Marry You

By pinkyjhewelii

21M 304K 51K

│PUBLISHED│ Tigers #2 Lance Abellano More

MARRY YOU
Chapter 1 ♥ Meet Yumiko
Chapter 2 ♥ Meet Mr. Cold
Chapter 3 ♥ First Meeting
Chapter 4 ♥ Kiss Stealer
Chapter 5 ♥ Ipis
Chapter 6 ♥ Bar
Chapter 7 ♥ Meet Enrique
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 ♥ My Fault
Chapter 44 ♥ Cry
Chapter 45 ♥ End
MUST READ

Chapter 25

454K 6.6K 646
By pinkyjhewelii

Yumiko POV

Umaga.

Kagabi wala naman ng kakaibang nangyari. Ayun as usual dun ako natulog sa kwarto ni Lance. Nakatulog naman kami pareho agad nun. 

Nag-aayos na ako ngayon dito sa kwarto ko. Si Lance naliligo pa sa kwarto nya.

*tok tok*

Lumapit ako sa pinto para buksan yun.

Si..

Si Lance topless!

"Babe."

"O-Oh babe bakit?"

"Anong kulay ng damit na isusuot mo ngayon?"

Eh kasi naman nakabathrobe pako. "Black. Bakit?"

"Wala. Sige na. Mabihis na ako." Sabi nya then he gave me a peck on my lips.

Ano nangyari dun? Nagtanong lang ng kulay ng damit na isusuot ko? Weird.

Magbibihis nako. Suot ko, pink skirt tapos black blouse.

Maya-maya natapos din ako kaya binitbit ko na yung bag ko then lumabas na ako ng kwarto ko.

Nung makarating ako dito sa may kwarto ni Lance, kumatok ako.

Bumukas naman agad tapos hinila ako bigla ni Lance papasok ng kwarto nya. "Babe!"

He kissed me. He kissed me torridly. Ano ba naman 'tong si Lance. Ang aga-aga. Buti nalang di ako mahilig mag-lipstick kasi pinkish naman na lips ko. Mas okay yung natural.

Natapos yung paghalik sakin ni Lance. "Babe.."

"Oh?"

"Nothing." Sabi ni Lance tapos niyakap nya ako. "Pasok na tayo."

Kumalas ako sa yakap nya. "Okay, tara na."

"Wala ka bang napapansin?"

"Ano?"

Tinuro ni Lance yung suot nyang damit. Naka-black shirt kasi sya.

Kumunot naman noo ko. Diko kasi gets kung ano pinapahiwatig nya.

"Tch." Ayan na sumimangot na.

"Ano ba yun?"

"Wala! Tara na nga." Wala na galit na. Psh. Ano ba kasi yun? Hay. Ayun nauna ng lumabas. Mukhang badtrip nga sakin.

Sumunod nalang ako sa kanya pababa. Naabutan namin sina James at Fancy, paalis na din yata.

"Morning Reid! Morning Yumi!" Bati samin ni Fancy.

"Morning." Sabi ko. Kasi naman ayun si Lance dire-diretso palabas.

"Problema ni Bro?" Tanong ni James.

Umiling ako. "Diko din alam. Sige na, una na ako. Baka iwan pa ako ni Lance." Sabi ko saka mabilis na lumabas.

Ayun si Lance andar na yung kotse nya. Psh. Ano ba kasi yung kina-badtrip nun?

Sumakay na ako sa kotse nya. Seryoso pa din mukha nya. Nag-start na sya mag-drive.

"Babe..." Tawag ko.

"O?" Sabi nya habang nakatingin pa din sa daan.

"Are you mad?"

"No."

No daw. Pero cold naman. Aish. Wala naman ako ginawang masama eh.

Tumahimik nalang ako.

Maya-maya dito na din kami sa SWU. Automatic akong sumimangot nung pagbaba namin ng kotse dito sa parking, sumalubong si Nicole.

