saw in your house last time I slept in your place?” nakasimangot na tanong nito. “Don’t tell me may binabahay ka ng ibang babae.”

Natatawang tiningnan niya ang dalagang akbay. “Did you check her style?”

Tumango ang babae.

“Do you think she’s my type?” dugtong niya.

Umiling ang babae. "Who is she then? And what is your relationship with her?" dagdag na pangungulit nito.

"She's just a friend and more of a housemate. That's all," seryosong sagot niya at saka uminom muli ng alak.

"Siya ba ang nakaaway mo?" usisa uli ng babae.

"Yeah," maiksing sagot niya sabay tingin sa kausap nang may mukhang nagpapahiwatig na ayaw niya na itong pag-usapan.

Hindi na nagtanong pa ang babae sa halip ay ipinulupot na lamang nito ang kamay sa katawan niya at isinandal ang ulo sa kanyang dibdib.

"Pare ang pinag-uusapan niyo bang babae ay yung nagbukas sa atin ng pintuan nang minsang inihatid kita ng lasing na lasing sa inyo?" sabat ng isa sa mga kaibigan nang maulinigan nito ang kanilang pag-uusap.

Tumango siya bilang simpleng sagot dito. Ayaw niya nang pahabain pa ang usapan. Lumabas siya para iwasang maisip ang nangyari sa kanila ni Clarisse kaya hindi siya natutuwa na ang babae ang inuungkat sa kanya ng mga kasama.

"Totoo ba ang narinig ko na wala kang relasyon sa babaeng iyon?" nagliliwanag ang mukha na tanong ulit nito sa kanya.

"Sinabi nang oo," iritableng sagot niya.

"Pierce she's my type. Ganung mga tipo ng mukha ang kursunada ko! Whoah! Inggit na inggit pa mandin ako sayo nung makita ko ang babaeng yun akala ko nakasilo ka na naman ng dekalidad na syota!"

He smirked to his excited friend. Nagsindi ulit siya ng sigarilyo at uminom sa bote ng beer.

"Don't get blinded  by her face. That woman is the perfect description of the word boredom," nakangising sabi niya habang hinihimas-himas ang braso ng babaeng akbay.

"I don't care about her personality. Kilala mo naman ako, ang importante lang naman sa akin sa babae ay ang hitsura at katawan nito," sabay tawa ng kaibigan. "Hey baka naman pwede kong diskartehan ang housemate mo na yun," nakangising dagdag na wika nito.

"Don't ever think of getting involve with her kung ayaw mong gumulo ang buhay mo. She's not the kind of woman whom you can play around. She's a lawyer. A really really good one," pananakot niya sa pilyong barkada.

Lalong nagliwanag ang mukha ng kausap. Mas lalong naging interesado ang hitsura nito. "Whoah that's explain why she's boring. Ah mas may challenge pala kung ganoon, mas lalo ako gaganahan diskartehan ang babaeng yun. Sabi nila mas masasarap daw sa kama ang mga matatalino at pormal magkikilos na mga babae. Because they usually supressed their feelings kaya when it comes to bed, they are totally hot and wild," his friend uttered with lustful eyes.

Napahigpit ang hawak niya sa bote ng beer. Hindi na siya natutuwa sa tabas ng dila ng kabarkada. He didn't agree na pag-usapan nila si Clarisse para bastusin ito. "Forget about her. Huwag mo siyang isama sa mga koleksiyon mo, mapapahiya ka lang dahil hindi siya ang tipo ng babaeng basta na lang pumapatol sa kung sino-sinong lalaki."

"Bakit pare wala ka bang bilib sa akin? Magaling lang magpakipot ang mga babaeng katulad niya pero kapag nakuha mo na ang kiliti ng mga iyan, bibigay din yan. Kasama mo sa bahay yun diba? Did you try at least once na ikama siya," nanunukso pang sabi nito.

