Miss Always Rank #2

De deliixx

678K 19.2K 2.5K

St. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson Mai multe

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Wakas

Kabanata 23

9.9K 317 17
De deliixx




Kabanata 23

Trust

May lumapit kay Mrs. Johansson na mga babae kaya nag-excuse kaming apat na umalis na, ramdam ko ang titig nya noong naglalakad kaming palayo. Kahit na lubos ang tibok ng puso ko dahil sa kaba ay nanatili paring kalmado ang mukha ko.

Hinatid ako ni Johansson sa aming table habang sina Maxxine at Austin ay pinuntahan ang mga magulang nila. Hinahanda na ang main course ng nakalapit na kami sa table. Nagtatawanan sina Tita Cielo dahil sa sinabi ni Tita Tracy habang sina Daddy naman ay tahimik na nag-uusap tungkol sa negosyo.

"Oh Zeeyan, akala ko hindi na kayo babalik. Kanina pa tuloy ako walang kausap dito." binigyan kami ng ngiwi ni Xena at tinignan ang magulang namin na busy sa kanikanilang mga kaibigan.

"Next time, Ate." sabi ni Johansson.

Hinila nya ang upuan ko at pinaupo ako, nagkatinginan kami nang nakaupo na ako.

"I'll go ahead, pupuntahan ko lang si Dad." sabi nya at pinisil muna ang pisngi ko bago tuluyan akong talikuran.

Habang kumakain ay panay ang banggit ni Xena kay Carreon sa katabi nyang si Tita Tracy.

"He keeps on mentioning you every time we're on Facetime, gustong-gusto na nyang umuwi ng Pilipinas dahil boring daw doon." lumaki ang ngiti ni Xena ng marinig iyon galing kay Tita Tracy. About kay Carreon ang naririnig ko hanggang sa tapos ko na ang pagkain ko.

Nakakaakit ang hinanda nilang dessert na nilalagay ng mga waiter sa harap namin pero nang nakita ko ang pagtayo ni Tito Adam, Johansson at ang kanyang ina ay nawala ang pagkasabik ko sa dessert.

Sinundan ko sila ng tingin, napalunok ako ng nakita kung saan sila patungo. They're heading to Kelsey's family.

Chill, Tiara... Don't think any dangerous thoughts.

Ginalaw ni Xena ang aking pagkain ko, "Try this cheesecake, ang sarap!" good mood sya dahil sa pinagkwentuhan nila ni Tita Tracy.

Hindi ko sya pinansin at nanatili ang mata ko sa mga Johansson, tumayo ang mga Wilson para maka-usap sila ng maayos.

Nahihiyang tumayo si Kelsey at tumabi sakanyang magulang. Her white and fair skin slightly blushed as she talk to Mrs. Johansson. Panay ang sulyap nya kay Johansson na kausap ang magulang ni Kelsey, seryoso ito at diretso ang tingin sa kanila. He doesn't even returned Kelsey's smile when he randomly saw her.

"I'm pretty sure that she knows your relationship with Zeeyan.." nagulat ako nang makita si Maxxine sa pwesto ni Ate.

Buong atensyon ko ay nasa kanila na hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Maxxine, Xena went out at si Maxxine ang pumalit sakanya.

"You're worried, right? Worried that they might..." hindi tinuloy ni Maxxine ang sasabihin nya pero alam ko kung ano iyon dahil iyon talaga ang inaalala ko.

The Wilsons are powerful, they are known because of the name of their company. Unlike the Johansson's Group, who handles buildings and hotels, ang mga Wilsons naman ay malls na sikat sa buong bansa.

"Tita Shayne's family owns a school, buildings and a successful company, lalong lumakas ng nagpakasal sila ni Tito Keith na may family business rin na international. So why bother, my friend? Your parents are just humble that they don't shout their properties and wealth to everyone but when they do..." umiling-iling sya "Magsisisi si Tita Regina na nakipagkaibigan pa sya sa mga Wilsons." iniwas ko ang tingin ko kay Maxxine at dumiretso ng upo.

I still don't think that wealth and family names should be involve in a relationship. Ayokong isipin ng mga tao na minahal ko si Johansson dahil sa kung ano at kung anong meron sya. You can't force love just because of material things.

Mabuti na lang at tumabi sa akin si Maxxine para kwentuhan ako, kung wala sya dito ay baka kung ano ano na ang pumasok sa utak ko.

"Alam mo iyong ayoko? Iyong nagbabait baitan pero nasa loob naman pala ang kulo!" pabigla na binagsak ni Maxxine ang kutsilyo sa mesa kaya napatingin sakanya si Mommy. Tumaas ang kilay ni Mommy sa amin kaya agad kong kinurot si Maxxine, baka mamaya ay may sasabihin pa ito at isipin ni Mommy na may kaaway kami.

