My Serendipity

Galing kay SakiHeart

149 0 0

Look for something, find something else, and realize that what you've found is more suited to your needs than... Higit pa

Chapter 1: Where it began
Chapter 2: Second Semester
Chapter 4: Dumbfounded
Chapter 5: Dazed and confused
Chapter 6: Then I realized

Chapter 3: I didn't see that coming

28 0 0
Galing kay SakiHeart

*Beep beep* (beeping text) -- 1 message from Jake.

Jake R: *Bhabie ko .. pasok ka maaga ah :) See you later ..*

ME: Okay po .. I'm almost ready. See you mamaya :)

Same routine as always. The first thing I read every morning is a text from Jake. Sa sobrang sipag nya magtext sakin nasanay nako tumingin parati sa cellphone at magabang ng text nya. Di mapagkakailang may sense of sweetness din pala talaga sya and not just another bully.

Pagdating namin ni Chezka sa school, nadatnan namin nagaantay sa gate sila Jake. Sinalubong nya kami kasama sila Aaron na tila buntot na nya parati kahit san sya pumunta. "Gusto mo?" alok sakin ni Jem sa hawak nyang Frech fries

"Ang aga naman nyan?." sagot ko.

"Inalok na nga dami pang reklamo HAHAHA" pangaasar na sagot ni Jem na panay padin ang pagkain sa kanyang Fries.

Pagkatapos ng first subject, agad na kaming pumunta sa tambayan naming Kubo. Maya maya pa'y dumating na din ang iba pa naming kaklase. Buti nalang nauna kami kung hindi makikipagagawan nanaman sila sa pwestong to. Madalas kasi kaming magagawan sa Kubo dahil presko talaga sa pwestong iyon. Buntot buntot nila Emy ang mga B-girls (baby girls) pagdating. Sa klase kasi namin, nabuo ang ilang grupo depende sa hilig o kaya'y pagkakatulad sa mga ibang bagay. Grupo ni Emy, yung mga Dota boys and yung B-girls. Madalas naman kaming sumama sa kahit anung grupo pero mas madalas lang na kasama ko ang Dota boys dahil kela Jake at Aaron.

"Aaron! Kamusta na si Ryan?" tanong ni Joy. Isa sya sa mga tropang B-girls. Makulit at masayahing tao si Joy na madalas nakikipagkulitan kay Kuya Ryan. Sa pagkakatanda ko, mas close sya rito kaya di namang imposibleng magtanong sya kay Aaron. Magbarkada din kasi noon si Aaron at Kuya Ryan kaya't madalas si Aaron ang tanungan. 

"Ayun okay naman daw.. dadalaw ata sya dito kung hindi this week baka next week." sagot ni Aaron.

"Ahh talaga ba? .. nakakatuwa naman" sabi ni Joy na nasiyahan sa balita.

"Bakit ba panay ang tanong mo tungkol kay Ryan? nakakahalata na ako ahh.." muling sagot ni Aaron na para bang gustong tumawa sa naging reaksyon ni Joy.

"Wala lang .. masama bang matuwa?" depensa ni Joy.

"May gusto ka lang kasi kay Ryan kaya ka ganyan. Ayaw mo pa kasi umamin nung tinanong ka dati ngayong wala na hinahanap mo naman" Pangaasar ni Aaron kay Joy na panay ang pagtatakip ng mukhang namutla ng dahil sa narinig at di na nagawang sumagot pa.

Nakakatuwa silang panuorin. Alam naman kasi namin na may gusto talaga si Joy kay Kuya Ryan dati pa. Nagpatuly ang kullitan namin. Di man talaga ako nakikisali sa usapan nila pero nakakatuwa parin pakinggan ang mga usapan at asaran. Maya pa'y napansin kong medyo naging iritable si Jake at di mapakali. Nakakapagtaka naman na sa tuwing mapaguusapan namin si Kuya Ryan eh tumatahimik nalang sya parati. 

"Jake? okay ka lang ba?" 

"Okay lang ako" nakangiting sagot ni Jake. All of a sudden bigla nalang din nagyaya si Jake na umalis na dun at mag-Dota. Dahil dun, pinili ko nalang na di na magtanong. Matapos ang maghapon, naglakad na kami ni Chezka at Jake pauwi. 

