One Night's Mistake (Publishe...

By bluekisses

27.7M 370K 12.6K

The only thing that Lara want is to be a successful model and to prove to her Dad that she can make her own p... More

One Night Mistake
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
AUTHOR'S NOTE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
Bonus
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FORTY ONE
FORTY TWO
FORTY THREE
FORTY FOUR (part 1)
FORTY FOUR (part 2)
FORTY FIVE
EPILOGUE
Author's Closing Note:
SPECIAL CHAPTER
12.25.14
Special Update 2.0
Published Under Pop Fiction

SEVEN

639K 8.5K 266
By bluekisses

CHAPTER SEVEN

LARA

Eleven am na nung maisipan kong bumangon sa kama, timatamad talaga ako kahit kanina pa akong gising. Maybe this was what they called morning sickness. Tapos di pa ako nakatulog ng maayos, because as early as 5 am ay nagpabalik-balik na ako sa banyo at nagduduwal. Pero parang wala naman akong sinusuka.

Hay naku, I think mahihirapan ako nito sa pagbubuntis, knowing na walang nakaka-alam ng sitwasyon ko and I need to hide it hanggang kaya ko.

"Lara? Hija? Gising ka na ba?" I was cut-off to my thoughts when I heard Manang knocking.

"Opo, bababa na din po ako, mag-aayos lang po ako." Malakas na sigaw ko, bago tuluyang pumasok sa bathroom.

Halos kalahating oras din akong nag-ayos bago bumaba, I can hear my stomach growling. Nagugutom na ako. At alam kong hindi ko dapat iyon ipagpaliban, dahil hindi nalang ako ang kumakain. May kahati na akong dapat isipin.

Pababa na ako ng hagdanan when I heard the loud laughter of my father. Sino naman kaya ang kasama niya at parang sobrang saya niya kung makahalakhak?

Papasok na ako nang living room kung saan ko naririnig ang boses niya. I don't have any choice but to cross their way dahil 'yon lang ang daan papunta sa dining hall. My Dad was talking to someone whose back was facing me, kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"So my prodigal daughter is now awake." Mapang-uyam na pasaring niya, "Ah scratch that, gising na pala ang boarder ko." Ewan ko pero parang napipikon ako sa pasaring niya kaya sinagot ko siya.

"I'm sorry to interrupt you, I don't know that you have a guest, ito lang kasi ang daan papunta sa dining hall." Tuloy-tuloy na sabi ko, not minding that I said it sarcastically in front of his visitor. Bastos na kung bastos but he started it.

Tapos nagdire-diretso na ako papunta sa dining hall at umupo na sa pwesto ko. I was about to eat when I heard footsteps coming.

"Lilia handa na ba ang mga pagkain?" narinig kong sigaw ng Daddy ko. "Opo Sir, sumabay na po kayo kay Lara." Sagot ni Manang na nagpainit ng ulo ko. Naku, sasabay pa sila sa akin.

Nakayuko lang ako at seryoso sa pagkain nang maramdaman ko ang presensya ng mga makakasabay ko sa pagkain.

"Lara, bakit hindi mo man lang kami hinintay?" parang nang-iinis pang tanong ng magaling kong ama.

"I don't know that you'll also have your lunch and well—I eat anytime, and I prefer to eat alone, sanay naman ako d'un since my childhood days..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko, nang mag-angat ako ng tingin at mapagawi sa lalaking naka-upo na sa harap ko. His ash colored eyes are intently looking at me, with his furrowed brows na mukhang nagulat nung makita ako.

Mabilis na nagbawi ako ng tingin. At binalik ang atensiyon sa kinakain ko, kahit ang totoo ay parang nawalan na ako ng gana.

"You?" he said in a very low voice, na alam kong hindi nakaligtas sa pandinig ni Dad. 

"So do you know each other?" naguguluhang tanong ni Dad, maaaring napansin niya ang tensyon sa pagitan namin, dahil sa biglang pananahimik ko.

"Yes."

"No."

Magkapanabay naming sagot na, nagpakunot sa noo ni Daddy.

"No, I think—It's the first time I saw him," agad na salo ko. Pero ang totoo ay hindi na ako makahinga dahil sa sobrang kaba ko. "Maybe he just saw me on...on one of my ads." I said trying to hide that I'm uncomfortable but I can't help it because I stuttered. Nakita ko ang dagling lungkot na bumahid sa abuhin niyang mga mata nung marinig niya ang sinabi ko.

"Well maybe, I was just mistaken Tito." He said in a low voice trying to hide his disappointment. "Maybe she was right, that I saw her on one of her ads. She's a model right?" sabi niya nalang na tumingin sa direksyon ko, sadness was etched on his beautiful eyes.

