Played by Fate - Book 1

By vampiremims

4.9M 130K 28.2K

Our love story will just end up tragic... More

-
Prologue
-1-
-2-
Commercial.
-3-
-4-
-5-
-6-
-7-
-8-
-9-
-10-
-11-
-12-
-13-
-15-
-16-
-17-
-18-
-19-
-20-
-21-
-22-
-23-
-24-
-25-
-26-
-27-
-28-
-29-
-30-
-31-
-32-
-33-
-34-
-35-
-36-
-37-
-38-
-39-
-40-
-41-
-42-
-43-
-44-
-45-
-46-
-47-
-48-
-49-
-50-
-50-
--

-14-

74.9K 2.2K 446
By vampiremims

Hi sa mga nagbabackread ng Amaranthine Love. Kamusta naman? :P

--

"GOOD morning," bati sa akin ni Jahann nang pumasok ito sa kusina. Lumapit ito at tinignan ang ginagawa ko. "Morning din," sabi ko sa kanya bago ngumiti. Ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Nauna kaming makauwi ni Jahann kagabi dahil dito na kami sa bahay dumiretso. Hindi ko na alam kung anong oras dumating sila Dad dahil nakatulog din ako agad, marahil ay dahil na din sa pagsama ng pakiramdam ko. Dinalhan naman ako ni Jahann ng gamot kaya medyo maayos na rin ang pakiramdam ko ngayon.

"You're too early, how are you feeling?" tanong niya sa akin. Sinalat niya din ang noo ko para malaman kung mainit pa ba ako o hindi na.

"I'm fine," nakangiti ko pa ring sagot. Nakatulong rin ang pagligo ko kaagad nang makauwi kami dahil basing-basa kami ng ulan na dalawa.

"Ano ba 'yang ginagawa mo?" kunot-noong tanong ni Jahann nang bumaba ang tingin sa inihahanda ko. "I'm making a French toast with a twist..." ngumisi ako. "Pambawi kay Mommy kasi umalis tayong dalawa, diba?" dagdag ko pa. "Ano palang sabi ni Dad nung tinawagan mo siya kagabi?" tanong ko sa kanya. Umupo si Jahann sa may silyang naroon at tinignan ako.

"Nagtanong lang kung nasaan tayo. Sabi ko pauwi na, sabi niya okay..." sagot nito habang nilalaro-laro ang strawberries na nasa may mesa.

"Iyon lang?" nilingon ko siya at tumango nanan siya sa akin.

"Gusto mo bang sa susunod, irecord ko pa?" natatawang tanong niya. Hindi ko naman mapigilang irapan ito. "Ewan ko sa'yo, Jahann..." ipinagpatuloy ko na lamang ang pagluluto at tinulungan naman niya ako. Kung tutuusin ay mas maalam talaga si Jahann sa pagluluto kaysa sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit ba napaka-talented ng kapatid ko. He's really like our Dad. Kahit sila Tita Cristine ay iyon ang laging ikinukumento sa kanya.

"Ano palang gagamitin mong sasakyan mamaya?" tanong ko nang si Jahann na ang nagpatuloy sa pagluluto at nakaupo lang ako. Nagsisimula na rin naman ang kasambahay namin na ihain sa mesa ang niluto namin.

"I'll just borrow Dad's car," kibit-balikat na sabi ni Jahann. "Or maybe Aly's? Ako nalang magda-drive," dagdag pa nito.

"Should I ask Dad to buy me a car for my 19th birthday?" tanong ko ulit sa kanya. Mabilis naman akong nilingon ni Jahann. "Don't try to push your luck, Creep..." seryosong sabi nito sa akin.

Sumandal ako at napasimangot. "Ayoko lang naman kasi na kapag aalis ako, iistorbohin ko pa kayo ni Aly. Pwede naman akong mag-aral magdrive at—"

"Just call me. End of discussion..." malamig na sabi ni Jahann bago inasikaso muli ang niluluto nito. Pinagtulungan nalang din naming dalawa ang iba pang kailangan at sakto rin naman ang naging pagbaba ni Daddy at Mommy dahil nakahain na kami. Si Aly ay ipinatawag na rin ni Daddy.

"Bakit ba umalis kayo kahapon? Hinahanap kayo ni Mommy sa amin, parehong hindi macontact ang phone niyo," tanong ni Mommy sa amin ni Jahann. Nagkatinginan naman kaming dalawa.

