Hot And Cold [Completed]

By marielicious

11M 274K 40K

X10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dust... More

Hot And Cold
~1~ Childhood Playmate
~2~ And They Meet Again
~3~ Small World
~4~ Ang Side Mirror... Bow!
~5~ Cook For Me
~6~ Pork Bistek And Fried Potatoes
~7~ Tupperware
~8~ Cellphone
~9~ Sorry Na
~10~ Say No To Gapang
~11~ Feeling Close
~12~ Pink Bunny
~13~ Ang Aking Sundo
~14~ Okay Na Sana
~15~ Mushroom Soup Versus Broccoli Soup
~16~ Behind His Coldness
~17~ Loner
~18~ Cute Little Girl
~19~ Sa Akin Ka Nalang
~20~ Missing In Action
~21~ Two Hour-Date
~22~ Inspiration
~23~ It's A Guy Thing
~24~ First Day, LQ Agad?!
~25~ Raffle Draw
~26~ Second Base
~27~ My Tummy Aches!
~29~ No More
~30~ I'm All About You, I'm All About Us
~31~ Debut
~32~ Doubts
~33~ Floral Scent
~34~ What Makes You Busy
~35~ Diversion
~36~ Online Stalking
~37~ The City Of Pines
~38~ Over You
~39~ Waiting For Nothing
~40~ What Does My Heart Say?
~41~ Lies
~42~ If You Only Knew
~43~ I Chose You
~44~ Get Away
~45~ Time And Space
~Epilogue~

~28~ Back Off, Fan Girls

181K 4.8K 305
By marielicious

~28~ BACK OFF, FAN GIRLS

 

CHLOE’S POV

Ang bilis ng panahon. November na. Akalain niyo yun, four months na pala kami ni Dustin? Kinaya ko yung personality niya? Bwahaha! Ako na ang feelingera. Siya pa nga itong nag-aadjust sa ugali ko. >__>

Wala pa rin namang pagbabago sa relationship namin. We’re still into each other. Naks! Gumaganun na ako. Ah, basta. Kung anong meron sa amin nung sinagot ko siya ng July, ganun pa rin naman ngayon. Oo, wala talagang nagbago. Hindi kami lumelevel-up. >__>

So, what do we have here right now?

Kasalukuyan ko lang naman pinapanuod ang performance ng mhine ko. Kapag may time ako, pumupuslit ako sa bahay para panuorin si Dustin. Kagaya nalang ngayon, sem-break naman kaya free ako. In fairness, ang ganda ng boses niya. Versatile kumbaga! Pwedeng rock, mellow, RNB, etc.

I hate your phone calls

In the middle of the day

Cause all you do is remind that my baby is so far away

It drives me crazy

Cause I need you with me

I know its time for you to understand when I say that

Oha! Kahit pang-brokenhearted yung kinakanta niya ngayon, nakekeri niya pa rin. Ang dami ngang tumitili na mga ingratang hitad na talanders eh! Geez!! Naiirita talaga ako tuwing bababa si Dustin mula sa stage na yan. Sinasalubong agad siya ng halik at yakap nung mga babae. Well, hindi lang naman siya. Pati na rin sina Wayne, Jake, at si Toffer. Eh ke-gagwapo ba naman eh. >.>

I hate goodbyes

I hate these tears in my eyes

I hate myself for the way I feel about you everytime

I’ve had enough

I’m sick of wishing she was around me every day, every night

its way too much

I hate love yeahhyeahhh


Nung matapos na yung last song nila, hinuli ko yung paningin ni Dustin mula sa pwesto ko dito sa likod. Kahit maraming mga tao sa harapan, nakita naman ako ni Dustin. Alam naman niyang dito ang paborito kong table kaya niya ako nahanap agad. Sinenyasan ko lang siya sa labas na ako maghihintay tapos tumango na siya. Here goes her fangirls again. Ang sakit sa mata! Makalabas na nga. =_______=

Sa labas ko na hinintay si Dustin. Siguro after five minutes, dun ko lang nakita si Dustin na lumabas sa exit. Lalapitan ko na sana siya nang makita kong may humarang sa kanyang babae at take note, niyakap pa siya. Wait, be calm, Chloe. Huwag mong paandarin ang init ng ulo mo.

P-pero bakit niya kiniss si Dustin sa cheek?!?

