My So Strict Boss (Bachelor S...

By Aljane_Rose

14.2M 294K 17.8K

"When you signed that contract, it meant that you are mine. So don't let others talk or even touch you becaus... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Message: Read or Not
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Pasasalamat 💕

Chapter 43

150K 2.6K 78
By Aljane_Rose

Bakit may mga obstacles ngayon sa buhay ko na nakakapagpahina ng loob ko. Kahit mag-effort ka kaso parang pakiramdam mo na kulang pa tapos nakakaiyak pa ang sinabi ng prof ko na huwag sumuko. Ang bigat tuloy ng nararamdaman ko. 😢

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

¤~💞~¤

Nakakangalay na ang posisyon ko. Ang bigat naman kasi niya. Hindi ko naman mapagbawalan at maganda ang mood niya baka masira pa.

Pinaglalaruan niya ang kamay habang nakaunan ang ulo niya sa mga hita ko. Napagdesisyunan naming manood ng movie. Kanina pa nagsimula ito kaso si Clyde ay hindi man lang nanonood at ang kamay ko lang ang pinagtutuunan ng pansin.

"Hindi ka naman nanonood, Clyde. Ano ba ang tinitingnan mo sa kamay ko?"

"Sinusukat ko lang."

"Para saan naman?"

"Tinitingnan ko kung anong size ng daliri mo para alam ko kapag bumili na ako ng singsing kapag niyaya na kitang magpakasal."

Binalik ko ulit ang tingin ko sa pinapanood namin para makaiwas sa sinabi niya. Kahit kinilig ako ay dapat huwag akong magpahalata at baka lalo pa siyang mangulit.

"Ang aga mo naman magsukat ng daliri ko. Matagal pa iyang sinasabi mo."

Tumayo na ito sa pagkakahiga niya at dumeretso ng upo. Tinititigan niya ako kaya hindi ako tumitingin sa kanya.

"Kailan mo ba balak magpakasal? Gusto kong dalhin mo ang pangalan ko para malaman na ng lahat na akin ka na."

Masyado siyang naapektuhan sa sinabi ko. Hindi ko naman sinabing hindi ako magpapakasal pero hindi lang ngayon.

"After 2 years siguro pwede na, Clyde."

"What?! Bakit ang tagal naman."

"Ilang buwan pa lang ng sagutin kita tapos ngayon nakatira na ako sa bahay mo. Sobrang bilis ng nangyari sa relasyon natin tapos gusto mo kasal naman ngayon?."

"Doon din naman ang kahahantungan ng relasyon natin. Magiging Mrs. Clyde Villacorte ka at dadalhin mo iyon hanggang sa tumanda tayo."

Hindi ko na talaga maintindihan si Clyde. Ang dami niyang palusot at lahat ng ito pumapabor sa gusto niyang mangyari. Talagang businessman marunong makipagnegosasyon at mapapaisip ka na lang sa mga sinasabi niya.

"Basta hindi pa ako handang magpakasal ngayon. Gusto ko pang maranasan na lumabas na tayong dalawa at mag-enjoy muna tayo sa relasyon natin."

"Mas mag-eenjoy tayo kapag kasal na tayo. Buntusin ko na lang kaya siya para hindi na ako maghintay ng matagal."

May binulong ito na hindi ko narinig. Tinalikuran na niya ako at lumabas ng kwarto. Pinagpatuloy ko ang panonood ko at malapit na rin matapos. Sa huli ako lang ang nanood at hindi na bumalik si Clyde.

Pagkatapos ng movie ay pinatay ko na. Lumabas ako para hanapin siya at nakitang nasa office niya. Nakabukas ang laptop niya at may ginagawa.

"Work na naman, baby? Magpahinga ka na muna at bukas mo na lang ipagpatuloy yan."

"Hindi ko pwedeng gawin ito bukas. Kailangan kong makakuha ng ideas para mapadali kong makuha ang sagot na gusto kong makuha."

"Ano ba kasi ang ginagawa mo?"

Lumapit ako at sumilip sa ginagawa niya. Nakabukas ang google niya at tiningnan kung ano ang hinahanap niya. Hindi ko mapigilang matawa ng malakas sa nabasa ko.

