Love Calculation

By Pilyosopher

36.7K 1.4K 421

Ahuh! Ako na ang pasimuno sa magandang lovelife ng ate ko. Pero What happened to mine? Love is like a math pr... More

BLURB
PROBLEM 1 : The Past, the Fake Fiance and the Hidden Admirer
PROBLEM 2 : When is my time to shine?
Problem 3 : The Damian Conspiracy?
Problem 4: How to start again?
Problem 5 : How to win the game?
Problem 6: How to end the nightmares?
Problem 7 : How to train a child?
Problem 8: How to sell more?
Problem 9 : How to keep it hidden?
Problem 10: How to protect your beloved?
Problem 11 : How to lose your past?
Problem 12 : Break down the walls
Problem 13 : How to make a grand plan?
Problem 14 : When things start to get complicated.
Problem 15 : What happened?
Problem 16: Can I just melt right now?
Problem 17 : When your past comes back at you
Problem 19 : When the truth is revealed
Problem 20: Will they reconcile?

Problem 18 : How to conceal the truth?

928 33 10
By Pilyosopher

Habang nasa hapag-kainan ang buong pamilya ni Hale ay nararamdaman ng mag-asawa ang hidwaan na namamagitan kina Winter at Aegis. Tila may isang digmaan na nangyayari na hindi nakikita at sina Aegis lang at Winter ang may alam nito. Walang pakialam si Arrhen at patuloy sa pagsubo habang sina Serene at Hale ay nagkakapalitan ng senyasan kung sino sa kanila ang babasag sa nakakamatay na titigan nina Winter at Aegis.

Binulungan ni Serene si Hale at binantaan na hindi nito makakatabi ang asawa kung hindi siya papagitna kaya naman wala na itong nagawa kundi ang magsalita.

"Well, hindi ba kayo kakain?" tanong ni Hale. Hindi sumagot ang dalawa at patuloy pa rin na nagpapalitan ng nakakamatay na titigan subalit gumalaw ang kamay nila para sumubo. Sa bawat pagnguya nila sa pagkain ay tila iniisip nila na ang nginunguya nila ay ang kasalukuyang katitigan.

"Don't bother Dad. I think they are having a love quarrel." singit ni Arrhen. Sapat na yun para magising ang dalawa at mapatitig sa nakangising si Arrhen. "I got you!" sabay napabungisngis si Arrhen.

Natuwa rin ang magulang ni Arrhen sa diskarte nito para maputol ang cold war ng dalawa.

"There is no Love quarrel that is happening!" malakas na protesta ni Winter.

"I certainly don't love her, I don't know about her kiddo." nakangiting kinindatan ni Aegis si Arrhen at dahil doon ay siya naman ang inirapan ni Arrhen.

"Arrhen!" pangdidisiplina ni Hale sa anak.

"Sorry Dad." mahina at napayuko na lang si Arrhen na napahiya. Kung may kahinaan ang batang Thompson ay ito ay ang labis na pagmamahal nito at respeto sa kanyang mga magulang. Hindi lingid sa kaalaman ni Arrhen ang napagdaanan ng mga magulang kaya naman iniidolo niya ang kanyang mga magulang.

"Overprotective lang ang anak ko sa Tita niya Aegis. Pasensya na." paumanhin ni Serene.

"This kid knows how to value his family right?" nakangiting hinimas ni Hale ang ulo ni Arrhen na nasa tabi niya. Ang kaninang napahiyang si Arrhen ay napangiti sa papuri ng kanyang ama. Napatingin lang si Aegis kay Arrhen at pinagmamasdan kung paano ginugulo ni Hale ang buhok ng anak.

"He is one lucky boy." mahinang komento ni Aegis. Bakas sa mukha nito ang kalungkutan.

"You have good parents too right?" singit ni Hale. Pilit na napangiti si Aegis at napatango sa tanong ni Hale.

"I bet his parents are disappointed to discover that their angelic son is a devil's advocate." singit ng galit na si Winter. Paglingon ni Aegis kay Winter ay tumayo na ang dalaga at nagpaalam na sa lahat. Sumunod na nagpaalam si Aegis at hinabol si Winter na kasalukuyang paakyat sa hagdanan patungo sa kuwarto nito.

"Hey!" pagtatawag ni Aegis.

"Ano?!"

"Can you tour me around?"

"Tour mo mukha mo! May trabaho ako ngayon kaya wag ka!" pagtataray ni winter bago padabog na pumasok ito sa kanyang kuwarto.

