One Hand, One Heart [Escaner...

By eye_you

15.6K 519 36

Babala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Mag... More

Panimula
Page 1
Page 2
Page 3
Page 4
Page 5
Page 6
Page 7
Page 8
Page 9
Page 10
Page 11
Page 12
Page 13
Page 14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Pagtatapos

Page 22

357 14 0
By eye_you

Page 22

Payag

*****

Hindi ko alam kung anong pinaplano mo pero kung iniisip mo na mabibili mo ang anak ko..... Asa ka!!!

Alam na alam ko kung anong sasabihin ko sa kanya eh, pero.... Ewan ko ba. Heto ako ngayon sa harap niya at tulala.

Aba'y sino ba naman ang hindi matutulala kung sasalubungin ka niya nang naka-swimming trunk lang at basa pa ang hair.

Hindi ko mapigilan ang mapalunok at mapahanga sa ganda ng katawan niya. Ang gwapo niya, ngayon napatunayan ko na kung bakit ang dami daming babaeng nagkadarapa para sa kanya kahit alam naman ng lahat na playboy siya.

He has a pretty face and hot sexy body. Yung abs niya, hindi man ganun kahalata pero meron. Tsk. He's charming pa at talagang kahit sino ay maho-hook sa smile pa lang niya.

"Matunaw ako niyan."

Biglang nagbalik sa huwisyo ang natulala kong utak dahol sa sinabi niya. I blushed pero tinago ko na lang yun sa sarili. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sistema ko.

Ano ba kasing pinag iisip ko??! Tsk. Tsk.

Haist. Ano nga ba uli ang ipinunta ko dito???!

"Hindi mo isinama si Thea?"

Napatingin ako sa mukha niya. Nakabalubal sa balikat niya yung puting tuwalya but still exposed pa rin sa tingin ko ang katawan niya. Nakaupo siya sa tapat ko at nakapagitan sa amin ang isang bilog na glass table.

I can't help but admire his bare face. Grabe! He's so close to perfection, ah.

"Hindi na kailangan."    Sa wakas ay nakatagpo ako ng boses para magsalita.    "Hindi naman ako magtatagal."

"Sayang naman."     He pouted.      "Gusto ko pa namang makipaglaro sa kanya ngayon. Or maybe i can just visit your house later."

"Wag na."    Mabilis kong sabi.

Mataman niya akong tinignan.     "Wag na?  Bakit wag?"

Bumuntung hininga ako.        "Hindi ko alam kung anong pinaplano mo. Pero ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo.... Hindi na magbabago ang isip ko."   

Humalukipkip siya at sumandal sa likod ng inuupuan.  Parang walang effect yung galit ko.

"Bibilhin mo ang lupa't bahay namin? Para ano? Para magkautang ako sa yo? Para kapag may hilingin ka sa akin, wala na akong choice na tumanggi? Sa gayon makukuha mo ang anak ko. Pasalamat ka at walang alam ang Nanay sa tunay mong ugali dahil kung alam niya, baka kahit ang patuntungin ka sa bakuran namin ay hindi niya payagan."       Seryoso ko siyang tinitigan.

"Matalino ka talaga."     Aniya.      "Kilalang kilala mo na ako." 

Napatiim bagang ako sa inis.

"But you're wrong about that part na...... Ilalayo ko sa'yo si Thea."      Umiling siya ng mahina.     "Uhm-no. Hindi ganun ang plano ko. I have no intention of taking Thea away from you." 

Natigilan ako at napakunot noo.

Ano? Hindi ganun ang plano niya?

"Gusto kong maging legal na Escaner si Althea. Sa legal at mapayapang paraan. Pero ayaw ko naman na malaman ng pamilya ko na naghihirap ang pamilyang pinanggalingan ng anak ko. Baka isipin nila na kaya ngayon mo lang naisip na ilagay sa apelyido namin ang anak ko ay dahil sa pangangailangan. I don't want that to happen. Kaya nga habang maaga pa. Inaayos ko na ang problema ninyo." 

"Nang iinsulto ka ba o ano?!"    Bulyaw ko sa kanya.

