CHAPTER 5: Girl BestFriends

572 26 3
                                    

Phillip's POV

"Is that your dad and mom, Phill?"

Napatingin ako sa tinitingnan ni Samantha. Samantha is a new comer actress. She's my best friend here in soap. And i should say- almost a true friend in real life. Nakagaanan ko na ng loob ang taong 'to dahil sa pagiging sobrang simple niya.

Agad naman akong tumayo mula sa kinauupuan ko at kinakabahan na lumapit kina mom and dad.

"Dad? Anong ginagawa mo dito?"

Bungad ko. Minsan na minsan lang kasi ako dalawin nitong si Dad sa set kaya talagang nagulat ako.

Nagkatinginan sila ni Mom at may inilabas na diyaryo. Kinuha ko iyon at binasa.

"Damn, Phill! Bakit hindi mo sinabing may gan'yang nangyari? The hell!" Galit na galit na sabi ni mom.

Nabasa ko sa diyaryo na nasa star news ako with caption na: "Phillip Viniel Alonte kissed by a girl on his mall show."

Napalunok ako. Lumabas pala ang balitang 'to? Tsaka? a Girl? That person is not a girl!

Pero napaisip ako. Kung eto ang lumabas sa public, ade mas maganda, less issue. And as i know, kung malalaman ni mom na lalaki ang totoong humalik sa akin sa mall show na 'yon, gagawa ng paraan 'tong si Mom to find that person. Dahil masisira't masisira ako sa lahat.

"Kuya, bakit hindi mo nabanggit ang bagay na 'to? Kung hindi pa namin makita sa news paper hindi pa namin malalaman." Kalmadong sabi ni dad. He's the most calm, handsome and supportive dad for me. Hindi siya madalas magsungit kahit na madalas ay stress siya dahil sa trabaho niya bilang doctor. His name is Niňo Ferrer Alonte and he's a licensed doctor.

Sinunod sa pangalan niya ang bunso naming si Onin.

Napabuntong hininga ako at naisip na sakyan na lang ang nakasulat na isang babae ang humalik sa akin. "An obsess fan girl. Last saturday, dun sa SM Sta. Mesa," sabi ko na hindi nakatingin sa mga mata nila.

Nakita ko kung pa'no nagngalit ang mga ngipin ni mom. Mabuti na lang at tinawag na kami ni Direk for the next scene. At least I've been saved by our director and being free from mom's unlimited reminders.

Kenjie's POV

Nakatitig lang ako mula dito sa itaas ng double deck na kama namin kay Cytel na kinakausap yung picture nung Phillip.

Akala niya siguro tulog ako, ha?

"Psst!" Paswit ko sa kaniya sabay talukbong ng kumot at tulug tulugan.

Narinig kong nahinto siya sa pagmomonologue at nagulat ako ng nasa harap ko na siya at nakatakip ng kamay ang bibig na parang gulat na gulat.

"KUYA! NARINIG MO BA PINAGSASABI KO? KANINA KA PA BA GISING?"

Hindi ako sumasagot.

"Alam kong gising ka kuya, nakakahiya tuloy! Kaasar ka!"

Pilit niyang inaalis ang kumot sa katawan ko at maya't maya ay kinakaliti na ako.

"KUYA! 'di kita titigilan, narinig mo nga ako?"

Nakahubad ako kung matulog kaya naman mas matindi ang pagkakakiliti niya sa akin.

"Hahahahaha! Tama na 'Cy," tawang tawa na sabi ko. May kiliti ako sa abs eh! Hihi

"Hindi kita talaga titigilan, narinig mo ko kuya o hinde?"

"Hahahahaha! Narinig- oo, narinig! 'Cy! Tama na sabi eh, Hahahahaha!"

Biglang pasok naman ni tita Ibeth at katulad ng lagi niyang ginagawa, babawalin kami. "Hoy, kayong dalawa diyan, tama ng lambingan at kumain na kayo dun. Aalis na ako, ha?"

Cupid's Arrow (BROMANCE STORY)Where stories live. Discover now