Napailing na lang si Aegis ngunit hindi mapawi sa mukha nito ang isang ngisi dahil sa ideyang kanyang naisip.

***

"Ano ba!" tili ni Winter sa loob ng Queen Esther. Naglalakihan ang mga mata nila Voice sa pagalit na bulyaw ni Winter sa lalaking kakapasok sa boutique nila.

"Hoy Bruha! Bakit mo sinisigawan yung costumer?" saway ni Voice na nagmamadaling linapitan si Winter na nasa counter. "Tsaka puwesto ko yan noh." Inirapan lang siya ni Winter na panay ang paghinga ng malalim. Napalingon naman ulit si Voice sa lalaking nakangiti sa kanila.

"Pogi yung costumer oh kaya dapat hindi mo siya sinisigawan." bulong ulit ni Voice.

Biglang napatayo si Winter sa kinauupuan at pagalit na itinuro si Aegis.

"Whoever beat this guy into a pulp, I will gladly give this girl-" itinuro ni Winter si Voice,"to you."

Nanlaki ang mata ni Voice at nagulat sa biglaang pagbebenta ni Winter sa kanya. Nagkatinginan lang sina H, Chill at Gig na hanggang ngayon ay nagtataka sa ikinikilos ni Winter.

"Chill lang Win-" singit ni Chill ngunit natakot na siya ng inirapan siya ni Winter. Mabilis na nagtago si Chill sa likod ni H na hindi pa ata tuluyang nagigising ang ulirat dahil panay ito sa paghikab.

"Hi! I'm Aegis, Winter's bestfriend." pakilala ni Aegis sa sarili. Napakunot ang lahat at nagkatinginan.

"Wow huh! Grabe na ito. Bestfriend mo pala itong gwapolicious na lalake tapos sinisigawan mo lang?" usyoso ni Voice.

"Gwapolicious?" singit ng tatlong binata na napatingin kay Voice.

"Ano? Anong mali sa sinabi ko?" tanong ni Voice ngunit hindi siya sinagot ng mga binata kundi ay tila mga natunaw na yelo ang mga ito na nagmukmok sa sari-sarili nilang puwesto.

"He is not my bestfriend, not even my friend!" diin ni Winter.

"Alam ko na!" nakangiting singit ulit ni Voice. "Your ex? Don't worry girl I understand you." sabay pasikretong itinuro ni Voice si Gig ngunit tanging si Winter lang ang nakakita nito.

"He is not my ex." diin ulit ni Winter.

"Aba! Hindi mo siya kaibigan, hindi mo siya ka-ibigan. Sadyang nagmenopause ka lang ata ng maaga at lahat ng tao ay pinagtatarayan mo. Girl! Change for the better! Bago na ang Presidente natin at hindi na ang Tatay mo."

Bumuntong hininga lang si Winter at inirapan na lang si Aegis na namamanghang pinagmamasdan lang sina Voice at Winter.

"You have a nice environment here." ani ni Aegis.

"Dahil yan sa beauty ko." nakangitign sagot ni Voice. "Voice Kreiss, parang sisteret ko na itong babaeng ito dahil ate ko ang asawa ng kuya niya. Medyo nakakalito ang pagkakasabi ko pero alam kong naintindihan mo." sabay lahad ni Voice ng palad niya para makipagkamayan kay Aegis. Nang magkalapit sina Voice at Aegis ay pinagmasdan ni Voice ng mabuti ang mukha ng binata.

"Infairness! Angelic face! Bagay kayo parang Angel meets Devil. Ikaw yung angel-" tinuro ni Voice si Aegis. "Hindi ko na babanggitin kung sino ang devil." sabay bumungisngis si Voice. Naramdaman na lang ni Voice nang mabilis na sinabunutan siya ni Winter.

"Aray! Nananakit?" liningon ni Voice si Winter.

"Siya ang devil at hindi ako." itinuro ni Winter si Aegis.

"Ano bang ginawa ni gwapolicious sa iyo at daig mo pa ang takuri na kanina pa umiinit ang ulo? Gosh!"

"Hindi ko kailangang magpaliwanag sa iyo." diin ni winter tsaka ito padabog na lumabas ng boutique. Nagpaumanhin si Aegis sa lahat bago sinundan si Winter. Nang wala na ang dalawa ay tila sumapi naman ang ispirito ni Winter kay Voice.

