Chapter 22

8.2K 187 12
                                    

"OKAY! Turn to your left! Beautiful! Hug the tree! Perfect! Hold your hips! Smile widely! Gorgeous! Change outfit!" malakas na wika ng photographer.

Nakasimangot na mukha ni Thiago ang bumungad sa kanya pagpihit niya pakanan. "What's wrong?" tanong niya rito.

Agad naman siya nitong pinaypayan. "Baka naiinitan ka na. Sabihin mo lang. Baka bigla ka na lang himatayin sa sobrang init." sinamaan nito ng tingin ang photographer. "Siya kaya ibilad ko sa araw. Tingnan natin kung makangiti yang kutunglupang yan. Gawin ko siyang tuyo diyan eh." iritadong bulong nito habang pinapaypayan siya.

Napailing siya rito. "Magbibihis na muna ako. Doon ka sa silong at baka ikaw naman ang ma-heat stroke sa init ng ulo mo." inabutan niya ito ng tubig na galing sa cooler. "Inumin mo yan nang lumamig yang ulo mo."

"Bakit ba kasi lalaki ang photographer?" narinig pa niyang bulong nito bago uminom ng tubig.

Pagpasok sa beach house ay kaagad na inasikaso siya ng mga staff at binihisan ng puting two piece at pinatungan iyon ng puting see through dress. Pagkatapos ayusin ng make-up niya ay kaagad siyang lumabas.

Nagulat siya nang nagkabanggaan sila ni Thiago. "Aray ko naman!" hinampas niya ito sa braso. "Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"

Mariing umiling ito habang nakatingala sa itaas. Tumingala siya para tingnan kung ano ang tinitingnan nito pero wala naman siyang nakitang interesante doon. "Umalis ka nga diyan at nang matapos na ng maaga ang shoot. Magiging mainit na sa balat ang araw maya maya." hinawi niya ito pero ang ikinagulat niya ay ang pagpatong ng balabal sa katawan niya.

Nag-sign of the cross ito atsaka tumingin sa kanya. "Magkakasala ako dahil sa'yo. Ano ba iyang suot mo? Bakit ganyan? Bakit ang konti ng tela? Bakit ang iksi? Masyadong kita ang katawan mo." sermon nito habang pinapasadahan ng tingin ang suot niya.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Summer collection kasi diba? Meron bang balot na balot sa summer?" mataray na wika niya rito. Sino naman ang hindi maiinis dito? Napaka-conservative naman nito. Galing ba ito sa planetang Jupiter at walang nagsusuot ng bikini roon?

"Ipauso natin!" napasimangot ito lalo nang lagpasan niya ito. "Bakit ba kasi pumayag ka na ganyan ang suotin mo?" bumuntot ito sa kanya.

Piningot niya ang tainga nito at kinaladkad patungo sa tent kung saan nagpapahinga ang ibang staff. "Ang kulit mo talaga! Diyan ka lang sa may tent! Wag ka doon sa initan. Ako ang maha-highblood sa'yo eh." pinaupo niya ito sa isa sa mga monoblock chair doon at tinanggal niya ang balabal at ipinantali rito nang hindi ito makaalis sa upuan.

Napadako naman ang tingin niya sa kanyang mga magulang na impit na natatawa sa kakulitan nilang dalawa. "Pakibantayan po muna itong kumag na to at baka hindi tayo matapos nito dahil baka bigla na lang bumula ang bibig nito sa kakadaldal." iniwan niya ito sa mga magulang niyang natatawa na lang sa kanilang dalawa.

Nakangiting hinarap niya ang photographer. "Game!" nagsimula na itong kuhanan siya nang picture nang marinig niyang sumigaw si Thiago.

"Hoy, kutunglupa! Wag mong masyadong pakatitigan si Venus! Bubulagin kita kapag nakawala ako rito makita mo!"

Natawa ang photographer at inutusan siyang sumilong sa may puno at doon mag-pose. Nakangiting nag-pose siya at narinig nanaman niyang sumigaw si Thiago.

 Nakangiting nag-pose siya at narinig nanaman niyang sumigaw si Thiago

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon