Played by Fate - Book 1

By vampiremims

4.9M 130K 28.2K

Our love story will just end up tragic... More

-
Prologue
-1-
-2-
Commercial.
-3-
-4-
-5-
-6-
-7-
-8-
-9-
-10-
-11-
-12-
-13-
-14-
-16-
-17-
-18-
-19-
-20-
-21-
-22-
-23-
-24-
-25-
-26-
-27-
-28-
-29-
-30-
-31-
-32-
-33-
-34-
-35-
-36-
-37-
-38-
-39-
-40-
-41-
-42-
-43-
-44-
-45-
-46-
-47-
-48-
-49-
-50-
-50-
--

-15-

66.9K 1.9K 235
By vampiremims


BAHAGYA akong tinanghali ng gising kinaumagahan. Pagbaba ko sa may kumedor ay naroon na si Aly at si Jahann na nag-uusap. Napatingin sa akin si Jahann ngunit agad naman itong nag-iwas pagkatapos.

"Good morning, twin!" bati ni Aly sa akin. Ngumiti naman din ako sa kanya at umupo sa tabi niya, sa gitna nila ni Jahann.

"Tinanghali ka yata," puna ni Aly. Tumango naman ako. "Napuyat lang ako kagabi, wala kasi akong magawa kaya nanuod nalang ako ng movies..." sagot ko naman dito. "Sila Mom pala?" tanong ko kay Aly. Iniiwasan kong lumingon kay Jahann kahit pa okay naman na kaming dalawa... well, he said sorry. I accepted it already. Naubos ko na nga 'yung ice cream, mag-iinarte pa ba ako? It's just, I don't think I can act like the usual. Hindi ko rin naman malaman kung anong problema ko... kung bakit ako nagkakaganito.

"Maaga silang umalis ni Dad dahil pupunta sila sa network for the meeting," sagot naman ng kakambal ko.

"Ah..." tumango nalang ako ulit at saka sumandal sa upuan ko. Wala naman akong maisip na itanong kaya hindi na ako nagsalita.

"Anyway, nakausap ko na 'yung mag-aayos ng party natin. Baka bukas dumating na ang invitations, ipamimigay nalang natin," malawak ang ngiti na sabi pa ni Aly. Hindi naman halatang excited ito sa party na iyon. Hindi talaga.

"Okay," sagot ko na lang bago naglagay ng pagkain sa plato ko. Hindi ko pa rin kinikibo si Jahann o nililingon kahit na nararamdaman ko na tumitingin siya sa akin.

"Jahann, I saw you talking to Iris on twitter pala last night. I actually tweeted you, you ignored me!" reklamo ni Aly. Nilingon ko naman ito. Magkausap si Jahann at Iris? Magkakasama lang kami kahapon, ah? Hindi nalang ako kumibo at nagsimulang kumain na.

"Nasa kabilang kwarto ka lang, magttweet ka pa sa akin?" tanong naman ni Jahann kay Aly na pasarkastiko.

"Si Cherinna nga katabi mo lang, tinu-tweet mo pa, eh..." irap naman ni Aly dito.

Agad akong napalingon kay Aly. "Hindi naman..." ako ang sumagot sa kakambal ko. Hindi naman kasi talaga.

"DM lang?" tanong naman ulit ni Aly sa akin. Nakangiti ito.

Hindi naman ako nakasagot.

"Magrereply na ako sa'yo. Di mo kailangan mag-ingay..." sabi naman ni Jahann para manahimik si Aly. Ngumisi naman si Aly dito bago nagsalita. "Much better," nagsimula na rin itong kumain pagkatapos.

"9 am ang class mo ngayon, diba?" sabi ni Jahann. Ipinagpatuloy ko naman ang pagkain ko. Pareho kasi kami ni Aly na 9 am ang klase. Baka may shoot na naman mamaya si Aly kaya inaalam ni Jahann ang schedule ng kakambal ko. Mukhang magtataxi na naman ako pauwi mamaya o kung wala namang gagawin si Kol, magpapahatid na lang siguro ako sa kanya.