"Hi Lance! May bibigay ako sayo. Eto oh..."

Inabot ni Nicole kay Lance yung paperbag. Ewan lang kung ano yun.

Ngumiti si Lance? Eh sakin cold na cold kanina. "Thanks." Sabi ni Lance tapos ayun naglakad na. Sinabayan pa sya ni Nicole. Di man lang nya ako tinawag?

Nakatayo lang ako dito sa parking. Wow lang. Di talaga ako hinintay ni Lance. Ni hindi nga lumingon. Ano ba kasi kinaiinis nya? Hay! Sige, edi magsama sila ng Nicole na yun!

Huminga ako ng malalim. I'm starting to get annoyed.

"Yumiko!"

Teka..

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. "Enrique?"

"Sino pa ba? Tch. Na-miss kita."

Buhay pa pala yan? Mula nung nagkita kami sa restaurant never na yan nagparamdam kahit sa tawag eh.

"I really miss you."

Niyakap nya ako. Kumalas agad ako. "Ano ba..." Sabi ko.

"Sorry. Na-miss lang kita. Mula nung nasira yung date natin kasi bigla ka nawala nun, hindi ako nagparamdam kasi naging busy ako. Sa company at sa alam mo na, pagiging artista."

"Then why are you here?"

"Because I missed you. Let's go out?" Sabi nya.

Sasagot pa sana ako kaso...

*boogsh*

"LANCE!!"

Sinuntok lang naman ni Lance si Enrique. Pumagitna ako sa kanila. Pinigilan ko si Lance kasi naman nakahiga na sa sahig si Enrique.

"Gago ka pala eh!" Sigaw ni Enrique tapos tumayo. Susugurin pa si Lance. Humarang na ako.
 
"Enrique please..."

Kumalma naman agad sya. "Pasalamat ka... tch. Yumiko aalis na ako. I'll see you next time."

Ayun umalis na si Enrique. Humarap naman agad ako kay Lance. "Ano bang problema mo? Bakit bigla mo nalang sinuntok si Enrique?" Sigaw ko. Naiinis ako. Bukod sa cold treatment nya kanina, ngayon pati ibang tao isinasama nya sa init ng ulo nya.

"Ipagtatanggol mo pa yung lalaking yun? Fine!" Sigaw nya.

"Hindi ko sya pinagtatanggol! Sinasa---"

Ayun nag-walk-out. Iniwan na naman ako. Aish! Ano ba kasing problema ni Lance! Sumasakit na ulo ko.

I sighed then naglakad na din ako. Pupunta na akong room. Hay. Diko na alam gagawin kay Lance. Bakit ba ang moody nya.

Dito nako sa may hallway nung nakita ko si Lance at Nicole sa may labas ng room. Si Lance nakasandal sa pader si Nicole naman parang may kinukwento.

Psh. That Nicole? Tapos sakin ang sungit sungit na naman. Aish! Naiinis na din ako kay Lance. Kung galit sya sakin, then fine! Mas may karapatan akong magalit. Dahil basta basta nalang nya ako iniwan kanina tapos sinabayan pa nya yang Nicole na yun.

Mula mansyon di man lang nya ako iniimik masyado tapos nung si Nicole kanina, nginitian pa nya. Kainis lang. Dumiretso ako papasok ng room. Diko pinansin si Lance. Naiinis talaga ako.

Pagpasok ko sa room naupo na agad ako sa upuan ko, sa tabi ng upuan ni Lance.

"Hi Yumiko!" Bati ni Chelsea.

"Hi." Medyo wala ako sa mood.

"Problem? Bakit sina Lance at Nicole ang magkasabay kanina papasok?"

Psh. "I don't know. Sorry Chelsea, wala ako sa mood makipag-usap ngayon." Sabi ko.

"It's okay." Sabi nya.

