Cupid's Arrow (BROMANCE STORY)

By diasanordinariboy

10.5K 492 131

Sinadya ng mapaglarong si Kupido na panain ang puso ng gwapong si Kenjie para mainlove ito sa sikat na artist... More

Cupid's Arrow
CHAPTER 3: Magic Kiss
CHAPTER 4: The effect of KISS
CHAPTER 5: Girl BestFriends
CHAPTER 6: Ang Muling Pagkikita
CHAPTER 7: Fix Marriage?
CHAPTER 8: The Spoiled Girl
CHAPTER 9: Pasimpleng Yakap
CHAPTER 10: Confession
CHAPTER 11: Showbiz Life
CHAPTER 12: Viral Video
CHAPTER 13: Selos Pa More
CHAPTER 14: Cool Boys Know How To Skate
SPECIAL MENTION
CHAPTER 15: Couple Ring?!
CHAPTER 16: The Dream

CHAPTER 2: Split World

889 38 7
By diasanordinariboy

Kenjie's POV

"KUYAAA! 10 O'CLOCK NA!" Humahangos na sigaw ni Cytel. Nakaupo lang ako dito sa sala habang kanina pa nanunuod ng basketball.

"Bakit, anong meron?"

Bigla niyang hinablot ang remote na parang nagmamadali. Tumayo naman ako at itinaas ito para hindi niya maabot. "Nanunuod ako 'Cy! Ano ba 'yon?"

"Ih! Kuya, akin na 'yan!" Pinipilit niya talagang abutin sa'kin ang hawak kong remote pero dahil sa mas malaki ako hindi niya ito makuha kuha sa akin.

"Bakit nga muna? 'Di ko 'to bibigay hangga't 'di mo sinasabi," tawa tawang sabi ko.

"Almost A Prince Love Story na kuya..."

Napakunot ang noo ko. "Ano naman 'yun, ha? Teleserye?" Patawa kong sabi.

"Oo, kuya! Bagong teleserye ni Phillip... 'Di na nga ako nakapanuod kahapon, eh! Akina na kasi 'yang remote!"

"Sino naman 'yong Phillip na 'yon, ha? Crush mo no? Yee..."

Napansin kong namula siya bigla at inakyat talaga ako para makuha niya 'yong remote.

"Dali na kuya, kainis ka naman eh..."

Napabuntong hininga ako. Dahil sa mabait naman akong kuya ay ibinigay ko na ito at hinayaan na lang siyang manuod.

"'Yan na nga o, mabait naman ako eh..."

"Salamat kuya... The best ka talaga!" Pinisil pa niya ang pisngi ko at nilipat na ang channel ng TV.

"My god umpisa na nga... Phillip..." Parang wala sa sariling sabi nitong si CyCy. Napabuntong hininga ako. Malaki na talaga siya at ang dami dami pang crush.

Parang kelan lang napakauhugin pa nitong kapatid ko at palagi ng madungis pero ngayon ang laki na niya, Grade 8 na nga ito ngayong pasukan eh. Samantalang ako 4th year na sa darating na June.

Ang tita lang namin ang kasama namin dito sa bahay, si tita Ibeth. Paminsan-minsan dumidito din ang asawa niyang sea man- tito po namin, pero minsan na minsan lang naman 'yon umuwi kaya kami lang ang kasa-kasama halos nitong si tita Ibeth sa buhay, hindi din kasi sila magka-anak. Mabait naman si tita Ibeth, magmula ng mamatay si Mama ay siya na ang kumupkop sa amin ni Cytel. Inalagaan niya kami at tinuring na parang tunay na anak. Lahat ng pangangailangan namin ay naibibigay naman niya, minsan sobra pa nga, eh.

Namatay si Mama dalawang taon pa lang ang nakakalipas. Nagkaroon kasi siya ng Cancer sa atay na siyang ikinamatay niya. Pagkamatay na pagkamatay ni Mama ay iniwan naman kami ng magaling na si Papa at nag-asawa agad agad ng iba, palibhasa may itsura kaya siya pa halos ang niligawan ng babae.

Mabuti na lang talaga at mabait si tita Ibeth, kahit papaano eh, may kumupkop sa amin.

"Kuya, si Phillip!! Kuya nakikita mo? Siya 'yan! Gwapo 'no? Parang anghel... Woah..." Biglang sigaw ni Cytel at pinagyuyugyugan pa ang balikat ko ng lumabas ang maputing lalaki sa screen, nakasuot siya ng pang-prinsipe na suit at nanapapalibutan siya ng apat na puting kabayo. Nakatutok ang hawak niyang espada sa mala-halimaw na lalaki na nakasakay sa kabayo at nasa likod naman nito ang babaeng naka-gown na blue habang may piring sa mata. Halata mong ang ganda ng babae at ang tinitilian naman nitong si Cytel na lalaki eh, parang nagliliwanag sa sobrang puti at oo, gwapogi naman talaga 'tong lalaki.

Cupid's POV

Marunong um-appreciate ng pogi itong si Kenjie, ha? Nababasa ko ang kaniyang nasa isip. Pero kahit maging mala-Diyos pa ang itsura nitong si Phillip sa kagwapuhan, eh asa pa ba akong tatablan ang puso nitong nilalang na ito na ubod din ng gwapo sa isa ding... Gwapo? Ha! Malamang ay hindi! Liban na lang kung gamitin ko ang pana 'ko at pagpusuin ang kaniyang mata at pabaliwin sa taglay na kagwapuhan ng pekeng artista na si Phillip.

Maaari 'kong gawin 'yun, pero hindi ba't manhid ang puso ng nilalang na ito at tila hindi nakakaramdam ng biglaang pagibig? Ilang beses ko na itong napatunayan. Haaay... Saka na lamang ang bagay na ito, kapag- kapag napagkita ko na sila.

At ang magiging tulay sa pagkikita ng dalawang gwapong nilalang na ito ay ang babaeng kapatid nitong si Kenjie na isa rin sa biktima ng aking mahiwagang pana. Hihihihi!

Kenjie's POV

"Binabalaan kita, Marino! Nais kong pakawalan mo ang aking prinsesa ng hindi gumagamit ng dahas 'yan ay kung gusto mo pang mabuhay sa mundong ito!"

Kagat-kagat ni Cytel ang unan na halatang nagpipigil ng kilig habang binabanggit nitong Phillip daw ang line niya.

Ang amo ng boses niya ah...

Phillip's POV

What will i expect in a uncommon life like what actor like me have now? Naglalakihang cameras ang tanaw palaging may inilalagay sa mukha at katawan mong kung anu-anong abubot, na katawa-tawa talaga kung minsan lalo na't semi fantasy ang new series ko. Palaging nasa set, binibihisan, minemakeup-an, tatapatan ng camera at ia-acting ang kinabisang script at uulitin ulit ang pagbibihis, what else? A cycle. What a productive life! Nakakapagod umarte. Nakakasawa na!

Katulad ngayon, bibihisan ako at pagmumukhaing parang street children.

"Ako pala ang mag-aayos sa napakagwapong si Phillip, ha?" Pagpaparinig ng baklang make up artist. It's Dante, his name.

Nakatiger-look lang ako at nakatingin sa kawalan.

"Oh, badtrip yata ang gwapong prinsipe?"

Tiningnan ko siya ng masama. "What a talkative gay."

Itinaas niya ang kamay niya and acted that he's arrested. "Oh, chill Phill! Mataas naman rating ha, pero bakit parang badtrip? And remind ko lang... Airing ngayon ang Almost a prince Love Story pero Bakit 'di nanunuod Phill? You know, Mataas palagi ang rating and..." Siningkitan niya ako ng mata. "Trending always worldwide ang show 4th Spot at Phill, trending ka Nationwide!"

Sumabat naman ang umiinom ng juice na si Mom. "Seriously. Dante? Teka, what's new on that? Palagi namang trending ang anak ko, right? Sa gwapo ba naman nito! At malamang, ang fan girls niya ang nagpapatrend sa kaniya araw-araw!" Tiningnan niya ako at pasimple sanang bubulong pero inunahan ko na siya.

"Alam ko na Mom kung ano ang sasabihin niyo eh, you will remind me that i badly need to taking care at my career, it's it, right?"

Sumipsip ulit siya ng juice. "Y-yeah! Hats off in you, dear!"

"Unli, mom!"

Napa-face palm na lang ako. She's obsess about my career. Gusto niya ako lang ang sikat, ako lang ako lang ako lang. She's an actress, siya ang pinakasikat na aktress nung panahon niya. At nasa tiyan pa lang niya ako, artista na ako- palagi niyang sinasabi na nasa tiyan pa lang daw ako hinihintay na ako ng naglalakihang camera kaya sa mura kong edad, artista na ako. And now i'm already 16, senior highschool na ako sa pasukan. My dad, ok, my dad is not an actor but he's a licensed Doctor.