"Huwag mo akong tawanan, baby. Seryoso ako sa ginagawa ko."

"Bakit hindi mo na lang itanong sa akin iyan para hindi ka na naghihirap maghanap."

"Sasabihin mo ba sa akin ang mga gusto kong malaman?"

Pinaupo niya ako sa lap niya. Natawa na naman ako sa seryoso niyang mukha habang nakatingin sa akin. Ang hinahanap niya kasi sa google, 'Steps to make your woman say yes to your proposal'

Ito pala ang kanina pa niyang pinagkakabalahan kaya hindi pa siya bumabalik sa kwarto namin. Ayaw niya talagang magpatalo pero nakakatuwang makitang sobrang effort ang ginagawa niya.

"Matulog na muna tayo at bukas ko na lang sasabihin."

Tumayo na ako at kinuha naman nito ang kamay ko para pigilan akong makalayo.

"Hindi ba pwedeng ngayon na?"

Hinatak ko siya para makatayo at makabalik na kwarto namin. Hindi pa rin siya tumitigil sa pangungulit. Nakapasok na kami sa kwarto.

"Magpahinga na tayo dahil alam kong pagod ka na sa buong araw, Clyde."

Hinalikan niya ako sa noo, "Promise me,you will tell me. Good night baby."

"Good night too, baby."

Humiga na kami kami at nilagay niya ang kamay ko sa beywang niya para magkalapit kami.

¤~💞~¤

Naramdaman ko ang pagdampi ng kung ano sa labi ko. Bumaling ako sa kabilang side para tumigil na iyon. Lumundo ang kama at nagpatuloy na naman ang pagdikit sa labi ko. Kahit inaantok pa ako ay idinilat ko ang mga mata ko para malaman kung ano ito.

Nakita ko ang mukha ni Clyde na ang lapit sa akin. Nakangiti ito. Bumaling ulit ako sa kabilang side para matulog ulit.

"Baby, gumising ka na."

"Inaantok pa ako, Clyde. Mamaya ka na manghalik dyan at hayaan mo muna akong matulog."

Dinaganan na niya ako kaya pilit ko siyang tinutulak. Ang bigat niya at parang lalo pa niyang dinidiin ang sarili niya para gumising na ako.

"Clyde! Umalis ka nga sa ibabaw ko. Ang bigat mo at bakit parang may matigas na tumutusok sa tiyan ko?"

"Nagising yung hinawakan mo dati kaya kung ayaw mo siyang magalit ay tatayo ka na o hindi na kita paalisin sa kama ko."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya tinulak ko siya at nagpatangay ito at mabilis akong pumasok sa banyo.

Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin sa loob. Lumabas ako na wala na siya kaya pumunta ako sa kusina ng may  maamoy ko ang kape na nagmumula roon.

"Anong gusto mong breakfast, baby?"

"Huwag ka ng maghanda at sa labas na lang tayo magbreakfast."

"Wala ka bang trabaho ngayon?"

"Off ko ngayon at sinabi ko na kay Sarah na ireschedule ang lahat ng mga meetings ko."

Nagtimpla rin ako ng sarili kong kape at umupo sa tabi nito, "Pwede mo na bang sabihin ang gusto kong malaman kagabi, Sandra?"

Akala ko nakalimutan na niya. Napaisip tuloy ako kung nakatulog ito kagabi sa kakaisip.

"Kaya mo ba ako ginising ng maaga?" Tumango ito.

"Pinagpatuloy ko ulit ang ginagawa ko kagabi kaso wala naman akong makitang magandang gawin na magugustuhan mo."

"Simple lang naman ang gusto ko, Clyde. Maranasan ang mga ginagawa ng mga magkasintahan."

Hindi ko pa nararanasan na lumabas kaming dalawa na walang trabahong inaalala. I want to experience having a whole day date with him.

"Ginagawa naman natin, baby. Hinahalikan, niyayakap at lagi tayong magkasama. Hinahatid sundo kita sa floor mo at sabay tayong kumakain. Ano pa ba ang hindi natin nagagawa?"

"A date with no work involved."

Kinuha niya ang kamay ko, "If that was your wish then wish granted. Change your clothes and we will having our first date today."