Kinuha ko iPod ko sa bag then nag-headset ako. Magsoundtrip nalang ako. Naiinis ako kay Lance sobra!

Maya-maya dumating na din prof. Tinanggal ko na headset ko tapos pinatay ko na ipod ko. Sina Nicole at Lance ayun sabay pumasok ng room. Kasunod lang si James na kakarating lang.

Tahimik lang ako. Si Lance nasa tabi ko na pero di talaga ako pinapansin. Okay. Sige lang. Pagpatuloy mo yan Lance.

Nag-start na magklase.

"Okay class. Activity lang tayo today. So pick your partner para sa activity na gagawin. Babalik ako after 5 minutes. Pagbalik ko, dapat hanada na lahat at lahat dapat may partner na."

Ayun lumabas na prof. Sino namang partner ko?

"Lance partner tayo!" Narinig kong sabi ni Nicole.

"Ge."

Pumayag si Lance? So ako wala? Fine.

"Best as usual partner tayo!" Sabi ni Chelsea.

"Brad." Ayun si Adrian at James. Bukod sa kanila wala nako ka-close dito sa room. Diko din sila feel.

May naisip ako. Tumayo ako then bitbit ang bag ko, lumabas na ako ng room. Di nalang ako a-attend ng klase. Badtrip din naman ako eh. Walang-wala ako sa mood. Bwisit. Magsama sila ng Nicole na yun.

Teka. Wala pala akong dalang kotse. Aish. Ano ba yan. Mag-taxi nalang ako papuntang mall.

Krrrriiiinnnggg..

Napatingin ako sa phone ko.

James calling..

Aish. "Hello?"

[At saan ka naman pupunta?]

"Papahangin lang ako sa labas. I'm not in the mood okay?"

[Magkaaway ba kayo ni Bro?]

"I don't know. Sige na. I'll hang-up."

*toot toot*

Sama ng loob ko kay Lance. Sobra.

Paglabas ko pumara agad ako ng taxi. Pagkasakay ko...

Krrriiinnnggg..

Tiningnan ko phone ko. Baka si James na naman. As if naman tumawag si Lance? Ano bang paki nun sakin.

Enrique calling..

Sinagot ko nalang yung tawag. "Hello?"

[Sorry kanina Yumiko.]

"No. Wala ka naman kasalanan. Ako na hiihingi ng sorry sa ginawa ni Lance."

[Sino ba sya?]

"My fiance." Sabi ko.

[I see. Wala kang klase? Buti nasagot mo yung tawag ko.]

"I'm on my way to mall. Wala na ako sa mood um-attend ng klase today."

[Great! Gusto mo magkita tayo?]

"Psh. As if you can? Baka pagkaguluhan kalang sa mall."

[Para saan pa ang pagdi-disguise?]

Makulit talaga sya. "Fine."

[Great! See you. Bye.]

Hindi na ako sumagot. Pinatay ko na tawag.

Kitams? Ni walang text o tawag galing kay Lance. Kasi naman busy sya sa Nicole na yun. Bahala na sya. Nakakasawa ugali nya. Hindi ako magpapakababa sa kanya. Alam kong wala akong kasalanan.

Mag-e-enjoy nalang ako sa mall para mawala yung badvibes. Psh.


Lance POV

Tangina. Saan ba nagpunta ang babaeng yun? Bigla nalang umalis ng room. Tch.

Hindi ba nya ma-gets kaya ako badtrip? Nabbwisit ako dahil di man lang nya napansin na nag-effort akong tanungin sya kung anong kulay ng damit na isusuot nya. Tinanong ko yun para tulad kami ng suot. Tapos kanina tinuro ko sa kanya. Di man lang nya napansin? Tch. Badtrip.

Alam naman nyang madali akong mabadtrip. Tch. Bahala sya. Sya pa ang magagalit? Pagkatapos kong makita sya sa parking na nakikipag-usap don sa Enrique na yun? Kaya pala hindi sya sumunod kanina dahil andun pala ang lalaking yun.