"Creep, uso sumagot..."

Natigilan naman ako bago nag-angat ng tingin at lumingon sa kanya. "Ha?" Ako ba ang kausap niya? Akala ko ay si Aly.

"9 am ang klase mo, diba? Hanggang anong oras ka? 4 diba?" tanong nitong muli sa akin. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Oo," tipid na sagot ko naman dito. Iniwas ko na kaagad ang tingin ko sa kanya.

"Just wait for me then. I have a class until 5 pm," sabi naman niya sa akin.

"Hindi ka ba pupuntang Ai's mamaya?" ibinalik ko ang tingin sa kanya at nagtanong. Normally naman kasi after class ay dumidiretso si Jahann sa Ai's.

"Nah. I'll date you, kawawa ka naman, eh. Hindi mo pa nararanasan makipagdate," nakangiting sabi ni Jahann. Napasimangot naman ako. "Ang sweet mo naman," sarkastikong sabi ko bago siya inirapan.

"I was just kidding," bahagyang ginulo ni Jahann ang buhok ko kaya napatingin ako sa kanya. Tila natigilan ito nang tumingin ako at agad na nagbawi ng kamay at umiwas ng tingin.

"Naranasan na kaya ni twin makipagdate! Inaya siya ni Ian before, remember? First date ni Cherinna 'yon!" sabi ni Aly kay Jahann.

Hindi nagsalita si Jahann sa halip ay sumandal lang ito. Sinaway ko nalang si Aly at nang matapos kumain ay naghanda nalang kami para pumasok sa school.

"Sasabay ako sa inyo," habol ni Aly sa amin ni Jahann bago ko pa mabuksan ang pinto ng sasakyan ni Jahann. "Sa likod ka," sagot naman ni Jahann dito bago nauna nang sumakay.

"Si Jahann, hindi mo malaman kung abnormal o ano," bulong ni Aly. Natawa naman ako. "Kapag narinig ka niya, kawawa ka..." sabi ko dito bago sumakay na rin. Kahit naman kasi inaasar namin si Jahann at kung minsan ay inaalipin, takot pa rin kami sa kanya ni Aly. Lalo na kapag galit ito. Normal na sa akin ang hindi niya pagkibo sa ibang tao, hindi lang ako sanay na ako ang hindi niya kinakausap, pero siguro gaya ng laging pumapasok sa isip ko nitong nakaraan, kailangan ko na ring masanay.

Hindi naman kami kumikibo habang nasa biyahe. Si Aly ay abala sa cellphone nito habang nakatingin naman ako sa labas at si Jahann ay nagmamaneho.

"Jahann, nakita mo na 'to?" tanong ni Alyn a bumasag sa katahimikan sa loob ng sasakyan. Maging ako ay nilingon ang kakambal ko. Sakto namang naka-red light kaya nilingon ito ni Jahann. "What is it?" tanong nito sa kakambal ko.

Ipinakita nito ang nasa cellphone nito kay Jahann.

"Ano 'yan?" hindi ko mapigilang magtanong. Kay Jahann lang kasi ipinakita ni Aly. Ano namang malay ko kung ano ang nasa cellphone nito?

"Nagpost si Iris ng picture ni Jahann..." nakangiting sabi ni Aly bago ipinakita sa akin ang sinasabi nito. Tinignan ko iyon. Hindi naman nakangiti si Jahann sa picture. Seryoso ang mukha nito at halatang stolen shot iyon.

"Gustong-gusto ka talaga ni Iris, no?" ani Aly kay Jahann. "Ang sweet niya, no, Twin?" sa akin naman bumaling si Aly pagkatapos.

Tinignan ko si Jahann. Nakatingin lang ito sa daan at hindi na kumibo.

"Yeah. Ang sweet niya," sagot ko kay Alyn a kay Jahann nakatingin. Pagkatapos ay agad akong umayos ng upo at sumandal na.

Hindi ko alam kung bakit pero parang bumigat ang pakiramdam ko.

Hindi na ako kumibo at sumali sa usapan ng dalawang kasama ko hanggang sa makarating kaming tatlo sa school. Pagka-park ni Jahann ng sasakyan ay nauna na si Aly na bumaba ng sasakyan.