"Sorry, Tita. Nadulas..."

Nagyayang lumabas ulit si Maxxin at dahil tapos na kaming kumain ay pinayagan kami ni Mommy na makaalis. Nadaan namin si Austin na may kausap na babae at nang nakita nya kami ay iniwan nya ito at sumama sa amin sa paglabas.

"Tita Regina is very fond of Kelsey's family dahil ba investors sila sa building na itatayo ng mga Johansson?" hindi ko alam kung sino ang tinatanong ni Maxxine, ako ba o si Austin. Hindi ako sumagot at nanatili na lang ang tingin ko sa gazebo.

"Maybe? You know Zeeyan's Mom, she loves to be surrounded by business people." iniwan ko silang nag-uusap at pumunta na lang sa gazebo. Umupo ako kung saan kami ni Johansson kanina.

You have to trust him, Tiara. You have to hold to that promise. Johansson is always true to his word, he's responsible for his actions. Tumango tango ako, tama. I don't have to worry about Mrs. Regina's decisions for Johansson. Johansson is old enough to decide for his own at isa pa, ako lang naman itong nag-iisip ng kung ano-ano. His mother doesn't say anything about the future of their family with the Wilsons.

I smile and lean my back, pumikit ako ng ilang sandali. Kung mayayari man iyong iniisip ko, I'm pretty sure Johansson will object and choose me.

Minulat ko ang mata ko ng marinig ang papalapit na boses nina Maxxine at Austin

"Zeeyan will never do that to her, couz..." mukha silang nag-aaway dahil halata sa boses ni Maxxine ang iritasyon.

Hindi nila alam na nandito ako sa loob ng madilim na gazebo habang sila ay naglalakad at dinaanan ang gazebo.

"It's just that... Tiara is kind and pure. She's transparent, you'll easily know if something's bothering her. Kahit na kaonting panahon ko pa lang sya nakilala ay alam kong naapektuhan sya sa kung anong mayroon sa Wilson at sa mga Johansson."

"Let's have faith on Zeeyan. I know he'll fight for her..." hindi ko na nasundan ang sinabi ni Maxxine dahil nakalayo na sila sa gazebo. Sinandal ko ulit ang sarili ko sa upuan at pumikit ng ilang minuto hanggang sa naisipan kong sundan na sila.

"Saan ka ba galing at kanina ka pa namin hinahanap." salubong sa akin ni Maxxine nang nakalapit ako sakanila.

Tinuro ko ang gazebo at bahagyang natigilan si Maxxine, bakas sa mukha nya ang kaba. Kaba na baka narinig ko ang usapan nila kanina.

"Don't worry, I heard you guys talking. I'm fine! At isa pa, wala namang sinasabi ang ina ni Johansson, hindi ba? Kaya bakit ba kayo nag-aalala dyan?" sinubukan kong tumawa pero pilit lang ang lumabas, mabuti na lang at ngumiti sila at mukhang hindi napansin ang pilit kong tawa.

Pumasok kami ulit sa loob ng mansyon nang nakangiti, nginingitian ko ang mga taong nakatingin sa amin. Ang iba ay lalapit pa para makipag-usap sa amin.

"Our company has a designated charity for families who need our help." sabi ko kay Mrs. Santos, tumango sya at tumahimik ng ilang segundo. Hinayaan ko syang mag-isip at binalingan sina Maxxine na may lumapit na lalaki sakanila, tinatanong kung kailan uuwi ng Pilipinas ang kanyang magulang na ngayon ay nasa U.S.

"In few days, Tito. Haven't you talked to him about your investment?" binalingan ko ulit si Mrs. Santos

"Tell your Mom that I'll send some digits for that charity since my business' profit raised."

"Sure, Mrs. Santos. If it's okay to you, I can guide you to my Mom. She's just at the first row table." sabi ko at sumangayon agad si Mrs. Santos. Pinakwento nya sa akin ang magiging charity project na gagawin sa Visayas, particularly in Iloilo.

Nang naputahan namin si Mommy ay nagsimula na silang mag-usap tungkol sa charity na mangyayari next month, nagpaalam ako at binalikan ang mga kaibigan ko.

"Thank you, darling." sabi ni Mommy bago ako pinakawalan.

"Glad to help, Mom."

I know about that charity because I will be part of it, I asked Mom if my friends and I can volunteer since we're doing it once a year. Last year was Saranggani and it was too far kaya sa Visayas na lang ang naisip ni Mommy.

Kasama ko si Maxxine kasama ang batchmate namin noong grade school na anak ng sikat na hotelier. Nahagip ng mata ko si Johansson na may hawak na baso ng wine at nakikipagsalamuha sa mga bachelor, nakatingin sya sa akin kahit na may kumakausap sakanya. Tinaas nya ang baso nya ng nagkatinginan kami, ngumiti ako.

