Miss Always Rank #2

By deliixx

678K 19.2K 2.5K

St. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Wakas

Kabanata 18

10.4K 388 13
By deliixx


Kabanata 18

Replies

Nang nasa Valkyrie na kami ay umakyat kami sa second floor para puntahan sina Maxxine na naghihintay sa amin kasama ang kanyang mga pinsan na galing ibang bansa.

Sa dami ng tao ngayon ay kinailangan pang tawagan ni Nick si Maxxine, I saw some foreigners that are looking at us, iyong iba pa ay niyaya kaming sumama sa table nila.

"No thanks, we are with someone." sagot ni Bianca sa Amerikano

"Oh that's bad news! Just let me know if there's none." sabi nung lalaki at kinindatan ako. Mabilis ko silang tinalikuran at puntahan si Nick na nakasandal sa glass railings kung saan makikita mo ang dancefloor sa baba.

Tinignan ko ang mga tao sa baba, kadalasan ay nasa kanilang table at kaonti lang ang nasa dancefloor. May ilang akong namumukhaan na alumna ng SCSU iyong iba naman ay mga artista o sikat sa social media.

We're in a legal age pero hindi parin ako sanay sa ganito, kapag may occasion lang kami nakakapunta sa The Palace. Si Nick lang itong pumaparty every weekend.

May naramdaman akong tumabi sa akin at sumandal rin, nagbuga siya ng usok sa kanyang sigarilyo at ngumiwi ako doon. Sinandya kong ipakita sakanya ang reaksyon ko para umalis siya pero ang nakuha ko ay ang kanyang ngisi bago tuluyang binaba ang sigarily. Inirapan ko na lang siya at hinarap si Nick na kausap parin si Maxxine sa cellphone.

"Let's go? Mukhang nakita ko siya sa kabilang side." sabi ko at hinila si Nick kahit na hindi ko naman talaga nakita sina Maxxine. Tinawag namin sina Bianca, Karlie at Shaira na mukhang kaibigan na ang mga Amerikano. I can see shot glass on Bianca's hand.

"Sorry to interrupt you guys but we have to go." sabi ko sa kanila at sinensyasan ang tatlo na umalis na.

"Tiara!" napalingon ako sa tumawag sa akin, si Maxxine na pinapalibutan ng mga pinsan niya. Agad kong nakita si Austin na may hawak na Hennessy, tumango siya sa akin at nagpalitan kami ng ngiti.

"Finally, we found you! Itong sina Bianca kasi-" natigilan si Nick nang nakita niya kung sino ang katabi ni Maxxine sa sofa. Iyong lalaking Amerikano na paniguradong pinsan ni Maxxine, naka-itim na muscle tee at grey shorts siya at may hawak na hard liquor.

"Oh my goodness..." bulong n'ya at umupo agad sa sofa

"Hi! I'm Nick Garcia. Are you Maxxine's cousin?" umiling ako sa kalandian ni Nick, ni hindi man lang siya naabala na nasa gitna nila si Maxxine

"These are my cousins, Alex, Lauren, Moriah and Austin, hindi ako nagsisinungaling ah!" tawa n'ya. Tumayo siya at umalis sa gitna nina Nick, pinakilala kami sa mga pinsan niyang half American. Todo ang ngiti niya at binabati ang dalawa pang pinsan na babae ni Maxxine at bumabalik rin ang atensyon kay Alex pagkatapos ng ilang segundo.

Pinagsadahan ko ng tingin ang mga liquor at pagkain sa table, may JD, Jim Beam at Baileys akong nakita.

Tahimik lang ako at nakikisama paminsan minsan sa mga tanong nila sa mga pinsan ni Maxxine.

"Ayusin mo naman yung tanong mo Shaira! Halatang may gusto ka dito kay Alex e." sabi ni Karlie nang nagtanong si Shaira kung girlfriend ba siya.

"Oh edi ikaw ang magtanong!" natatawang sinabi ni Shaira at uminom ng Jim Beam.

"Are you planning to stay here for good?" tanong ni Karlie

"We're here for a vacation since Austin and Maxxine are here. We also heard about Maxxine's boyfriend and we want to check him out." natatawang sinabi ni Lauren na may blonde hair at curvy na katawan

Nagulat si Maxxine sa sinabi ng pinsan kaya natabig niya ang Hennessy sa harap, buti na lang at agad akong nakailag kundi basa na ang damit ko. Nagtilian ang mga babae dahil sa nangyari sa bote, tinaas agad iyon ni Austin at nagtawag ng waiter.

