Chapter 25

8.2K 213 10
                                    

A/N: Kinilig naman daw ako sa 6k reads. Anuber! Sa inyo na lang talaga ako kinikilig. #BuhaySingle

Ps: Malapit na akong mag-1k followers. Kinikilig nanaman ako.

Pss: Sorry ngayon lang nakapag-update.. walang inspirasyon. Pero since nakakain ako ng Lucky Me Pancit Canton, okay na ako. Hahaha. Babaw.

Like my page on fb for more updates: https://m.facebook.com/RosarioTheGoddess

"MA'AM VENUS? Kakain na raw po ng dinner. Baba na raw po kayo sabi ni Madame." katok ng isa sa mga kasambahay nila.

"Opo! Pababa na po." wika niya habang sinusuklay ang kaka-blower niya lang na buhok. Pagkarating kasi nila ni Thiago sa mansyon ay nagdesisyon siyang maligo muna para presko ang pakiramdam niya.

Agad siyang lumabas pagkatapos niyang ayusin ang mga gamit niya. Nagsuot lang siya ng cotton shorts at puting v-neck shirt. Nadatnan niya ang Kuya niya at si Thiago na nagtatawanan sa sala kasama ang kanyang ama at Lolo. Dumiretso naman siya sa dining hall para matulungan ang ina niyang busy busyhan sa paghahanda ng table.

"Oh, andyan ka na pala, anak. Maupo ka na at ako na ang bahala rito." mahinhing wika nito habang nag-aayos ng mga plato.

Inagaw niya iyon rito. "Mommy, ang hinhin mo po. Baka 2020 ka pa matapos." biro niya rito at inayos na ang mga plato sa hapag.

Natawa ito. "Ikaw talagang bata ka. Igaya mo ba naman ako sa'yo brusko."

Napanguso siya. "At least mana sa'yo ang kagandahan. Bawi rin." hirit niya pa.

"Oo na! Anak kita eh. Malamang kanino pa ba magmamana ang kagandahan mo?"

"Oh? Issue pa rin ba ng kagandahan ang usapan ninyo?" pumulupot ang mga braso ng kanyang ama sa baywang ng kanyang ina at niyakap ito sa likuran.

Napangiti siya. Sana ganito rin siya kapag tumanda na.. may yayakap pa rin at hahalik sa kanya. Napaigtad siya nang may yumakap sa kanya. Nilingon niya ito. "Nakakahiya kila Mommy!" mahinang saway niya rito.

Ipinatong nito ang baba sa balikat niya at ngumuso. "Baka lang kako naiinggit ka."

Pinitik niya ang nguso nito. "Baliw ka talaga."

"Hoy! Maghiwalay nga kayong dalawa! Uunahan niyo pa ako! Tigilan niyo nga yan at baka langgamin ang kaldereta at kare-kare sa sobrang tamis ninyo." inis na umupo ang Kuya niya sa pinakadulo ng mahabang mesa at humalukipkip.

Napuno ng tawanan ang hapag habang nagkanya kanya sila ng puwesto. "Lumapit ka nga dito at para kang timang diyan sa layo!" sita rito ng Lolo niya.

"So.. kailan na ang kasal?" tanong ng Lolo niya nang makalipat na ang Kuya niya malapit sa kanila.

Halos mabulunan siya sa sinabi ng Lolo niya. Hindi pa nga siya tuluyang nakakaalala ay kasal agad agad?

"Lolo! Stop it! Diba sinabi kong ako muna bago silang dalawa!" reklamo ng Kuya niyang sumasandok na ng kanin.

Napalingon naman siya sa gwapo niyang katabing ngiti lang ng ngiti. Siniko niya ang tagiliran nito at sinamaan ito ng tingin. "Tuwang tuwa ka naman!" mahinang bulong niya rito.

He chuckled and gently kissed her on the cheeks. "Siyempre. Boto ang pamilya mo sa akin. Dapat lang na matuwa ako. Nahirapan na nga ako noon kay Tiyang Lupe eh."

Napalabi siya. "Alam mo naman na overprotective lang sa akin si Tiyang kasi ako na lang ang nag-iisang kamag-anak niya."

Mahinang tinapik nito ang nguso niya at inilapit ng husto ang mukha sa kanya. "Stop pouting. You make me want to kiss those sweet lips of yours." he huskily said while looking at her intently.

You Are My Destiny (Thiago Jacques Fernandez & Venus Moira Gonzales)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon