One Hand, One Heart [Escaner...

By eye_you

15.6K 519 36

Babala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Mag... More

Panimula
Page 1
Page 2
Page 3
Page 4
Page 5
Page 6
Page 7
Page 8
Page 9
Page 10
Page 11
Page 12
Page 13
Page 14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Pagtatapos

Page 21

327 13 1
By eye_you

Page 21

Kaibigan

*****

Naging mabuti na ang lagay ni Althea after a day. Kumulit na nga siya uli. Nailabas na rin namin siya agad at niresetahan na lamang ng doctor ng ilang gamot.

"My, play!!"       Kanina pa ako sinusundan ni Althea sa loob ng bahay. Gusto niyang lumabas at maglaro pero hindi ko siya pinapayagan dahil kakalabas ba lang niya ng ospital.

Ang kulit!!

"Hindi pwede. Dito ka na lang magplay. Bawal ka pang lumabas."      Paulit ulit ko na yung sinasabi.

"But i wanna play outside!!"       Naluluha na ang mga mata niya. Iiyak na anytime.

"Althea, wag matigas ang ulo. Sinabi nang hindi. Hindi pwede."     Nilangkapan ko talaga ng galit ang tono ko.

"Mommyyyyy!!!!"      Then she started crying.

Bumuntung hininga ako ng malalim.

"O, anong iniiyak niyan?"      Pumasok sa loob ng bahay si Nanay mula sa labas.

"Nay, ang aga niyo po?"     Nagtataka ko siyang sinalubong at nagmano.

Dapat mayamaya pa ang uwi niya. Past two pa lang ng hapon.

"May nakalimutan ako dito kaya kukunin ko lang at babalik ako roon."       Linapitan niya si Althea at hinalikan sa buhok.       "Apo, anong problema?"   

"I wanna play...."        Wika ni Althea sa pagitan ng pag iyak.

Humalukipkip ako habang nakatingin sa kanila.

"Pwede kang mag play dito. Wag na sa labas."       Sagot ni Nanay. Syempre, hindi rin niya papayagan na lumabas si Thea. Hindi pa nga kasi pwede.

"Sa labas!!!!"       Ungot ni Thea.

Haist! Ipipilit niya yang gusto niya.

Wala sa loob na napalingon ako sa may pinto  ng bahay. Napalis ang ngiti ko automatically.  Saka ko lang napansin na may nakatayo roon at nakatingin din kina Nanay. Tahimik lang siya roon na nakatayo. Unti unting napaawang ang labi ko at bumaba ang mga kamay sa gilid ng aking katawan.

What the......

Lumipat ang tingin niya sa akin at agad akong napasinghap sa gulat at kaba. Kumalabog ang puso ko at bumilis ang pintig nito.

Nang magtama ang mga paningin namin, nakadama ako ng kilabot. Parang nagtayuan ang mga balahibo ko.

Totooba ito??!

"Dadi!!"          Masigla at malakas na boses ni Althea!

Umiwas siya ng tingin sa akin at bumaling kay Thea.

"Princess!!!"       Nakangiting aniya.

Tumakbo papunta sa kanya si Althea at agad agad naman nitong sinalubong ng yakap ang bata.

Oh no!

Napasinghap ako.

This can't be happening right?!

"Dadi, i miss you."      saka kiniss pa ni Althea ito sa pisngi.

"I miss you too, princess. So much."      Aniya saka yinakap muli si Althea.   Nakapikit pa siya nun.

"Sinamahan ko din yang kaibigan mula sa Maynila."      Narinig kong wika ni Nanay.

Hindi naman ako nakaimik. Tulala akong nakatayo roon at nakatingin kina Thea.

Paano.... Bakit..... Anong..... Ginagawa niya rito?

Nag angat siya ng tingin at nagkonek muli ang mga tingin namin.

Henry?

Kakaiba yung tingin niya sa akin. Parang kahit walang salita alam na alam ko na ang ipinararating niya.

I'm doomed.