"Creep," untag ni Jahann sa akin. Nilingon ko naman siya. "Hmm?"

"Wait for me later," sabi nito bago kumilos at tinanggal ang seatbelt ko. Huminga ako ng malalim bago tumango at lumabas nan g sasakyan nito.

Lumapit naman ako kaagad sa mga pinsan ko.

"Walang klase?" tanong ni Aly kay Kol.

"Mukha kang walang klase, Aly. Ba't ka magdrop?" tanong ni Keij kay Aly na nakasandal sa may bench na naroon.

"Ano bang meron?" si Lean naman ang nagsalita. Kahit ako ay nagtataka dahil ang daming nagkalat na estudyante. Karamihan ay alam kong katulad naming ni Aly na freshmen.

"What's happening?" nakalapit na sa amin si Jahann at naramdaman kong nakatayo siya sa may likod ko.

"I sent the memo to you yesterday afternoon. Hindi mo ba nabasa?" kunot-noong tanong ni Kol kay Jahann.

Nilingon ko si Jahann.

Umiling ito kay Kol. "May ginagawa ako kahapon..." sagot ni Jahann dito.

Kasama niya si Iris kahapon.

"It's about the service training program..." si Theon naman ang nagsalita. "From Friday to Sunday ang camp," dagdag pa nito. "Nalista ko na nga pala lahat ng pangalan natin," lumawak ang pagkakangiti ni Theon.

"What?" nanlaki ang mga mata ni Aly. "Theon! 'Yung party namin ni Cherinna!" napapadyak pa si Aly nang sabihin iyon. "How can you decide for us all? I so hate you!" padabog na umupo ito sa tabi ni Lean.

"Aly, we can move the party naman. If this one's mandatory, we have no choice but to go..." sabi ko dito. Nakasimangot pa rin si Aly.

"Sasama na nga kami, ayaw mo pa? Freshmen lang kaya ang required 'dun," sabi ni Keij dito. "Pwede namang i-pull out ang pangalan natin. So kayo-kayo nalang nila Ian at Iris ang magsama-sama—"

"No, we'll go..."

Nilingon ko ulit si Jahann.

"Nabanggit lang si Iris, go ka agad, Jahann?" tanong ni Aly dito. Nagbaba ng tingin sa akin si Jahann.

"We'll all go," sabi naman ni Kol. Nag-iwas na ako ng tingin sa kanya. Napatingin naman ako kay Enzo na nakatingin sa akin. I just smiled a little.

"Jahann!"

Hindi ko na kailangan lumingon pa para malaman kung sino ang tumawag dito. Bahagya pa akong nabangga ni Iris nang lumapit siya kay Jahann. "Sasama ka sa camp?" tanong ni Iris sa kapatid ko.

"Yeah," tipid na sagot nito.

"Oh my, God! That's great since I am coming, too!" masiglang sabi nito. Tumikhim si Aly para iparamdam kay Iris ang presensya namin. Nilingon naman niya kami at ngumiti. "Hi! Good morning sa inyo!" bati niya sa amin. Tipid lang akong ngumiti.

"Punta na ako sa room ko," paalam ko sa kanila. Nagtanguan naman sila sa akin kaya naglakad na ako.

"Creep."

Nilingon ko naman si Jahann at bago pa man ito nakapagsalita ay nauna na ako. "Yeah, I'll wait for you..." ngumiti ako ng tipid bago nagpatuloy sa paglalakad. Naabutan ko si Ian na nasa loob nan g classroom. Walang masyadong tao roon dahil na rin siguro sa biglang pag-announce ng tungkol sa camp. Though noong orientation naman ay nabanggit na, na magakakaroon ng camp, hindi lang siguro inexpect ng lahat na biglaan ang pagaanunsyo ng petsa noon.

"Good morning," bati ko kay Ian nang maupo ako sa tabing silya niya.

"Good morning," sagot naman niya sa akin. Kumunot ang noo ko. Tila masama ang pakiramdam ni Ian. Kahapon naman ay okay pa ito.