"I'm just stating a truth. Kailangan mo ako ngayon, Milca. At simple lang naman ang hinihiling kong kapalit di ba? Actually, it's benificial pa nga sa part ni Thea ang hiling ko. It's all for my daugther's sake."

Mabigat akong napahugot ng hangin.      "Why are you so eager for this?"      

"Walang ibang dahilan. I just want to give Thea what she really deserves to have from the start."      Seryoso at malumanay niyang wika.

Natahimik naman ako.

Bumuntung hininga siya ng malalim at umiwas ng tingin. Nanatili naman ako sa pagtitig sa kanya. Pilit kong binabasa ang nasa isip niya pero..... Pero... Hindi ko siya maintindihan.

Bakit? Bakit pa siya nag abalang magpunta dito? Bakit kailangan niya itong ipilit sa akin? Ganito ba kahalaga si Thea sa kanya. Akala ko ayaw niya ng anak. Ayaw niya ng responsibilidad na katulad nito.

Muli niya akong tinignan at agad nagkonek ang mga mata namin. Napasinghap ako ng lihim. Kumalabog ang puso ko sa kaba. There's something in his eyes that i still cannot figure out.

"Karapatan din ng mga magulang ko  at Lolo na makilala ang apo nila hindi ba, Milca? Bakit ipagkakait mo sa anak mo ang isang magandang buhay?"      Biglang wika niya.

Nanggi-guilty pa toh!??

"Dahil hindi yun ganun kasimple!"    Sagot ko.

"Simple lang ito kung iisipin mo lang si Thea. Si Thea lang Milca."      Madiin niyang sabi.

Mariin akong napapikit sandali.

"Let's have a contract marriage!" 

Gulat na gulat ko siyang tinignan.   "What??!" 

"Contract marraige. Pagpapanggap lang. Then after na maging Escaner na si Thea we can null and void the contract."     Walang anumang dugtong niya pa.

"Alam ko ang ibig mong sabihin! Tsk. Desperado ka na talaga noh!"      Hindi makapaniwalang bulalas ko.

"I am."    Deretsong sagot niya.    "And i really hope that you won't let down this desperate man infront of you."

Hah?!!

Buong araw kong pinag iisipan ang lahat ng sinabi sa akin ni Henry. Pero hindi ako makpag isip ng matino. Nang tama.

Ano bang dapat kong gawin? Ano ba?

"My?"     

Napatingin ako kay Thea. Nasa higaan na kami, akala ko tulog na siya. Ako kasi.... Hindi pa rin dindalaw ng antok. Masyadong in-invade ni Henry ang sistema ko.

"Ano yun, baby?"      Lihim akong bumuntung hininga. Masuyo kong hinaplos ang noo't buhok niya. Nakaupo ako at nakasandal sa headboard ng higaan habang nakayakap sa baywang ko si Thea.

"Hindi po dumating si Dadi? Why?"  

Hah? Bakit naman bigla niya yung naaala? Tsk.

"Hindi eh. Baka busy. May ginagawa." 

"Sabi po nya pupunta siya."       Malungkot na wika ni Thea.

Lihim akong napabuntung hininga.      "Okay ang yun baby. Baka busy si Dadi Henry mo kaya di na sya nakapunta. Nagwo-work din kasi siya."

Mahinang tumango tango si Thea pero maungkot pa rin.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kasi naman.....

"I wanna play with him." 

"May iba ka pa namang kalaro di ba? Sila na lang muna. Hindi natin pwedeng abalahin si Dadi Henry mo."  

Nagkandahaba naman ang nguso niya. Mukhang disappointed talaga na hindi niya nakita si Henry.

"Do you...... Really like your Dadi Henry?"     Hindi ko na natiis na itanong.

"Yes po. Sabi nya, we'll play always."     

"But you can play with your friends naman ah. O kaya sa akin. O kay Lola. Why do you want to be with Dadi Henry?"

"Because....."         Pinalaruan niya yung maliit na stuff toy na hawak niya.      "He's nice."

"Yun lang?"

Tumango siya,    "Yup."     Saka tumingala sa akin.   "Sleep na ko My."     She smiles an innocent smile then naglean siya sa tagiliran ko para makatulog na.

Napahinga ako  malalim.      "Okay baby. Goodnight."      I gently kissed her in the forehead.