May lumapit na waiter para linisin ang kalat, tinignan ko si Maxxine na ngayon ay hindi alam ang gagawin dahil sa sinabi ng pinsan.

"Boyfriend pala, huh?" ngisi ko, binali wala ang nangyari sa alak. Umiling si Maxxine at tinignan ng masama si Lauren

"At sino kayang boyfriend ang tinutukoy ni Lauren?" malaking ngising tanong ni Bianca

"Ewan ko sainyo!" ani Maxxine at tumayo para pumuntang powder room.

Nagtawanan kami kasama ang kanyang mga pinsan, guilty masyado. Alam ko naman kung anong mayroon sakanila ni Nathan, though I'm not sure if they're official. I'm just waiting for her to tell me, ayoko iyong pinipilit.

Nagkuwentuhan kami tungkol sa mga plano nila dito sa Pilipinas panay ang tingin sa akin ni Alex kahit na kausap niya si Nick, nginingitian ko na lang siya kapag naabutan ko siyang nakatingin.

Buti na lang at dahan-dahan silang umiinom, ayoko rin naman makadami dahil may dala akong kotse at kailangan ko pang ihatid ang ilan sa mga kaibigan ko.

Napasigaw si Karlie nang narinig niya ang paborito niyang kanta at lalo siyang na-excite sa galing ng DJ sa pag-remix ne'to. Mabilis niya kaming tinayo at nagyayang bumaba para makisaya sa mga tao sa dancefloor.

Iiling na sana ako para samahan sina Nick at Alex na mukhang mananatiling sa table para makipag-kwentuhan pero nang tumayo si Alex at niyaya si Nick ay nawalan ako ng pag-asa. Sinabihan nila si Maxxine na hindi parin nakakabalik na pupunta kami sa dancefloor at doon na lang siya tumuloy.

Nauna sina Karlie at Bianca habang si Shaira naman ay kasama si Moriah tapos kami naman ni Lauren ang magkasama habang sina Nick at Alex ay panay ang tingin sa mga chicks na nadadadaan namin. Really, Nick?

Kaninang umalis si Maxxine ay nagpaalam kanina si Austin na aalis siya para puntahan ang mga kaibigan niyang nasa baba, nakita ko siyang katawanan ang grupo ng mga lalaki sa isang table at nang nakita niya kami ay tumayo s'ya at nagpaalam.

"Oh, where are you going? And where's Maxxine?" tanong ni Austin kay Lauren, lumipat ang tingin sa akin ni Austin at nginitian ako, nginitian ko siya pabalik.

"She's still in the powder room." sagot ni Lauren at luminga sa mga naghiyawan malapit sa amin. Grupo ng mga moreno ang maingay na naghihiwayan at ang iba ay nakatingin sa amin, nahuli ko pa ang isa na kinindatan kami kaya ang ginawa ko ay hinila ko si Lauren palayo sa kanila at pumunta na sina Karlie sa dancefloor.

Sumugod si Karlie sa dami ng tao malapit sa stage at sumunod sa kanya si Bianca, nanatili lang kami sa maluwag na parte ng dancefloor at gumawa ng sariling crowd.

Nagtawanan kami ng sumayaw si Nick at Lauren, mukhang walang balak sabihin ni Nick ang tunay niyang anyo dahil game na game siya sa sexy dance ni Lauren. Ngumiwi ako sa nakakadiring kilos ni Nick pero nakisabayan parin sa tawanan.

Grabe ang tawa ko kay Nick, mukha na siyang macho dancer sa mga dance moves niya at pinapatulad naman iyon ni Lauren. Natigilan si Nick nang nagsimula ng mag-grind si Lauren sa kanya, ngumiwi ako sa nakita ko at todo hiyawan naman ang mga taong nasa paligid. Suddenly, the spotlight was on us.

Narinig ko ang halakhak ni Austin sa gilid ko, nilingon ko siya at sobrang lapit na niya sa akin! Bahagya akong lumayo sakanya at tinignan si Nick na umiiling-iling na ngayon kay Lauren. Mukhang nagpapaalam na umalis na.