"Anong ginagawa mo dito?"       Sa wakas ay nakahanap ako ng oras at pagkakataon upang kausapin si Henry.  Simula kasi ng dumating siya ay magkasama lang sila ni Thea at naglalaro. Ang dami nilang pinakukwentuhan na parang antagal nilang nagkawalay. Ayaw nang humiwalay ng anak ko sa kanya. 

Kinakabahan ako at  natatakot. Hindi normal na ganto ang pakitungo ni Thea sa mga tao sa paligid niya. Yung tipong ayaw nang lumayo. Sa akin lang siya naging ganyan pero noong maliit pa siya. Ngayon na medyo nakakaintindi na siya at naiintindihan na niya na kailnagn kong mag work kaya naiiwan ko na siya kina Cedes. Pero ngayon......

What's with Henry??

Dahil ba magkadugo sila? Dahil ba.... Ito ang ama niya kaya ganto?

Huminga ako ng malalim. Mataman kong tinitigan si Henry. Nasa bakuran na kami. Ako na ang nagprisinta na ihatid siya sa labas dahil pauwi na siya. Hindi ko alam kung saan siya tutuloy pero.... Kailangan ko bang malaman?

Tumayo siya sa harap ko. Tinitigan ako. Nakadama ako ng kaba sa dibdib dahil sa kanyang titig. Sibrang seryoso niya at hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

I feel nervous, scared and guilty. Kainis.

"Nabalitaan ko na na-ospital si Thea. What happened?"  

Napakunot noo ako.     "Panu mo nalaman?" 

"I have my source Milca."      Ang serious niya talaga. Ibang iba siya sa dating nakakasama at nakakausap ko na Henry.

"Okay na siya. Wag kang mag-alala."     Humalukipkip ako. Medyo nilalamig na rin kasi ako.    "Hindi mo kailangang mag-alala." 

"Bakit hindi?"       Aniya.      "I have every right to be concern about her 'cause she's my daugther."  

Mariin akong napapikit dahil sa narinig. May bumangong galit sa loob loob ko.       "She is not your daugther."      Mahina pero madiin kong wika.  Galit ko siyang tinignan.  

"Hanggang kelan mo ba ide-deny ang totoo?"      Sarcastic siyang ngumiti.

Bumuntung hininga ako ng malalim at napakagat ng ibabang labi.

"Wala ng dahilan para itago mo sa akin ang totoo."      Mahinang aniya.

Hindi kaagad ako nakapagsalita. Nagtitigan lang kami ng ilang sandali at parang nagsusukatan ng titig.

"Four years...."        Sapat at mariin kong wika. Unti unting nag-init ang mga mata ko.      "Four years na wala ka sa tabi ni Thea. Four years na kami lang ang magkasama. Four years na namuhay kami na kami lang. Walang ikaw. Four years, Henry...... Tapos sasabihin mo sa akin na may karapatan ka na maging concern sa anak ko? Tatawagin mong anak ang anak ko samantalang kahit kelan ay hindi ka naman naging Ama sa kanya? Ang kapal naman ng mukha mo!"  

Umiwas siya ng tingin napatiim bagang.

"Wala kang anak dito Henry. Utang na loob. Tigilan mo na ang anak ko. Tigilan mo na kami dahil hindi ka namin kailangan."  

Umatras ako at umakmang aalis na pero agad niya akong hinawakan sa palapulsuhan at hinila paharap.

Nasalubong ko kaagad ng tingin ang malamlam niyang mga tingin.        "You are being unfair, Milca."          Mabigat siyang napabuga ng hangin.       "Hindi tama."   

"What?"       Malalim akong napakunot noo.   Hindi tama? Ano ang hindi tama?

"Hindi mo ako binibigyan ng chance...."      He sighed.       "Nang chance na gawin ang dapat kong gawin. Yung dapat kong ginawa..... Yung dapat ginagawa ko."      Umiling siya ng mahina at marahan akong hinila muli palapit. Hindi ako naka-iwas. Halos isang dangkal na lang ang pagitan namin ngayon. Dama ko na ang init ng kanyang katawan, nasinghap ko na ang bango niya.