Tapos nung sinuntok ko, mas kinampihan pa nya yun? Natural lang na suntukin ko yun. Narinig kong niyayaya sya makipagdate. Badtrip talaga.

Bahala sya. Sya pa galit ngayon? Ge lang. Tingnan lang natin sino tatagal. Kung umalis man sya at hindi pumasok maghapon, wala akong pakialam. Pag ganitong badtrip ako. Tch. Bahala sya!


Yumiko POV

Andito nako sa mall. Still, walang tawag mula kay Lance. So it means, wala syang paki sakin. Edi fine.

Krrriiinnnggg..

Nagugulat ako pag tumutunog phone ko eh.

Enrique calling..

"Hello?"

[Saan ka?]

Tumingin muna ako sa paligid. "Dito sa may malapit sa Wendy's."

[Okay. Wait me there. Bye.]

*toot toot*

I-silent ko nga 'tong phone ko. Tapos nilagay ko na sa bag ko. Alam ko namang walang tatawag. Si Lance paba? Baka nagsasaya na yun kay Nicole. Psh. Magsama sila!

Maya-maya may napansin akong lalaki na nakahood tapos naka-sunglass na papalapit sakin. Alam ko na kung sino yan.

"Yumiko."

"Sabi na nga ba ikaw yan eh. Haha." Mabuti pang i-enjoy ko nalang sarili ko ngayon para mawala ka-badtrip-an ko.

Ang bait lang nitong si Enrique kasi dapat galit sya sakin dahil iniwanan ko sya last time sa retaurant ng walang paalam. Pero eto, he's still here.

"Halata bang ako?" Tanong nya.

"No. Alam ko lang."

"Sige na, saan mo gusto?"

Nag-isip ako. "Cinema?"

"Ayos yan, medyo nakakatago pa'ko don. Haha." Sabi ni Enrique.

"Okay let's go."

Sabay kaming naglakad papuntang cinema. Ayun. Nag-presinta na'kong bumili ng ticket pero pera nya. Baka kasi makilala pa sya nung mga nakapila eh. Pagkaguluhan na naman sya.

Nakabili nako ticket then sya na yung bumili nung pop corn and drinks.

"Tara na." Sabi nya. Sabay kami pumasok sa sinehan.

Dito kami umupo sa bandang gitna. Sa may taas. Hindi naman ganon kadami ang tao.

"Ayos! Pwede ko na tanggalin shades ko." Sabi ni Enrique. Natawa naman ako. Ang hirap ng buhay nya. Artista sya at kelangan pa nyang mag-disguise para lang makapunta sa mall.

"Yumiko, remember, dito tayo sa sinehan unang nagkakilala?"

Oo nga pala. Yung lalaking basta-basta nalang ako kinausap at nanghingi ng favor. "Yeah. I remembered the piggy back."

Natawa ako sa naisip ko. Akalain mong di kami magkakilala nun pero dahil humingi sya ng favor, pinagbigyan ko.

"And, you're the one na hindi nag-hysterical nung kinausap kita. Hindi mo man lang nga ako kilala."

"That's because I'm not familiar here. Hello. I told you naman na kagagaling ko lang sa Japan nun."

"Okay okay. Enough for that."

Sa totoo lang. Diko alam yung pinapanood naming movie. Kasi gusto ko lang makipagkwentuhan kay Enrique. Napili ko lang cinema kasi alam kong dito sya comfortable kasi madilim at hindi sya makikita ng mga tao.

I don't know pero before naman, yung sa restaurant. Boring na boring ako sa kanya. Sa mga kinu-kwento nya pero ngayon, ang sarap nya kausap. Ang light kasi ng personality nya at definitely, kabaligtaran sya ni Lance.

Bakit ba naiisip ko na naman si Lance. Bahala sya. Dun na sya sa Nicole nya. Psh.

