A Cry Of A Lone Wolf

By queenerich

2K 56 17

Pamilya. Ito ang pinapangarap ng bawat isa sa atin. Buo at matatag na pamilyang masasandalan sa mga panahong... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2

Chapter 3

355 13 13
By queenerich

Nang gabing iyon, hindi siya makatulog nang maayos. Kahit na dumapa siya, tumihaya o tumagilid sa pagkakahiga sa kaniyang kama ay 'di pa rin siya  dinadalaw ng antok. Ala una na ng madaling araw, ayon sa kaniyang orasan na nasa bedside table.

Bumangon siya at binuksan ang TV, ngunit wala siyang magustuhang palabas kaya pinatay  niya ito. Nananakit na ang kaniyang ulo sa sobrang pag- iisip tungkol sa lalaking tumawag sa kaniya sa telepono.

Hindi niya alam kung nagsasabi ito ng totoo o nagsisinungaling para makuha ang kaniyang atensiyon. May isang parte sa kaniyang utak na nagsasabi na paniwalaan ito kahit wala siyang matibay na ebidensiya para doon. Ano ang makukuha ng lalaking iyon kung sakaling makipagkita siya dito?

Gamit ang dalawang kamay, sinapo niya ang kaniyang ulo at naupo sa sofa na malapit sa pintuan ng kwartong iyon. Hindi siya mapalagay, aircon ang kaniyang silid ngunit pinagpapawisan siya. Gustong lumabas ng kaniyang wolf pero kailangan niyang pigilan ito. Hindi ito pwedeng lumabas sa mga ganitong sitwasyon. Kailangan niya itong makontrol para hindi maulit ang nangyari noon.

Sa mga nagdaang taon ay unti-unti niyang napag-aralan kung kailan pwedeng lumabas at 'di pwedeng lumabas sa kaniyang katawan ang sariling wolf. Minsan ay 'di sila magkasundo nito dahil kabaliktaran  nito ang kaniyang pag-uugali.

Napakabagsik nito kaya ibayong pag-iingat  lagi ang kaniyang ginagawa. Kailangan niyang mapasunod ito ayon sa kaniyang kagustuhan para na rin sa ikabubuti niya at ng Moonville Pack. Pinipigilan niya ring magalit dahil kapag nagagalit siya ay parang tinatraydor siya nito dahil bigla na lang lumalabas sa kaniyang katawan ng hindi niya namamalayan.

Natatakot ang mga miyembro ng Moonville Pack sa tuwing lalabas ang wolf ng kanilang alpha dahil mala demonyo ito sa bangis!

Oo, sinusunod siya ng kaniyang mga nasasakupan, ngunit mas gusto ni Alpha Jonas ang ideya na sinusunod siya ng mga ito dahil sa kaniyang kakayahang mamuno at hindi dahil sa takot ng mga ito sa kaniya.

Iniangat niya ang kaniyang paningin nang marinig niya ang alarm clock. Alas tres na ng madaling araw. Oras na para sa kaniyang ehersisiyo. Pinakalma muna niya ang kaniyang sarili at tumingin sa labas ng bintana.

Napakaganda ng panahon! Maraming bituin sa langit sa animo'y nagpapaligsahan sa kanilang angking liwanag. Mula sa kaniyang bintana tanaw niya ang malawak at masukal na kagubatan na pag- aari ng kanilang pamilya. Naengganyo siyang lumabas sa siya namang ikinatuwa ng wolf na nasa loob niya.

"Sa wakas, makakalabas na rin ako," wika ni Feroz, ang pangalan ng kaniyang wolf. Dumadagundong ang boses nito sa kaniyang isipan. "Ilang araw na rin tayong hindi tumatakbo, Jonas. Inip na inip na ako dito sa loob. Labas na tayo para makapag ensayo na." Mababanaag mo ang excitement sa boses nito at kulang na lang ay hilain niya si Jonas palabas ngunit hindi niya iyon magagawa dahil kontrolado siya nito.

"Pinag-iisipan ko pa kung dapat ba kitang palabasin ngayon, Feroz. Natatakot sa 'yo ang karamihan sa mga miyembro ng pack dahil sa ginawa mo noong huli kitang pinalabas."

"Kasalanan nila iyon! Kung hindi nila ako ginalit, hindi iyon mangyayari."

