Problem 16: Can I just melt right now?

978 45 19
                                    

"Paano ba nangyari ito?" nasabunutan ni Voice ang sarili sa kasalukuyang nasasaksihan ng kanyang mga mata. Aambangan ng suntok ni Gig si Chill, si H ay kasalukuyang abala sa pagsisipilyo at si Chill na ang tanging suot ay ang nakatapis na tuwalya ay biglang nahubaran nang yugyugin siya ni Gig.

Sabay-sabay na lumuwa ang mga mata nila nang makita nila ang kabuuan ni Chill. Sa nerbiyos ni Gig ay mabilis siyang napalingon kay Voice na sa pagkagulat ay napakalaki ng bukas ng bibig at tila nawala na sa katinuan. Pinulot ni Gig ang basang tuwalya ni Chill at itinapon ito sa mukha ni Voice para matakpan ang mata nito ngunit huli na nang ma-realize ni Gig na kadiri ito para kay Voice.

Nagtitili si Voice at nakapikit na itinapon ulit ang basang tuwalya sa direkson nila Gig. Nanginginig na hinablot ni Chill kay Gig ang nasalong tuwalya at nagmamadaling isinuot ito muli bago patakbong lumabas sa condo ni Voice.

"Layas!" sigaw ng nagbabalik na si Voice. Hawak nito ang isang walis tambo na marahas niyang pinaghahampas habang nakapikit pa rin ito. Tumigil na lang siya nang marinig nito ang mabilis na pagkaripas ng takbo at ang dali-daling pagsara ng pintuan.

"Wa-wala na sila." ninenerbiyos na pagpapaalam ni Gig. Isang mata muna ang idinilat ni Voice at nang mapatunayan niyang wala na nga sina H at Chill ay matalim na tinitigan niya si Gig.

"Wala akong kasalanan." iniiwas ni Gig ang tingin ngunit huli na at sasabog na sa galit si Voice.

"Layas!" tili ulit ni Voice sapat na para tumakbo na rin palabas si Gig.

***

One hour earlier...

"Nandito ka ulit?" tanong ni Voice kay Gig.

Umupo muna si Gig sa harapan ng mesa bago itinuro ang katabing condo.

"Mukhang may bago kang kapit-bahay. Ang daming boxes sa labas nila."

"Oh? Mahal yang katabing condo na yan huh. Ang alam ko triple ata laki niyan dito sa akin. Naku kung mayaman at guwapo yung kapitbahay ko eh akitin ko kaya?" pagpaparinig ni Voice. Sinilip niya ang reaksyon ni Gig ngunit abala ito sa pagbabasa ng articles sa smartphone niya.

"As if umasa pa ako." bulong ni Voice sa sarili nang isang masiglang katok ang narinig nila.

"May bisita ka?" tanong ni Gig kay Voice.

"Baka si mother dear yan." mabilis na tumayo si Gig para buksan ang pintuan at laking gulat na lang niya nang makita sina H at Chill na may dala-dalang toiletries.

"Boss!" nakangiting kumaway si Chill kay Voice.

"A-anong ginagawa niyo dito?" bakas sa tono ni Voice ang pagkagulat. Pumasok na rin ang dalawa at ipinakita sa kanila ang dala nilang panligo.

"Lumipat si H diyan sa kabila tapos ako eh nakikitira naman kaso mukhang hindi ba naayos yung water system dahil biglaan lang ang paglipat namin." paliwanag ni Chill.

"Eh?"

"Dinukot kami ni Don Hector kagabi at dinala dito. Muntikan ngang makipagsuntukan ako sa driver niya tapos pati ako dinala na rin tapos nalaman namin na kapit-bahay ka namin kaya heto." nakangiting paliwanag ni Chill at nang mapansin niya si Gig ay liningon niya ulit si Voice na gustong tanungin kung bakit nasa bahay niya si Gig.

"Driver ko." sagot ni Voice.

"Dri-driver?" hindi makapaniwala si Gig sa naisagot ni Voice.

"Makikisakay kami huh?" pilyong ngumiti si Chill.

"Who said I will-"

"Mauna na akong maligo." paalam ni H. Agad na ininguso ni Voice ang isa pang banyo.

Love CalculationWhere stories live. Discover now