"Uh, naguto—"

"Nagpasama lang ako kay Cherinna, Mom. I'll just call Lola later," nakangiting sabi ni Jahann dito.

"Next time, make sure you'll call her. Ang Mommy niyo ang nasesermunan, eh..." sabi naman ni Daddy sa amin. Tumango naman si Jahann dito.

"Mom, nakausap ko na si Lola kahapon. I asked her if pwedeng sa bahay niya 'yung venue ng birthday namin ni Cherinna. Okay lang naman daw..." sabi naman ni Aly sa amin habang nagpapatuloy sa pagkain. Nilingon ko siya kaagad. "Akala ko ba hindi tayo magpaparty ng malaki? Bakit doon?" tanong ko dito. Masyadong malaki ang bahay ni Lola. Walang nakatira doon maliban sa mga kasambahay na nag-aalaga ng bahay na iyon. Hindi naman magawang ibenta dahil na rin isa 'yon sa mga properties ni Lolo.

"I changed my mind. Pwede namang magparty, diba?" nakangising sabi ni Aly sa akin. "And... pumayag na si Daddy!" mas lalong lumaki ang pagkakangisi ni Aly sa akin.

Panigurado ay marami na naman ang taong naroon. Lagi rin namang bisita ni Aly ang mga nagpupunta. Nagkakataon lang na kilala ko ang mga iyon dahil lagi naman kaming magkaklase ni Aly noon.

"By 10 am, we'll leave to go to church, okay?" ani Dad sa amin matapos mag-almusal. Tumango naman kaming tatlo sa kanya. Si Mommy naman ay kausap si Lola kaya naiwan kaming tatlo sa may dining room.

"Saturday night ang party natin. Nakausap ko na si Lola, may isusuot na din tayo!" excited na sabi ni Aly habang naka-indian sit sa upuan nito. "And I asked her, too, if we can use the house to sleep there. Kahit tayo-tayo lang. Pumayag din naman siya..." dagdag pa nito.

"Sino-sino bang mag-oovernight?" tanong ko naman sa kanya. Hindi din naman kasi kami nagsasama ng mga ibang tao kapag overnight.

"Tayo-tayo lang naman," kibit-balikat na sabi ni Aly.

Tumango ako. "Wala naman sigurong pronlema 'yun...." Sagot ko sa kanya. Lagi din naman kaming magkakasama. Sila Keij mismo ang may ayaw din na may kasama kaming iba dahil baka daw pagtangkaan sila ng masama.

"Tsaka si Iris at Ian..." biglang sinabi ni Aly. Agad ko naman siyang nilingon.

Bakit kailangan kasama si Iris?

"Bakit kasama si Ian?" tanong ni Jahann dito. Nilingon ko naman ito at nakita kong nakakunot ang noo nito.

"Bakit hindi? He's part of our circle now, and besides he's courting Cherinna..." sagot naman ni Aly dito na hindi ininda ang inis ni Jahann.

"And Iris?" ako na ang nagtanong 'non kay Aly.

"Jahann's courting her and—"

"I'm not courting her," mabilis na putol ni Jahann sa sinasabi ni Aly.

"Hindi pa. Pero soon, diba?" asik naman ng kakambal ko dito. Sumandal nalang ako at huminga ng malalim.

"Hindi pa nga naipapakilala ni Creep yung Montenegro na 'yon kay Dad, plano ka ng plano diyan," muling sabi ni Jahann kay Aly.

"Eh, di sa birthday party namin niya ipakilala..." sagot naman ni Aly dito. "And Jahann, that's our birthday. Wala namang problema 'dun, diba?" tanong nito habang nakatingin kay Jahann.

"Aakyat na ako para mag-ayos. Magsisimba pa tayo," tumayo na ako bago pa man makasagot si Jahann sa tanong ni Aly. Hindi ko na rin sila hinintay na sagutin ang paalam ko. Naglakad nalang ako pabalik sa kwarto ko para mag-ayos na.

Huminga ako ng malalim bago naupo sa kama.

Hindi ko maintindihan kasi kung ano ba 'yung nangyayari sa akin.