"I said she's not the type of woman na pwedeng paglaruan," madiin at nagtitimping sagot niya.

"Ipaubaya mo siya sa akin pare at tiyak na magbabago ang pananaw nun sa mga lalaki. Kulang lang sa lambing ang babaeng iyon pero once na nag-enjoy yun sa kama, boom! Bukas na ang pinto ng langit sa sinumang gustong pumasok dito," sabi nito ng may pilyong ngiti and he leaned closer to Pierce to whisper. "Pare alam mo bang siya ang tipo ng babaeng masarap tirahin sa ibabaw ng mesa. Give me the key to your house. Sabi nga nila kung hindi makuha sa santong dasalan, kunin mo sa santong paspasan."

Kumulo ang dugo ni Pierce sa ibinulong sa kanya. Inalis niya ang kamay sa pagkakaakbay sa katabing babae. Nginisian niya ang kabarkada at tiningnan ito ng masama.

"Anong sabi mo?"  natatawang tanong niya ng may hirap makapaniwalang mukha.

Hindi sumagot ang lalaki. Nagtatakang tiningnan nito si Pierce nang mahalatang tila galit at napipikon ito.

Tumayo si Pierce nang walang marinig na sagot at namumula ang mukha na lumapit ito sa kinauupuan ng kausap. Hinatak niya sa kuwelyo ang lalaki at pinatayo ito. Binigyan niya ito ng matatapang na mga titig habang nanginginig ang mga kalamnan sa galit.

"I SAID WHAT DID YOU SAY!" namumula sa galit na sigaw niya.

"Pare relax lang. Nagbibiruan lang naman tayo," awat sa kanya ng iba pang mga kasamahan.

Napangisi ang kinukuwelyuhang lalaki na noon ay hindi makapaniwala sa reaksiyon ni Pierce. Madalas magbiruan ang grupo nila tungkol sa mga babae kaya't napikon din ito sa bigla-bigla na lang panggagalaiti ng kausap.

"I said let me fuck her on your dining table," nakakaloko pa lalong sagot nito.

Nanggigil ang mga panga na binitawan ni Pierce ang kuwelyo ng lalaki. Tamalikod siya ng ilang saglit ngunit agad ding humarap muli at binigyan ng isang malakas na suntok sa mukha ang bastos na kabarkada.

Gumanti ng suntok ang lalaki at tinamaan din sa mukha si Pierce. Nagpambuno ang dalawa habang hindi malaman ng mga kasamahan kung papaano ang mga ito aawatin. Tumitili na rin ang mga kasama nilang mga babae.

Nakakuha ng tiyempo si Pierce na paibabawan ang kabugbugan nang matumba ito sa sahig at pinagsusuntok pa lalo niya ito sa mukha.

"I'm going to fuck her hard Pierce and do you have a problem with that?" pang-aasar pa lalo ng lalaki kahit duguan na ang gilid ng bibig nito.

Umabot sa sukdulan ang galit ni Pierce. Dinukwang niya ang isang bote ng beer at binasag ito ng pahati. Pagkatapos ay itinutok niya sa leeg ng lalaki ang basag na bote.

"You have no right to talk about her that way! Sino ka para bastusin siya! Subukan mong kantiin kahit dulo ng daliri ng babaeng yun kung gusto mong ibaon kita ng buhay sa lupa!" nanlalaki ang mga mata sa galit na banta niya nang hindi pa rin inaalis ang basag na bote sa tapat ng leeg ng lalaki....

        

                                                                                       

                                                                                       -----

CLARISSE

"Ahh how I wish na sana pwedeng ipagpabukas ang mga kontratang ito," I complained while stretching my neck.

My hangover is killing me the whole day tapos ngayon ay kailangan ko pang mag-overtime para tapusin ang mga kontratang kinakailangan ko para sa client meeting bukas ng maaga. This is total suffering. Nakaubos na ata ako ng dalawang galong tubig maghapon pero hindi man lang nito nababawasan ang pananakit ng ulo ko. Dagdag pa ang maya't mayang pag-aalboroto ng tiyan ko.

