That Guy [KN]

By Idyllexyumsss

102K 2.2K 218

Elite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WAR... More

1. The Start
2. How They Meet.
3. How They Meet Part 2.
4.Again!?
5. No!!!!!
6. Classmate.
7. BAKET?!
8. Work.
9. Meet Daniel Kyle Ashton.
10. Bully.
11. Langya!
12. Now I know...
13. I hope
14. Groupmates
15. Plan
16. How?
18. I don't know
18. .....??
19. Inlove?
20. Him
21. Picture
22. Partner
23. Dark Guild
24. Transferee's
25. Help.
26. My Savior.
27. ZackDaniel
28. Trouble
29. Mad him.
30. Base
31. Sorry
32. The Truth
33. First punishment.
34. Her Punishment.
35. Date
36. Clyre Sassy Zamora
37. Kyxis
38. Ex
39. Confused
40. Lost and found.
41. Confession
42. Love is now BEGIN
43. Sweetness
44. I Love You.
45. His Feeling.
46. LQ
47. Danger.
48. New Guy
49. Master
50. Text Message.
51. Trainor
52. Brave girl.
53. Trust
54. Brown Envelope
55. Hangin
56. Kisses
57. Kalokohan
58. Vengeance
59. Behind the Story
60. Race
61. A Big Revelation for HER.
62. A Big Revelation for HER. (PART 2)
63. Continuation.
64. Kailangan.
65. Real Life.
66. Monthsary.
67. Excitement.
68.Happy Monthsary.. or not?
69. It's not.
70. He's back.
71. His secret.
AUTHOR'S NOTE!
HIS POINT OF VIEW
HIS POINT OF VIEW
NEW LIFE
PART 1.2. After 5 Years..
PART 2.2. Prinsipe
Part 3.2. Back to normal.
Part 4.2. Is it nice?
Part 5.2. Maybe.. it's nice.
Part 6.2. Nice try.
Part 7.2. Kilig
Part 8.2. Come back.
Part 9.2. Is Real.
Part 10. 2. END
LIHAM PASASALAMAT
SPECIAL CHAPTER
Klyx's story

17. Finally

1K 26 0
By Idyllexyumsss


***

Kathryn's POV

"Ano ng gagawin ko?Ha?ha?"

"Kalma ka lang okay? Kalma"

"Uwi na lang kaya ako?"

"Kath nandidito ka na eh"

"Shit! Shit! Kinakabahan ako!"

Huhu. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Yung......yung nangyari sa kwarto ni Daniel, hindi....hindi ko alam. Ba't hindi ko kasi sya tinulak kaagad eh. Huhu paano ko na sya haharapin ngayon? Shit!

"Hahaha alam mo, congrats! Hindi ko alam na ganun pala si Daniel kapag may pinapasok kang babae sa kwarto nya hahaha" hindi na nga ako makapag isip ng maayos, sasapawan pa ni Kats ng pangaasar nya. Ayaw naman akong pauwiin nitong mga to kasi daw ako yung nakiusap na gumawa sila ng project tapos ako pa daw yung unang aayaw. Sino ba kasing hindi aayaw dahil sa nangyari kanina? dba? Nanginginig pa rin yung tuhod ko hanggang ngayon at feeling ko namumula pa rin ako.

"Hahaha. Tama na Kats! Kasing pula na ni Kath yung kamatis oh!" Oo na! Alam ko na yun JC. Kailangan talagang ipagsigawan pa eh noh!

Nawawala na nga ako sa sarili ko ngayon eh.

"Haha. Ano kayang mangyayari kung hindi natin binuksan agad yung pintuan ano? Siguro may kababalaghan ng nangyari doon. Diba Kath?" Sinamaan ko na lang ng tingin si Kats. Pero aba't- ang mga siraulo, pinagtawanan lang ako!