*****

Sabi nila.... Totoo daw yung lukso ng dugo.

Sa tingin ko.... Totoo iyon at nararamdaman yun ni Thea kaya gusto niya si Henry. Oo nga. Magaling makisama si Thea. Madali pa siyang makisalamuha sa iba pero yung pagka-gusto niya kay Henry. Hindi katulad ng sa iba. Hindi ko yun maitatanggi. Hindi pwedeng balewalain.

Iniisip ko pa rin kung anong gagawin ko. Kung tatanggapin ko ba ang offer ni Henry o hindi. Ang sakit sa ulo na isipin kaya hindi ako nakatulog kaagad. Maaga akong nagising kinabukasan pero ang sakit ng ulo ko.

"Nay?"    Nasalubong ko si Nanay na kapapasok pa lamang sa koob ng bahay. Galing siya sa labas. Nakayuko siya at bagsak ang balikat. Nang makita niya ako ay agad siyang napatayo ng deretso.

"Oh, tinanghali ka ng gising?"     Nilagpasan niya ako. Pumunta siya sa kusina at sinundan ko naman siya. 

"Hindi kayo nagbukas ng tindahan?"       Nagtataka kong tanong.

"Hindi. Tinanghali din ako ng gising."         Tumalikod siya sa akin at inabala ang sarili sa kung anong gawain.

"Saan po kayo galing?" 

"May kinausap lang ako sa labas."      Sagot niyang hindi tumitingin sa akin.

"Sino?"

"Hindi mo kilala." 

Lumapit na ako at tinabihan siya sa harap ng sink. Itinagilid ko ang ulo ko para masilip ang kanyang mukha.      "Yung totoo Nay? Sino yun?"

Napasapo siya sa kanyang noo at umiling iling.      "Wala lang yun Milca."      Saka siya umiwas palayo sa akin.

"Nay? May problema ba? Sabihin niyo na lang sa akin para makatulong ako."

"Huwag mo ng alalahanin iyon Milca. Asikasuhin mo ang anak mo. Alam mo....."      Humarap siya sa akin at tinignan ako sa mukha. Nakita ko sa mukha niya ang lungkot at pagod.

Anong nangyari?

"Anak, Milca. Mabuti pa ay bumalik na kayo ng Maynila. Mas maganda kung doon mag aaral si Thea at hindi dito."

"Bakit Nay? Maganda ang pagtuturo dito. Mas maganda pa ng kumpara sa Maynila."

"Mas maganda kung sa lungsod siya mag aaral dahil mas advance doon kaysa rito." 

Napailing ako.      "Hindi ko kayo maitindihan. Bakit biglang gusto niyo na kaming paalisin ni Thea?"

"Iniisip ko lang ang kinabukasan ng anak mo."

"Hindi ito tungkol kay Thea tama po ba?"

Mabigat siyang napabuntung hininga.      "Ibebenta ko na ang lupa ng tindahan." 

Napaawang ang labi ko sa gulat pero wala akong nasabi.

"Kausap ko kanina ang bibili. Siya yung attorney nung nagpapatayo ng bagong mall sa bayan. Sila ang bibili ng lupa." 

"NANAY NAMAN!!"     tumaas na sadya ang boses ko. I frel so disappointed!

"Anong gagawin ko?! "     balik wika ni Nanay. Her eyes flickers with tears.     "Yung perang mapagbebentahan nun ang ihuhulog ko para dito sa bahay. Sa ganun ay hindi ito kunin ng bangko. Walang ibang paraan." 

Marahas akong napabuga ng hangin.     "I'll ask kuya about this. Siguradong may magagawa sila."

"Huwag mo ng abalahin ang mga kuya mo Milca."      Umiling si Nanay.    

"Hindi naman pwedeng wala kaming gawin hindi ba? 'Nay, pamilya tayo dito at walang ibang magtutulungan sa problemang ito kundi tayo lang din."

Pagod na napasapo sa kanyang noo si Nanay at naupo sa upuan. Huminga siya ng malalim.    "Nakipag deal na ako sa kanila, Milca."

Natigilan ako.