Ahhh... this is why I always regret drinking. I'm usually less productive the next day. Nasasayang ang araw ko sa pakikipagtunggali sa hangover.

Pumikit ako ng sandali at minasahe ang aking noo. I need to concentrate to what I'm writing. Gusto ko nang matapos ang ginagawa ko para makauwi na't makapagpahinga. And after closing my eyes for a while, I slightly felt better. I look at the time. It's past eight already.

Bumalik ako sa aking ginagawa ngunit ilang sandali lamang ay nakarinig ako ng pagkaluskos. Napakunot ako ng noo. I thought I'm all alone in the office. I went outside of my room and nagulat ako nang makita ko si Lance sa table nito.

"You're still here? It's late already. Hindi ka pa ba uuwi?" sabi ko sa kanya.

"Okay ka lang bang mag-isa dito?" medyo nag-aalalang sagot nito.

"Yeah, I'm fine. Don't worry about me sanay na akong mag-stay ng late dito sa office. You can go home baka may lakad ka pa."

Kanina ko pa siya sinabihang umuwi kaya nagtataka ako kung bakit nasa office pa rin ito. After what happened this morning, I have this feeling na kailangan nitong bumawi sa girlfriend. I'm aware of the discomfort I caused them.

"Scarlet has a night class at mamayang 10 pa ang labas niya. Susunduin ko siya and I decided na dito na lang magpalipas ng oras para may kasama ka. Besides, I'm reviewing some law books too," nakangiting paliwanag nito na para bang nababasa ang laman ng isip ko kung bakit ko siya pinagtutulakang umuwi.

"Well if that's what you want bahala ka but you can leave anytime," I answered with a shrug.

Nang papabalik na ako sa aking silid biglang nag-ring ang office phone. Dali-daling tumayo si Lance para sagutin ito samantalang natigilan naman ako dahil baka sakaling para sa akin ang tawag. At hindi nga ako nagkamali.


 

 "It's for you."

"Sino daw?"

"Secretary of Mrs. Calderon, she said her boss wants to talk to you," sagot niya habang tinatakpan ng kamay ang mouthpiece ng telepono.

Pansamantala akong hindi nakakilos. Pierce mother is calling? Sa ganitong alanganing oras? What is it that she wants to discuss to me. Medyo kabadong tinanggap ko ang telepono. I am always uncomfortable talking to Pierce family, maybe because of my guilt na nagsisinungaling kami sa kanila.

"Hello..."

"Clarisse iha,"

"Yes M-Mom..."

Hininaan ko ang aking boses upang hindi marinig ni Lance kung ano ang tawag ko sa aking kausap.

"Pierce is in trouble now," she told me directly.

Kelan ba naman hindi nagkatrouble yang anak niyo? Gusto kong isagot but of course I can't say it.

"Bakit ho? Ano po ba ang nangyari?" magalang na sabi ko habang napapatingin sa direksiyon ng aking kasama na noon ay nagtatakang napapatingin din sa akin.

"I received a call from the police station and he's being detained there right now."

"Ano ho?!" may kalakasang sagot ko.

"He had a fight in a bar. Maybe he wants me to bail him out dahil ako ang tinawagan ng mga pulis but you're his wife and I think you have the right to know it. You should be the one to settle this problem with the police."

Hindi agad ako nakasagot. Naisip ko ang mga trabahong dapat ko pang tapusin pero anong magagawa ko alangan namang sawayin ko ang ina ni Pierce.

"Sige po ako na lang ang bahala. Saang police station ho ba?" walang magawang wika ko.

"He's at the Camp Karingal in Quezon City. Pasensiya ka na iha sa anak ko ha. Hay kailan kaya magbabago ang lalaking yan akala ko pa naman ay magtitino na ito dahil may asawa na," she said at dinig na dinig ko kung gaano kalalim ang buntong-hininga niya.