"Shut up, Feroz. Ayokong makipagtalo sa 'yo ngayon. Hindi na dapat maulit ang nangyari dati kaya ako ang masusunod sa lahat ng oras." Pinal na saad ni Jonas.

Bantulot man, sumang-ayon na rin si Feroz kaysa naman manatili siya sa loob. Mabubulok siya kung magbibilang pa ng araw bago siya palabasin.

Lumabas ng k'warto si Jonas at mabilis na tinungo ang hagdan pababa. Dumiresto siya sa likod-bahay. Hinubad niya ang kaniyang saplot at ipinatong sa halamang naroroon.

Ilang sandali ang lumipas, maririnig ang lagutok ng tila mga nababaling buto sa katawan. Ang kaniyag braso ay napalitan ng paa na gaya ng sa aso pati ang kaniyang mga kuko ay humaba. Humaba rin ang kaniyng tainga, tinubuan siya ng buntot at nagkaroon ng makapal na balahibo sa buong katawan.

Ang kaniyang mga mata ay parang nilagyan ng night vision device dahil nakikita niya ultimo ang pinakamaliit na kulisap kahit na malayo ito sa kaniyang paningin. Para itong flashlight sa gitna ng kadiliman. Nanlilisik ang mga matang iyon! Napakabagsik katukad ng kaniyang pangalan. Feroz. Ang wolf ni Alpha Jonas.

Nang makompleto ang kaniyang pagbabagong-anyo, sunod-sunod na alulobg ang pinakawalan ni Feroz kaya kitang kita ang kaniyang mahaba at matulis na mga canine teeth. Dinig na dinig ang kaniyang boses sa apat na sulok ng lupang kaniyang pag-aari. Yumayanig din ang lupa dahilan upang magising ang kaniyang mga nasasakupan.

Mula sa pagkakatayo ay mabilis na tumakbo ang wolf papunta sa kagubatan. Para itong isang ibon na nakalaya mula sa pagkakabihag. Tumakbo siya nang tumakbo sa masukal na kagubatang iyon. Hindi niya alintana ang hamog na bumabagsak sa kaniya tuwing masasagi niya ang mga dahon. Maging ang mga matutulis na kahoy sa kaniyang dinadaanan ay hindi niya napapansin.

Animo'y isang batang sabik na sabik sa paglalaro sa labas. Halos isang linggo rin siyang hindi pinalabas ni Jonas, kaya ngayon ay pagkakataon na niya para libutin ang kanilang teritoryo gaya ng nakagawian nila dati. Hinihingal na siya nang marating niya ang hangganan ng kanilang teritoryo sa norte.

Matarik na bangin iyon na kung titingin ka sa ibaba ay makikita mo ang dagat na Asur. Umupo siya sa batong naroroon para makapagpahinga at lumanghap na rin ng sariwang hangin. Tila kumakalma ang kaniyang wolf kapag nag eehersisyo sila ng ganitong oras.

Nang makapagpahinga na siya, ay umakyat siya sa mataas na bundok na malapit sa bangin. Napakataas niyon kaya kitang kita ang kabuuan ng lupang pag-aari nila  maging ang mga kalapit-bayan nito. Inilibot niya ang paningin sa paligid at sobrang kasiyahan ang ang kaniyang nadarama dahil sa namamalas ng kaniyang mga mata.

Bata pa siya, ito na talaga ang kaniyang pinangarap. Mabuhay sa isang lugar kung saan mapapanatili ang kaayusan at kalinisan ng Inang Kalikasan. Gusto niyang mapreserba ang kagubatang ito dahil ito ang kaniyang tahanan. Ang tahanan ng Moonville Pack.

Lumipas ang ilang minuto nang mapagpasyahan niyang umuwi na. Napakagaan ng kaniyang pakiramdam habang tinatahak ang daan pauwi. Marahil ay kailangan niyang mag ehersisyo araw araw para lalo siyang lumakas.

Nag eensayo na ang mga miyembro ng kaniyang pack nang dumating siya sa mansiyon. Pinangungunahan ito ng bagong beta, delta at ilang pinakamagagaling na mandirigma. Sabay sabay silang nagbigay-galang sa bagong dating. Tango lamang ang iginanti ni Jonas. Nagpunta siya kung saan may malagong halaman at doon nagbagong-anyo bilang isang tao.

Pagkatapos niyang isuot ang kaniyang salawal, ay nagpunta siya sa kinaroroonan ng mga ito.

"Alpha Jonas, ang aga mong nagising kanina, ah," wika ng kaniyang beta.