Gumapang ang kilabot sa buong katawan ko. Kilabot na may kasamang init. Tila hinaplos ng init anf isang bahagi ng aking puso.

Chance? Hindi ko nga ba siya nagbigyan ng chance? Balit parang nagi- guilty ako?

"I want to do the right thing.... Para kay Thea."   

"Henry?"   

"Hindi mo ako mapipigilan na gawin ang kahit ano para lang mapalapit sa anak ko."  

Napabuga ako ng hangin at mataman siyang tinitigan. Ang kaninang malamlam niyang mga titig ay napalitan nang muli ng tigas. Naging seryoso siyang muli.

"Anong gagawin mo?"      Hindi ko napigilan ang maisatiniga ang tanong na iyon.

Huminga siya ng malalim at bahadyang umatras.     "Alam ko na walang alam ang Mother mo na ako ang ama ni Thea. Ano sa tingin mo ang sasabihin  niya kung sakaling malaman niya?" 

"Walang ama si Thea. Yan ang alam ni Nanay. Mananatili nang ganun ang lahat." 

"No, Milca. That won't stay that way. Walang sikretong hindi nalalaman. Alam mo yan."        Bahadyang dumiin ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Napangiwi ako.        "Listen to me. Nandito ako para maging maayos ang lahat sa atin."

"Ano ba talagang gusto mong mangyari?"    

"Alam mo kung ano. I want my daugther. Gusto kong ibigay sa kanya ang mga bagay na dapat ay kanya."  

Napailing ako.  

"Ayokong lumaki siya na nasa maling lugar." 

May bumangong inis sa puso ko.   Maling lugar??? At ano naman ang ibug niyang sabihin???

"Maling lugar?! Nang iinsulto ka ba?!"     Marahas kong hinawi ang kamay niya at nabitiwan naman niya ako.        "Maayos kong napalaki si Thea. Walang mali sa pamilya namin. Hindi man kami kasing yaman ng pamilya ninyo pero kaya kong ibigay ang lahat ng pangangailangan ng anak ko. Mabubuti kaming tao at alam yan ng lahat."

"At ang lumaki na isang illegitimate na Escaner ang anak ko?   Ipinagkakait mo sa kanya ang isang magandang buhay dahil lang sa galit ka sa akin ganun ba, Milca? I thougth you love your daugther?"   

"WAG!"      Napataas ang boses ko at napatiimbagang.          "Wag na wag mong gawing issue ang pagmamahal ko sa anak ko! Wala kang karapatan! Wala kang ni katiting na alam sa pagmamahal, Henry!" 

"Talaga?"  

"Anong alam mo sa pagmamahal? Ang makipag-date da iba't ibang babae? Ang magpkasaya sa pag inom at pagpa-party? Anong ituturo mo sa anak ko? Ang magpaka-lulong sa karangyaan? Ganun ba? Hindi ka niya kailangan kung ganun!"  

Napatiim bagang siya at dumilim ang mukha. Siguradong hindi niya nagustuhan ang mga nasabi ko. Pero.... Bakit?! Totoo naman ah!

"Umalis ka na."      Sabi ko.

"Napaka tigas ng puso mo."     Wika ni Henr saka siya napabuga ng hangin.       "Then.... You're giving me no choice."  

Natigilan ako.  

"I must take this to legal court."    

Legal court???!     Namilog ang mga mata ko sa pagkagitla.  

"Ayoko sanang umabot tayo sa gantong paraan pero wala na akong magagawa."      Pailalim akong tinitigan ni Henry.       "At alam na alam mo na wala laban Milca. Alam mo kung bakit....."  

Napaatras ako.

"Dahil kayang kaya kong  patunayan na ako ang mas higit na karapatan kay Althea."     

Namutla ako at napakagat ng ibabang labi.     No!

Humakbang siyang palapit  at napaatras uli ako.

"Kapag dinala ko ito sa korte, magsa-suffer lamang ang pamilya ninyo. Alam ko na hindi na ganun ka-stable ang posisyon ng pamilya ninyo."  

"That's not true!"      Madiin kong wika. 