"At kayo!" pasigaw na pinagtuturo ni Voice ang tatlong lalake. "Anong problema niyong tatlo at napaka-sensitive niyo lately?"

Wala ni isa ang sumagot sa kanila.

"Aba silent treatment? Oh God what wrong did I do today? Masyado ba akong nagmaganda ngayon araw na ito kaya ako pinaparusahan ng Dyosa ng kamalasan?" litanya ni Voice na kulang na lang ay mapaluhod at mapatingin sa kisame at pwede na siyang mapagkamalang panatiko.

Tumunog naman ang cellphone ni Gig at laking gulat nito nang malaman kung sino ang tumatawag. Agad na napatayo ito sa kinauupuan at nagpaalam kay Voice.

"Saan yun papunta?" tanong ni Voice kina Chill ngunit umiling lang ang natirang dalawa.

***

Sa isang cafe nagkita sina Vane at Gig. Pagpasok ni Gig ay hindi nito mapigilan mapansin ang panay tingin ng mga kababaihan kay Vane na nakaupo sa isang sulok. Naka-dekwatro ito at pinagmamasdan ang isang litrato sa cellphone. Sunod na pinagtinginan si Gig nang lapitan niya si Vane.

"Oh, your here. Anong gusto mo?" tanong ni Vane.

"Okay lang ako."

"Nahalata mo ba?" inilapit ni Vane ang sarili kay Gig na napaupo sa harap niya. Sunod na pasikretong inilibot ni Vane ang mga mata. "I'm popular right?"

Napaisip na lang si Gig kung bakit isang sira-ulo ang napunta pa sa kanya.

"I'm busy with work and I am getting married soon kaya magpasalamat ka na may oras pa ako para tulungan ka."

"Now I am indebted to you?" kunot noong tanong ni Gig.

Tumango si Vane bago may inilabas na libro tsaka ito ibinigay kay Gig.

"My Grandmother wrote that. It was not as useful to me back then but she says she wrote all she knows on how she was able to seduce my Grandfather. That's my gi-" hindi naituloy ni Vane ang sasabihin dahil ibinalik kaagad ni Gig ang libro sa kanya. "You-you don't like it?"

Umiling si Gig.

"I am not here to seduce someone. I am here to get my love back." diin ni Gig.

Agad na namangha si Vane at dahan-dahan pa siyang napapalakpak sa kinauupuan. "Ang cool mo!"

"Weirdo."

"So anong gagawin na natin ngayon?" tanong ni Vane kay Gig.

"Ano?"

"Tinatanong kita kung ano ng plano natin?" tanong ulit ni Vane.

"Hindi ba dapat ikaw ang tutulong sa akin?" tanong ni Gig.

"Binalik mo na ang libro eh. Akala ko sapat na yan na tulong para sa iyo. Taga-Pishon kaya ako, we don't use our brains, we use our beauty."

Napailing na lang si Gig at nasapo ang noo.

"I got a useless one."

Sunod na nakatanggap ng text sina Gig at Vane mula kay Ice na nag-iimporma sa kanila sa susunod na pagkikita nilang lahat.

"Mahilig talaga itong si Ice sa mga pa-misteryo." komento ni Vane pagkatapos mabasa ang text.

"So, bakit sa bahay ng Ina ni voice tayo lahat magkikita-kita?"

Nagkibit-balikat lang si Vane dahil siya mismo ay hindi alang ang sagot sa tanong ni Gig.

***

Sa isang shopping mall ay kanina pa pinagtitinginan ng mga nakakabangga nila winter silang dalawa ni Aegis. Paano ba naman at kasalukuyang nakaposas ang dalawa habang naglalakad. Nang hinabol ni Aegis palabas si Winter ay mabilis nitong naposasan ang dalaga at dinala ito sa shopping center.

"Wala ka ba talagang balak na tanggalin ito?" nginuso ni Winter ang posas.

"If you will be good to me then I might." panunukso ni Aegis.

"Obsess ka sa akin noh?"

"In your dreams!" umismid si Aegis na parang nadidiri sa sinabi ni Winter.

Patuloy pa rin sa paglalakad ang dalawa. Hindi malaman ni Winter kung saan siya dadalhin ni Aegis at wala naman siyang magawa kundi ang sumunod lang sa binata nang matisod siya at madapa. May pagkabilis ang paglalakad ni Aegis at hindi ito nagawang sabayan ni Winter, naputol rin ang takong ng sapatos niya at higit sa lahat ay nagtamo siya ng gasgas sa binti.