"Are you okay?" tanong ko sa kanya. Hinawakan ko ang noo nito pero normal naman ang temperatura niya. "Ian..." tawag ko rito.

"I'm fine. It's just, my head's killing me. Kevyn asked me to drink with him last night. Naparami 'yung inom ko. Hang-over," sagot naman niya sa akin bago sumandal at pumikit.

"Iinom-inom ka, alam mong may klase ngayon. Sana hindi ka nalang pumasok..." pagsesermon ko rito. Hindi ko naman alam ang gagawin sa may hang-over. Si Aly lang din naman ang madalas makaranas ng hang-over dahil hindi naman nalalasing si Jahann.

"Kung hindi ako papasok, eh di hindi kita makikita..." nilingon niya naman ako. Hindi naman ako nakapagsalita. Muli itong umayos ng upo at pumikit.

"Next time, huwag kang iinom ng sobra. 'Yung kaya mo lang para hindi sumasama 'yung pakiramdam mo..." sabi ko sa kanya. "Do you need anything? Juice? Water? Bibili ako..." tanong ko rito. Umiling naman si Ian at kinuha ang kamay ko.

"Just stay..." mahinang sabi nito.

"Ian..." marahan kong hinila ang kamay ko pero mas hinigpitan niya ang paghawak doon. "Just let me hold your hand, Sunshine..." sabi nitong muli. Huminga nalang ako ng malalim at hinayaan siyang hawakan ang kamay ko.

Halos wala namang nangyari sa klase namin. Lahat ay abala sa pagpaplano para sa camp sa Friday. Friday ng madaling araw ang alis namin at babalik kami ng Sunday ng umaga. 3 days at 2 nights kaming naroon. Wala pa man ay naiisip ko na ang dala ni Aly at Lean na gamit. Malamang ay magrereklamo na naman sila Enzo sa bigat niyon.

"You heard about the camp?" tanong ni Ian sa akin. Nilingon niya ako. Tumango naman ako sa kanya. "I heard it's for the freshmen only and—"

"My cousins are going to..." putol ko sa sasabihin niya.

Muling sumandal si Ian. "May bantay ka pa rin..." aniyang nakasimangot. Natawa naman ako. "Baliw..."

Pinipisil-pisil niya ang kamay ko habang nakapikit.

"I am excited every day to wake up knowing I'll see you, Sunshine..." mahinang sabi ni Ian. Tinignan ko siya at nakapikit naman siya. "I'm excited to go here because I'll sit closer to you. I'm excited to sleep at night because I know I'll dream of you..." ngumiti ito.

"Ian..."

"Don't worry, I'm not pressuring you. Sinasabi ko lang..." dumilat ito at kumindat sa akin at saka pumikit ulit.

"Baliw ka talaga..." sumandal nalang din ako.

"Sa'yo."

Nilingon ko siya. Nakapikit pa rin siya.

If I divert my attention... I mean, if I'll focus my attention to Ian, maiisip ko pa ba si Iris at Jahann? Ian's nice. I actually like him, as a person. He's handsome. Caring... I'm actually flattered that he likes me. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na marami ang may gusto kay Ian kaya para ako ang magustuhan niya, nakakaramdam din ako ng tuwa.

"Where do you guys want to eat?" tanong ni Iris sa amin nang maglunch break na. Lumingon naman sa akin si Ian. "Where do you want?" tanong niya sa akin. "I'm not that hungry. Gusto ko lang ng ice cream, eh..." sagot ko dito. "I'll just go buy an ice cream tapos kumain nalang kayo..." sabi ko kay Ian.

"We'll eat ice cream, then," nakangiting sabi niya sa akin. "How about you, Iris?" tanong nito sa babae.

"Sama ako sa inyo. Busy si Jahann ngayon, eh. Nagtext ako pero hindi nagreply. Baka may inaasikaso," ngumiti ito at saka kinuha ang bag.

"Okay," tumango si Ian dito bago ako inalalayang tumayo. Kinuha ko na rin ang bag ko at naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Kinuha ko naman iyon at tinignan.