Kay Aly, okay lang naman si Iris. Nagagawa niya pang makipagbiruan dito, nagagawa niyang ngumiti dito. Bakit ako, hindi ko kaya? Bakit ayoko sa kanya para kay Jahann kahit wala naman siyang ginagawang masama? She's actually nice... and I hate it! Pakiramdam ko, soon enough, tama si Aly. Liligawan na ni Jahann si Iris.

Baka para sa kanya 'yung singsing, 'yung flowers...

Damn. Bakit ba nakakaramdam ako ng ganito?

"No, Cherinna... ayaw mo lang na may kahati ka kay Jahann... 'yun lang!" ani ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Pero maging ang repleksyon ko ay nagpapakita na hindi totoo ang sinasabi ko.

"Ewan!" tumayo nalang ako at nagbihis na. Pilit kong inaalis sa isip ko ang kahit anumang isipin. Wala pa mang alas-nueve y media ay bumaba na ako. Naabutan kong naroon na si Jahann at may tinitignan sa phone nito.

"Where do you want to eat later, Creep?" tanong nito nang hindi man lang ako nililingon.

"Paano mo naman nalaman na ako 'to?" tanong ko bago naupo sa tabi niya.

Nagkibit-balikat lang si Jahann sa akin. Kinuha ko nalang din ang phone ko at tinignan ang mga messages ko.

May tatlong galing kay Ian.

Ian:

Good morning.

Are you free today?

If I don't receive any message from you, that means you like me...

Hindi ko napigilang matawa. May pagka-baliw din si Ian minsan.

Nagtype nalang din ako ng message para isend sa kanya.

Good morning, too. Nope, I'm not free. Mahal ako.

Agad ko namang isinend sa kanya iyon at wala pang isang minute ay nakareceive na ako ng reply mula rito.

Ian:

Oo nga. Mahal ka. Mahal kita.

"What the..." kinagat ko ang labi ko bago pa man ako makapagmura ng diretso.

"What's wrong?" agad na tanong ni Jahann sa akin. Umiling naman ako at ibinalik na ang phone ko sa may bag ko. Nauna namang bumaba si Aly kaysa kay Mom at Dad kaya ganoon nalang ang pagkakaproud nito sa sarili.

Papasakay na kami sa sasakyan ni Jahann nang magsalita si Mommy.

"Aly, dito ka sumakay para malaman ko ang details ng party niyo at ang mga kailangan..."

Tumango naman si Aly at lumapit sa sasakyan ni Dad.

"Jahann, drive safely, alright?" paalala ni Dad kay Jahann bago ito sumakay ng sasakyan nito.

"Drive safely, Jahann..." pang-aasar ko dito bago pumasok sa sasakyan.

Binuksan nito ang pinto at tinignan ako. "Kailan ba kita pinabayaan, Creep?" tanong nito sa akin. Ngumiti ako at saka umiling. "Never pa naman," sagot ko sa kanya.

"You're safe with me..." ngumiti si Jahann bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan.

Tahimik lang naman kami habang nasa daan at sinusundan ang sasakyan ni Dad. Hindi ko mapigilang matawa.

"Nababaliw ka na naman..." komento ni Jahann na sa daan nakatingin.

"Naiisip ko lang kasi si Dad. I am sure, ang ingay ni Aly at ni Mommy..." natatawa ko pa ring sabi. "But he loves Mom so much. Ang cute talaga nilang dalawa, no?" sabi ko kay Jahann. "Gusto ko talaga kapag nag-asawa ako, katulad ni Daddy. Sobrang nakikita ko na mahal na mahal niya si Mommy, eh..."

Hindi naman ako kinibo ni Jahann kaya nanahimik nalang din ako hanggang sa makarating kami sa simbahan. Nakahawak sa may siko ko si Jahann habang naglalakad kami upang makaupo. Nas may kaliwa ko siya habang si Aly ang nasa kanan. Katabi nito si Mommy at katabi naman ni Mommy si Daddy.

Tahimik lang ang lahat habang nagmimisa.

Napalingon ako kay Jahann nang biglang magring ang phone nito.

"Turn that off, Jahann..." mahinang sabi ni Daddy dito.

Nakita ko naman ang pangalan ng tumatawag dito.

Iris.

"Sorry, Dad..." hinging-paumanghin ni Jahann bago pinatay ang phone nito.

"Who's that?" bulong naman sa akin ni Aly. "Iris..." mahinang sabi ko sa kanya. Lumawak ang pagkakangiti ni Aly dahil sa sinabi ko.