Pinagtitinginan na ngayon ng lahat si Winter habang tulalang napatingin lang si Aegis kay Winter.

"Kasalanan mo ito! Saan ba talaga tayo papunta?" bulyaw ni Winter kay Aegis nang naglabas ng panyo si Aegis at ginamit itong pangbenda sa nagasgasang binti ni Winter. Seryoso at tahimik lang si Aegis habang binebendahan si Winter. Sunod na inilabas niya ang susi ng posas at tinanggal ang pagkakaposas nila tsaka niya hinubad ang jacket at isinuot kay Winter. Lahat ng ginawa ni Aegis ay nakakapanibago kay Winter na hanggang ngayon ay tulalang pinagmamasdan si Aegis.

"This won't happen again. I promise." seryosong paumanhin ni Aegis. Kinikilig naman ang mga taong nakasaksi sa ginawa ni Aegis kay Winter. Ilan pa sa mga ito ay kinuhanan ang eksena sa video.

Dahan-dahang tinulungan ni Aegis si Winter na tumayo at sunod na hinawakan siya sa kamay. "Tara?" nakangiting tanong ni Aegis tsaka marahang naglakad ulit siya. Tulala at sumunod na lang si Winter kay Aegis kahit hindi rin niya alam kung saan sila papunta.

***

Pagsapit ng gabi ay nagkikita ang grupo ni Ice sa bahay ng Ina ni Voice.

"Welcome mga Hijo! Ang dami ko tuloy naaalala ngayon nandito kayong lahat." maiyak-iyak na bati nito sa mga bisita. Kumpleto ang lahat, present sina Ice, Hale, Echo, Vane, Archer at kasama na rin sina H, Chill at Gig.

"Unang-una sa lahat ay gusto ko lang klaruhin na hindi ko binebenta ang anak ko huh."sabay tawa ng nakakatandang Kreiss. "Kung sino man ang mananalo sa inyong tatlo ay sa kanya ko ibibigay ang basbas ko. Importante si Voice sa akin kaya gusto ko rin siyang protektahan. Nanggaling ako sa dalawang relasyon, sabihin na nating minalas lang ako. Yung una namatay agad tapos yung pangalawa ay alam may lahi ata ni Hitler. Gusto kong masigurado na isang karapat-dapat na lalake ang pagbibigyan ko ng aking t-tr," napatingin ito kay Hale. "Ano na nga yung english nung tiwala?"

"Trust po Nay." nakangiting sagot ni Hale.

Nasapo ng matanda ang sariling noo. "Pagbibigyan ko ng trust ko." bumungisngis pa ito. "Kaya naman ang unang pagsubok na ibibigay ko ay ang pag-aayos ni Voice at ng kanyang Ama."

Nagkatinginan sina H, Chill at Gig.

"Hindi po ba mahihirapan niyan si Voice?" tanong ni Gig.

"Alam kong mahirap ito pero hindi rin niyo ba naisip na hindi magagawang magmahal ni Voice ng tuluyan kung may sarili siyang hinanakit sa kanyang ama? Alam kong nakokonsensya si Voice sa nangyari sa kanyang ate kaya naman gusto kong masarahan na ang madilim na kabanata ng buhay namin na ito. Sabi nga nila Move on!" diin nito.

Nakangiting linapitan ni Hale ang biyenan at hinimas ang likod nito.

"Narinig niyo naman ang Reyna ng bahay na ito. Your first challenge is to help Voice and her Dad."

"Pero hindi ba't siya ang bumugbog sa asawa mo?" tanong ulit ni Gig.

"Don't worry I'll help my wife with that. You deal with Voice and I'll deal with my own Queen." sabay kindat ni Hale sa kanila. Ikinatuwa rin ng Ina nila Serene ang narinig mula kay Hale.

"Ang suwerte talaga ng anak ko sa iyo Hijo." sabay yakap nito kay Hale.

"You don't know how lucky I am." inilibot ni Hale ang mata kina Vane, Echo at Archer.

"Hindi na ako bitter." pinakita pa ni Vane ang engagement ring niya. Natawa naman si Archer habang si Echo at tahimik na pinagmasdan lang sila.

***

"Anong ginagawa natin dito sa rooftop ng shopping mall?" kunot-noong tanong ni Winter. "May balak ka bang itulak ako dito?"

Ngumiti lang si Aegis.

"Dadalhin mo ako kung saan tapos ngingitian mo lang ako. Fine!"