May lumapit na Aussie kay Lauren kaya tagumpay na nakawala si Nick at lumapit sa akin.

"What was that?" natatawang tanong ko sakanya, tumawa siya at tinuloy ang pagsayaw sa akin

"Hoy! Tumigil ka nga Nick! Huwag ako!" saway ko sakanya pero nagpatuloy parin siya sa pagsayaw sa akin, ngumiwi ako at tinulak tulak siya. Tumatawa lang siya at lalong lumalapit sa akin.

"Kadiri ka Nick! Bumalik ka na nga sa tunay mong anyo!" tinulak tulak ko parin siya dahil nagsisimula na siya sakanyang sexy moves. Kung hindi dahil sa dami ng tao ay kanina ko pa 'to tinakbuhan.

"This is a club, babe. We should dance." sabi niya gamit ang nakakadiring tono. Babe mong mukha mo!

Tumawa ako at sinabayan sa pagsayaw, tinaas ko ang dalawang kamay ko at unti-unting bumaba, naging hugis "O" ang bibig ni Nick sa ginawa ko. Nagtaas ako ng kilay sakanya, ano ka ngayon?

"Mas gusto ko ng ikaw ang kasayaw ko kesa sa iba, ano. Kadiri kaya." bulong ni Nick at nagpatuloy sa pagsayaw ayon sa beat ng kanta.

Nilingon ko ang paligid namin, nakita ko ang ilang sa mga kasama namin na nagsasayawan na, si Lauren na kasayaw na ngayon ang Aussie na lumapit sakanya kanina at si Austin na may kausap na babae. May nahuli akong ilang babae na panay ang sulyap kay Nick at iiwas kapag nakita nila akong nakatingin sakanila.

"Ang hot mo kanina noong kasayaw mo si Lauren." asar ko

"That's my strategy on Alex." tumawa ako sa reason niya. Alex don't want to know that Nick is into men like him kaya nagkunwari s'yang tunay na lalaki.

Siya lang ang kasayaw ko hanggang sa dumating si Maxxine, sumali siya sa amin sa pagsayaw. Padami ng padami ang mga tao sa dancefloor at may mga lumalapit na ring tao sa amin.

"Nick!" tawag sakanya ng lalaking moreno at matangkad, mabilis na umalis si Nick sa amin para puntahan ang tumawag sakanya.

"Kapag lalaki nga naman oh." umiling iling si Maxxine habang sinusundan ng tingin si Nick na lumapit sa grupo ng mga lalaki na tumawag sakanya.

Malaki ang ngiti ni Nick habang kausap ang tatlong lalaki na tumawag sakanya, tumingin bansa sa amin ang isa kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"Puntahan natin sina Karlie? Mukhang mamaya pa babalik si Nick sa atin." sabi ko at sumangayon naman s'ya.

Habang hinahanap namin sina Karlie sa dami ng tao ay may biglang humarang sa amin.

"Hi girls, do you want some drinks?" sabi ng Amerikano at may dalang malaking bote ng Jim Beam at tatlong shot glass, umiling kami at nagpatuloy sa paghahanap sa mga kaibigan namin

"How about wine?" hindi ko na pinansin iyong lalaki at nagkunwari na hindi ko siya narinig. Hinila ko na si Maxxine na mukhang naiwan at naipit sa grupo ng tao

"Maxxine!" tawag ko sakanya at bumalik para hilahin siya .

"Excuse me, can you please make space for my friend?" masungit na sabi ko sa mga babae na walang balak ipadaan ang kaibigan ko

"Oh? We're sorry." sabi nung babae at pinadaan si Maxxine pero hindi agad nakagalaw si Maxxine dahil sa lalaking nasa likod n'ya

Siya iyong nag offer sa amin kanina ng Jim Beam! Aba't matigas rin ang bungo ng isang 'to at ayaw paawat. Lalapitan ko na sana si Maxxine para hilain sa lalaking iyon ng may humarang sa dadaanan ko.

"Hi Tiara, kanina pa kita tinitignan. I'm Aaron." naglahad s'ya ng kamay pero tinanguan ko na lang. I don't have time to chit chat with you Mister.

"Maxxine!" tawag ko dahil tinulak na n'ya iyong lalaki, nairita na siguro. Nakita ko ang pagngisi ng lalaki dahil sa ginawa ni Maxxine. That jerk! Mukhang nachallenge pa sya sa ginawa ni Maxxine!

