You Are My Destiny (Thiago Ja...

Por RosarioTheGoddess

242K 5.8K 258

Thiago Jacques Fernandez, nasa kanya na ang lahat. Gwapo, matipuno, matalino, matangkad at mayaman. Isa na la... Más

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26: Final Chapter
Extra Chapter

Chapter 19

7.5K 198 20
Por RosarioTheGoddess

KANINA PA PARANG SINISILIHAN ang pwet niya nang makapasok siya sa sasakyan niya. Si Hansel naman ay parang sinasadyang bagalan ang takbo ng sasakyan.

Inis na binatukan niya ito. "Ano ba?! Bilisan mo ngang mag-drive!" galit na wika niya rito.

Sinamaan naman siya nito ng tingin sa rearview mirror. "Kanina ka pa, sir. May dalaw ka ba o baka naman nagpi-PMS ka?" sagot pa nito na lalong kinainis niya.

"Pilipitin ko kaya yang leeg mo?!" Ipinikit niya ng mariin ang kanyang mga mata at minasahe ang kanyang pumipintig nang sentido. "Remember to remind me to hire a new secretary."

"Hala! Ilang beses ko na yang narinig sa tanang buhay ko." narinig niya pang hirit nito.

Napailing na lang siya. "Just drive. Bilisan mo bago pa kita ipalit sa gulong."

"Alam mo, sir. Kanina ka pang parang hindi makajebs diyan. Ano bang problema mo? Gusto mo diatabs? Hina-highblood ka na rin. Pili ka.. metropolol o adalat?"

"Sasapakin na kita. Manahimik ka na riyan." naiirata nang banta niya rito.

"Ah alam ko na! Kisspirin na lang at yakapsule. Nabasa ko sa isang article na yan ang mga gamot sa mga snob."

Umiral nanaman ang pagkamadaldal nito kaya pumikit na lang siya at isinandal ang kanyang likod sa upuan ng sasakyan. Maha-highblood lang siya sa pang-aasar nito sa kanya.

"Sir, andito na tayo." anunsiyo nito.

"Sabihin mo kay Mari na nandito ako para kay Don Hermanto." utos niya rito habang inaayos ang buhok niya.

"Masusunod, mahal na prinsipe." nang-iinis pang asar nito bago umalis.

Kung hindi lang talaga maaasahan itong nakakairitang sekretarya niya at matagal na niya itong tinanggal.

"Sir, tamang tama kakatapos lang nila kumain. Sa sala raw ho kayo. Kumpleto sila. Kaso si Ma'am Ve--"

Hindi na niya ito pinatapos at kaagad siyang dumiretso sa sala ng mansyon ng mga Gonzales. Sumalubong naman sa kanya ang madilim na anyo ng matalik niyang kaibigang si Frazier.

"What's with your face, pare?" nang-iinis na tanong niya rito.

"What are you doing here?" kunot-noong tanong nito sa kanya.

Nagkibit-balikat siya at naupo sa isa sa mga couch doon. "Visiting Don Hermanto. Alam mo na.. makikibalita lang tungkol sa kasal namin ng kapatid mo." asar niya rito. Alam niya naman kasi na ayaw nito maikasal sa kanya ang kapatid nito. Alam kasi nito ang mga kalokohan niya dahil halos sabay silang lumaki. "Anyway, nasaan na nga ba ang fiancée ko? Sabi ni Hansel andito raw siya?" inilibot niya ang tingin sa mansyon. Still the same mansion he went to five years ago. Walang nagbago.

Lalo yatang nagdilim ang aura nito sa biro niya. Sa totoo lang ay wala naman talaga siyang planong makilala ang kapatid nito. Andito siya para pakiusapan ang Lolo nito na itigil na ang planong pagpapakasal sa kanilang dalawa ng apo nito. Aaminin na niya rito na may iba na siyang mahal.

"Jacques!" nakangiting salubong ng Don sa kanya.

Tumayo siya sa kinauupuan at agad na sinalubong ito. The Don gave him a firm handshake with a welcoming smile. "Mabuti naman at napadpad ka sa aking mansyon. Kamusta naman ang iyong Lolo?"

Nakangiting inalalayan niya itong maupo. "Ayos naman po si Lolo, Don Hermanto. Kagaya niyo ay mas bumuti na po ang kalagayan niya lalo na noong sumunod siya sa amin sa New Zealand. Mas presko ho kasi doon. Pauwi na rin po siya sa makalawa. Paniguradong bibisita iyon dito."

Umupo siya sa kaibayong pang-isahang couch at kumportableng naupo. "Ano ang sadya mo rito, hijo?" tanong ng matanda sa kanya.

"Gusto ko ho sana kayong makausap tungkol sa apo ninyo."

Bumadha ang gulat sa mukha nito at napalingon ito sa apo nitong si Frazier na tahimik lang na nakikinig sa kanilang dalawa. Umupo na rin ang mga magulang nito sa kaibayong couch na kinauupuan niya. "Anong tungkol sa apo ko, hijo?"

Tumikhim siya. "Sa totoo lang po ay una pa lang ay tutol na ako sa ideyang ipapakasal niyo kami na hindi naman ho kami nagmamahalan. Hanggang ngayon ho ay ayoko pa rin. At alam na ito ng mga magulang ko. Nasa sa akin na raw ho kung ipapaalam ko sa inyo. Iyon ho ang sadya ko. Ayaw ko rin naman hong maipit si Venus dahil dito. Kababalik niya lang sa inyo at baka hindi niya magustuhan ang tungkol dito. At sa side ko naman ho--" malalim siyang nagbuntunghininga at tinitigan mata sa mata ang Don. "-- may ibang babae na ho akong gustong pakasalan." natigilan ang mga ito. Lalo na ang kaibigan niyang si Frazier.

"Maari ba naming malaman kung sino, hijo?" matamang nakatitig sa kanya ang Don. Waring hinihintay ang sasabihin niya.

"Ang pangalan niya po ay Cindy Pascual. Siya lang po ang nag-iisang babaeng handa kong iharap sa altar. Siya lang po ang nag-iisang babaeng handa akong ialay ang buong buhay ko. Siya lang ang babaeng pag-aalayan ko ng puso ko. Siya ang buhay ko. Siya lang ang babaeng mahal ko at mamahalin ko. God knows how much I love her. At ayoko pong kapag nakita ko na siya ay malaman na lang niyang ikakasal na pala ako sa iba. Ayokong makitang umiyak ang babaeng mahal ko." napahawak siya sa kuwintas na binigay nito sa kanya.

Saglit na katahimikan ang namayani sa kanila nang basagin ng ama ni Frazier iyon. "Itong Cindy.. nasaan siya?"

Malungkot na umiling siya. "Hindi ko po alam. Apat na taon na ang nakakalipas nang huli siyang nagtext sa akin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin po alam kung nasaan siya."

"Mahal mo ba talaga siya?" mahinang tanong ni Frazier sa kanya.

"Alam kong alam mo na mahal na mahal ko siya, Frazier. Kung hindi ko lang pinanghahawakan ang mga salita niya.. baka matagal na akong sumuko. Siya ang una't huling makakapagpatibok ng puso ko. She captivated me. She captured my heart, my whole being. Binago niya ako. Hindi na ako ang dating happy go lucky na lalaking kabi-kabila ang mga babae. I learned how to respect women now. Dahil sa kanya naging ibang tao ako. I evolved into someone I never thought that I would be. I became her sponsor so there would be an excuse to see her, I enrolled to cooking classes so that I could pack her lunch for school, I used my helicopter everyday so Hansel could bring her lunch, I set my alarm an hour early everyday para text ko ang unang bubungad sa kanya paggising niya, I even tutor her through Skype kapag may mga lessons siyang hindi naiintindihan, I prepare surprises for her just to see her breathtaking smile.. she bewitched me. I just love her so damn hard." nanghihinang napahawak siya sa mukha.

Nagkatinginan ang mag-asawang Gonzales pati na ang matandang Gonzales. Si Frazier naman ay tahimik lang na nakatingin sa kanya habang may malalim na iniisip.

"Yun lang po ang ipinunta ko rito. I don't know why I started blabbering about my love for Cindy. Pasensiya na po. Sana po itigil na ninyo ang pagpilit na makasal kami ni Venus. Hindi lang po siya magiging masaya sa akin kung ako lang din po ang makakatuluyan niya." tumayo siya at magalang na kinamayan ang Don. Bumeso naman siya sa mag-asawang Gonzales at tinapik sa balikat si Frazier.

"Mauna na po ako."

"Mag-iingat ka, Jacques hijo." malapad na ngiti ng matandang Gonzales.

Malungkot na ngiti lang ang isinukli niya rito habang papalabas na sila ng mansyon ng mga ito. Hahakbang na sana siya palabas ng mansyon nang pigilan siya sa braso ni Hansel. Tiningnan niya ito. Nakanganga lang itong nakatingin sa likod niya. Inalis niya ang pagkakahawak nito sa braso niya.

"Who is he?" tanong ng pamilyar na boses sa may likuran niya. Napakamahinhin ng boses na iyon. Parang musikang nakakapagpakalma sa isip niya ngunit nakakapagpakaba rin sa puso niya. Kaboses ni..

"Cindy.." nakangiting tawag niya rito nang lingunin niya ito. Nandoon nanaman ang pamilyar na pagkabog ng dibdib niya, ang pagkagula-gulanit ng tiyan niya, at ang pagkahilo niya nang masilayan ito. God, she's really driving him insane. Masilayan lang muli ang kagandahan nito ay nakakapagpabaliw na sa kanya.