"By the way, how's your life with your fiance?"

"Wala naman."

"Hm, arrange marriage right?"

"Yeah. As always. Sa business, di naman nawawala yun. Common nalang yun sakin dahil ilang lalaki na ang nai-arranged sakin.” Sabi ko.

“Sayang naman. Dapat pala sakin ka nalang in-arranged. Haha.”

Sinamaam ko siya ng tingin.

“Kidding.” Baliw si Enrique. Hilig nya magbiro promise. Diko alam kung nagbibiro pa ba sya o hindi.

Ayun, after 123456789 hours,  natapos na yung movie. Diko naman pinanood. 

“Saan na tayo?” tanong nya.

“Hmm? Parang gusto ko na umuwi?” sabi ko. Hindi naman sa bored ako sa kanya. Acually wala na akong maisip na pwedeng puntahan dito sa mall na kasama sya. Kasi naman baka mamaya may makilala sa kaniya pagkaguluhan pa, pati ako masama. Mahirap na. Masyadong magulo ang buhay ng mga artista.

"Ganun ba? Okay. I'll take you home."

Di pwede. Sa mansyon nina Lance ako nakatira. "I can manage. Thank you nalang."

"Are you sure?"

Tumango ako. "Yeah. I can ride a taxi naman."

"Okay, take care." Sabi nya.

He kissed me on my cheeks. Napahawak tuloy ako sa pisngi ko. "W-Why.."

"It's a friendly kiss. See you again next time. I'll call you." Paalam nya nung makalabas na kami ng sinehan. Nakahood naman sya at shades eh.

Kumaway lang ako. Waa. Uuwi na ba talaga ako? Ayy! Tama. I have something to buy. I'm craving for brownies.

Ayun nga bumili ako ng brownies then naisipan ko na din umuwi.

Sumakay ako ng taxi. Habang lulan ng kotse, di ko maiwasang isipin yung kanina. Sa school. Bakit ganon si Lance sakin? Bakit ganon na naman treatment nya? Inis na inis ako sa kanya. Sobra. Akala ko ba kasi okay na kami. Ano na namang away 'to? Hay. Nami-miss ko na ka-sweet-an ni Lance, ng babe ko.

Maya-maya diko namalayan. Andito na pala ako sa mansyon. Binayaran ko ang taxi then pagbaba ko pumasok agad ako sa gate ng mansyon.

Nang makapasok nako sa loob, sinalubong agad ako ng katulong. "May ipapagawa po kayo Miss Yumiko?" Tanong nung katulong.

"Bring me juice nalang to my room." Sabi ko saka umakyat nako sa taas.

Pagpasok ko sa kwarto ko, napatingin ako sa wall clock. Supposed to be, parating na ang magkakapatid. 4:30 pm na pala. Ang tagal din pala namin ni Enrique sa sinehan. Sabagay natagalan din ako kanina sa pag-ikot para maghanap ng brownies eh.

Nagpalit na ako ng damit. Simpleng shorts lang then white fit sando. Ang init ngayon kahit bukas ang aircon.

Umupo ako sa kama then I'll get the box of brownies na binili ko.

Nyam. Sarap! Pero teka...

Yung phone ko pala diko natse-check. Kinuha ko agad yun sa bag ko at tiningnan.

52 missed calls

Tiningnan ko kanino galing.

Kay Lance? At bakit naman kaya? Psh. As if may pakialam sya sakin? Dun na sya sa Nicole nya.

*tok tok*

Oh? Andyan na siguro pinakuha kong juice. Tumayo ako mula sa kama tapos binuksan pinto. Lagi ko kasi nila-lock pinto. Wala lang. Privacy lang.

I opened the door.

"Here's your juice. Close the door. We have to talk."

Si Lance lang naman ang may dala ng juice. Nakapambahay na sya na damit. At seryosong seryoso sya.

Ayun dumiretso sa kama. Naupo.