Lalapit na sana ako ng hinawakan ng lalaki ang kamay ko

"Ano ba!" sigaw ko at binawi ang kamay ko sakanya. May tumiling babae at mabilis na paglapit ang mga bouncer sa banda nina Maxxine.

"Oh my God..." mabilis kong pinuntahan si Maxxine, nanlaki ang mata niya nang makita ang lalaki na nakahiga sa sahig at iniinda ang sakit ng suntok nang lalaking nasa tabi niya. Unti-unti kong inangat ang paningin ko sa lalaking sumuntok at nagulat ako nang si Nathan iyon.

Madalim ang kanyang ekspresyon at mabilis na tumataas baba ang kanyang dibdib sa sobrang galit. Susugod na sana siya nang hinawakan ni Maxxine ang kanyang braso

"Let go, Maxx." sabi ni Nathan at kinalas ang pagkakahawak ni Maxxine sakanyang braso. He's about to punch the guy again but the bouncers came and stop him.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang balikat ni Maxxine

"Are you okay?" tanong ko

Tumingin siya sa akin at tumango, binalik niya ang tingin kay Nathan na kausap ang mga bouncer at pinapaliwanag ang nangyari. Clearly, it's the guy's fault kaya for sure hindi ma-ba-ban si Nathan.

Nakahinga kami ng malalim ng nilubayan na siya ng mga bouncer. Humarap si Nathan sa amin nang nakahawak sa kanyang batok.

"I'm sorry, I just can't let you talk to that kind of person."

"Thank you, I'm about to call for help when you came..." nahihiyang sabi ni Maxxine. Tumingin ako sa malayo, I think I should not be here...

May binulong si Nathan kay Maxxine dahilan kung bakit ngumisi siya sa akin, nagtaas ako ng kilay. Ako ba ang pinagkwekwentuhan nila o napatingin lang siya sa akin?

Pinatugtog ang sikat na kanta ng isang celebrity DJ kaya nagising ang mga tao at ang mga nasa table ay nagsimula nang tumayo para sumayaw sa dancefloor.

May grupo ng magkakaibigan na naghihiyawan dahil sa excitement sa kanta, hinawakan ni Nathan ang balikat ni Maxxine para umilag sa mga taong dumadaan sa gitna namin. Iiwas na sana ako kaso natulak ako ng babaeng nagmamadali kasama ang kanyang mga kaibigan.

Napaatras ako at na-out of balance, I was too preoccupied about what Nathan said to Maxxine at hindi ko inintindi ang mga tao. I was ready for my butt to kiss the floor when someone held my shoulders at sinalo ang katawan ko. Hindi agad akong naka-recover at nanatiling ganoon ang posisyon namin ng ilang segundo.

I can feel his firm chest behind me and his huge hands on both sides of my waist, his smell is very familiar that makes me want to stay for another minute. Tumayo ako ng maayos at inayos ang aking damit.

Tinignan ko ng masama ang babaeng tumulak sa akin na ngayon ay malayo na sa akin. Ni hindi man lang nag-sorry!

"Sorry Kuya." sabi ko sa lalaking sumalo sa akin

"Oops, mukhang nahanap na siya ni Tiara." narinig kong sinabi ni Maxxine

Dahan-dahan akong lumingon sa lalaking nasa likod ko at napaatras ako ng makitang si Johansson iyon. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila palapit sakanya

"Matatamaan ka ulit..."

Bakit siya narito? Hindi ko inakalang pupunta siya, he must be tired because of their practice kaya hindi ako nagdalawang isip na isama siya. Napalunok ako, darn, I forgot to tell him that I'm here.

Walang ekspresyon niya akong tinignan, ngumiti ako at tinalikuran siya pagkatapos ay sumimangot. His eyes were really serious, I can feel na uuwi ako ng maaga. Nakita ni Nathan ang simangot ko kaya tumawa siya, ngumuso ako.

"I was totally clueless that you are in this kind of place, kung hindi ko lang naabutan si Nathan sa Italliani's ay hindi ko malalaman na nandito ka." may diin sa tono ng boses niya, halatang galit.

