Who am i?

By missauthorC

7.5K 870 185

Teumae is a high school girl student suddenly involve in a famous secret identity gangster called "12am". The... More

Chapter 1 "12am"
Chapter 2 "The Guy at 4-C?"
Chapter 4 "Paper Airplane"
Chapter 5 "Guitar"
Chapter 6 "Handkerchief"
Chapter 7 "That...Kiss"
Chapter 8 "12am members"
Chapter 9 "Never let it happen"
Chapter 10 "He is..."
Chapter 11 "Leader"
Chapter 12 "What is it?"
Chapter 13 "Lips"
Chapter 14 "A Girl and A kid"
Chapter 15 "Come on"
Chapter 16 "Two Ideas"
Chapter 17 "I love her"
Chapter 18 "This or that?"
Last chapter "Who I am"

Chapter 3 "Partner"

366 48 6
By missauthorC

Walang kataotao sa paligid. Tanging mga puno, halaman, isang posteng ngsisilbing liwanag at isang bakanteng duyan lamang ang naaaninag ko.

Ilang malalalim na paghinga ang aking  pinakawalan na umugong sa aking pandinig habang nakausuot ng helmet.

"Napamahal ka na ata sa motor ko." Agad akong napatingin sa lalaking bumasag ng katahimikan at gumising sa aking diwa. "Ayaw mo pang bumaba eh," he added.

Dahan-dahan kong sinuri ang aking sarili. Nakaupo pa pala ako sa motor n'ya at hindi pa bumababa. Samantalang, nakatayo na sa malayo 'yung lalaking bigla nalang sumulpot at dinala ako sa nakakatakot na lugar na ito.

Ano bang kailangan nya sa akin?!

Sa sobrang kaba ay halos magmanhid na ang aking buong katawan.

Panong hindi ako matatakot, kung alam ko na yung gwapong lalaki na nasa harapan ko ngayon ay isa sa mga miyembro ng 12 am motor gang – ang gang na kinatatakutan sa bayan namin!

"Hey miss Beautiful, natatakot ka ba sa akin kaya ayaw mo pang bumaba dyan? " He asked.

Hindi ako makai-mik dahil totoo ang hula n'ya.

"Wag kang matakot . Wala akong gagawin sayo. Isa pa, hindi ako nananakit ng babae. Ililigtas ba kita kagabi kung may masamang balak 'kami' sayo?"

May punto sya! Kung ganun, ano ang dahilan kung bakit dinala nya pa ako rito?

"Miss beautiful, dinala kita dito para makausap tungkol sa isang bagay na super duper secret. Kaya kung gusto mo na mapadali tayo, bumaba ka na dyan. And please, please, please! Magsalita ka naman! Mukha na kong tanga rito na salita ng salita mag-isa," pakiusap niya.

I slowly went down, kahit medyo natatakot parin sa pwedeng mangyari.

"A-Ano po bang gusto nyong ipakipag-usap Mr? 12am?" Nauutal kong tanong.

"Pfft, hahaha!" Ngunit tumawa lang sya. "Hindi pa ako matanda para tawaging mong 'Mr.' And correction, hindi '12am' ang pangalan ko. Yun ang pangalan ng gang namin as a group. My name is…" napahinto siya sabay dinuro-duro ako. "The hell. Can you please remove your helmet?"

Helmet?

Ay! Nga pala! Hindi ko pa natatanggal!

Sinubukan kong tanggaling yung helmet sa ulo ko. Kaso sa sobrang taranta, hindi ko maiangat ng maayos.

"Ako na nga!" Narinig kong sigaw ng gwapong gangster.  He leaned closer to me. Hinawakan n'ya ang magkabilang panig ng helmet at itinaas ito. Everything was a slow-mo. Ang unang nagliwanag sa aking  paningin ay ang gwapo niyang mukha na limang inches lang ang layo.

"Gwapo ko no?" He said with smile.

Natauhan ako sa mayabang but true adjective na sinabi nya. Kaya naman, agad akong humakbang patalikod para makalayo dito. Pero aksidente kong  nabangga ang motor niya at ngayon ay... MALAPIT NANG MABAGSAK ANG MOTOR!

Napapikit nalang ako at naghintay na makarinig ng tunog na pagbagsak. Ngunit, imbes na bagsak ng motor ang narinig ko ay sigaw ni gwapong gangster ang umalingawngaw. "You!"