Lumapit ako sa kaniya. Magsasalita pa sana ako kaso nahila nya ako dahilan para mapaupo din ako sa kama. Sa tabi nya.

"Saan ka galing?" Tanong nya.

"As if you care?' Mataray na sabi ko. Bakit sya magtatanong ngayon? Ano yun pag sa bahay, mabait sya sakin? Pag sa school, ano? Wala lang ako?

"I care! Hindi mo man lang sinagot mga tawag ko! Kanina pa ako nag-aalala sayo! Hindi ka pumasok! Tumwag ako dito sa mansyon pero wala ka daw! Now tell me saan ka galing! Bakit kelangan mong um-absent ha? Wag mong sabihing nakipagkita ka sa lalaking yun?"

Si Enrique tinutukoy nya. Seryoso mukha nya ngayon at halatang galit. "Galing akong mall. Para mawala ang pagkainis ko sayo. At oo kasama ko si Enrique." Para saan pa at hindi ko aaminin? Kasama ko naman talaga si Enrique.

"Damn! Yumiko! Ano bang nasa isip mo ha?"

Sumisigaw na naman sya. "Ikaw Lance anong nasa isip mo ha?"

"Wag mong ibalik sakin ang tanong ko!"

Shit. Sigawan na naman. Napatayo ako. Tumayo din sya. Magkaharap kami.

"Bakit ba galit na galit ka na naman sakin? Gusto mo malaman nasa isip ko? Ikaw! Ikaw na diko maintindihan ang ugali. Okay na tayo diba? Pero mula kaninang umaga, ang cold cold mo sakin. Hanggang pagdating ng school, balewala pa din ako! Pero si Nicole nagawa mong pansinin at nginitian mo pa nga eh! Ako wala! Hinahayaan mo lang ako. Balewala ako sayo. At kanina, iniwan mo na nga ako sa parking tapos pag-iisipan mo pa ako na nakikipaglandian ako kay Enrique? Tapos ano? Bigla mo syang susuntukin? Wala naman syang kasalanan! At pinagbintangan mo pako na kinakampihan ko yun. You didn't even listen to my explanation. Lagi ka nalang nagwo-walk-out! Iniiwan moko. Tapos aakyat ako sa floor ng room natin, makikita ko kayo ni Nicole ha? Tapos ano ako? Hindi mo pa din pinapansin! Sa klase! Kayo ang partner ni Nicole diba? Hinayaan moko. Alam mo namang wala akong ibang kilala sa room! Ikaw na fiance ko, wala kang pakialam sakin!"

Grabe. Sobrang haba ng sinabi ko. Hiningal ako. Diko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Alam mo kasi Lance. Kung noong mga nakaraang araw, yung pagiging sweet mo sakin, kung arte lang yun itigil mo muna dahil nasasaktan na ako! I hate you... I hate you..." Napahagulhol nako. Naiinis ako. Galit ako kay Lance.

Hindi ko inaasahan na yayakapin ako ni Lance. Mahigpit na mahigpit. "Ssshhh.."

"Hayaan mo na ako. Hayaan mo nalang ako kay James. Sya nalang ang fiance ko. Wag ka ng um-arte. Huwag na... kasi umaasa yung puso ko!"

"Ssshhh. Babe. Tama na please. Wag na wag mong sasabihin yan. Ako lang fiance mo. Ako lang pwede. Ako lang pwede mo pakasalan. Okay?"

Mas hinigpitan pa nya yung yakap nya sakin. "I'm sorry. Nabadtrip lang ako kaninang umaga nung di mo man lang napansin effort ko. Pinapakita ko sayo yung suot kong tshirt kasi gusto kong makita mo na pareho tayong naka-black na damit. Couple shirt's color. Nag-effort ako nun dahil gusto kong showy tayo. Gusto kong gumawa ng mga bagay na baka sakaling magpangiti sayo. Kaso epic fail naman ako. Di mo gets kanina na pareho tayo ng kulay ng damit. Sorry na babe."