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Nilapitan ko na sila. Nung makita ako ni Dustin, bigla siyang tumabi sa akin. Tinaasan naman ako ng kilay ni girl.

“Excuse me, boyfriend ko ‘to, Miss.”

“Mhine… Tara na.”

Pinandilatan ko lang si Dustin sa tabi ko tapos tinignan ko ng masama ang babaeng nakangisi sa harapan ko. Nakanang! Argh! Nakakainis! Burahin ko yang smokey eyes niya eh.

“Sorry, namiss ko lang naman siya. Bye na, Dustin!”

Wow. Namiss?! :O

Nung nakaalis na yung babae, hinarap ko si Dustin. “Ano yun? Anong namiss?!” Don’t tell me… Ex niya ulit yun?! Lagi nalang kasi kaming nakakaencounter ng ganun sa apat na buwan namin together. Katulad nalang sa mall last week, may yumakap din sa kanya. Nung tinanong ko si Dustin kung sino yun, sabi niya baka daw ex niya. BAKA! Hindi pa sure. >.<

“Baka… ex ko?”

“Lahat nalang ex mo!”

He chuckled silently. “’Di ko matandaan eh. Tara na nga. Iuuwi na kita.”

“Asa!” Tumalikod na ako sa kanya. Maghahanap nalang ako ng taxi! Hindi ko alam kung nakailang girlfriend na itong si Dustin. Buti pa siya, alam niyang first boyfriend ko siya. Wala pa akong gaanong alam tungkol sa kanya. :/

“Mhine…”

Hinawakan niya ang braso kaya nagpupumiglas ako. “Dustin naman eh!”

“Huwag mo nang alalahanin yun. Kaya nga ikaw ang girlfriend ko ngayon, kasi ikaw ang gusto ko.”

Okaaaay. Minsan naiinis ako sa sarili ko. Nag-eexpect kasi ako na sabihin niya sa akin na mahal niya na rin ako. I know, corny. Pero masama ba? Kami naman na diba? :3

 

***

Days passed like a blur. Second semester na. Wala namang masyadong nangyari nitong mga nakaraang araw. Nung first day ng semester, nameet ni Gail yung childhood friend niya whose name is Liam. At dahil dun, nakilala din namin yung tropa niya na puro Japinoy. Half-Japanese, Half-Pinoy. In fairness, ang gagwapo nila. Muntik ko na nga silang maging crush nung nakita kong sinayawan nila si Gail nung opening. Shemay! Ang ha-hot. *Q*

Nung tinanong ko si mhine about kina Liam and his company na kakalipat lang sa E.H.U ngayong sem, ang tipid lang ng sagot ni Dustin. Huwag daw akong lalapit sa kanila. Sus, insecure kasi siya sa kanila. -______-

Hindi ko na rin masyadong pinupuntahan si Dustin sa resto bar dahil naiimbyerna lang ako sa mga babae dun. Bakit pa ako pupunta kung ma-BBV ako diba? So, nagsasama nalang kami ni Dustin kapag nasa campus kami. Wala ng time masyado. Hapit din kasi sila sa gigs sa iba’t-ibang restobars. Sila na in demand.

Matutulog na sana ako ng maaga ngayong gabi nang marinig kong nagring yung phone ko. Pagtingin ko, si Dustin pala yung tumatawag. Ooohhh…

“Mhine?”

[“Tulog ka na?”]

Natawa ako. Medyo stupid yung tanong niya. “Bakit ko pa sinagot ang phone call mo kung tulog na ako? Anyway, kamusta ang gig?”

[“Next set na kami. ‘Di pa naman namin turn kaya lumabas muna ako at tinawagan ka.”]

“Ahhh…” Walang masabi. Antok na ako -_-

[“Magkwento ka. How was your day?”]

“Ordinary day. Nakakapagod. Basta. Nakakatamad magkwento. Bukas nalang tayo mag-usap, Dustin. Inaantok na ako.”

[“Gusto pa kitang makausap.”]

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilin yung kilig smile ko. Minsan lang humirit si Dustin ng ganyan kaya kinikilig ako. Ayaw niya kasing nag-uusap kami sa phone since magastos daw sa bill. I know kuripot. :P

“Tataas bill mo.”

[“Ngayon lang naman. Gusto ko lang marinig ang boses mo bago ako magperform. Namiss kita eh.”]

