PROBLEM 2 : When is my time to shine?

2.1K 100 20
                                    

Sandaling tumigil ang mundo ni Voice sa hindi inaasahang pagtatapat ni Chill sa kanya. Nakatuon ang seryosong mga titig ni Chill sa dalaga at walang pakialam sa sasabihin ng mga taong nakapalibot.


Hindi naiwasan ni Gig ang mapaatras sa kinatatayuan habang pinagmamasdan sina Voice at Chill na nagkakatitigan lang ngayon.


Sa isang iglap ay binigyan ng isang malakas na hampas sa balikat ni Voice si Chill. "Nakuha mo ako doon huh! Pwede ka ng maging artista Hehe!" pekeng tawa ni Voice na saglit sinilip ang reaksyon ni Gig.


"Hindi ako nagbibiro Boss." seryosong sagot ni Chill at mabilis na kinurot sa tagiliran ni Voice ang binata.


"Nagbibiro ka!" diin ni Voice habang umaaray si Chill. Liningon ulit ni Voice si Gig ngunit nagsimula na itong maglakad palayo. Agad na naramdaman ni Voice ang pagbigat ng kanyang nararamdaman.


"Gig!" sigaw ni Voice ngunit hindi tumigil sa paglalakad ang binata. Ilang beses pang tinawag siya ni Voice ngunit bigo siyang paharapin si Gig.


"Who is he by the way?" naiinis na tanong ni Chill kay Voice ngunit isang batok ang isinagot ng dalaga.


"Anong kabaliwan ba ang sinasabi mo kanina? You like me? Tae mo!" naiinis na alburoto ni Voice. Ngumisi lang si Chill.


"Maybe I am really crazy." bulong ni Chill sa sarili.


Sa inis ulit ni Voice ay ilang beses pang pinaghahampas ni Voice ang binata.


"Boss paano pala yung lalakeng muntikan ng nakasagasa sa iyo?" nginuso ni Chill ang paika-ikang lalake na pilit tumatayo sa kabilang bahagi ng kalye.


"Mukhang okay naman siya." nang galit na itinuro sila ng lalake.


"Aba?!" nanlaki ang mga mata ni Voice sa gulat. "Ikaw pa ngayon ang galit?"


"Muntikan na akong mamatay dahil sa katangahan mo!" sigaw ng lalake.


"Eh kung idemanda kaya kita?" sagot ni Voice.


Agad na nagbaba ng ulo ang lalake at umarteng mas sumakit ang katawan. Natawa na lang sa inis si Voice.


"Bagay sa lalakeng ito eh mag-audition sa t.v. Ang galing umarte."


Sa inis ni Voice ay nagsimula na rin siyang maglakad pauwi.


"Boss! Maglalakad ka?" tanong ni Chill na sinundan siya.


"Hindi! Baliw ka ba? Ang layo ng bahay ko mula dito. Maglalakad lang ako hanggang sa kanto para doon kumuha ng taxi." padabog na naglakad ulit si Voice.


Nakangiting sinusundan naman siya ni Chill na pinapanood ang dalaga mula sa likod.


Love CalculationWhere stories live. Discover now