"Malapit nang ilitin ang lupa't bahay niyo na ito. Hindi ba? Paano na lang kung totoong dalhin ko sa korte ang laban ko tungkol kay Thea? Paano na lang kayo? Hindi biro ang humanap ng mahusay na abogado at ang proseso sa korte."         Bahadyang umangat ang sulok ng kanyang labi.

"Hindi mo magagawa yan." 

"I have all my means and money. Bakit hindi ko magagawa? You judge me too fast but you doubt my capability?"  

"Curse you!"      Impit kong galit.    Gusto ko na siyang sampalin at saktan.  How dare him!!

"At si Thea lang din ang magsa-suffer sa lahat."     aniya.       "Pag isipan mo ito Milca." 

"Hindi magbabago ang isip ko."

"Mababago pa ang lahat kung pakikinggan mo ako. Kung papayag ka sa gusto kong mangyari."    

"Hah?"        Napalunok ako.

Hindi ko namalayan na sobrang lapit na niya sa akin. Inilapit niya ang kanyang labi sa tapat ng tenga ko. Gumapang sa akin ang nakakakilabot na kuryente. 

Bumulong siya.           "Masyado nang malalim ang gabi, babes. Pumasok ka na sa loob at magpahinga."

Napasinghap ako.

Lumayo naman siya agad at tumayo ng deretso sa harap ko, ipinamulsa niya ang dalawang kamay.     "I am staying at the Dreamscape Villa house. Pwede mo akong puntahan doon. Isama mo na rin si Thea."        He grin at me then winked.

Wala naman akong nasabi. Natutulalang sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaalis.

*****

Hindi ako nakatulog nang maayos ng gabing iyon kaya pagdating ko sa store ay medyo antok ako. Tamad na tamad din ako na kumilos.

"Yung bisita mo kahapon...."        Wika ni Nanay.  Nasa store kami pareho.     "Siya yung Dadi na tinatawag ni Thea." 

Mahina akong tumango. Wala namang saysay kung itatanggi ko yun eh narinig na naman niya kahapon.

"Sa totoo lang, ayokong sabihin ito pero malaki ang pagkakahawig nila ng apo ko."         Natigilan ako at napatingin kay Nanay.       "Siya ba ang Ama ni Thea?" 

Hindi ako nakaimik. Napaawang lang ang labi ko sa gulat pero hindi ko matagpuan ang boses para magsalita.

Ang hirap hirap naman nitong takasan. Kahit anong iwas ko, o anong layo ng itakbo ko, nahahalata pa rin ng marami kahit sa tingin lang. Nakakainis.

"Naintindihan ko kung hindi ka makasagot, Milca." 

Bumuntung hininga ako ng malalim.  Kailangan kong mag isip.     "Nay.... Bibili lang ako ng meryenda sa labas."      sabi ko. Agad akong kumilos palabas ng store.

Mabagal ang hakbang ko habang papunta sa pagbibilihan ko  ng makakain. Tulala.

Talaga bang dadalhin ni Henry sa korte ang tungkol kay Thea? Anong gagawin ko?

Siguradong wala akong laban sa pera niya at koneksyon? Kaya kong lumaban pero hanggang kailan? Matagal na proseso ang korte. Pero kung pagagalawin ni Henry ang pera, kaya niya itong pabilisin nang ayon sa gusto niya. Ano naman ang laban ko sa makapangyarihan nilang pamilya?

Haist!!

Pero hindi!!   Hindi dapat ako sumuko eh. Magagawan ko yun ng paraan. Kung kailangan ko na magtrabaho ng over time, i will. Basta, hindi makukuha ni Henry sa akin ang anak ko! Hindi ako papayag!

Pagbalik ko sa store ay naabutan ko si Nanay na may kausap na lalakeng naka-black suit. Nagtataka akong lumapit sa kanila.

"Nay?"     Tinabihan ko si Nanay at nagtatanong ang tinging ibinigay ko sa kanya.

"Ahm..."     Si Nanay.      "Milca, si Attorney Salvador. May nilalakad siyang papel para sa lupa natin. Attorney, ito pala ang anak kong bunso, si Michaella."  