Bigla naman silang napatingin sa hagdan at tumahimik. At sa oras na yun... alam ko na kung sino ang tinitingnan nila. Para akong naestatwa sa kinauupuan ko ngayon dahil hindi ako makagalaw. Gusto kong tumakbo pero hindi ko maigalaw yung katawan ko. Parang wala din akong naririnig bukod sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko at sa yabag ng mga paa nya papunta samin.

"What now?" Nakita ko naman syang umupo sa single couch sa gilid ko. Nakatingin lang sya kanila Seth kaya alam kong hindi ako ang kinakausap nya. Buti na lang kasi hindi pa din ako handa. Ano ba kasing pumasok sa isip nitong mokong na to at ginawa nya yun?

"Let's start the kiss-- I mean the project" nakita ko namang ngumisi si Lester kay Daniel at narinig ko din ang hagikhik ng apat dahil sa sinabi ni Lester. Langya ka Lester!. Pasimple ko namang tiningnan ang reaksyon ni Daniel pero nakataas lang ang kilay nito habang nakasandal sa couch na inuupuan nya. Bakit ang cool cool mo matapos ang nangyari? Samantalang ako halos atakihin na sa puso dito!

"Hahaha oo nga. Saan bang mas maganda gawin yung kiss-- I mean yung project. Sa kwarto mo-- I mean sa garden o dito na lang sa sala?" Pinagtitripan talaga kami ng apat na to ah! Papatayin ko talaga kayo Kats kapag nakaalis na ko dito! Kahit ibully nyo pa ko, magantihan lang kita.

"What do you mean?"

"Saan ba natin gagawin yung project?"

"For what?"

"Ayyy naku! Yung para sa history! Baka yung kiss-- I mean yung missions mo lang yang naiisip mo ah!" namumuro na sakin to si Kats ha! Pero anong missions yung pinagsasabi nya? Ayyt bahala nga sya dyan. Halata namang sinasadya talaga nya yung pagsabi ng kiss eh.
Lahat sila sinasadya yun. Mga siraulo talaga. Dapat pala hindi na lang ako pumunta dito eh. Huhu.

"Why are you here? Did I ask you to come here?" nagulat ako ng kinausap ako ni Daniel. At nagulat din ako sa tinanong nya. Akala ko ba sya yung may sabi na sunduin ako? Ano yun?

"Ha? Sabi ni Les--"

"Lester huh?" Tumingin si Daniel kay Lester na ngayon ay namumutla na. Ewan ko kung bakit naging ganun yung reaksyon nya eh ang saya saya nya nga kanina eh. Siguro natatakot sya dito kay Daniel kasi ang sama ng tingin ni Daniel kay Lester tapos nababalutan pa sya ng black aura nya. Nakakakilabot tuloy kahit ako natatakot sa kanya. Pero bakit naman matatakot si Lester kay Daniel?

Tiningnan ko silang lahat. Si Lester namumutla na habang nanginginig. Ewan ko pero parang nanginginig sya eh. Si Kats naman hindi makatingin ng diretso kay Daniel. Palinga linga sya sa paligid at iniiwasan nyang tumingin sa direksyon nya. Si JC, biglang kinuha yung magasin na nasa table tapos kunghari nagbabasa pero halata namang kinakabahan sya. Pinagpapawisan kasi sya tapos palipat lipat ng pages sa magasin. Pero si Seth napaayos lang sya ng upo. Para nga syang isda kasi binuka nya yung bibig nya pero sinarado din agad. Parang may gusto syang sabihin pero di nya magawa. Tiningnan ko naman si Daniel na nasa gilid ko. Nakangisi sya habang tinitingnan yung apat. Pero yung ngisi nya parang....

Parang may gagawing syang masama.