"Did you know that I liked you when we were young?"

"Huh?"

"They say that kids bully the one they like. I bullied you a lot and that's to make sure that you don't forget me. Effective naman di ba? Matagal akong nawala pero naalala mo pa rin ako and every little things I have done before."

"Baliw ka ba?" galit na aalis na sana si Winter nang hinawakan ni Aegis ang kamay niya.

"Do you know why I need to go to the States?" tanong nito paglingon ni Winter ay nagulat siya dahil umiiyak na si Aegis.

"They found out that I had cancer and so my parents took me there for years and years of treatment. I thought I would die. And so I wanted to leave my mark on your life." isang tulo ng luha ang dumaloy sa pisngi ni Aegis.

Tahimik lang si Winter at hindi makapagsalita. Hindi na niya namalayan na pinunasan ang luha sa pisngi ni Aegis.

"I like you a lot Winter." pabulong na sambit ni Aegis bago napapikit ito at inilapit ang mukha kay Winter hanggang sa nagdampian ang mga labi nila.

***

Pagbalik sa bahay ni Winter ay dali-daling hinanap niya ang numero ng magulang ni Aegis. Hindi pa rin nito mapigilan ang pagtulo ng luha at nang mahalungkat nito ang pinaglalagyan ng Kuya Hale niya ng mga business card ay mabilis niyang hinanap ang card ng magulang ni Aegis.

"Hello Tito!" panay ang hikbi ni Voice.

"Sino ito?"

"Si Winter po ito."

"Winter? Kumusta na Hija. Kumusta na ang anak ko sa bahay niyo?"

"Tito magaling na po ba si Aegis sa sakit niya? Wala na ba siyang cancer talaga? Successful ba talaga yun treatment niya?" sunod-sunod na tanong ni Winter.

"Huh?"

"Hindi ba siya mamatay Tito?" tuluyan nang umiyak si Winter.

"Hija, Si-sinong nagsabi na may sakit ang anak ko?" bakas ang pagkalito ng kausap ni Winter.

"Ho? Hi-hindi ba't nagpunta kayo sa States para ipagamot si Aegis dahil sa cancer niya?"

"Saan mo nakuha ang malaking kasinungalingan na yan Hija? My son is as strong as a bull! Kung ano-anong uring sports ang sinalihan niyan kaya paano siya magkakaroon ng cancer?"

"Ho?"

"I'll send you some photos para maniwala ka. Give me your email."

Pagkatapos ng usapan nila ay mabilis na kumulo ang dugo ni Winter. Nadagdagan pa ang pagkamuhi ni Winter nang matanggap nito ang mga litrato ni Aegis. May litrato ito na sumali sa football, basketball,fencing, swimming,karate, archery at pati pag skateboard.

Kulang na lang at maibato ni Winter ang hawak hawak na tablet bago niya napagdesisyonan na hanapin si Aegis.

"Winter is Coming!"

Mabibigat ang yabag ni Winter na hinanap si Aegis nang madatnan nito ang binata sa kusina na kasalukuyang kumakain ng mga ubas.

"You like?" nakangiting alok nito nang walang pakundangang sinampal siya ni Winter sabay hikbi.

"Akala ko totoong may sakit ka na! You are so mean!" tuluyan ng umiyak si Winter. Tulala si Aegis na pinagmasdan lang si Winter.

"Ba-bakit ka umiiyak?"

"Umiiyak ako dahil akala ko totoo na may sakit ka gago!"

"I was just joking around."

"Puwes tigilan mo ang ganung pagbibiro at hindi nakaktuwa!" pinunasan ni Voice ang sariling luha.

"Do you really like me?" kunot-noong tanong ni Aegis.

Hindi sumagot si Winter at pinagmasdan lang nito ang reaksyon ni Aegis.

"Nagsinungaling ka rin nung sinabi mong gusto mo ako noh?"

Dahan-dahang tumango si Aegis.

Napakagat sa labi si Winter at tahimik na iniwan si Aegis. Napabuntong-hininga naman si Aegis at bakas ang kalungkutan sa mukha bago may tinawagan sa cellphone.

"Hello Dok, may resulta na ba yung test?" tanong ni Aegis.

"Yes." mahina at kalamadong sagot ng Doktor.

"I knew it."

"Yours is still in the early stage so let's get you treated as soon as you can."

"I'll just settle some things here."

Continue Reading

You'll Also Like

11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
1.1M 51.7K 66
[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.
15.1M 677K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...