"Yes. At oo nga pala, Enrique, I want you to meet my long lost daughter." He said to Enrique, so Enrique was his name.

"It was nice to finally meet you, I've heard a lot of you from Tito." bumaling siya sa akin. Ang talim ng titig ng mga mata niya. Parang muling bumalik sa ala-ala ko ang gabing 'yon dahil sa mga titig niyang 'yan. Pakiramdam ko tuloy ay nagtaasan ang mga balahibo ko. Iniling ko ng bahagya ang ulo ko para mawala 'yon sa isipan ko.

Nanatiling tahimik ang lahat. Ako, mas pinili ko ang tumungo hanggang sa matapos ako kumain. Once I'm done, I excused myself, di ko na rin kasi kaya ang tensyon na nararamdaman ko. How come na kakilala pa pala siya ni Daddy? How can I hide my secret? Kung nandito na ang taong involved sa sitwasyon ko. Hindi ko na siya kailangang hanapin. Was it fate that brought him here?

Parang lumulutang akong nakarating sa kwarto ko, parang nawala pa bigla ang gutom ko kahit kaunti lang naman ang kinain ko.

Kinakabahan ako. Dahil pakiramdam ko, anytime soon ay mabubuko na ang sikreto ko.

-----

Maghapon akong nagkulong sa kwarto ko. Hangga't maari kasi ay ayokong makasalubong ang bisita ni Daddy, dahil mas lalo lang akong kinakabahan. I've heard that he'll be staying here for days, bago silang magtungo sa Macao for a business trip. May mga importanteng bagay lang daw silang kailangan trabahuhin pareho.

Bakit naman kasi ganito makipaglaro ang pagkakataon? Bakit kung kailan ako naka-uwi dito ay saktong panahon din nag pag-stay niya rito?

Oh my god! I'm doomed, hindi ko naman siya pwedeng iwasan lang ng iwasan habang nandito siya dahil nasa iisang bahay pa rin kami. At kung pipiliin ko namang makisalamuha sa kanya ay paniguradong kukuha iyon ng tyempo para usisain ako sa nangyari sa amin mga isang buwan mahigit na ang nakararaan.

"Hija, wala ka bang balak magmeryenda?" napapitlag ako sa pagkakaupo ko sa kama, when I heard Manang knocking on my door again.

Hindi na sana ako lalabas pero bigla akong naglaway at natakam. So I excitedly opened my door. "Manang pwede po bang dal'han n'yo na lang ako dito?" nigting-ngiti pa ako.

"O sige, ano bang gusto mo? May niluto akong pan—" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil iba ang gustong-gusto kong kainin. 

"Padala nalang po ng mansanas, tsaka suka't asin." As usual ay hindi na naman matimpla ang mukha ni Manang dahil sa pagtataka.

"Sige na po, paborito ko po kasi 'yon, lalo na nung nasa Manila ako, snack ko po 'yon lagi." Palusot ko nalang at ngumiti sa kanya at napapailing na lang na umalis para kunin ang hinihingi ko.

"Manang padamihan po ng suka ha." pahabol ko pa.

-----

ENRIQUE

Hindi ko akalain na dito ko lang pala matatagpuan ang babaeng hinahanap ko--na gumulo sa buong sistema ko sa loob ng mahigit isang buwan. At parang coincidence na siya pa pala ang naglayas na anak ni Tito Lorenzo.

Actually, simula nung gabing 'yon ay hindi na siya nawala sa isipan ko. I even tried to look for her. May isa pang pagkakataon, wherein I visited my colleague on his condo, then nung pauwi ako, kakasakay ko lang n'un ng elevator nung palagay ko ay nakita ko siya. Mabilis kong pinigil ang pagsara ng elevator at sinubukan siyang hanapin sa floor na 'yon. Pero wala siya, siguro nga'y namalikmata lang ako.

-----

FLASHBACK

"Pare ano ka ba naman, Linggo ngayon pero puro trabaho pa rin ang inaatupag mo." Kantyaw sa akin ni Rocky isa sa mga barkada ko nung college. Napansin niya kasing hawak ko na naman ang phone ko.

"Oo nga naman Pare, hindi na tayo bumabata, humanap ka na ng babae at h'wag na puro trabaho ang atupagin mo. Baka yumaman ka niyan lalo." Pahabol pa ni Pete, barkada ko din, sabay inom sa hawak niyang baso.

Napapangiti na lang ako sa pinagsasabi nila. Palibhasa kasi may mga pamilya na sila, kaya kinukulit nila akong mag-asawa na rin. E 32 palang naman ako, hindi ako nagmamadali.