"Huwag ho kayong mag-alala ako na po ang mag-aayos ng problema saka ngayon lang naman ho ito nangyari simula nang magsama kami baka naman ho nadamay lang sa away," pagtatakip ko kay Pierce upang maibsan ang pag-aalala ng ina nito.

"Siya paano iha I need to hang up now dahil baka dumating pa ang Dad niyo at malaman na naman ang problemang ito."

"Sige ho, bye."

"Bye."

Hinintay kong mawala ang aking kausap at saka ko pabulagsak na ibinaba ang telepono.

"Ahhh seriously that guy!" nakapamewang at iritableng bulalas ko.

Tumayo si Lance at lumapit ito sa akin. Agad naman akong huminahon nang maalala kong may kasama pala ako.

"What's wrong? May problema ba?" usisa agad ng lalaki.

"Let's close the office. I'm leaving," I said without answering his questions.

"Saan ka pupunta? Hindi ba may mga dapat ka pang tapusin?"

I pretended to hear nothing instead I returned to my room to pick up my things. Subalit sinundan pa rin ako ni Lance at hindi pa rin ito tumigil sa pagtatanong.

"You sound worried on the phone. Sino ang Mrs. Calderon na yun? Is she one of the firm's client?"

I sighed and rolled my eyes. I know deep inside na hindi ako titigilan ng kasama ko unless may makuha itong sagot. I'm actually starting to get used to his character. At unti-unti ko na ring natutunang huwag mapikon sa ugali niyang ito.

"Yes she's a client. Her son is in trouble right now and I have to release him from a police headquarter," I halfly lied just to satisfy his curiosity.

"Bakit ikaw? You're not even their retainer lawyer."

"Humihingi lang ng pabor yung tao since ako lang daw ang lawyer na malapit sa kanila," katwiran ko.

"Anong problema ng anak niya?"

"Bar fight," maiksing sagot ko.

He sighed at tumingin siya sa akin nang may problemadong mukha. "Do you want me to ask help from my father's connections para hindi ka na pumunta doon?"

"Huwag na. She requested me to personally release her son kaya ako dapat ang mag-asikaso nito."

"Pero hindi ba ang mas importante ay makalabas ang anak niya regardless you go there or not? Alanganing oras na and that place is not suitable for a woman like you to go."

Teka nga muna, nakakahalata na ako ah! Kailangan ko na naman bang magbigay ng mahabang paliwanag sa assistant kong ito?

Inilapag ko ulit ang aking mga gamit sa mesa. Pinamewangan ko ang lalaki at taas noong tiningnan ito nang may nagtatapang-tapangang mukha.

"Wala bang katapusan yang pagtatanong mo? Can't I decide for myself? Pag sinabi kong pupunta ako, pupunta ako! Do I still need to get clearance from you?" kunwari ay galit na sabi ko.

Napaatras ng bahagya si Lance sa paggagalit-galitan ko. Ibinaba nito ang mga paningin at saka mahinang nagsalita. "I'm just worried since you're about to visit a dangerous place."

"Kelan pa naging delikadong lugar ang police station? And why do you have to worry kahit sa simpleng bagay na ito? Do you see me as a weakling? I am a grown-up woman and a lawyer. I don't easily get intimidated by places like jail or police station. Kaya pwede ba Lance imbes na mag-aksaya ka ng pagpapakita ng concern sa akin, why don't you save that for your girlfriend. Alalahanin mo may utang ka pa sa kanya dahil sa nangyari kanina!"

"I don't forget about that," seryoso uling sabi nito. "And I have a better plan with her tonight."

"Mabuti naman kung ganun," napapalunok at mahinahon nang sagot ko. I avoided his eyes dahil ayokong mahalata nito na nakokonsensiya rin ako na ako ang naging dahilan kung bakit ito nakapagsinungaling sa girlfriend. "Can we leave the office now?"