“Suuuuus… Anong nakain mo? Wait, lasing ka ba kaya ka bumabanat ng ganyan?”

[“No, I just miss your presence whenever we perform. I love looking at you in the crowd. Even though you’re not that beautiful, you still stand out from all the girls… for me. Mas ginaganahan tuloy akong magperform.”]

Ayan na. Napangiti na talaga ako. With matching gulong-gulong pa sa kama. Ang sarap sa feeling kapag sinasabihan ka ng ganun ah!

“… Sus! Osya. Goodluck, mhine. Galingan mo.”

[“Duuuustiin… pwede papicture? Pang-instagram lang.”]

[“Mhine, ibababa ko na ‘to. Goodnight. Tulog ka na agad.”]

[“Please~ Isa lang…. Payakap na rin.”]

Nag-init ang ulo ko nang marinig ang boses ng maharaot na babae sa linya. Payakap her face! “Dustin, umayos ka! Behave or else…”

[“Yes, I will. I’m hanging up, mhine. See you tomorrow.”]

Dial tone.

Napabuntong-hininga nalang ako. ‘Di na nga ako nagpunta, nakarinig naman ako ng maharot na boses ng fangirl niya. Pero ayos lang…Napangiti naman ako ni Dustin bago ako matulog.

 

***

THE NEXT DAY. Nagising ako na super light ang mood ko. Syempre, nag-ayos na ako ng sarili ko para ready na sa pagpasok sa E.H.U. Feel kong magbreakfast kasama ngayon si mhine sa labas! Aha, matawagan nga siya.

Habang hinihintay kong sagutin ni Dustin yung phone call ko, nag-aapply ako ng lip balm sa lips ko. Ayaw kasi ni Dustin na maglipstick ako at mag-make up. Conservative yun eh… Pati nga yung skirt ko, pinapalitan niya sa akin kasi ang ikli raw. Duh! Kasalanan yun ng E.H.U. Bakit kasi above the knee length pa yung uniform nila?

“Ang tagal namang sagutin------“ Narinig kong nag-end yung call. Ha? Binababaan ako? So, ayun, inulit ko ulit ang tawag. After five rings, buti sinagot naman niya. “Dustin-----“

[“Hello?”]

O___O

B…Bakit boses babae?

[“Hi? Hello? Yow? Ay, ayaw sumagot?”]

Woah. Tinignan ko yung screen ng phone ko baka nagkamali ako ng tinawagan pero kay Dustin talaga yung number na tinawagan ko. Sino ‘to?

[“Helloooooo… May tao ba dyan?”]

At… At parang bagong gising lang yung boses. Sheez! Anong ibig sabihin nito?!

“H-Hello…?”

[“Hello, Chloe. Chloe kasi yung nakalagay na pangalan mo sa contacts hihihi! Si Dustin ba ang hanap mo? Of course, siya ang hinahanap mo kasi siya ang tinawagan mo. Tawag ka nalang ulit mamaya, Chloe. Nag shoshower pa kasi siya eh…”]

Napatakip na ako sa bibig ko sa narinig ko. S-shower?

[”Sinong kausap mo dyan???”] boses ni Dustin yun >.<

[“May tumatawag sayo! Sinagot ko lang, Dusty!”]

And that’s it. Hindi ko na kinaya. Binaba ko na ang phone ko. Jusme! Dustin, humanda ka sa aking bw*sit ka!!! Sino yung babaeng yun? Hindi niya pwedeng maging nanay yun, dahil wala na siyang mommy. Hindi rin pwedeng sister, kasi wala naman siyang kapatid… Siya lang naman ang nakatira mag-isa sa condo niya… Unless… shems! UGH!

---

A/N: hold po ito sa kadahilanang magfofocus muna ako sa pagpaparami ng votes sa Accidentally Inlove With A Gangster book 1. Pakibasa nalang yung nasa external link kung nagtataka kayo kung bakit :/ Sana maintindihan ninyo.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 55.9K 62
Torrence Felly, an ordinary student who's full of dreams and ambition in life, finding a boyfriend is not in her list - until she found Clifford Airm...
610K 13.7K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
13.4M 127K 90
This is the jeje version and I don't wanna touch this one.
8.4M 26 1
Ikaw. Ako at ang Sampung Pisong Fishball.