Nang matapos ang misa ay nagpaalam ako na magpupunta muna ng CR. Ang sabi naman ni Dad ay sa sasakyan na nila ako hihintayin dahil pupunta kami sa Ai's ngayon.

Matapos magbanyo ay mabilis na akong naglakad pabalik dahil alam kong natagalan na ako dahil sa pila na naroon pero laking gulat ko naman nang biglang may humila sa akin.

"What the—Ian?"

"Hi," ngumiti siya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

Mas ngumiti naman siya sa akin. "Depende. Gusto mo na bang magpakasal tayo?" balik na tanong naman niya sa akin. I rolled my eyes. "Kakasimba ko lang, ayokong maging masamang tao agad..." sabi ko sa kanya.

Pinisil naman niya ang ilong ko. "Cute mo talaga..." nakikita ko ang paggalaw ng Adam's apple niya habang tumatawa. "Who's with you? May kasama ka ba?" tanong niya sa akin.

"Yeah. I'm actually with—"

"Cherinna..."

Napalingon ako nang may tumawag sa akin.

"Jahann..."

Lumapit naman agad si Jahann sa akin at hinawakan ang braso ko. "Dad's waiting," ani Jahann sa akin.

Tumango ako. "Yeah, ang haba kasi ng pila kaya natagalan ako at—"

"Let's go," putol nito sa sinasabi ko bago ako hinila.

"Wait," pigil ko dito.

"Sige, Ian. Mauna na kami," paalam ko kay Ian. Pakiramdam ko kasi ay hindi naman tama kung aalis nalang ako bigla at hindi magpapaalam kay Ian.

Mabilis ang mga hakbang ni Jahann kaya naman kinailangan ko ring magmadali sa paglalakad.

Nang makarating kami sa parking lot ay wala na ang sasakyan ni Dad.

"Nasaan sila?" medyo hinihingal na tanong ko kay Jahann.

"Mauuna na daw sila sa Ai's..." masungit na sabi nito sa akin.

"Akala ko ba naghihintay sila?" tanong ko ulit. Iyon ang sinabi niya nang hilahin niya ako kanina.

"Hindi ba sila maghihintay sa Ai's kung matatagalan ka pa sa pakikipag-usap mo?" sarkastikong tanong ni Jahann sa akin. "Sana sinabi mo na may kakausapin ka lang pala para hindi na sila naghintay sa'yo," dagdag pa nito.

Tinitigan ko siya. Bakas na bakas ang inis sa mukha nito pero hindi ko maintindihan kung ano bang ikinagagalit nito. Hindi ko naman kasalanan na mahaba ang pila sa CR kaya naghintay sila. Dati naman ay okay lang sa kanya iyon dahil alam niyang maraming tao, ngayon ay inis na inis ito.

"Nung dumating ka, wala pa kaming dalawang minutong nag-uusap ni Ian. Kung naghintay ka, sorry..." malamig na sabi ko bago pumasok sa loob ng sasakyan.

Sumakay na rin si Jahann sa sasakyan nito at hindi nagsalita. Hanggang sa makarating kami sa parking lot ng Ai's ay wala ni isa sa amin ang nagsasalita.

Tinanggal ko na ang seatbelt ko at akmang lalabas nang tawagin niya ako.

"Creep..."

Hindi ako lumingon pero hindi din ako lumabas.

"It's fine, Jahann. Baka napapagod ka ng bantayan kami ni Aly. Lalo na ako..." sabi ko sa kanya. "Don't worry about me, I'll be fine..." huminga ako ng malalim. "Lalabas na ako, baka naghihintay na sila Dad sa loob..." lumabas na lang ako ng sasakyan at dumiretso na sa studio kung saan naroon na nga sila Mommy at Daddy. Kausap nito sila Tita Julia at Tito Dale. Nakita ko rin na naroon si Aly at katabi naman nito si Iris.

"Cherinna!" malakas na sabi ni Tita Julia at lumapit sa akin at niyakap ako.

"In fairness, Mika. Manang-mana talaga ang kambal mo sa'yo! Ang gaganda," sabi nito bago ako hinila papalapit sa kanila. Ngumiti naman ako.

"Tapos si Jahann kay Kerko," sabi naman ni Tito Dale.

"Where's Jahann, Cherinna?" tanong sa akin ni Mommy.