Nandito kami ngayon sa isang bar sa Tomas Morato, Nagkayayaan kasi, tsaka celebration at pahinga ko na rin ito sa success ng business proposal na tinrabaho ko buong linggo.

"Tigilan niyo nga ako, h'wag niyo akong itulad sa inyo, kung mag-aasawa na agad ako, ano mangyayari sa 'kin? May pipigil sa pagta-trabaho—" Natigil ako nung may magring. Kasabay n'un ay ang pagdukot ni Rocky sa bulsa niya. "Excuse lang mga p're, si Misis."

Napailing-iling nalang ako na sumimsim muli sa hawak kong baso. Maya-maya lang ay bumalik na si Rocky. "P're tapusin na natin hinahanap na ko ni Misis, emergency, alam na naglilihi." Apuradong sabi niya, sabay inom ng huling laman ng baso niya. "Kita mo kung mag-aasawa na ako, minsan na nga lang ako magna-night out may pipigil pa sa 'kin." Banat ko na nagpatawa sa kanilang dalawa.

"Hindi mo kasi naiintindihan, iba na kapag may asawa. They will be your first priority. Tignan mo 'yang si Rocky, pangalawang anak na niya 'yan, sa sitwasyon nang asawa niya ngayon, he cannot just ignore the pregnant's cravings, dahil masyado silang matatampuhin." It is Pete who is now laughing na parang may inaalala pang nakakatawang senaryo. "Nung buntis si Samantha, hindi pwedeng hindi ko mabibigay ang gusto niya, dahil paniguradong outside the kulambo na ako, iisnob-in pa ako kinabukasan." He add finishing his drink.

"Paano ba 'yan P're, I really need to go, may gusto pang ipabili si Katie, mahirap na." Paalam ni Rocky na nakipag-fist bump sa amin ni Pete.

Umorder na ako ng isang baso, nang tumunog naman ang phone ni Pete. "P're, hindi ka pa ba uuwi? Hinahanap na ako ni Sam e, nami-miss na siguro ako." He said na halata ang saya sa mga ngiti niya at sa ningning sa mga mata niya. 

"No problem, tatapusin ko lang 'to." I said when I got my order. 

"Are you sure? O sige una na ako, next time nalang." Paalam niya na nakipag-fist bump sa 'kin.

Naiwan akong mag-isa, ganun ba talaga kapag may asawa na? Umiling-iling nalang ako para maalis na 'yon sa isip ko.

Maya-maya pa ay may napansin akong matangkad na babaeng pumasok sa bar. Hindi ko maaninag ang mukha niya, dahil may kadiliman sa bahaging 'yon ng bar. Naglakad ang babaeng sa tantya ko'y nasa 5'9" ang height dahil sa suot niyang three-inch heels, sa may kabilang bahagi ng bar counter kung saan ako nakapwesto.

"Margarita please." Utos niya sa bartender, kahit malakas ang tugtog dito sa bar ay narinig ko 'yon, pero lumapit pa rin ako, nagkaroon ako ng interes sa babae.

Lumingon ako sa paligid, mag-isa lang talaga siya, it is not safe for her to be alone in this kind of place.

Ewan ko, pero naaaliw ako panoorin ang bawat kilos ng babae. Mukhang hindi siya sanay mag-inom dahil parang nahihilo na siya. Nakatatlo na siya nung bigla siyang tumayo, akala ko nga ay malalaglag siya e. Pero nakakapit siya sa high chair. Ngayon ko lang napansin ang suot niya, she was wearing a red backless blouse and a fair of skinny jeans. Kitang-kita kung gaano kaganda ang hubog ng katawan niya.

Ang hot niya tignan lalo na nung nag-umpisa siyang maglakad, she is swaying, but she can still manage. Pumunta siyang dance floor and started shaking, maraming lalaki ang nakipagsayaw sa kanya. Halos matyansingan na nga siya sa ginagawa niya. Pinanood ko lang siya binabantayan ko ang kilos niya at ng mga lalaking umaaligid sa kanya.

Pero habang pinapanood ko siyang makipagsayaw sa iba, pakiramdam ko ay nagseselos ako. Kaya hindi ko namalayang nasa gitna na ako ng dance floor and now dancing with her. I didn't expect that I would do this. I'm not into dancing, the only time I remembered I dance was way back in high school, during our foundation day. Kanina feeling ko, para akong batang naiinggit kaya nakisali ako.

She looked at me, and I smiled at her.