"Good day Miss Miranda."     Nakpagshake hands sa akim yung attorney.

Mukhang bata pa itong attorney, siguro, kaaing edaran ko lang. At meron siyang soft aura. Parang mabait.

Pilit akong ngumiti.

May hindi nga lang ako magandang pakiramdam sa bagay na ito.

"Anong papel ang inaayos  niyo Nay?"      Mabilis kong sinulyapan si Thea na nasa usual spot nito kung saan naglalaro. Naroon pa rin naman ang anak ko.

"Tungkol sa bahay at lupa natin."      Sagot  ni Nanay.

"Oh? Anong tungkol dun?"      Mataman kong tinignan yung attorney.

"May nakuha na po ako na prospect buyer ng lupa ninyo Miss Miranda. Willing po sila na bayaran ang utang ng bahay as long as maaayos po ang mga papel ng mabilis."      Wika nang attorney.

Nabigla ako.      "Buyer?! Hindi naman naka-sale ang bahay namin ah!" 

"Milca?"         masuyo akong hinawakan ni Nanay sa siko.   

"Nay, hindi!"     Iling ko.

"Pasensya na attorney. Hindi pa kasi namin ito napag uusapan ng anak ko."      Baling ni Nanay dun sa attorney.

"Okay lang po. Naintindihan ko. Kung ganun ay aalis na ako."       Ngumiti pa itong attorney at inayos ang kanyang gamit.      "Babalik na lang po ako sa ibang araw."

Sinundan ko siya ng tingin at ng umakma na itong aalis ay hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Hindi for sale ang bahay at lupa namin attorney."     Natitigilang nilingon ako nung attorney.       "Kahit wag na po kayong bumalik."   

"Milca?!"       Saway sa akin ni Nanay pero hindi ko ito pinansin.

Saglit akong tinitigan nung attorney then tumango siya at umalis.

"Milca hindi mo dapat sinabi iyon. Kawalang galang yang ginawa mo." 

"Sinabi ko lang ang totoo Nay."        Tinignan ko ng serysoso si Nanay.       "Sabi ko po gagawa tayo ng paraan di ba? Bakit niyo siya pinapunta dito? Nay, yung bahay at lupa na lang ang meron tayo. Hindi niyo dapat isinusuko iyon."  

"Alam ko yan Milca. Hindi ko pa naman talaga ibenebenta yun. Kinausap ko lang si attorney at pinakinggan ang deal na sinasabi niya."   

Napakunot noo ako.

Huminga siya ng malalim.      "Maganda ang offer nang bibili ng lupa natin. Hindi yun mawawala sa atin. Wag kang mag alala."      Mahinang tinapik ako sa balikat ni Nanay at ngumiti.

"Anong ibig niyong sabihin?"

"Ipinapaliwanag sa akin ni Attorney na balak bayaran ng buyer yung utang natin sa banko pero hindi naman niya tayo paalisin sa bahay. Hahayaan pa nga niya tayo na bayaran siya ng hulugan kung gusto nating maibalik sa atin ang lupa. Magandang deal yun hindi ba?"        Masayang wika ni Nanay.

Lalong lumalim ang kunot noo ko.      "Ganun? Ba--bakit naman siya papayag ng ganun? Kilala niyo po ba yung bibili?"

"Hindi ba't ikaw ang mas nakakakilala sa kanya?"      Nakangiting ani Nanay.

"Ako po?"  

"Oo."    Tango niya.       "Yung kaibigan mong galing Maynila yung bibili. Si Henry." 

Napaawang ang labi ko sa gulat.

What??! What the hell???!!!!

*****

Updated:  October 14, 2016

**Please vote / comment / share. Please. Please. Please. Kahit vote lang. Huhuhuhu........ Nakikiusap na ko sa inyo. Salamat. Godbless.

Mwuah!!!

Follow me @ Twitter - MalditangUlanWP

Or @ Instagram - akoymalditangulan

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 98.5K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
25.3M 905K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
475K 23K 59
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
6.6M 134K 51
The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her...