Ibang iba na ang itsura nito sa Cindy na nakilala niya noon. Mas gumanda ito ng di hamak ngayon. Nakakulot rin ang mahaba at kulay tsokolate nitong buhok na dati ay itim na itim. May kaunting kolorete na rin ang mukha nitong dating simple lang pero bumagay rito. Mas lalong naenhance ang ganda nito. Natandaan niya pa noong una itong nag-makeup na halos ikalaglag ng panga niya. Napakaganda at nakakawala ng hininga sa baga ang ganda nito. Napahawak siya sa dibdib niya para kalmahin iyon pero mas lalo yata iyong nagwala nang naglakad na siya papalapit rito.

"Hoy, diyan ka lang!" humarang si Frazier sa harap ni Cindy. Naguguluhang binalingan niya si Cindy na nakangangang nakatitig sa kanya.

"Cindy." pilit niyang pinapaalis si Frazier sa harapan niya pero ayaw nitong matinag.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Umalis ka nga diyan at gusto kong makausap si Cindy. Bakit mo ba ako pinipigilan?" inis na tinulak siya ito.

Seryosong nakatingin lang ito sa kanya. "Hindi siya si Cindy. She's Venus Moira Gonzales. Siya ang kapatid ko."

Nataranta siya nang bigla na lang himatayin si Cindy. Agad niyang itinulak si Frazier at dinaluhan si Cindy. Binuhat niya ito at inihiga ng maayos sa couch. Nangginginig na hinawakan niya ang makinis at maputlang mukha nito. "Cindy, mahal ko. Cindy." nanghihinang tawag niya rito. Hindi na niya alam ang gagawin at parang nababaklang naiiyak na siya. Ito ang unang beses na nakita niyang mahina si Cindy.

"Bitawan mo siya. Mag-usap tayo, Thiago." seryosong wika ni Frazier sa likuran niya.

"Hindi ko siya iiwan. Apat na taon kong hinintay na magkita kami. Ngayong nasa harap ko na siya ay hindi ko na siya papakawalan." hindi niya hiniwalay ang tingin kay Cindy. Hawak niya nang mahigpit ang kamay nito. Kinakabahan siya at baka kung ano ang mangyari rito.

Tiningala niya ang matandang Gonzales. "Anong nangyari sa kanya? Bakit siya nawalan ng malay? May sakit ba siya? Bakit ang putla ng mahal ko?" sunud-sunod niyang tanong rito.

Tiningnan ng matanda si Cindy at binalingan siya. "Nangyayari iyan kapag pinipilit makaalala ng utak niya. Kilala ka niya sa pangalan.. pero hindi ko alam kung kilala ka na niya bilang dati niyang kasintahan."

Naguguluhang binalingan niya ito. "Anong ibig niyong sabihin? Nangyayari kapag pinipilit makaalala ng utak niya? Kilala ako sa pangalan? Naguguluhan ako.. please pakipaliwanag sa akin."

Malalim na napabuntung-hininga ito at binalingan si Frazier. "Ipaliwanag mo ang lahat kay Jacques. Kami na ang bahala kay Venus. Doon kayo sa garden." utos ng matanda rito.

Ayaw pa sana niyang bitawan si Cindy pero agad ding binuhat ng ama ni Frazier ang dalaga at ipinanhik sa itaas.

"Follow me." narinig niyang pukaw kanya ni Frazier.

Tahimik siyang sumunod dito hanggang sa napadpad sila sa malawak na garden ng mga ito.

"I don't know how to start." malalim na napabuntung-hininga ito bago naupo sa isa sa mga bench doon.

"Just tell me everything that you need to tell me. Gusto ko nang makita uli si Cindy."

"Una sa lahat, hindi siya si Cindy. Siya ang kapatid kong si Venus Moira." napakunot-noo siya sa sinabi nito. "Halatang hindi mo narinig ang sinabi ko kanina. And yes, nakita na namin siya finally." tinapik nito ang espasyo sa tabi nito. "Sit down. Parang hindi ka matae sa itsura mo."

"I can't help it." umupo siya sa dulo para hindi awkward. "I don't get it. Paanong naging si Cindy si Venus?" naguguluhang tanong niya rito.