She started shaking her body again, while I am rubbing myself to her. Hanggang sa humarap siya sa akin. I am now stroking her back at nakipaglaban ako sa titig niya. She's pretty, no actually, she was beautiful. Her body, it is hot, but I like her face more, it is something memorable. Looking at her eyes, you can see its clearness because of its color, hazel brown, na parang pamilyar sa akin. Her nose are carved perfectly, her lips is reddish pink, and I can't help myself but to stare to that lips. I am stoking her back while she is touching my chest and biceps.

She smiled at me, showing her perfect set of teeth that looks like a toothpaste commercial model. Halos nakapungay na ang mata niya, habang patuloy kami sa pagsayaw.

"Nahihilo ako." She said na kumalas na sa bisig ko.

She walked back to the bar counter at hindi ko napigilan ang sarili ko na sumunod sa kanya. I don't know if she knows that I am following her. Bumalik siya sa lugar kung saan siya naka-upo kanina. Umupo naman ako sa tabi niya. I started to talk. "Are you alone?"

"I am." Tipid at mahinang bulong niya. That voice, sa pagkarinig ko n'un ay parang gusto ko nalang siya tangayin pauwi kasama ko.

I offered her a drink and ordered margarita for her at rum para sa akin. Umiinom kami at hindi ko maiwasang titigan ang mukha niya. Tahimik kami, na para bang nagtititigan lang kami. Parang pareho kaming nagmememorya ng mukha ng isa't-isa. At hindi ko mapigilan ang sarili ko. "You're so beautiful baby." She smiled at me, that beautiful smile that haunt me, that night.

Pero nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. "I have to go." Kinuha niya ang cardigan niya at isinuot iyon, at nagtuloy-tuloy sa pag-lalakad. Ewan ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na sundan siya.

She swayed as she walks, hanggang sa natumba siya. Maagap ko naman siyang nasalo at hindi ko na napigilan ang sarili ko. I kissed her. Slow at first, hanggang sa lumalim. Alam kong pareho namin 'yong gusto.

Ayoko sanang tumigil, pero I want her badly. It was too much attraction. "Let's continue it somewhere else, baby." Napangiti ako sa pagtango niya.

-----

Nagising ako na may ngiti sa labi, hindi maalis sa isip ko ang nangyari kagabi. I want to feel her body again, kaya kahit nakapikit pa ako ay kinapa ko ang kabilang bahagi ng kama. Pero wala akong nakapa kaya napabalikwas ako ng bangon. She's gone, mabilis ang kilos na tumayo ako, hinanap ko siya sa buong yunit, I don't mind if I am naked. Pero wala na siya.

Bagsak ang balikat na bumalik ako sa kwarto. "Sa'n ko kaya siya ulit makikita, sayang hindi ko man lang natanong kahit ang pangalan niya." Kausap ko sa sarili ko.

END OF FLASHBACK

-----

And now that I found her, hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon na makilala siya.

"Ay magandang hapon po Sir, may kailangan ho ba kayo?" bati sa akin ng matandang kasambahay nila Tito.

"Wala naman po," sagot ko na hindi naiwasang mapatingin sa hawak niyang tray. "Para kanino po 'yan?" There is an apple, vinegar and salt? Salt nga ata 'yong pinong puti sa malukong.

"Ah, eto ho ba, para kay Lara. Ewan ko ba sa batang 'yon, kung anu-anong pinaghihingi, akala mo e, buntis na naglilihi." sagot niya na dumiretso na para ihatid ang dala niya.

'Akala mo e, buntis na naglilihi.' Parang bala iyong tumama sa isipan ko. Hindi imposible, knowing that I am her first at hindi ako nakagamit ng condom nung gabing 'yon. She is so special to me, na sa kauna-unahang pagkakataon, mula nang magkaroon ako ng sexual encounter ay hindi ako gumamit ng proteksyon.

Ano ba itong pinag-iisip ko? Hindi pa nga ako handang magkaroon ng pamilya, tapos ganito ang naiisip ko. I just want to get to know her.

------

Medyo sinipag ako ngayon, kaya nag update ako.. infairness longest na to so far. Tinatamad kasi ako magreview.. alam na pasukan na naman next Monday tapos na ang Holiday vacation.

Dapat pala lagi akong tinatamad magreview para sipagin akong mag update.. mwhahaah :) *winks*

Thanks for reading...

-LEYN-

Continue Reading

You'll Also Like

6.6M 134K 51
The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her...
400K 9.5K 38
"I-Im sorry." malakas ang kabog ng dibdib na wika ko. He's looking at me dangerously. Palapit siya ng palapit sa akin Habang ako naman ay paatras ng...
My lover By Markshin

General Fiction

6.8M 47.6K 53
Mariella "Ella" Ruiz is the perfect example of an unreachable dream. She has a nice pair of eyes, kissable lips, beautiful body, over flowing sex app...
1.2M 23.4K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...