"U-uh Kyle"

"A-ano kasi Daniel"

"G-ganito kasi y-yun"

"U-uhmm wait"

Sabay sabay na sabi ng apat. Parang nag aanlinlangan pa sila sa mga sasabihin nila. Tapos medyo nanginginig pa yung mga boses nila. Para nilang kaharap si kamatayan tapos nagmamakaawa sila dito na wag muna silang kunin. Eh si Daniel lang naman kaharap nila. Oo alam ko namang kinatatakutan 'tong si Daniel pero sa itsura nila ngayon ay parang papatayin sila anytime eh wala namang hawak na patalim tong isa. Nakaupo lang sya tapos seryosong nakatingin sa apat.

Habang tinitingnan ko sya ay bigla naman syang tumingin sakin. Biglang tumaas lahat ng balahibo ko tapos parang may dumaang malakas na hangin sa harap ko nung tumingin siya sakin. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng takot. Sobrang seryoso ng mukha nya at parang papatay talaga sya ngayon.

Ngayon. Nararamdaman ko na ang nararamdaman ng SHAYDON nung sila ay tinitingnan ni daniel. Para syang si kamatayan. Walang umiimik saming lima. Tahimik lang kaming lahat at wala gustong magsalita o kumausap kay Daniel.

"SHAYDON" pagkasabing pagkasabi nun ni Daniel ay biglang napaayos ng upo yung apat. Para silang soldiers kasi sabay sabay silang gumalaw nung binanggit ni Daniel yung pangalan ng grupo nila. Nakatingin lang sa kanya yung apat at nag aantay sa susunod nyang sasabihin. Pero walang sinabi si Daniel na kahit ano. Inikot nya lang ang ulo nya ng kaunti. Pagkatingin ko sa apat, lahat sila ay parang nawalan ng hangin sa katawan. Ang putla putla ng itsura nila. Parang may naintindihan sila sa simpleng kilos lang nun ni Daniel na hindi ko maintindihan kung ano ba yung nais nyang iparating. Grupo nga talaga sila.

"Base" simpleng sabi nito. Sabay sabay naman silang apat na napabuntong hininga. Parang nabunutan sila ng tinik sa katawan. Bumabalik na din yung itsura nila sa dati. Ano kayang meron sa base kuno ni Daniel at parang nawalan ng napakabigat na problema itong apat? Pero kahit na hindi na sila gaanong maputla ay kitang kita mo pa rin sa kanilang kinakabahan sila. Pinagpapawisan kasi, kaya nasabi kong ganon.

"You know what, poor people is not allowed here" biglang nabaling ang atensyon ko kay Daniel. Mukhang ako naman yung sunod nyang target. At ang sakit ng sinabi nya ha, alam ko naman yun eh kaya nga nahiya akong pumasok dito nung una kasi parang mas maganda pa yung mga damit ng maids nila dito kaysa sa damit ko sa bahay. Pero napaka straight forward nya sa lahat ng bagay. Walang paligoy ligoy eh.

"A-ano s-sorry" feeling ko hindi ko pwedeng labanan si Daniel dito. Sa kanya itong bahay kaya wala akong karapatang bastusin sya. At isa pa, mayaman sya at mahirap lang ako. Baka kasi kapag kinalaban ko sya, tumawag sya ng pulis at ipadakip ako. Mahirap na noh! Wala akong pangpyansa sa sarili ko kapag nangyari yun.

"Get out of here." ha? Paano na yung project namin? Akala ko ba gagawa kami?. Napatingin tuloy ako kay Lester. Nakatingin din sya sakin. Ay mali. Nakatingin pala silang lahat sakin. Nakita ko namang may sinabi sya pero hindi gaanong malakas. Pati sila Katsumi ganun din yung sinabi.
Sorry. Tapos sabay sabay silang yumuko at umiwas ng tingin matapos nilang sabihin iyon sa akin.

Ano yun? Pinagtripan lang nila ako? Akala ko ba, nauunawaan na nila ako. Hindi pa rin pala. Alam ko namang pinagsisisihan na nila yun eh kasi kitang kita ko naman yung pagka guilty sa mga mata nila. Pero sana naman hindi na nila ako pinaasa.