"Kate, nagtext nga pala sakin si Aaron kanina.. hinihingi number mo binigay ko nalang din". Biglang sabi ni Chezka habang tahimik kaming naglalakad. Di na kasi kami halos nagkibuan ni Jake matapos ng usapan kanina. Pakiramdam ko tuloy may nasabi akong di maganda pero ayaw naman nyang sabihin din sakin. Nung nakarating na kami sa bahay, nagpaalam na din si Jake at Chezka.

Naghahanda nakong matulog ng bigla kong madinig ang tunong sa cellphone ko. Pagcheck ko, nakita kung nagtext na sa wakas si Jake. Siguro okay na pakiramdam nya baka pwede na namin pagusapan. Pagbukas ko ng text message:

Jake R: Bhabie ko sorry kanina. Masama lang siguro talaga pakiramdam ko. 

Agad akong sumagot sa text nya:

ME: OK po.. kita nalang tayo bukas pagusapan natin? Sure kabang okay kana talaga?

Jake R: Yes okay lang ako. May gusto sana akong itanong sayo eh.

ME: Huh? anu naman yun?

Jake R: Uhm .. naging close ba kayo ni Ryan kahit dati?

ME: hmm medyo siguro pero not that close I think kasi di naman kami madalas magusap dati.

Napansin kong mabilas magreply sa mga text si Jake. Kaso bakit nya bigla natanong kaya yun? patuloy lang ang naging usapan namingg dalawa na para bang may gusto syang malaman pero di ko magets kung anu.

Jake R: Ahh ganun ba.. May nakukwento ba si Aaron sayo?

ME: Wala naman po bakit?

Jake R: Ahh wala naman kalimutan mo na yun. Sige pahinga kana see you tomorrow.. :)

ME: Okay po .. good night.. See you .. :)

Matapos ng palitan namin ng text ni Jake, di rin nagtagal at naramdaman kong dinadalaw nadin ako ng antok. Bakit nya kaya natanong yun? anu ba meron at parang may di siya sinasabi sakin. Nagmumuni-muni na lamang ako habang unti-unti kong naramdaman ang pagbigat ng mata ko and finally I was drifting away to slumberland.

Lumipas pa ang ilang araw at tila nagiging mainitin ang ulo ni Jake sa halos lahat ng bagay. Napapadalas yung away naming dalawa na minsan nagsisimula sa malilit na bagay lang. Nung nakaraang araw lang napansin ko din na panay ang pag-iba ng topic nya sa tuwing mababanggit namin si Ryan. 

"Oh nagaaway nanaman kayong dalawa" pangaasar na tanong ni Aaron sakin habang tinatawanan nya yung pagsisimangot ko mula sa pagkakainisan namin ni Jake. Pagdating sa ganito di talaga ako marunong magtago.

"Eh paano ba naman kasi .. konting kibo konting bagay lagi nalang magagalit agad. Tapos mabanggit lang si Ryan ganun na.."

"HAHAHAHAHAHAHA baka nagseselos?" biglang banat ni Aaron. Seryoso ba yun bakit naman nya pagseselosan yung taong wala naman ginawa sa kanya.

"Oh eto pantanggal inis .." inabot sakin ni Jake yung Choco Shake na paborito ko. Sa tuwing magaaway kami, eto yung naging symbol of sorry nya para mawala na yung pagkakainisan naming dalawa. "Thank you.." kinuha ko yung shake at ngumiti nalang pabalik para makita nyang okay na din ako. 

Habang nagaantay kami sa oras ng paguwi, tumambay na muna kami sa computer shop kung san madalas mag-Dota sila Aaron. Hawak ko padin yung shake na bigay ni Jake. Naguusap silang dalawa ni Aaron habang busy naman kami ni Chezka sa pagpapractice nung kanta na gagamitin namin sa banda.

"Sabihin sakin .. lahat nag lihim mo .. iingatan koohh" .. kinakanta ko ang isang part sa kantang  Akap by Imago nang bigla ko madinig usapan ni Aaron at Jake. Mukhang seryoso nanaman sila pero panay ang tawa ni Aaron.

"Teka nga.. bakit ka nga ba kasi laging nagagalit?" tanong ko kay Jake upang makasali sa usapan nila.

"Wala naman .. nakakainis lang minsan". sagot nya sakin.

Anung sagot yung wala lang.."Huh? anu kaya yun?" sagot ko naman kay Jake. Juice colored eto nanaman sya.. Pinipilit kong basahin ang reaksyoon sa mukha ni Jake na tila iritable na sa topic namin. Di nagtagal ay muling sumagot si Aaron.