May kakaibang init akong naramdaman. Idinilat ko ang mga mata ko para malaman ang mga nangyari sa saglit na sandaling ito. Young 5 inches na pagitan namin ay napalitan ng 1 inch.

Inis-can ko yung posisyon namin. Napagtanto ko na nung malalaglag na yung motor niya ay dali dali nya itong inalalayan. Kaya naman, halos mapayakap sya sa akin kasi nakaharang ako sa motor.

"Muntik mo nang mapatay ang Baby ko", sabi nya habang nanlilisik ang mata.

Napalunok ako, hindi dahil sa masyadong malapit ang posisyon namin. Kundi, sa takot na baka magalit sya sa muntikan kong pagpatay sa kanyang bebe ika-nga.

"H-Hindi ko sinasadya n-na n-nabunggo ko y-yung m-motor mo. P-Pasensy-" bulol kong paghingi ng tawad.

But he cut my words. "Ako si Ayl, ang gwapo, mukhang chickboy but no girlfriend since birth na 2nd leader ng 12am motor gang. Nice meeting me, right? Teu-Mae?"

A-Alam n'ya yung pangalan ko?!

Inayos n'ya yung motor at lumayo na sa akin. Habang ako, tulala parin dahil sa gulat na marinig ko ang pangalan ko mula sa kanya.

Ibig bang sabihin, binack-ground check na nila ako?

"P-Paano mo... Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Di ko makapaniwalang tanong.

"Syempre naman! Matapos kang iligtas ng gang namin kahapon, magtataka ka pa ba kung pano ko nalaman ang pangalan mo? " natatawa nyang paliwanag.

So malamang na kilala na pala ng 12am ay identity ko. Ibig bang sabihin nito, I'M NOT SAFE ANYMORE!?

"First of all, humihingi ako ng tawad sa ginagawa kong pagpapaswit ko sayo kapag napapadaan ka sa room namin, tulad nung kaninang umaga. So-rry. Nag-aappreciate lang naman ako ng art of beauty. Hindi ko na gagawin yun, promise."

Tama ako, sya nga yung pumapaswit sakin pag napadaan ako sa room 4-C.

"2nd and the last, gusto kong isikreto mo sa iba ang nangyari kahapon. Yun lang, the end."

Ha?

Yun lang?!

"Kaya mo lang ako dinala dito ay para sabihin yan?!" Naiirita kong reklamo sa kanya.

"Oo," maikli nyang sagot.

"Huh," napabuntong hininga ako."Eh kung yun lang pala, bakit dinala mo pa ako sa nakakatakot na lugar na to at pinakaba ng todo, kung pwede mo namang sabihin sa ibang lugar na may ibang tao?!" galit kong sigaw.

Natulala sya sa gulat dahil sa sigaw ko. Pero the truth is, napatulala at napatakip ako ng bibig sa ginawang pagsigaw sa kanya!

Baliw ka na ba Teumae?!

"Oo nga no. Pwede ko naman sanang gawin yun hehe, " pabiro nyang sagot.

Pinaglololoko ba ko nito? Natural pa naman sakin na kapag pinagtripan ako, mabilis tumaas ang dugo ko.

"Hoy! Mr. Ayl ng 12 am! Alam kong utang na loob ko sa inyo ang buhay ko. Pero…"

"Kasabwat ka na ng 12am. Kasabwat ka na namin,"sabi nya na biglang nagseryoso.

12am? Kasabwat? Ako?

"Kaya pribado kitang kinausap ay dahil kasabwat ka na namin. Bakit? Dahil kahit na isekreto mo sa iba ,ang mga nalaman at nasaksihan mo,ay hinding hindi mo na makakalimutan. Secret identity ang tatak ng bawat miyembro namin. Pero dahil nahuli mo na ako, ibig sabihin, kasabwat na kita. PARTNER."

Partner?

Ang ibig n'ya bang sabihin, magiging 12 am na rin ako?

Ha?!

To be continued…

Continue Reading

You'll Also Like

Riptide By V

Teen Fiction

320K 8.2K 116
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
1K 180 16
All Rory wanted was to be free from her past. And maybe running away to a far and quiet city would finally be her new beginning. But little did she k...
67.9K 2.7K 37
*This is the continuation of The Album (iKON - BLACKPINK FanFiction)* Lisa Manoban, the positive brainy babe, is now on her 2nd year in college. Her...
302K 10.5K 55
The Queen is dead and her best friend is angry. Elowen Redfort, Queen Aemma's Lady-in-waiting and closest confidant is in the room when the que...