Kwento ng Tao

By Jhairusman

15.5K 262 99

Ano ba ang mga dapat pag-daanan ng isang binatilyo upang maging matanda? Nasa edad nga ba ang katandaan? Nasa... More

Chapter 1: Nalilito Lapid
Chapter 2: Amoy kahapon
Chapter 3: Pangalawang dalawa
Chapter 4: JS like that
Chapter 5: Iniwang Ibon
Chapter 6: Tropa ko si Rizal
Chapter 7: Jasminum Sambac
Chapter 8: Patay
Chapter 9: Walis walis lang iho
Chapter 10: Paalam
Chapter 11: Tinahing Bulaklak
Chapter 12: Zombies & Vampires
Chapter 13: Hindi Naintindihan
Chapter 14: Nakakatakot na Kabataan
Chapter 15: Lahat
Chapter 16: Kaarawan
Chapter 17: Pangalawang Ibon
Chapter 18: Umiwang Ibon
Chapter 19: Babae
Chapter 20: Gandang Lalake
Chapter 21: Salu-salo
Chapter 22: Kamusta ka, Kamiseta?
Chapter 24: Pera at Hiling

Chapter 23: Dalawang Pangalan

225 12 2
By Jhairusman

Chapter 23: Dalawang Pangalan

*

Sunod – sunod na gabing napanaginipan ko si Kamiseta simula nung ilibing s’ya sa tabi lang ng kanilang bahay, sa ilalim ng isang punong acacia. Mga wirdong panaginip na hindi ko maipaliwanag. Isang makulay ngunit malungkot na panaginip kung saan lahat ng nakikita ko’t naririnig ay walang iba kundi kathang isip lamang.

Hindi na ako nagulat sa kanyang pagkamatay. Hindi ko rin alam kung bakit pero parang inaasahan ko na ‘to. Si Tita Ellie, si Maya at ngayon, si Kamiseta. Mga babaeng hindi ko nasagip. Mga babaeng may halaga sa buhay ko. Lahat sila ay may naituro sakin. Mga bagay na hindi mo mapupulot kung kani-kanino lamang.

Dalawang araw matapos ko s’yang dalawin ay nabangga si Kamiseta ng isang nagmamadaling jeep. Hindi n’ya daw alam kung saan nanggaling si Kamiseta, bigla nalang daw s’yang lumitaw. Isang babaeng nakaputi at naka-tingin sa langit na para bang humahabol ng isang bituin. Walang paliwanag ang ospital kung paano s’ya nakalabas. Dapat, nagalit ako, pero wala akong naramdaman... bukod sa pagka-dismaya. Para daw s’yang multo, sabi ng isa sa mga nurse.

“Buhay pa s’ya nung bumaba ako sa jeep,” sabi n’ya habang umaagos ang luha sa kanyang mga mata, “At dun lang ako nakakita ng tao na sobrang saya... may dugo sa mga labi n’ya at luha sa kanyang mga mata pero parehong nagpapahiwatig ng hindi mapaliwanag na kasiyahan...”

Hinimatay ang lola ni Kamiseta nang tumambad sa kanya ang bangkay ng kanyang apo. Sa kabutihang palad, agad rin s’yang nagising makalipas ang isang oras.

“Jusko... apo ko,” iyak ng naulilang lola, “Kamiseta, apo ko...”

Naagaw man ang kanyang buhay, hindi parin mapapawi ang walang kapantay na kagandahan ni Kamiseta. At tulad nga ng sabi ng drayber, mukha ngang napakasaya ni Kamiseta. Natakluban na ng nakapikit n’yang mga mata ang kapungayan nito. Naalala ko nung una akong nahulog sa mga balon na kanyang mga mata, nung araw na naisayaw ko s’ya sa aming prom. Ah, ang kanyang mga labing aking nahalikan nung makasalanang gabing iyon. “Maraming salamat,” ang huli n’yang sinabi pagkatapos naming magtalik.

Tumagal lang ng dalawang gabi ang burol ni Kamiseta sa bahay nila, o ng lola n’ya. Dahil walang sapat na pantustos sa pang matagalang burol at wala rin namang masyadong napunta. Karga-karga ng kanyang Lola ang naiwang anak ni Kamiseta. Ang anak nila ni Red Horse na hanggang ngayon ay wala pang pangalan.

Ako, si Heaven, ang Lola ni Kamiseta, si Saya at ang dyaber na nakapatay kay Kamiseta lang ang nakipaglibing. Tulad nga ng sabi ko, sa tabi lang ng bahay nila nilibing si Kamiseta. May mga pari at ibang taong simbahan ang nag-alay ng dasal sa puntod. Bago i-baba ang kabaong, muli itong binuksan at sa huling pagkakataon ay nakita ko ang pangkalawakang kagandahan ni Kamiseta. Pula ang mga labi n’ya, mala-rosas ang pisngi, mahaba at medyo kulot na pilik-mata. Nais ko sanang makita ang kanyang mga mata muli upang maakit ulit ako sa kanyang majika. Unang patak sa salamin ng kabaong ay ang aking mga luha, ang pangalawang patak naman ay ang mahinang bulong ng ulan. Tumungo ako, pinikit ang aking dalawang mata at hinalikan ang salamin na humaharang saming mga labi. Paalam, oh paalam, Kamiseta. Mahal kita.

*

Kailanman ay hindi ako naging magaling sa math ngunit sigurado akong mahigit isang daang beses humingi ng tawad ang drayber ng jeep. Iyak s’ya ng iyak.

“Hindi mawala sa isip ko ang ngiti n’ya,” sabi n’ya sa amin, “Patawarin n’yo po ako. Hindi ko po talaga s’ya na kita.”

“Anak,” sabi ng Lola ni Kamiseta, “Halaman lamang at mga bulaklak ang tinatanim, hindi galit. Sigurado akong hindi mo sinasadya ang mga nangyari. Walang may kasalanan sa nangyari. Wala akong sinisisi. Kung sinabi mong masaya mo s’yang inabutan sa kanyang mga huling sandali ay wala na dapat akong dapat ipag-alala pa. Dahil masayang nilisan ng aking apo ang mundong ito. Kaya paki-usap, huwag mo ng sisihin ang iyong sarili.”

Nalaman namin na may anak pala ang dyaber na babae na ka-edad rin ni Kamiseta na posibleng rason kung bakit s’ya ganung ka-emosyonal sa nangyari. Naisip n’ya ba na baka mangyari rin ito sa kanyang dalaga? O dahil sa nakita n’ya ang mukha ni Kamiseta bago s’ya mamatay? Mga ilang segundo rin ang tinagal ng pag-seselos ko sa dyaber. Kasi s’ya ang huling nakakita kay Kamiseta ng buhay. Ano nga kaya ang nasa mga mata ni Kamiseta nung mga oras na iyon? Nakamit n’ya na ba sa wakas ang kasiyahang walang hanggan? Wala ng saysay ang mga tanong na ito, dahil kahit kailan pa man, hindi na ito masasagot.

*

Isang linggo matapos ang libing ay dun nanga ako inatake ng sunod – sunod na panaginip tungkok kay Kamiseta. Hindi ko ito masyado pinansin ngunit hindi rin ito tumitigil.

“Maraming salamat..”

 “Sige, pahiram muna ng kwarto mo ha.”

“Wag kang malungkot. Hayaan mo, habang hindi pa gabi at hindi pa natin natatanaw ang mga bituin ay ako muna ang magiging bituin mo at ikaw muna ang magiging gabi ko.”

“Wala na akong ibang matakbuhan. Pasensya ka na.”