"'Di ako makatulog, kaya minabuti kong mag ehersisyo. Kumusta na ang pagsasanay mo sa kanila?" Tanong ni Jonas na ang tinutukoy ay ang mga miyembro ng pack.

"Mahirap turuan 'yung mga bago, kaya hindi ko muna sila inihalo sa mga bihasa na."

"Hayaan mo bukas ako ang magtuturo sa kanila." Sabay lingon sa mga miyembro na tila may hinahanap. "Nasaan si Trisha? Parang 'di ko siya nakikita. Gising na ba siya?"

"Oo Alpha. Nagpaalam siya na pupunta sa bayan. May kailangan daw siyang bilhin sa convenience store doon."

"Napakaaga naman. Sinong kasama niya?"

"Siya lang mag-isa, Alpha."

Sa narinig, biglang uminit ang ulo ni Jonas dahilan upang tumaas ang boses niya sa kaharap.

"Bakit niyo pinayagang lumabas ang kapatid ko ng walang kasama? Hindi ba't ang bilin ko sa inyo lagi siyang samahan kahit saan siya magpunta!? Ang dami dami niyo dito, ni isa walang nagkusang samahan siya!? Asan ang mga guwardiya?"
Bigla namang nagsilapit ang apat na guwardiya nang marinig ang boses ng kanilang Alpha.

"Asan ang susi ng kotse?"

"Patawad po, Alpha." Wika ng isang guwardiya, sabay abot ng susi.

Halos paliparin ni Jonas ang minamanehong kotse. Kailangan niyang magmadali papunta sa bayan para masigurong ligtas ang kaniyang kapatid.

"Jonas, napakabilis ng pagpapatakbo mo baka mahuli tayo ng pulis," wika ni Larry, ang kaniyang beta. Halos kapatid na ang turing niya dito dahil sabay silang lumaki. Isa pa anak ito ng kaniyang Tito Ismael kaya magaan din ang loob niya dito.

"Kung alam ko lang na dadagain ka Larry, 'di na sana kita isinama."

"'Di naman sa ganun, Jonas. Konting hinahon lang. Mamaya mabangga tayo."

"Wala akong pakialam. Kapatid ko ang pinag-uusapan dito."

Pagkatapos ng isang oras ay narating din nila ang bayan at ipinarada niya ang sasakyan sa labas ng convinience store kung saan naroroon ang kaniyang kapatid.

Pababa na siya ng sasakyan nang may maamoy siyang kakaiba. Parang may paparating na kauri nila ni Larry. Iba ang pakiramdam niya sa mga ito. Dali-dali siyang pumasok sa convenience store na iyon para hanapin ang kapatid.

Laking pasasalamat niya at kaunti lang ang mga bumibili kaya madali niyang nahanap si Trisha.

"O, kuya, ba't nandito ka? May bibilhin ka rin?" Wika ni Trisha nang mamataan ang kapatid.

"Trisha, nabili mo na ba 'yung mga kailangan mong bilhin?" May pagmamadali sa tono ni Jonas.

"Yes kuya, 'lika kain muna tayo."

"No. Sa bahay na lang. Kailangan natin magmadali. 'Lika na."

"Pero kuya---"

"Trisha, 'wag makulit. Uwi na tayo. Tara na." Sabay hawak sa braso ng kapatid.

Pagkalabas nila sa store na iyon, ay siya namang pagpasok ng dalawang lalaki na sa loob.

Nasagi pa ng isang lalaki ang balikat ni Jonas at doon niya nakumpirma na isa nga ito sa mga kauri nila. Papasok na siya sa driver's seat nang biglang mapalingon siya sa kinaroroonan ng lalaking iyon. Isang nakamamatay na tingin ang ipinukol nito sa kaniya habang nakapila sa counter ng store na iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

13.7K 802 62
Malakas na bumagsak ang hawak niyang libro. Pero hindi ko siya binigyan ng pansin at patuloy na binabasa ang librong ipinadala ni Guro. Maya maya pa...
497K 16.4K 49
•DARKSTONE SERIES 2• Katrina's life turned upside-down after the Mating Season's Ball. Una, ibinigay n'ya ang sarili sa Beta ng DarkStone dahil sa s...
1.5M 52.4K 99
[COMPLETED] Ako si Eliana, isang college student na aksidente na naging werewolf. To avoid being stuck in a werewolf form, I was forced to marry a we...