Magkasabay kaming lumabas at bumaba ng gusali. Hindi ko pa rin nakukuha ang driver's license ko kaya kailangan ko pa ring magcommute. What an inconvenience!

I bid goodbye to Lance para mag-abang ng taxi but I was startled when he grabbed my arm at inakay ako nito patungo sa kanyang sasakyan.

"Ihahatid na kita," mabilis na wika nito. "I still have time so don't worry hindi ako malilate sa pagsundo kay Scarlet."

Hindi na ako nakapalag pa at napilitan na lamang sumakay sa sasakyan nito. Yeah I'm concerned na baka magkaroon na naman ito ng atraso sa girlfriend ng dahil sa akin. But right now, I'm more worried na baka maamoy nito ang tungkol sa amin ni Pierce. Bukod sa pamilya namin ni Pierce, wala pang ibang nakakaalam na nagsasama kami sa iisang bahay bilang mag-asawa. We both agreed na ilihim ito sa iba upang maiwasang maging kumplikado ang aming sitwasyon.

"Siguraduhin mo lang na idadaan mo lang ako," paninigurado ko.

"Yeah, alam kong nagiguilty ka rin about Scarlet so don't worry hindi ko na dadagdagan pa ang pag-aalala mo," he said while smiling.

Nilingon ko ang nakangiti niyang hitsura. At this moment, I'm starting to realize how lucky his girlfriend is. Kung ganito na siya kabait at kamaalalahanin sa regular na babaeng kagaya ko, ano pa kaya sa babaeng mahal nito?

"Why are you looking at me that way?" biglang tanong nito sa akin na noon ay akala ko'y hindi alam ang palihim na pagtitig ko sa kanya.

"Ganito ka ba kabait sa lahat ng babaeng nakakasama mo?" walang pag-aatubiling tanong ko.

"I think so," he said with a nod.

"Payo ko lang, medyo bawas-bawasan mo ang paggiging thoughtful sa mga babae. They might misunderstood you. Your actions are somewhat in the borderline of flirting already. Pasalamat ka you're with me pero kung sa ibang babae ito baka binigyan na ng ibang kahulugan yang kabaitan mo," seryosong sabi ko na may halong panenermon.

"It's a good thing then," ngingiti-ngiting sagot niya sa akin.

"At bakit naman naging mabuti?"

"It's good that you simply see my actions as sign of kindness dahil bukod kay Scarlet wala namang ibang malapit na babae sa akin except you, attorney."

Natahimik ako at biglang natigilan. I am not sure kung dapat ba akong maflatter o mag-worry sa aking narinig. But what's there to worry.? I know why he like spending time with me and that because he is deceptively workaholic...but in a friendly way.

"Bakit ngumingiti-ngiti ka pa rin diyan?" I asked him nang mapansin kung napapangiti ito ng mag-isa habang nakatingin sa daan.

"Nothing. Natutuwa lang ako that you're starting to be vocal with your thougths. Sana tama ang pakiramdam ko na unti-unti ka nang nagiging komportable sa akin."

Sinagot ko siya ng tipid na ngiti na may kasamang irap. I looked at him again and sighed. Kung sana naambunan man lamang si Pierce ng kahit katiting ng kabaitan at pagiging gentleman ng assistant ko, I guess pretending to be married with him in more than a year will be much more endurable. Kunsabagay sino ba namang matinong lalaking katulad ni Lance ang papasok sa kagaya ng kasunduan namin ng lalaking yun...

Continue Reading

You'll Also Like

7.2M 154K 36
Camille Fontanilla is a love child--a product of her mother's affair. She vowed she would never be a homewrecker like her, but when she finds out she...
517K 19.2K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
239K 7.1K 16
Though snob and uptight, Gian cannot help but be popular since he became a member of a band. He loves to play the drums but somewhat hates the fame...
1.8M 22.8K 47
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...