"Hi, Phillip! Tawag ka nga pala ni Direk!" It's Amanda, my leading lady dito sa soap.

Pinandilatan ako ni Mom, she wants me to entertain this girl dahil sa bukod sa napakaganda ni Amanda ay sobrang yaman pa nito. Her family is so close to us, especially my mom that  loves her best friend so much which is mom ni Amanda.

"Phill... Amanda... Enjoy yourself sa scene mamaya, ha? ENTERTAIN your Director! Make them enough."

Pinagdiinan pa niya sa "Entertain"!

Bagsak ang balikat na sumunod ako kay Amanda.

"Hello, Phill... Trending ka ulit, huh?" Nakangiting sabi niya habang naglalakad kami papunta kay Direk.

"Yeah. Dante told me."

"Ang galing mo kasi umarte at... Sobrang gwapo at charm mo! Dalang dala mo 'yong show!"

"Ahh." Sagot ko na lang. Tinatamad talaga ako kausap 'to, ewan ko ba. Dahil siguro sa ganda niyang nakakasawa.

"Ahh? Tsk! What do you mean by that?"

"I didn't mean anything."

"Parang wala kang gana palagi! Ano bang mali sa'kin, ha? Bakit 'di mo ko pinapansin, panget ba ako para sa'yo? Tsk! alam mo para kang tanga na palagi akong balewalain, alam mo ba na ang dami daming--"

"Sorry Amanda. Please try to understand me."

Itinirik pa niya ang mga mata niya. "Palibhasa sobrang sikat mo! Million fans eh... Kaya nabubulag ka na! And now, you can't see how pretty i am!  Geez!"

Tiningnan ko siya ng masama. "You please Amanda! Tsk!" At inunahan ko na siyang maglakad.

Cupid's POV

Nararamdaman ko ang pagkasawa niya sa trabaho niya, ha? pagibig ang sagot para sa isang makulay na mundo...

Ayaw mo sa magaganda? Ipapaubaya kita Phillip sa kapwa mo gwapo... Hihihi! Lipaaaad!"


*Kinabukasan*

Kenjie's POV

"Catch me guys at SM Sta. Mesa, this saturday 4PM! I'm with the cast of 'Almost a Prince Love Story' i will wait you guys there! Love lots!"

Naririnig ko ang lakas ng TV habang nandidito ako ngayon sa kusina, naguurong. Pagkatapos na pagkatapos ng narinig kong boses ay ang pagsigaw naman ni Cytel ang umalingawngaw.

"NAKAKAINIS! NAKAKAINIS! NAKAKAINIS NAMAN TALAGA!"

Nagpunas ako ng kamay at sinilip siya. "Cy, Bakit?"

"Kuya... Si Phillip, yung poging artista? nandun siya mamaya sa SM, kuya..."

"Oh, talaga? Tapos?"

"Ang sakit ng paa ko, kuya... Ngayon pa..."

Kinunutan ko siya ng noo. Parang nagpapuppy eyes kasi siya eh, kilala ko na 'tong kapatid ko. "Oh, ano gagawin ko ha?"

"Ano lang, punta ka dun mamaya kuya sa SM, papirmahan mo 'yong picture niya na meron ako... Please please please. Malapit lang naman, eh. Please... Kuya..." Pamimilit niya.

Te-teka, ako?? Huhu! Makatanggi naman kaya ako dito?


To be continued.....

Continue Reading

You'll Also Like

125K 20.6K 64
English name Even the lame got tricked by me into standing up ကုမိသားစု၏ တတိယ‌ေမြာက်သခင်လေး ကုယဲ့သည် ထုံထုံအအ၊ စကားကလည်းထစ်၊ ဆယ်ကြိမ်တိုင်တိုင် အဖြ...
714K 58.2K 49
DaddyZ စာနှစ်ကြောင်း ပေါက်ကရ ဝတ္ထုတိုများ စုစည်းမှု
599K 52.2K 200
ရွမ်ကျူးကျူးတ‌ယောက် အရင်ဘ၀က အမျိုးသမီးဇာတ်လိုက်မရရှိခဲ့တဲ့ ငယ်ချစ်ဦးဆိုတဲ့ rebirth novel ထဲကို ကူးပြောင်းရောက်ရှိလာခဲ့တယ်။ ဇာတ်ကြောင်းမှာ ငယ်ချစ်ဦးဖြ...