"Move" atat naman masyado tong si Daniel. Napakabossy nya masyado. Hindi naman kagwapuhan.

"Guards" nagulantang naman ako ng may biglang humawak sa magkabilang braso ko. Pagkatingin ko, dalawang naglalakihang katawan ng lalaki ang tumambad sa akin. Nakita ko din yung baril banda sa gilid ng katawan nila. Natakot naman ako bigla dahil doon. Napakamainipin kasi ni Daniel eh! Kitang nag aayos pa ng gamit yung tao!

"Oo na! Mag aayos lang ako! Napaka mo din eh noh!" Okay. Hindi ko talaga kaya ang hindi sya masigawan kapag nagkakaharap kami. Nakakainis kasi itong mokong na to eh!
Porket nasa teritoryo nya ako, basta basta nya na akong ipagtatabuyan! Babae pa rin ako noh! Wala ba syang pakealam sa mga babae?!

Then suddenly I remember. Wala nga pala talaga syang pakealam sa KAHIT na sinong babae. Ughhh! Pagkaminamalas ka nga naman oo!

Kaso pati ata tong tauhan nila eh nahawa na sa pagkamainipin nya. Paano ba naman kasi kinaladkad ako sa labas. Buti na lang at naayos ko na kaagad yung mga gamit ko. Pero ang sakit ng hawak nila sa akin ah! Ay naku! Kapag talaga ako nagkapasa ako mga kuya sasapakin ko kayo! Kaso ang lalaki ng katawan kaya wala akong laban.

"Daniel! Hindi mo naman kailangang kaladkarin si Kath!" habang hinihila ako ng dalawang bakulaw na ito (ang sama) narinig ko pa yung reklamo nila Seth kay Daniel. Buti pa sila may pakealam sakin *cry*

Kasing tigas ata ng bato yung puso ni Daniel eh. Walang awa!

"Huhu kuya ang sakit naman po" pagmamakaawa ko sa dalawang bakulaw na ito. Kaso hindi tumalab yung charm ko sa kanila. Naman oh! Nagmana talaga sila sa amo nila.

Hanggang sa makalabas na kami ng bahay nila hindi pa rin ako binibitawan ng dalawang bakulaw na to. Nasarapan ata sa paghawak sakin. Ay ano ba naman Kath! Nagawa mo pang magbiro!. Buti na lang at hindi pa nila ako tinatapon palabas ng gate. Nasa harap lang kami ng pintuan nila. Nakita ko naman na palabas na si Daniel. Sinamaan ko naman agad sya ng tingin nung nakalabas na sya. Pero walang effect sa kanya eh. Bored lang syang tumingin sakin tapos sumandal sa gilid ng pintuan. Ano na namang iniisip nito?
Sa likod naman nya, nakita ko yung SHAYDON na nakasunod pala sa mokong na to. Nagsorry na naman sila sa akin kaya nginitian ko na lang sila. Medyo nagulat pa sila sa ginawa ko. Naisip ko din naman kasi na wala akong mapapala kung magagalit pa ako sa kanila. At guilty na guilty naman na sila sa ginawa nila kaya ayos na.

"I don't want to see your face. Again."

"Edi wag" bulong ko sa sarili ko sabay make face. Pero mukhang narinig at nakita nya yung ginawa ko kasi pinanliitan nya ako ng mata. Ano ba yan! Nahuli nya ako!

Naramdaman ko namang lalong humigpit yung hawak ng dalawang bakulaw na ito sa akin. Ganito ba sila dito?! Ang brutal eh! Lumapit naman sakin si Daniel. Kaya tiningnan ko sya ng walang halong takot. Ha! Hindi porket nasa teritoryo nya ako matatakot na ako sa kanya!

"You're so stupid." Bulong sakin ng isa sa bakulaw na humahawak sa akin ngayon. Eh baliw din pala to eh! Sabihan ba naman daw akong stupid?! Grabehan masyado!