"Eh kasi ang totoo.. nagseselos nga yan.." sabi ni Aaron.

"Anu pinagseselosan mo? I don't see any reason for you to feel that way.."

"Nagseselos nga yan kay Ryan.." muling banat ni Aaron. Maya't maya pa'y sumesenyas na si Jake kay Aaron upang di na ituloy yung pangaasar sa kanya.

"Totoo ba? anu ba meron kay Kuya Ryan at nagkakaganyan ka?" makulit na akong nagtanong kasi I thought now is the best time to know. Naisip ko lang na may matinding dahilan sa kinikilos nya netong mga nakaraang araw.

"Sure na palang dadalaw dito si Kuya Ryan next week" biglang singit ni Chezka.

"Oh eh di labanan na naman kayo sa Dota?" simpleng segway ni Jem from the topic.

"OO .. talo naman sakin yun for sure" bidang sagot ni Jake.

"Pero bakit mo nga pinagseselosan si Kuya Ryan? Friends lang naman kami nun .." sabay balik na tanong sa topic ko kanina. Napatingin si Jake kay Aaron na halatang nagpipigil ng tawa.

"Anu? bakit nga? bakit di moko masagot?" pinipilit kong sumagot si Jake. At the same time medyo naiinis nadin ako dahil wala padin akong makuhang sagot.

"May gusto kasi sya sayo.." sumagot si Aaron na pigil na pigil padin sa pagtawa. Di ko masyadong na-gets yung sinabi nya kaya pinaulit ko pa. "Anu ulit".. sabi ko. Biglang nawala yung tawa sa mukha ni Aaron. Parang narealize ata nyang may nasabi syang di dapat.

"Anu yun Aaron.." muli kong tanong.

"Wala ... nagbibiro lang si Aaron" depensa naman ni Jake sa kanya. Tila natahimik din sila Chezka at Jem sa narinig nila. Nakaramdam ako ng pagkairita dahil wala na din nagsasalita. Anu ba kasi meron sa mga to.. pagtatakang tanong sa utak ko.

"Anu nga kasi yun Aaron?" ... marahil din siguro sa kakapilit ko eh naconvince ko ulit magsalita si Aaron.

"Grabe to makatitig nakakatakot hahahha .." sagot ni Aaron.

"Anu ba? anu nga yun???" I swear konti nalang magagalit nako.

"Eh kasi nga.. nagkakaganyan si Jake dahil may gusto si Ryan sayo .." finally sinagot ni Aaron yung tanong. Nagulat ako sa nadinig ko. For a second there.. I wasn't sure how to react. Para akong binuhusan ng malamig na tubig and I stood there frozen. Not long enough, narealize kong nakatitig na silang lahat sa reaksyon ko.

"Totoo ba yan? ..." that was the only question that came out. "Bakit? are you affected by it?" biglang tanong ni Chezka. I was not sure about what to say next kasi para akong nablanko. 

"OO na totoo nga yun haha ..may gusto si Ryan sayo" sabi ni Jake na medyo tumawa. I think he tried to laugh para di na ako magtanong. Kaso, out of curiosity, I had to ask ulit.

"Alam nyu ba lahat to? ako lang ba ang hindi nakakaalam?" walang sumagot sa tanong ko. Tinignan ko silang lahat with a questioning look on my face. Since walang sumagot, I ended up with the conclusion that they all knew that fact except me.

"Bakit walang nagsabi sakin?"

"Ikaw Jake.. ilang beses ako nagtanong pero di mo din sinabi.."

"Chezka? ikaw din?"

"Wala lang yun. di naman importante yun..besides kayo naman na ni Jake diba? Don't tell me affected ka?" sagot sakin ni Chezka.

"Bakit? affected ka nga ba sa kanya?" sabi ni Jake na medjo nakasimangot na. "Ofcourse not .. but I deserved to know at least." sagot ko sa tanong nya. Pinilit ko na ngumiti nalang ulit para di na humaba pa yung usapan but deep inside may confusion pa din. Iniba na ulit ni Aaron yung topic at bumalik nalang sila ulit sa usapang pagdodota. Not long enough ay naguwian nadin kaming lahat.

*******************

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

1.7M 103K 40
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
2.7M 150K 43
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
193K 15.2K 22
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
3.1M 198K 90
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...