"Hindi na rin naman ganun kaganda ang takbo ng tindahan saka..... Oras na magbukas ang mall roon siguradong mas lalong hihina ang negosyo. Pinag isipan ko itong mabuti. Hindi na magbabago ang isip ko."

"Kakausapin ko ang napagbilhan niyo ng lupa Nay. Ako ng bahala."      Buo ang loob ko. Hindi ako papayag na ganun ganun lang mawala kay Nanay ang tindahan. Kahit ang bahay at lupain namin. Hindi ako papayag na mawala ito sa amin!

"Maganda yan Milca. Pero hayaan mong gawin namin yan."      Anang isang boses mula sa likod ko.

Napapitlag ako sa kinatatayuan at ng lumingon ako ay laking gulat ko ng makilala kung sino iyon.

"Kuya Miguel?!"  

"Hi."     Ngumiti siya at humakbang papalapit kay Nanay.

"Miguel?"    Hindi makapaniwala si Nanay sa nakikita. Maging ako. Hindi ako makapaniwala.

Tatawagan ko pa lang sana siya, di ba? Pero... Eto... Eto na siya agad.

Napatingin ako sa entrada ng kusina at nakita na may isa pang tao na naroon. Napamaang ako. Agad na nagtama ang mga tingin namin them umangat ang sulok ng kanyang labi. 

Si Henry?

What the----

"Milca?"       Si Kuya Migz.

Namalayan kong nasa harap ko na si Kuya Migz. Napatingin ako sa kanya at yumakap ng mahigpit.

"Kuya.. I missed you."       Sabi ko pagkayakap ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at mahinang pin pat ang noo ko.      "Really? Hindi halata."     

"Henry?"     Tawag pansin ni Nanay kay Henry na nakatayo pa rin sa !ay bukana ng pinto.

Mabilis akong sumulyap sa kanya.

"Good morning po. Pasensya na po sa maagang abala."     Lumapit si Henry kay Nanay at nagmano.

"He'll be good for you."       Bulong ni Kuya Migz sa akin.

Napasinghap ako at napatingin kay Kuya.   Hah??!   

"Si Henry ang driver ko papunta dito. Sosyal di ba?"      Nakatawang ani Kuya Migz sabay akbay sa akin.      "Isang busy na negosyante at Heir ang driver ko. Ang swerte ko." 

Natawa naman si Henry.      "Sabi ko ng walang anuman yun, 'bro." 

Halah!!! Bro daw? Close na rin sila???!

Bago pa maging mahaba ang usapan namin,  nag aya na si Nanay na mag almusal kami.  Kahit medyo late na sa oras. Nagising na rin si Thea at tuwang tuwa siya ng makita si Henry. Sa kanya pa nga ito tumabi nang nasa hapag kainan na kami.

Lihim kong pinagmamasdan ang dalawa at habang ginagawa ko yun,  mas lalong napapansin ko ang pagkakahawig nila. Tama. Wala nga akong laban kung sakaling dalhin ni Henry sa korte ang custody para kay Thea. Kahit na may batas na malakas na nagsasabing ina ang dapat magpalaki sa kanyang anak. Alam ko sa sarili ko na wala akong laban.

Lihim akong bumuntung hininga.

Pero ayaw kong mawala si Thea sa akin. Hindi ko kakayanin.

"Maikli na lang ang panahong ibinigay sa atin ng bangko kaya.... Nagkausap na kami ni Henry at willing naman siya na tulungan tayo kaya.... Wala na kayong dapat ikabahala."     Wika ni Kuya Migz.

Tahimik na lang akong nakinig.

"Kinausap din namin si Raphael."        Dugtong pa ni Kuya.      "Kaya Milca."      Napatingin ako sa kanya.      "Huwag ka ng mag alala. Hayaan mong kami na ang kumilos rito."  

Napanguso ako.      "Gusto ko ding tumulong Kuya. " 

"I know. But ang mga babae tulad niyo ni Nanay ...... Mas bagay sa inyo na pinuproblema lang ang kung anong lulutuing ulam sa tanghalian at hapunan." 

"Hah?!"      Sinamaan ko siya ng tingin.       "Modern days na ngayon. !as marami ng babaeng nagtatrabaho kesa lalake noh!" 