"Do you want to die? Now?" Sabi ko nga eh. Nakakatakot pa rin pala sya kahit anong gawin ko. Hindi ako mananalo sa lalaking to. Feeling ko kasi lahat ng lumalabas sa bibig nya eh kaya nyang gawin. Huhu. Mukhang katapusan ko na ngayon ah!

"Daniel! Anong ginaga-- OH MY GOD!" Bigla naman kaming napatingin sa babaeng nagsalita. Gulat na gulat sya nung makita nya ako. Siguro dahil hawak ako ng dalawang tauhan nya tapos babae pa ako. Oh My! Akala nya siguro magnanakaw ako! Hala ka!

"Ma'am, mali po kayo ng iniisip. Hindi ho ako magnana--"

"TITA!!!!!" naputol yung pagsasalita ko ng biglang sumigaw ng sabay sabay yung SHAYDON. Except ulit kay Daniel. Tumakbo sila palapit sa babaeng nakatayo malapit sa gate. Para silang bata na nakita yung mama nya after ilang years. Kumikinang pa kasi yung mata nila habang papunta sila dun sa babae. Pero sino naman kaya yung babae? Tita daw eh. Siguro sya yung mama ni Daniel. Magkaparehas kasi sila ng mata. Pero sa unang tingin akala ko kapatid nya eh. Pero nung tinitigan ko, mama nya. Ang ganda ganda kasi masyado!

"Te-teka! Si-sino ka?!" Gulat na gulat pa rin syang nakatingin sa akin. Matapos nyang batiin sila JC eh bumalik sa akin yung atensyon nya tapos bumalik ulit sa dati yung reaksyon nya. Ang cute.

"Ah tita! Si Kath yan! Kaklase namin! diba Daniel?" Sasagutin ko na sana eh kaso naunahan ako ni JC.

"Talaga ba?!" Hindi pa rin makapag react ng maayos yung mama nya. Gulat na gulat pa rin kasi ito hanggang ngayon. Pero maya maya, unti unti syang ngumiti sa akin. Sobrang lawak ng ngiti nya. Nacurious naman ako dun. Nakakatawa na ba yung itsura ko ngayon? Sa itsura kasi ng mama ni Daniel para akong hulog ng langit eh.

"Mom, stop--"

"Hon" nagulat ako ng may nakita akong lalaki sa likod ng mama ni Daniel. Kamukhang kamukha nya. Shit! Si sir Ashton pala to! Langya ang gwapo!! pero tinawag nyang hon yung mama ni Daniel. Nakakakilig naman.

Nung napatingin sya sa akin medyo nagulat din sya. Ay ano ba yan! Nakahawak pa rin pala sakin yung dalawang bakulaw na to. Baka akalain din ni sir na magnanakaw ako. Magsasalita na sana ako pero bigla din ngumiti sa akin si sir. But unlike dun sa asawa nya na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin ng nakangiti ng sobrang lapad ay tipid lang yung ngiti nya.

"Shit!" Narinig ko naman yung curse ni Daniel sa likod ko kaya napatingin ako sa kanya. Ang lutong nun ah! Nung nakita nyang nakatingin ako sa kanya ay sinamaan nya ako ng tingin. Oh wait! Ano na naman bang ginawa ko?! Wala naman akong ginagawang masama diba?

Pero bakit feeling ko may kakaibang manyayari?

***

Continue Reading

You'll Also Like

30.2K 1.9K 37
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
196K 5.2K 43
What's the worst thing that can ever happen to a girl who has a guy bestfriend? That is probably falling in love with him but can't expect something...
535 128 16
HORROR-COMEDY-MYSTERY-ADVENTURE Isang aksidente ang naging dahilan ng pinsala sa kaniyang Amygdala, isang bahagi ng utak na responsable sa fear stimu...
406K 10.7K 51
She's not beautiful. She's not rich. She's not popular. She's a NERD. There's nothing interesting in her. Then she met 'THIS man. Handsome, popular...