"Paakyat na po 'yon," sagot ko naman dito.

"Anyway, Kerko," untag ni Tito Dale kay Daddy. "You see that girl?" turo nito kay Iris na nakikipagkwentuhan kay Aly. "She's like Mika, more like a little Mikaela to your little Kerko..." natatawang pagkukwento nito.

"What do you mean?" tanong ni Daddy dito. "She likes Jahann?"

"Yeah, she's head over heels in love with Jahann. Just like Mika to you," sabi naman ni Tita Julia.

"Excuse me, he's the one who's head over heels in love with me," sabi naman ni Mommy na itinuro si Daddy.

"Oo nalang ako, Ai..." sagot ni Daddy dito. Hindi ko mapigilang matawa sa kanila.

Maya-maya ay pumasok na si Jahann.

"Hi, Jahann!" bati ni Iris dito. Tinanguan lang ito ni Jahann.

"We need to check some things. Okay lang bang dito na muna kayo?" tanong sa akin ni Mommy. Tumango naman ako sa kanya. May photo shoot si Iris ngayon kaya nandito siya.

Magkakasamang lumabas ng studio si Mommy at Daddy, kasama si Tita Julia at Tito Dale. Si Jahann naman ay pumasok sa kwartong naroon kaya naiwan ako sa may couch. Lumapit lang sa akin si Alyn a kahawak-kamay pa si Iris.

"Hi, Cherinna," bati ni Iris sa akin.

"Hi," tipid akong ngumiti dito.

"Ang gwapo talaga ni Jahann, no?" sabi ni Iris. Si Aly ang kausap nito pero hindi ko maiwasang mag-angat ng tingin mula sa magazine na basta ko nalang kinuha roon.

"Of course, he's an Anderson!" natatawang sagot naman ni Aly dito.

"There's really something about him that makes me like him even more. 'Yung mas lalo ko siyang nagugustuhan sa tuwing nakikita ko siya..." tila kinikilig na sabi ni Iris.

"Tss..."

Hindi ko mapigilang mapaismid.

"Okay ka lang, twin?" tanong ni Aly sa akin.

"Ha?" nag-angat akong muli ng tingin. Nakatingin silang dalawa sa akin. "Uh, yeah, I'm fine," ngumiti ako sa kanila.

"Tapos alam mo, ang sweet sweet niya kapag hinahatid niya ako sa bahay naming kapag ginagabi na kami dito sa Ai's..."

"So, maraming beses ng nakarating sa bahay niyo si Jahann?" tanong naman ni Aly dito.

"Oo. Ilang beses na niya kasi akong inihahatid kapag hindi ako nasusundo dito sa Ai's, eh..." kilig na kilig pa ring sabi ni Iris.

"Eh di sana nagtaxi ka," mahinang sabi ko.

"May kausap ka ba diyan, twin?" tanong ni Aly sa akin. Muli, nag-angat ako ng tingin dito at umiling.

"Wala. Napansin ko lang kasi 'yung make up nung babae dito sa magazine, di pantay..." natatawang sabi ko bago muling nagyuko.

Ugh.

Mananahimik na nga lang ako.

Ilang minuto lang ay nagsimula ng muli ang photo shoot ni Iris. She's good. The camera loves her. Nakaupo lang kami ni Aly sa may couch na naroon habang hinihintay sila Mommy. Ang usapan kasi ay sabay-sabay kaming maglalunch kasama sila Tito Dale. Medyo late na dahil past 12 pm na din.

"Iris, sama ka sa amin maglunch?" aya ni Aly dito nang matapos naman kaagad ang photo shoot nito.

"Okay lang ba? Baka nakakahiya..." sabi nito sa kakambal ko.

Itinikom ko nalang ang bibig ko para hindi na makapagsalita pa ng kahit na ano.

"Of course it is fine," nakangiting sabi ni Aly kay Iris.

"Dad! Sama si Iris sa atin maglunch," sabi ni Aly kay Daddy nang mag-aya na ang mga ito na umalis. Naroon na rin si Jahann na nakatingin sa akin.

"Okay lang po ba?" tanong ni Iris kay Daddy. Nilingon naman ni Daddy si Jahann. "Yeah," iyon lang ang sinabi ni Dad at inaya na si Mommy papalabas.