"Nung araw ng totoong birthday ni Cindy aka Venus doon niya nalaman ang katotohanan na kami ang totoong pamilya niya. May ipinaabot daw na maliit na kahon ang Yaya Shawna nito sa Tiyang Lupe niya sa eksaktong September nineteen. Ang pagpatak ng ika-dalawampu ni Cindy. Naglalaman iyon ng mga larawan ng pamilya namin at ilang piraso ng mga gamit na may nakatatak na pangalan niya. Nabasa niya ang sulat na iniwan ng nanay nanayan niya at doon siya nalinawan na kinidnap lang siya at kinuha mula sa amin. Alam mo naman na matagal na namin siyang hinahanap pero nabibigo kami ayun pala ay dahil iba ang last name ni Cindy sa last name ni Shawna Mañana. Kaya pala hindi namin siya mahanap hanap. Kinabukasan.. naaksidente si Cindy nang iligtas niya ang isang batang babae. Napuruhan ang ulo niya at na-comatose siya ng isang linggo. Inoperahan ang utak niya para mawala ang namuong dugo pero kapalit niyon ay ang pagkawala ng ibang bahagi ng memorya niya. At kasama ka sa bahaging iyon."

"Pero bakit mo inilihim ang tungkol sa akin sa kanya? Kilala mo naman ako. Alam mo naman ang relasyon naming dalawa. Kayang kaya mo akong tawagan at sabihin sa akin ang nangyari sa kanya. Uuwi naman agad ako para alagaan siya."

"Dahil sabi ng doktor ay dapat siya mismo ang makakaalala ng mga nawala niyang alaala. Wala dapat akong banggitin tungkol sa mga nalimutan niya at hayaang ang utak niya mismo ang makaalala sa'yo. Kanina lang ay bigla na lang niyang sinabi ang pangalan mo. Unti-unti ay babalik na rin ang mga alaala niya." natulala ito ng ilang sandali at napatingala sa langit. "Hindi ko siya hiniwalay sa'yo dahil mahilig kang mang-chicks dati. Alam kong nagbago ka na. Hiniwalay ko siya para sa ikabubuti niya. Gusto kong makapagtapos muna siya ng kolehiyo bago siya bumalik sa'yo. Bago niya kami ipagpalit sa'yo. Gusto kong kami muna ang pagtutuunan niya ng pansin. Kasi dati sa'yo lang umiinog ang mundo niya. At kung gusto mo siyang pakasalan.. binabasbasan ko na kayo ngayon pa lang. Nakikita kong mahal na mahal mo talaga ang kapatid ko. Hindi ka naman ganyan dati, napansin ko rin ang mga pagbabago mo simula nang naging kayo. Kaya masaya ako para sa'yo. Masaya rin ako na ikaw ang pinili ng kapatid ko." nakangiting binalingan siya nito. "Mahal ka niya. Na kahit sa pagtulog niya.. pangalan mo pa rin ang binabanggit niya. Unconsciously, her heart still knows you." siniko siya nito. "Swerte mong gago ka." palatak nito sa kanya.

Natatawang napailing siya. "Thank God I already found her." hindi niya mapigilang hindi mapaluha. Ang babaeng mahal niya ay abot kamay na niya. Ang babaeng mahal niya ay mahahawakan na niya at mahahagkang muli. Nahanap na niya ito.. at kagaya ng pangako niya ay hindi na niya ito pakakawalan pang muli. Siya mismo ang magpapaalala rito ng mga masasayang alaala nila. Hinding hindi na siya aalis sa tabi nito.

So.. teka tuloy pala ang kasal nila? Damn, dapat pala hindi na siya nagdrama sa harap ng pamilya nito kanina. Ngayon kailangan naman niyang hingiing muli ang basbas ng mga ito. At least alam na ng mga ito na mahal na mahal niya si Cindy-- este si Venus Moira.

A/N: Ayan na nagkita na sila! Yahoo! Masaya na kayo niyan? Siyempre alam kong hindi. Hahaha. Maga-alas tres na. Dios Mio!

Ps: Sarap ba kaltukan ni Cryant Frazier? Oy wag! Gwapo naman pagbigyan! Hihihi.

Now playing: Malaya by Moira dela Torre
(Ganda nito. Pakinggan niyo. Lalo na yung second verse. Tagos hanggang balun-balunan to the over over level.)

Seguir leyendo

También te gustarán

152K 2.6K 22
MALDITA series #1: Emila Fuentes' Jerk Rider Namulat si Emila sa mundong hindi kaaya-aya. Pinaglilimos ng mga taong may kinalaman sa sindikato, kung...
141K 4.2K 28
CLASSIFIED TOP SECRET: KYLA Lt. Nicholas Scott Forster (21) is a young and aggressive police officer who gets in trouble everytime he makes an arres...
2.7K 91 30
Si Aula Maglaya ay isang ordinaryong babae na masayahin, matapang, prangka, masipag at matalino ngunit kulang sa common sense. Si Hanz Nicolo Bernale...
715K 12.8K 43
It's a marriage for convenience between 19 years old ramp/commercial model Silk Benitez and 22 years old scion and Olympian Jota Jimenez. Everyone wa...