Jahann:

Make sure you'll eat lunch, Creep.

Kumunot ang noo ko. I thought he's busy?

Nagtype nalang ako ng message.

Yeah, you, too. And btw, Iris texted you.

Naglakad na kami pababa at hawak ko ang phone ko. Wala pang isang minuto ay nagreply na si Jahann sa akin.

Busy ako. Wait for me later, alright?

Napangiti ako. Ilang beses bang ipapaalala ni Jahann ang lakad namin mamaya?

"Who's that? You're smiling..." puna ni Ian sa akin. Napalis naman ang ngiti sa mga labi ko bago nag-angat ng tingin sa kanya. "Si... si Aly..." sagot ko na lang dito. Napatingin ako kay Iris na nakatingin din sa akin. "Tara na?" aya ko sa kanila at nauna pa akong maglakad.

Strawberry ang flavour ng kay Ian, caramel ang sa akin at red velvet ang kay Iris. She actually said she likes strawberries, too. Pero favourite ni Jahann ang red velvet kaya iyon ang inorder niya.

"I'm really thankful sasama si Jahann sa camp," ani Iris habang kumakain kami. Hindi naman ako nagsalita.

"Tabi tayo sa bus," ani Ian sa akin. Tinignan ko naman siya. Itinaas-baba niya ang kilay sa akin. Natawa nalang ako.

"Oh my gosh! Cherinna!" hinawakan ni Iris ang braso ko. "You can help me, right? Para katabi ko si Jahann!" malawak ang pagkakangiti nito.

"Iris..."

"You can help me, right? Please?" pakiusap pa nito sa akin.

"Hindi ko naman kasi alam kung same bus tayo if ever at isa pa—"

"Basta, you will help me, ha?" ngiting-ngiting sabi ni Iris at muling binalingan ang kinakain nito. Napabuga nalang ako ng hangin.

Bakit naman sa akin pa siya humingi ng tulong? Sila ni Aly ang close, sana kay Aly nalang. Isa pa, ayokong magtabi sila ni Jahann.

Nang matapos ang klase namin ay muling inaya ako ni Ian na ihahatid ako pero tumanggi akong muli rito. May usapan din kami kami ni Jahann kaya hinatid na lang niya ako sa may parking kung saan naroon ang sasakyan ng kapatid ko.

"You're sure you're okay here? I can stay with you..." tanong ni Ian sa akin. Bigla namang nag-ring ang phone nito. "Hold on," sabi niya sa akin bago sinagot ang tawag.

"Kevyn, I'll just call you later," sabi nito. Sumandal nalang ako sa bench na naroon at huminga ng malalim. Kanina pa tinatawagan ni Kevyn si Ian dahil magpapasama daw sa kung saan.

"Sunshine—"

"It's okay, Ian. Malapit na rin naman matapos ang klase ni Jahann," sabi ko rito. Halatang gusto niya akong samahan pero kinukulit siya ni Kevyn. "I'm fine, don't worry. I'll just see you tomorrow..." ngumiti pa ako sa kanya para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nito.

"Alright," he sighed. "Text me once you're home..." sabi nito sa akin. Tumango naman ako sa kanya. "Ingat ka," sabi ko at kumaway pa rito.

Maya-maya ay dumating na sila Keij, Theon at Aly.

"Twin, sabay ka sa amin? Magpapahatid ako sa Ai's, eh..." aya ni Aly sa akin. Umiling naman ako. "Hihintayin ko na si Jahann..." sagot ko sa kanila.

"Are you sure?" tanong naman ni Theon sa akin. Tumango akong muli.

"Alright. Lowbatt na rin 'yung phone ko, eh. I'll just see you later," paalam ni Aly bago sumakay sa sasakyan ni Keij. Nakatingin lang ako sa sasakyan nito na unti-unting lumalayo.

Maaga pa naman. Hanggang 5 pa ang klase ni Jahann kaya marahil ay 5:15 na siya makakarating dito.