Hinanap ng mga mata ko ang ina ni Johansson na kasama parin ang magulang ni Kelsey habang iniisa-isa ang mga bisita. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. I don't want to know where that girl is, the hell I care.

Sinundan ko ng tingin si Mrs. Johansson na palipat lipat sa mga guess, ilang minuto lang sya mananatili sa table pagkatapos ay lilipat sa kabila. Kausap nya ang may-ari ng sikat na condominium ng nakita nya sina Mommy at Daddy na mukhang galing sa labas.

Napasinghap ang ina ni Johansson at mabilis nagpaalam sa kausap para puntahan ang magulang ko. Kahit na hindi ko marinig ang pinaguusapan nila ay alam kong business agad iyon, naestatwa ako ng lumipat ang tingin nila sa akin at ngumiti sila sa akin. Wait, are they talking about me?

Nag-iwas na ako ng tingin at pinakinggan na lang ang kwento ni Maxxine. Ilang sandali pa ng may naramdaman akong kamay sa aking bewang, sa amoy pa lang alam ko na kung sino ito.

"I thought you're busy?" tanong ko at nilingon si Johansson na nasa aking likod, ang kanyang kamay ay nanatili sa aking gilid.

Umiling sya "Not anymore."

Kinuha nya ang hawak kong baso ng wine at nilapag iyon sa tray ng waiter na dumaan, nagkatinginan kami saglit at umiling sya

"Enough liquor for tonight." aniya. Ngumuso ako at binalingan sina Maxxine at iyong kaibigan namin na natigilan sa pagkwekwentuhan dahil sa lalaking nasa likod ko

Laglag ang panga ni Kim habang palipat lipat ang tingin sa amin dalawa ni Johansson.

"Tiara and Zeeyan?" nilingon nya si Maxxine para tanungin iyon. Bakas sa mukha nya ang pagkagulat at nakahugis "o" parin ang bibig nya.

"Really? You are rivals before! I remember how much you hate him, Tiara!" sabi nya sa akin, napahawak ako sa aking batok at hindi makapagsalita. Tumawa si Johansson sa likod ko.

Yeah, it's obvious that I hate him way back. I hate that he's almost perfect at everything, how he always win at every competitions. Kahit na iyong cooking lesson namin sa isang subject ay natalo nya ako!

"I'm aware from the very start." siniko ko si Johansson dahil sa sinabi nya

"Because you're annoying, Zeeyan. You're coldhearted and masungit, si Tiara lang itong may lakas ng loob na sigawan ka noon."

"I'm glad she's nosy and competitive, although she annoys me everytime back then." this time, napalakas ang siko ko kaya ngumiwi sya.

Sinapo nya ang tyan nyang siniko ko at tumawa habang iyong isang mata nya ang parang pipikit na. Tumawa rin ang dalawa habang ako naman ay nakanguso.

Pasalama't nga sya at kinakausap ko sya noon dahil walang may lakas ng loob na kausapin sya! Pero imbes na pasasalamat ang matanggap ko ay puro reklamo ang lumalabas sa bibig nya!

Ang dapat na asar para kay Johansson ay napunta sa akin, I remained my straight face habang nirereminisce nila ang panahon noong naka-bob haircut ako na may bangs

"Maging morena ka lang Tiara, kahawig mo na si Dora!" tumawa sila kasama si Johansson. Bahagya akong natawa tuwing naalala ko iyong buhok ko noong grade school. Hindi ko alam kung anong nasa isip ng nanay ko at iyon ang pinagupit sa akin.

Tumigil ako sa pagtawa pero itong si Johansson na ngayon ay nasa gilid ko ay tawa parin ng tawa. I can sense that he'll gonna pee with that laugh.

Nanliit ang mata ko habang hinihintay syang matapos sa tawa nya at nang nakita nya akong nakatingin ng masama sakanya ay bahagyang syang natigilan sa pagtawa at hinalikan ako sa noo.

"You're still cute kahit na ganoon ang hairstyle mo." aniya at tumingin sa kawalan at tumawa ulit. Grr... I know he's picturing me with that bob hairstyle.

That's how our night went, napupunta sa iba ang topic namin pero madalas ay bumabalik sa akin. I just laughed it off kahit na sobra sobra kung makatawa si Johansson, I never see him this happy. His tears will appear at pupunasan nya rin ito pagkatapos ay tatawa ulit. His laugh is sexy kaya minsan ay natitigilan ako para i-appreciate ang malalim na tawa nya.

I'll always find his hand on my waist or in my hand, kahit na papauwi na ay hindi nya parin ako binibitawan.