At duon ay magigising ako. Butil-butil na pawis ang nasa aking noo. Malamig naman dito sa bahay nila Kamiseta pero pinagpapawisan parin ako. Nakita ko si Heaven na nasa tabi ko’t mahimbing ang tulog. Amoy ko ang kanyang mabangong balat. Kung anu-anong pumapasok sa isip ko kaya ginising ko s’ya, bago pa ako may maling magawa.

“Oh, Hel,” sabi n’ya habang kinukusot ang mata, “Bakit?”

“Wala. May iniisip lang ako.”

“Kailangan bang 3.30 ng madaling araw mo sabihin yan?”

“Hindi naman. Pwede naman mamayang mga alas kwatro.”

Tumawa ang dalaga at ibinangon ang kalahit ng katawan.

“Ano ba yang iniisip mo ha?”

“Iniisip kong ampunin ang anak ni Kamiseta.”

Napabangon si Heaven sa kanyang narinig.

“Pano mo naman gagawin yun?” tanong n’ya, “Bukod sa pag-lakad mo ng mga papel nan. Malaking gastos rin ang pag-papalaki ng bata!”

“Alam ko. Kaya nga hindi ko na ilalakad mga papeles nan e. Kakausapin ko na lamang ang Lola ni Kamiseta. Kung papayag s’ya. Tingen ko kaya ko naman s’yang buhayin. Hindi sa mayabang ako pero kumikita ako kahit papano sa racket ko kila Zombie. Ilan pang mga taon ay sisikat na yung mga yun, alam ko yon.”

“Pano mo naman kukumbinsihin ang lola ni Kamiseta?”

“Mas mabubuhay ko ang bata kumpara sa kanya Heaven, alam natin pareho yun. Wag kang mag-alala.”

“Hindi pwedeng hindi ako mag-alala. Hindi mo alam ang pinapasok mo.”

“Kaya nga malalaman natin e.”

Bigla na lamang kaming may narinig na boses ni Heaven, hindi namin maintindihan. Kinilabutan ako’t di makagalaw.

“Nshung nyun ong gngusto n’yo....”

Sabay kaming lumingin ni Heaven. Nakita namen pareho ang Lola ni Kamiseta na nahihirapan palang mag-salita dahil wala ang kanyang pustiso.

“Kung yun ang gusto n’yo,” ulit n’yang sinabi matapos maisuot ang kanyang pustiso.

Tumayo kaming dalawa at inakay paupo ang lola.

“Totoo ang sinabi mo anak,” pinatong n’ya ang kamay n’ya sa aking balikat, “Wala akong sapat na pantustos sa mga pangangailangan ng sanggol. At hindi ko na kakayaning may mauna pa sakin.”

“La, wag ‘ho kayong magsalita ng ganyan.” Amo ni Heaven na para bang sariling lola ang kinakausap.

“Ngunit totoo ang aking sinabi. Hindi ko nga alam kung anong unang mauubos e. Ang mga mamiso ba sa ilalim ng aking punda o ang buhay ko?” tumawang masilga ang lola at sa parehong sandali ay napaluha.

“Ni hindi ko siya mabigyan ng pangalan, buhay pa kaya?”

*

Iniwan namin ang bayan ng Cotabato kinaumagahan. Niyakap at hinalikan kami ng Lola ni Kamiseta at maluhaluha kaming hinatid sa may bukana lamang ng lugar nila. Dinala na namin ang mga natirang gatas, lampin, damit ng sanggol. Ipinangako ko sa kanya ang kalusugan ng bata.

“Anong ipapangalan mo sa kanya?” tanong ni Heaven saken sa byahe. Para kaming mag-asawang promdi na tatahakin ang buhay Maynila, parang yung sa mga pelikula lang.

“Kamiseta.” Dahil wala ng ibang mas magandang pangalan sa mundo.