Pumikit ako ng mariin. It's my fault, alright. I should have told him that I'm here kaso gusto ko lang talaga na magpahinga siya galing sa kanilang practice.

"Alam mo bang noong sinabi kong nasa The Palace ka ay hindi siya nagdalawang isip na bumalik sa sasakyan niya at puntahan ka." tumawa si Nathan kaya tinignan siya ng masama ni Johansson. I know he's embarrassed dahil nilalaglag siya ni Nathan pero hindi man lang natakot si Nathan at nagpatuloy parin sa pagkuwento.

"He almost punched the guard nang hinarangan siya dahil wala siyang ticket." tawa ni Nathan "But when he told him his name." umiling iling si Nathan na para bang maling move ang ginawang pagharap ng guard sakanya "Takot na lang ng guard at pinapasok siya agad."

Umiling ako at tinignan si Johansson na ngayon ay nasa gilid ko. Umiling iling siya at hinilot ang noo niya, he must have be stressed because of Nathan's talkative mouth. Lumingon siya sa akin at lalong kinunot ang noo.

"Happy?" tanong niya at tumango ako. Inangat niya ang gilid ng kanyang labi

"Good girl ka kanina, huh?" nagtaka ako sa sinabi niya. Kung kasama niya si Nathan na pumunta dito ay ibigsabihin ay kanina pa siya nandito. And based on what he said, it looks like he's been watching me from afar.

Wait, I'm not sure if that's a compliment or sarcasm.

"I was about to claim you from Aaron but the incident came and I was glad that he didn't persuade you."

"Kilala mo ang lalaking iyon?"

"Yes, he's under our company. I was thinking of firing him tomorrow." napatayo ako ng maayos sa sinabi niya.

"What? Do you really have to do that? I mean, hindi naman sa gusto ko iyong ginawa niya. He just introduced his self to me, that's all. I don't have a plan to entertain him, hell no." mukha namang nasatisfied siya sa sinabi ko at tumango na lang

"Kung iyan ang gusto mo..." sabi niya at pinatong ang kanyang braso sa aking balikat. Nabigatan ako sa ginawa niya pero sa kagustuhan kong ganoon ang posisyon namin ay hindi na ako nagreklamo.

Nanatili kami sa dancefloor na ganoong ang posisyon, ni hindi man lang siya gumagalaw kahit na nakakaenganyo ang kanta. Kaonting pag galaw lang ng ulo ang ginawa ko dahil ayokong maalis ang kanyang braso sa aking balikat.

May napapatingin sa aming babae. Of course, sa tangkad ni Johansson ay kahit na maraming tao ay mapapansin mo siya.

"I don't like what you did there with Nick." sabi niya pagkatapos ng ilang minutong walang imikan

"What? It was fun!" natatawang sabi ko at hinanap si Nick sa dami ng tao. He's with his friends na nilapitan niya kanina. As usual, he looks like a typical westernized man with his huge body. Hindi mo talaga mapagkakamalang...

"How can it be fun? You're making everyone look at you dancing and-" hindi ko na siya hinyaang matapos sa sasabihin niya, mabilis ko siyang hinarap.

Sobrang lapit niya sa akin, his hands landed on my waist. Bumaba ang tingin niya sa akin, amusement stays on his eyes while looking at me.

"I did that because he challenged me, you know that he's gay at wala siyang interest sa akin." As if.

"I know, ayoko lang na may humahawak sayo na hindi ako." sabi niya at nilapit ang mukha niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

I suddenly hear nothing but my beating heart. This is the longest time that he's this close to me and I feel like any more minutes ay hahanap hanapin ko ang mainit niyang yakap. His warm makes me really comfortable even we're surrounded by many people. He makes me feel so secure and safe.

"And you think that I can relax when you're not replying to my messages? Hell no... I will always find you." ngumiti ako at lalo siyang niyakap. God, I don't want this to end!

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
5.9K 1K 36
PUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING HOUSE Kakaibang pananaw ang nais ni Merry Crisostomo sa kanyang buhay. Ngunit ang pananaw na iy...
45.5K 233 2
"This place is where you can do worst things, and people will love you for it." Discover the truth about the infamous All-black school! ...
531K 13.2K 37
"Loving you is the greatest mistake that i have ever done. Kaya hinde na ko magtatangkang gawin iyon muli dahil hindi pa ko baliw para hayaan ang sar...