My parents are on my right side at hindi man lang naintimidate si Johansson sa titig ng magulang ako. Imbes ay ngumiti ito at sinamahan kaming magpaalam sa magulang nya para sa pag-alis namin.

I saw a smile escaped from my Mom's face as we walked towards the Johanssons and Wilsons table.

"You two look better together." puna ni Tito Adam ng nakalapit na kami, the Wilsons even stood up by our presence.

Inayos ni Daddy ang kanyang relo bago makipagkamayan sa ama ni Johansson.

"Thank you for inviting us, Adam."

"No problem, Keith! I'm sorry for this sudden dinner, ito kasi ang gusto ng aking asawa."

"Everything for our wives..." sumulyap si Daddy kay Mommy. Tumawa sila habang ako naman ay panay ang sulyap sa mga Wilsons. Kelsey's also standing to show some respect but her eyes were on the ground.

I try my best not to raise my eyebrow. I smile when I saw Mrs. Wilson's eyes on me, ganoon rin kay Mr. Wilson na American.

Dumating si Mrs. Johansson at nag-usap usap silang anim habang kami ni Johansson ay lumayo ng kaonti dahil hindi naman kami kasama sa usapan.

"The Top 3..." narinig kong bulong ng media at nagsimula na silang pumindot sa kanikanilang camera.

Pinagmamasdan ko silang anim, my Mom and Mrs. Johansson have the same height while Mrs. Wilson is a bit smaller pero hindi rin iyon nalalayo. My Dad and Mr. Wilson have the same built of body but my Dad is taller while Tito Adam is slimmer.

They look so elegant and sophisticated. Mrs. Regina Johansson's winged eyeliner and dark lipstick stand out from my Mom's and Mrs. Wilson's light makeup. Tito Adam said something that caused all of them to laugh. I was all smile while watching them talk.

Pagkatapos ng ilang sandali ay nagbeso beso na sina Mrs. Johansson, Mrs. Wilson at Mommy, I take it as a sign na aalis na kami.

"Thank you for this wonderful dinner, Regina."

"Glad you like it, Shayne. About the charity project?" napatingin ako kay Mrs. Regina, she'll donate for our project?

"I'll send the infos tomorrow morning thru email. Thank you for being interested in this project, most Filipinos especially in Visayas and Mindanao who lives on mountain are not hundred percent financially supported by our government."

"What a big heart you have, Shayne. I'll surely send huge digits for that charity." nagbeso sila pagkatapos ay binalingan ako ni Mrs. Regina.

I took a deep breathe and walk to her. "Thank you, Mrs. Johansson. Hope you enjoy your stay here in the Philippines."

"Oh, I'm sure I will." sabi nya. Niyakap at bineso nya ako. "And call me, Tita, I feel old with the Mrs." tumawa sya, ngumiti ako at tumango

Hinatid kami ni Johansson hanggang sa enggrade nilang double doors. Hinintay nya munang kuhanin ng valet ang aming sasakyan

"Ingat po kayo, Tito, Tita." paalam nya sa magulang ko, pormal na nagkamayan sila ni Daddy at bineso naman sya ni Mommy.

"Thank you for making this night memorable..." bulong nya ng nakalayo ang mga magulang namin. Uminit ang pisngi ko. No problem, Johansson.

Dumating na ang sasakyan at pinagbuksan ako ni Johansson ng pintuan. Hinigpitan nya ang pagkakahawak sa kamay ko ng papasok na ako pagkatapos ay pinakawalan.

Our car is not that tinted kaya kahit nakasara ang mga bintana at pintuan ay nakatitig parin kami sa isa't isa. Nilabas nya ang phone nya at pinakita sa akin, agad ko iyon nakuha kaya tumango ako.

Nang nakalabas na kami sa mansyon ay umupo ako ng maayos at binalik tanaw ang mga nangyari kanina. Lahat ng init sa mukha ko ay umakyat patungo sa aking pisngi ng maalala ko ang nangyari kanina sa gazebo!

I closed my eyes shut and wanted to scream but my parents and sister are here so I remained my face straight pero sa kaloob looban ko ay nagwawala na ako. I don't know that this person that I've known my whole life will give me this kind of impact!

Continuă lectura

O să-ți placă și

45.5K 233 2
"This place is where you can do worst things, and people will love you for it." Discover the truth about the infamous All-black school! ...
August and Apple De Reynald

Ficțiune adolescenți

1.1M 22.2K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
531K 13.2K 37
"Loving you is the greatest mistake that i have ever done. Kaya hinde na ko magtatangkang gawin iyon muli dahil hindi pa ko baliw para hayaan ang sar...
260K 3.5K 61
Ito ay tungkol sa magbestfriend. Yung babae nainlove sa bestfriend nyang Lalake, Pero naignore sya or. May mahal na iba ung bestfriend nya , Then s...