Malapit na kami sa gusto kong puntahan. Kakatapos lang naming kumain at pumunta na kami sa lugar ng date namin. Nakita ko na ang parking area at naghanap na kami ng space. Lumabas na kami ng kotse. Parehas kami ng suot na damit. T-shirt na black at pants. Pumila kami para makabili ng ticket para makapasok.

"Ito pala ang gusto mong date. Sa isang amusement park. Hindi ko ineexpect na dito tayo pupunta, baby."

Nakakasawa na ang kumain lang sa labas at manood ng sine. Mas mag-eenjoy kami dito.

"Ayaw mo ba dito? Kung ayaw mo ikaw na lang ang magdesisyon kung saan tayo magdate." Umiling ito at pinalapit ako sa kanya.

"I didn't expect that you would like this kind of date but I really want to try this. To have fun and make my girl happy is all I want to do."

Sinubukan namin ang iba't ibang mga games sa mga stalls. Merong babatuhin ang mga bote ng bola o papalusutin ang mga ring dito. Shooting game na nakailang try pa si Clyde bago manalo ang stuff toy.

Sumakay kami sa viking at umupo sa dulo para ramdam namin ang pagsway nito. Kahit nakakahilo ay game kaming subukan ang mga extreme rides dito.

Kung anu-ano ring mga pagkain ang mga tinikman namin. Napapansin ko naman na nag-eenjoy si Clyde kaya tama lang ang lugar na ito para makapagrelax rin siya sa trabaho.

Sa una ay hindi ko aakalain na papayag si Clyde sa amusement park ang gusto kong puntahan namin kaya nagdadalawang isip ako sa isusuot ko kanina pero pumayag ito.

Sa last na gusto kong sakyan namin ay ang malaking ferris wheel. Maraming nakapila kaya hinatak ko na si Clyde para mas mabilis kaming makakasakay. Isang ikot lang ito pero sulit naman dahil malaki at mabagal naman ang pag-ikot nito.

Puro couples rin ang madalas kong nakitang pumipila dito. Hinawakan ko ang kamay niya dahil may nakita akong mga babaeng na kanina pa tumitingin kay Clyde. Nakakainis lang ang lantaran nilang pagpapakita sa akin na may gusto sila sa boyfriend ko.

Nakaramdam ako ng pagkauhaw at sinabi ko ito sa kanya. Nagpaalam ito na bibili lang. Gusto ko sanang sumama na rin ng makitang kong sumunod ang mga babae sa kanya. Nabawasan ang mga nakapila kaya napalapit ako sa mga sasakay na. Kailangan ng dumating ni Clyde at susunod na akong sasakay.

"Ma'am pumasok na po kayo sa loob?"

"Miss pwede bang maghintay lang sandali? Wala pa yung kasama ko may binili lang."

"Marami po kasing nakapila at nagagalit na po yung mga sumusunod sa tagal niyong pumasok. Maghintay na lang po kayo sa loob at hihintayin natin kahit 2 minutes ang kasama niyo o kayo na lang po ang sumakay."

"Salamat."

Pumasok na ako at tumitingin ako sa labas baka dumating na si Clyde. Dapat pala hinintay ko na lang na matapos ang ride na ito bago ako nagpabili ng tubig. Lumapit ulit yung babaeng kausap ko.

"Ma'am dumating na po yung kasama niyo."

May pinapasok siyang lalaking nakawhite na t-shirt at nakacap. Hindi ito ang suot ni Clyde. Hindi ko kilala ang kasama ko. Sinasarado na ang pinto kaya sumigaw ako para marinig nila.

"Miss hindi na ako sasakay! Patigilin niyo na ito at bababa ako!"

Umandar na ito at umakyat ang sinasakyan namin.

"Miss!"

Napatingin ako sa kasama ko ng marinig ko itong magsalita.

"Hindi ka na makakababa kaya wala ng saysay ang ginagawa mo. Mag-enjoy ka na lang na kasama ako dahil wala ang boyfriend mo para samahan ka."

Continue Reading

You'll Also Like

99.8K 2.5K 52
What will you do if you end up in someone else body?
2.2M 144K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
115K 6.6K 21
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.