CHAPTER 8: The Spoiled Girl

477 25 3
                                    

Phillip's POV


"Marry? Marry what?!"


Nagkibit-balikat siya at iniiwasang tingnan ako sa mga mata. Binigyan ko siya ng napakatalim na tingin na agad niyang iniwasan.


"You heard it, Phill. You will marry Sofie,"


"WHAT?!"


"Sofia was now here, Phill! Nandito na siya sa Pilipinas at kadadating lang niya kahapon. And what's with that "Marry" thing? God! Ikakasal kayo, yes! Pero hindi pa ngayon, okey? 16 ka pa lang at ilang taon pa ang aantayin natin para mapursue 'yong bagay na 'yon. Ang mangyayari, sisikat si Sofie- dito sa atin bilang sikat na sikat na artista at magiging partner kayo on cam so, paglipas ng ilang buwan, magiging kayo and after many years magiging couple na kayo- then boom! Mapapalitan niyo na ang "Dong-yan" bilang Royal Couple, how exciting is that! 'Di ba?! Really can't wait!"


I CAN'T UNDERSTAND! MOMMY KO BA TALAGA 'TO?! DIKTAHAN BA NAMAN ANG BUHAY KO!?


"Hah! What do you think in my life, Mom? A movie? A series na pwedeng i-manage? Ang scripted naman ng buhay ko, ano?! Lahat na lang ba?!"


"Phill! Para sa'yo 'to, okay? Sofia is really Princess, kung makikita mo lang talaga siya! God! At! Sobrang yaman na nila ngayon! Her mom and dad wants you to be her future, kahit nuon pa, alam mo 'yan! Grab the perfect princess for you, my prince!"


"No way!" Agad akong lumabas ng room ko at padabog na isinara ang pinto.


Pababa na sana ako ng hagdan ng nakita ko ang mga katulong na nagkakatipon-tipon at parang natataranta habang may inaasikaso sa salas.


"Look, Sofie! Ayun na si Phillip!" Nakatingin ang lahat sa akin, maids, girls-who-i-don't-name-the-names, their guards, Onin, at si Ate Shaira na siyang nagturo sa akin.


Sinipat ng mata ko kung nasaan si Sofie dahil hindi makita ng mata ko ang presensiya niya. Nu'n pala ay natatakpan siya ng isang girl na nakatulala sa akin.


I saw her face. Nakakapangtulala dahil sobrang ganda na niya. Naaalala ko noong mga bata pa kami kung saan madalas pa kaming mag "pillow fight" at masasabi kong cute lang siya noon. Pero ngayon, nagniningning na siya sa sobrang ganda. Napakaamo ng mukha niya na parang walang kahit anong kasungitan na taglay.


"Girls," nakangiting sabi niya. Bigla siyang bumusangot at nagtaas ng boses. "Get out of my sight! This is my moment!"


Nagulat ako sa inasal niya. Bigla siyang nagmukhang spoiled.


"LABAS! DALHIN NIYO NA DIN 'TONG MGA GUARD NIYONG MUKHANG MGA ASO!" Itinirik pa niya ang mga mata niya habang naka-cross arms.


Lumabas naman na ang mga babaeng pinalabas netong si Sofie at sumunod na ang guards.


"Keybabagal!" Pagrereklamo niya. "Kayo naman diyang mga katulong kayo, kunin niyo sa car ko 'yong pinamili ko para kay Phill! INGATAN NIYO! MAHAL PA SA MGA BUHAY NIYO 'YON! DALIAN NIYO!"


Agad namang sumunod ang mga katulong namin sa bahay.


Lumapit sa akin si Sofie at naglipbite pa. "Hello, Phill."


Nginitian ko naman siya at pasimple akong tumingin kay Ate Shaira kung ano ang reaksiyon niya at nagulat ako na parang kinikilig pa siya.


"Hello," bigla niya akong niyakap. Nakita ko naman na ngumunguso nguso si Ate Shaira na parang kinikilig kilig pa.


"Napaka-gwapo at sobrang charm mo pa din, Phill! You're really my prince charming..." Narinig kong sabi niya.


"Ah," nasabi ko na lang.


Kumalas na siya sa pagkakayakap at tumingin siya kay Ate Shaira. "Ate, Shai! Pakidala naman dito 'yang pinamili ko para kay Phill?"


Nagulat si Ate at parang nagtataka. "Ako?! Seriously, Sofie?!" Nakangiti pa siya at itinuturo ang sarili.


"Just kidding." Umakto pa siya na parang pinalo si ate mula dito sa itaas. Tiningnan niya si Mameng, "You muchacha! Dalhin mo dito 'yang pinamili ko, ngayon din!"


Halos mapafacepalm ulit ako. Si Sofie ba talaga 'to?!


Kenjie's POV


"Marry me, dude..."


Nakatatak talaga sa isip ko 'yang mga kataga na 'yan. Pasimpleng stalk lang ulit sa Facebook page niya at nakasara ang pinto. Baka kasi biglang pumasok si Cytel at makitang tinitingnan ko ang mga picture ng crush niyang si Phillip.


Kenjie's Memory:


"Marry me, dude..."


Nagulat talaga ako sa bigla niyang sinabi. Bahagya akong napangiti at nakita ko naman ang pagkapahiya sa mukha niya. Sobrang pogi niya!


May isang minuto sigurong nakatitig lang kami sa isa't isa ng biglang


"Kenjie! Bro!? Anong ginagawa mo d'yan?"


Napalingon ako at nakita ko na padating ang tropa. Tiningnan ko si Phillip at nakita kong bigla siyang nataranta. Isinuot niya ang hood ng jacket niya at walang anu anong pumasok na sa loob ng kotse.


Nalungkot ako dahil parang naiwan akong nakatitig sa wala. Ni hindi man lang siya ng paalam.


Bigla niyang inilabas ang ulo niya na ikinagulat ko. "Wait for my chat dude! We'll see each other again, okay?" At kinindatan niya ako bago pa umandar ang kotse.


Naiwan ako doon na nakangiti. Nakatulala.


Back to present:


Hindi pa din ako makapaniwala na naramdaman at nararamdaman ko hanggang ngayon ang kakaibang pakiramdam na hindi dapat. Hindi dapat dahil parehas kaming lalaki. Parehas kaming lalaki.


Pero kahit ano pa man, maghihintay ako kung magchachat talaga siya. At kung magkakatotoong magkikita ulit kami... Sana nga.


To be continued...

Cupid's Arrow (BROMANCE STORY)Where stories live. Discover now