Gabi na ng kami’y makauwi sa Laguna. Karga-karga ang batang ngayo’y pwede na sabihing aking anak, huminga ako ng malalim at nakaramdam ng matinding pagod. Sa bahay kami ni Heaven tumuloy. Binaba ko si Kamiseta sa kama ni Heaven at lumabas upang mahiga sa sofa. Walang babala, agad akong binisita ng isang walang panaginip na tulog.

At sa pag – gising ko naman ay maganda ang bati ng araw sa mundo, sa Pilipinas. Humikab ako’t nag – unat, unang araw ko sa pagiging ama. Pagkatapos ko maghilamos ay kumatok ako sa kwarto ni Heaven na agad n’ya ring binuksan karga-karga si Kamiseta, ang sanggol ni Red Horse.

“Damit, gatas, lampin,” sinabi ko habang nakatingin sa kisame, “Ano pa ba mga pangunahing kailangan ng mga baby girl?”

“Lampin?” sabi n’ya habang natatawa, “May mga diaper na ngayon na mas effective.”

“Pero pwede ‘tong magdulot ng rashes at iba pang iritasyon sa balat.”

“Wow ha, tatay na tatay ka na!”

Umiyak bigla ang sanggol sa di namin alam na rason. Kumuha agad ako ng gatas sa bag ni Lola, natataranta kong tinimpla ito at dali-dali ring tumakbo papunta sa sanggol. Sa isang subo at lagok ng gatas, ay agad itong tumahan sa braso ni Heaven.

“Tatay na tatay ka na talaga.” Sabi n’ya na bumalik sa kwarto upang patulugin ang kagigising lang rin na sanggol.

Dumating bigla si Aling Heavy na may mga bitbit na plastic ng karne at si Jasmine na may dalang plastic ng gulay.

“Oh,” sabi ni Aling Heavy, “Kamusta na si Kamiseta ba yun? Okay na naman ba?”

Isasagot ko narin sana ang parehong sagot na sinagot ni Heaven ngunit naunahan n’ya ako.

“Wala na s’ya Ma,” sabi n’ya, “Halika kayo dito.”

Dahan-dahang lumapit si Aling Heavs sa kwarto at nanlaki ang mata ng makita ang sanggol.

“Uh,- Heav- Anak,” lumunok s’ya ng, siguro, isang kutsarang laway, “Iho- anong- ah,”

“Huwag kayong mag-alala,” ani Heaven, “Hindi s’ya amin ni Hel. Anak s’ya ni Kamiseta.”

Nakita ko si Jasmine na hindi alam ang nang-yayari. Nilapitan ko s’ya at kinarga.

“Kuya, masyado na ata akong malaki para kargahin.”

“Siguro nga, pero alam mo, di pa kita nakakarga ng ganito e.”

“Sino s’ya Kuya?” tinutukoy n’ya si Kamiseta, yung sanggol.

“Ah, s’ya ang tuturuan mo ng iba’t ibang aral,” sabi ko at binaba ko na si Jasmin, “Tulad ng mga tinuro mo sakin. Ang pangalan n’ya ay Kamiseta. Gusto mo ba s’yang malapitan?”

Hinawakan ni Jasmin ang paa ni Kamiseta. Kitang kita sa mukha ang kanyang galak, na para bang unang beses s’ya nakakita ng sanggol.

“Sigurado akong mas gaganda pa s’ya paglaki n’ya.”

“Sigurado rin ako,” sabi ng dalagang nagkakarga sa kanya, “Magiging magkasing-ganda kayo.”

Yumuko si Heaven upang ipakilala si Baby Kamiseta sa kanyang Ate Jasmine. Magkatingin ang dalawang bata, parehong musmos na wala pa gaanong alam sa mundo dahil, sa tingin nila, wala naman talaga masyadong dapat malaman. Isang kumplikadong at mapait na mundo ang kanilang haharapin, ngunit ng hinawakan ng sanggol ang batang tuwang-tuwa sa kanya, nagkaroon ako ng pag-asa.

Continue Reading