Seriously? Dahil dun? Hindi ko naman kasi alam yun. Malay ko bang nag-e-effort sya kanina na magkakulay kami ng damit. Di naman kasi nya sinasabi. Psh. Napatahan tuloy ako. Ang babaw lang kasi ng reason ni Lance.

"Babe sorry. Wag kana magalit. Wag na tayo mag-away. Please? Kalimutan na natin yung kanina.."

I sighed. Ano pa nga ba? Ewan ko ba, isang paliwanagan lang ni Lance okay na. Isang yakap nya lang, okay na. Hay. Love nga naman.

Kumalas sya sa pagyakap sakin. "Wag ka na makikipagkita sa kumag na yun babe."

"P-Pero..." Kasi naman friend ko yun.

"Please?"

"Sa isang kondisyon." Sabi ko.

"What is it?"

"Iwasan mo na din si Nicole." Sabi ko. Para fair. Anong akala nya.

"Pero sya naman lumalapit sakin." Katwiran nya.

"Pero in-e-entertain mo diba?"

"Tch. Oo na babe. Tama na please?"

Lumambot na naman ang puso ko. Hays. Si Lance kasi. "Okay." Sabi ko. Naupo nako ulit sa kama.

"Bati na tayo babe?" Tanong ni Lance tapos umupo na din sya dito sa kama sa tabi ko.

Tumango ako then kumagat ako ng brownies. Sarap nito promise.

"Good. Saan galing yan? Sa kumag na yun ba?" Masungit na naman si Lance. Aish.

"No. I bought this. Gusto mo?" Alok ko.

He smiled at me. Ako naman tuloy lang pagkain ng brownies.

Tumango sya. "Gusto ko babe." Sabi nya.

"Ayan o---"

He kissed me---kissing me torridly. Ang hilig nyan manghalik promise. Hindi lang smack. Torrid talaga. Psh. Kiss addicted.

After more than a seconds, he stopped and smiled at me. "Ang sarap ng brownies."

"Hindi ka nga tumitikim eh." Baliw si Lance.

"Nalasahan ko sa lips mo."

"Aish!"

Tumawa si Lance. "You're blushing babe."

"Psh. Lumabas ka na nga ng kwarto ko!" Sigaw ko. Kasi nang-aasar pa.

"Tch. Maghapon kang wala sa school. Dimo ba ako na-miss?"

"Andun naman si Nico---"

Tsup!

"Stop it, okay? Ikaw lang babe." Sabi nya then gave me a smack on my lips.

"Fine." Sabi ko then kain na naman ako ng brownies. "Ayaw mo talaga?"

"Gusto mo halikan kita ulit?"

"Manahimik ka nga dyan. Lance Reid Abellano, psh!"

"Tch. Don't call me by my full name. Just call me babe."

"Whatever." Sabi ko then inom ako ng juice na dala kanina ni Lance.

"Babe ang sexy mo ngayon."

Muntik nako mabulunan dahil sa sinabi ni Lance. Saktong umiinom pa naman ako.

"Hahahahahaha."

"Nananadya kaba?" Try ko magtaray.

"Sorry na babe. Totoo naman eh. Ang sexy mo ngayon. Tingnan mo yang suot mo."

Napatingin tuloy ako sa sarili ko. "Psh. Lumabas kana nga."

Umiling sya. "Ayoko."

"Psh. Bahala ka nga." Sabi ko tapos kumain lang ako ng brownies.

"Babe..."

Ano ba 'tong si Lance. "Oh?"

"Parang naaakit ako sayo... parang..."

"LANCE REID ABELLANO, YOU PERVERT!!"

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 20.5K 12
One shot story. Copyrighted © Pinkyjhewelii, 2014
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.7M 75.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
53.9M 758K 91
Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin ni...