Maging si Enzo at Lean ay inalok ako na ihatid na ako pauwi pero tumanggi na ako. Ang alam ko ay pupunta sila sa Cyan's dahil nandoon ang Mommy nila.

"You're waiting for Jahann?" tanong naman ni Kol sa akin. Tumango ako rito. "Uuwi ka na?" tanong ko naman sa kanya. "May dadaanan pa ako," sagot naman ni Kol sa akin. "Ingat ka, Kol..." paalala ko naman dito.

"I will. You, too, alright?" ngumiti ng bahagya si Kol sa akin at saka sumakay sa sasakyan nito. Napabuga nalang ako ng hangin habang nakatingin sa sasakyan ni Jahann. Tinignan ko ang orasan ko. It's 5 minutes before 5. Malapit na rin siguro si Jahann. Nagugutom na rin ako dahil hindi naman ako nagtanghalian kanina. I just checked my phone. Walang message galing kay Jahann.

Puro messages ko lang sa kanya.

4:06 pm

I'm done. Punta na akong parking lot.

4:17 pm

I'm here. I'll just wait for you.

4:20 pm

Aly went to Ai's. Hinatid nila Keij.

May klase pa ito kaya hindi pa siguro nakakapagreply.

Naupo nalang ako at sumandal at naghintay.

I looked at my watch again.

5:10 pm.

Where is he?

I sent him a message again.

5:12 pm.

Where are you?

Tumayo na ako at sumandal sa sasakyan ni Jahann. Maybe any minute, he'll be here.

5:30 na, wala pa rin si Jahann.

Tinawagan ko na ito pero naka-off ang cellphone nito. Napakunot naman ang noo ko. Bumalik nalang ako sa bench at naghintay pa rito. Baka may ginagawa pa si Jahann sa SSG kaya hindi pa siya makaalis.

Dumidilim na rin at lumalamig.

It was almost 6 pm when I have decided to look for him. Nagpunta ako sa SSG office para malaman kung naroon ba si Jahann.

May naabutan akong dalawang lalaki na naroon. If I'm not mistaken, they are Justin and Shaun.

"Hi..." bati ko sa mga ito nang buksan ko ang pinto.

"Cherinna? It's late. You're still here?" tanong sa akin ni Justin.

I smiled a little. "Yeah. Uhm... si Jahann?" tanong ko rito.

Nagkatinginan silang dalawa. "Kanina pa umalis si Jahann..." si Shaun ang sumagot sa akin. Kumunot ang noo ko.

"Huh?" nagtatakang tanong ko. "Pero nandun pa 'yung sasakyan niya at—"

"Hinila ni Iris 'yon pagkatapos ng klase, eh..." putol ni Shaun sa sinasabi ko.

Si Iris?

"Yeah, ang dinig ko nagpasama papunta sa Ai's. Hindi ba nasabi sa'yo?" tanong nitong muli sa akin.

Ngumiti ako ng tipid. "I'll check my phone," sabi ko rito bago kinuha ang phone ko. I just looked at it. Nagkunwari akong may tinignan.

Tumawa ako ng mahina. "Nagtext pala sa akin. Hindi ko nabasa..."

Pakiramdam ko ay gusto kong umiyak bigla.

"Sige, ha? Mauna na ako. Thank you..." nanginginig ang kamay na hinila ko na ang pinto papalabas.

Okay, so he's with Iris.

Pinatay ko na ang phone ko at naglakad papalabas sa school.

He forgot about me because he's with Iris.

I smiled sadly.

Hindi naman ganoon dati.

Nag-abang nalang ako ng taxi at mag-isang umuwi.

Okay lang 'yan, Cherinna. You just need to stop.

Pero hindi ko na mapigilan.

Nagseselos na ako kay Iris...

Continue Reading

You'll Also Like

14.7M 343K 78
She's still holding to their promise that they'll love each other until eternity. Can she keep that promise and stay loyal to him or indulge herself...
7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
7.7M 34.2K 12
Vince De Salvo's story
117K 7.6K 31
For Luna Alondra Dawson, marriage is a word so simple but holds so much weight. Some people are scared of it, some don't care much about it, for some...