Tumawa naman si Kuya.      "Pero lalake pa rin dapat ang gumagawa nun at dahil kapatid kita at Nanay ko si Nanay, hindi pwede yung ganun sa akin." 

"Sus! Narsissist."     Napairap naman ako.

Natawa naman sina Nanay at Henry sa amin.

"Natutuwa ako na ganyan kang mag isip Migz."      Wika ni Nanay.     "Katulad ka ng Tatay mo. Noon din ayaw niya ako na magtinda pero wala din siyang nagawa. Dapat suportahan mo ang gusto ng magiging asawa mo katulad ng gagawin niyang pagsuporta sa'yo."  

"Tss."     Napangiti naman ako habang sumimangot si Kuya.       "Gusto ko po na sa bahay lang ang mapapangasawa ko Nay. Wala siyang iintindihin na iba kundi ako lang."  

"Selfish."      Sabi ko. Sinamaan niya ko ng tingin at natawa ako ng mahina.

"Ikaw ba Henry? Ano sa palagay mo?"        Ibinaling ni Kuya ang tingin sa bisita namin.

Napatingin ako kay Henry at hinintay din ang isasagot nito.

Ngumiti si Henry.     "Tulad mo ako. Gusto ko din na sa bahay lang ang asawa ko pero hindi ko siya pipigilan kung gusto niya talagang magtrabaho. Basta hindi katulad ng trabaho ni Milca na laging umaalis. If i could make her stay at house i will. Ako na lang ang magsusweldo sa kanya." 

Sabay na natawa sina Nanay at Kuya. Ako naman..... Napanganga ng konti.

"Hindi maghihirap ang mapapangasawa mo Henry. Sigurado yun."      Wika ni Kuya.

Hindi na lang ako umimik.

Napag usapan pa namin ang mga gagawin para sa pagbawi ng deal na nagawa ni Nanay sa bibili ng lupa ng tindahan ni Nanay. Inabot ng gabi si Henry sa amin dahil ayaw itong paalisin agad ni Thea.

Hinatid ko sa may sasakyan nito si Henry nang sa wakas ay hayaan na itong umalis ni The. But syempre may pangako na magbabalik bukas.

"Sinundo mo ang Kuya ko?"        Kalmado ko siyang hinarap.

"Mahirap maisingit sa schedule ng kuya mo ang leave. Ginawan ko lang ng paraan."        Aniya then ngumiti siya.      "Hanga ka ba sa akin?" 

Napanguso ako.    Okay. He bragged about that now. Totoo naman na nakakahanga ang nagawa niya. Kahit hindi ko alam kung bakit.

"Konting hanga lang Henry. Baka lumaki ng sobra ang ulo mo." 

Natawa naman siya.     "You're welcome Milca. Alam ko naman na thankful ka sa akin." 

"Tss."     Ismid ko.

"Iniisip mo pa lang ang kuya mo, nagawa ko na siyang dalhin dito. Ang galing ko di ba?"      Lalong lumapad ang pagkakangisi niya.

"Tss. Oo na. Ang yabang naman talaga."      Nailing ako at sumimangot.

"And you're thankful of what i've done. Okay na yun sa akin."     Aniya.  

Tinignan ko siya at ngumiti siya sa akin. Mukhang, totoo naman na masaya siya.

Bumuntung hininga ako.

"Pasok ka na sa loob. Alis na ko."    Wika niya.

"Henry."     Tawag ko sa kanya ng akmang aalis na talaga siya.   Napakagat ako ng ibabang labi.

Nilingon niya ako at ngumiti uli. Butterflies filled my stomach.

"Ano...… payag na ako."  

Kumunot noo siya.     "Hah?"

Marahas akong napabuga ng hangin.  "Sabi  ko payag na ako. Payag na ako sa contract marriage na sinasabi mo."  

I looked at his expression. His face..…. Was unforgettable.

*****

Updated:    October 19, 2016

**Please vote / comment / share. Salamat. Godbless.

Follow me @ twitter - MalditangUlanWP
Or @ Instagram - akoymalditangulan

Continue Reading

You'll Also Like

123K 5.9K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
26.6K 277 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
27.4M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
21.5M 700K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...