Dumiretso naman si Aly at Iris sa sasakyan na gamit ni Jahann. "Twin, sa likod tayo..." sabi ni Aly sa akin. Tumango lang ako dito.

"Sa harap si Cherinna, Aly..." sabi ni Jahann sa kakambal ko.

"Si Iris na sa harap, okay lang kami ni kambal sa likod at—"

"Sa harap ang pwesto ni Cherinna..." seryosong sabi ni Jahann kay Aly.

"Okay lang naman ako sa likod, Aly at—"

"Sa harap ka na, Iris," putol ko sa sinasabi nito bago nauna pang sumakay sa may likod ng sasakyan. Sumandal nalang ako at hindi nagsalita. Nagtama ang tingin naming ni Jahann sa may salamin pero agad akong nag-iwas.

Baka nagiging pabigat na rin ako kay Jahann dahil lagi nalang naming siyang ginugulo ni Aly.

Be like Aly, Cherinna.

Tanggapin mo na may Iris na sa buhay ng kapatid mo.

Hanggang sa restaurant na pinuntahan namin at hindi ako masyadong kumikibo. Nagsasalita lamang ako kapag kinakausap nila ako o kung may itatanong sila o kung kailangan ng opinion ko. Pero lamang ang tahimik lang ako. Katabi ko si Aly habang nasa kabilang side ko si Tita Julia. Si Iris ang katabi ni Jahann.

Matapos kaming kumain ay bumalik na sila Tito Dale sa Ai's. Si Mommy at Daddy naman ay may pupuntahan daw kaya naman naiwan kaming tatlo. I saw Dad talked to Jahann earlier. Hindi ko naman malaman kung anong pinag-usapan nila at kung tutuusin, di ko naman dapat na alamin pa.

"Uuwi na ako," sabi ko sa kanila nang lumabas kami sa restaurant.

"Sure ka? Ang aga pa, ah?" ani Aly sa akin. Tumango naman ako. Nawala na rin naman ako sa mood at mas gusto ko nalang matulog o di kaya'y magbake.

"Ihahatid na kita," pagpiprisinta ni Jahann.

"Wag na. Samahan mo nalang si Iris," sabi ko dito. "Pwede naman akong mag-cab," dagdag ko pa.

"Creep," huminga ng malalim si Jahann.

"I'll just see you later," ngumiti ako sa kanila pero iniiwasan kong tignan si Jahann. "See you tomorrow, Iris," paalam ko dito bago naglakad papalayo.

"Twin!" narinig kong tawag ni Aly pero di naman na ako lumingon. Hindi ko alam kung nakabuti o hindi na may taxi naman kaagad na naroon kaya mabilis akong nakasakay.

Nagpahatid nalang ako sa bahay at pagdating ko ay agad akong nagkulong sa kwarto ko. Hindi na rin ako nag-abala pang magpalit ng damit. Basta nalang akong humiga at niyakap ang stuffed toy na naroon.

Na regalo pa ni Jahann.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako hanggang sa magising ako nang medyo madilim na. Tinignan ko ang orasan ko at 6:35 pm na ng gabi. May tatlong oras din siguro akong nakatulog. Bumangon ako at nag-inat. Maging ang medyas ko ay suot ko pa.

Napalingon ako sa gilid ko nang may makita akong nakalagay doon.

May tray na naroon at may caramel ice cream ang nakapatong doon. Napakunot ang noo ko.

Napatingin ako sa may paanan ko at may isang violet stuffed toy rin ang naroon. May hawak itong isang board at may nakasulat doon.

Sorry na, Creep.

Napangiti ako. Kinuha ko iyon at tinitigan.

"Apology accepted," mahinang sabi ko. 

Continue Reading

You'll Also Like

182K 3.5K 55
The Teenager Mommy into Aimer La Maman Célibataire. SYPNOSIS Carisha was sixteen when she decided to go in a Bar. She was so careless at that time th...
825K 35K 53
Alyanna Samantha Anderson, as one of Anderson's princesses, used to get what she wanted. She thought her life was close to perfection since she could...
6.9K 305 5
WARNING: MATURE SCENES AHEAD. READ AT YOUR OWN RISK. Ronerico Dardenne of The Love Investment Expectations over expectations, Ronerico Dardenne used...
1.8K 165 13
One forgotten night. Two not-so-strangers ended up in a shotgun wedding. Would the newlyweds be able to work out the unexpected marriage and pregnanc...