Miss Always Rank #2

由 deliixx

678K 19.2K 2.5K

St. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson 更多

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Wakas

Kabanata 15

11.3K 347 26
由 deliixx


Kabanata 15

Johansson Group

Dalawang araw na ang lumipas nang hindi kami nag-uusap tska lang kapag tungkol sa meeting ng Student Council.

Pabalik-balik ang tingin sa amin ni Maxxine, nanatili ang tingin ko sa librong binabasa at hinayaan s'ya sa kung anong iniisip n'ya.

Nandito kami ngayon sa library para sa susunod na chapter ng aming thesis. Nagbabasa ako ng mga resources na related sa topic namin habang si Johansson at Maxxine naman ay laptop ang gamit.

Naririnig ko madalas ang maingay na pagpindot ni Johansson sa touch pad button ng kanyang laptop at kasunod noon ay malalim na bugtong hininga, madalas napapatingin si Maxxine sakanya kapag ginagawa n'ya iyon.

"I need your researches now." sabi ni Johansson nang ilang minuto ang nakalipas, tumikhim ako at binigay kay Maxxine ang papel na pinagsulatan ko ng aking research.

Nagtaka si Maxxine sa ginawa ko at hindi ko alam kung bakit, masama bang ibigay sakanya ang research ko para pagsamahin na lang n'ya at ibigay kay Johansson?

Nagkibitbalikat na lang s'ya at binigay kay Johansson ang papel ko kasama ang kanyang flashdrive, kinuha iyon ni Johansson pero ang tingin ang nasa akin. Inayos ko ang gamit ko at niyaya na si Maxxine umalis, tumango s'ya at inayos na rin ang gamit.

"Mauna na kami, Zeeyan." sabi ni Maxxine at tinuro ako, na para bang ako ang may kasalanan kung bakit namin iiwan si Johansson

Tinignan ako ni Johansson at alam kong naghihintay n'yang magpaalam ako sakanya, nginitian ko s'ya at hinila na si Maxxine na ngingiti sa gilid ko.

"Ano bang meron sa inyo? World war 3?" tanong n'ya habang nagalakad kami sa hallway

Umiling ako, Maxxine have her problems at ayokong madagdagan iyon dahil sa problema ko. It's not a big deal anyway, I was just offended on what he accused me.

Pagkapasok namin sa classroom ay nadatnan namin sina Karlie, Shaira at Bianca kasama ang iba naming kaklase na nakatipon-tipon sa gilid at mukhang sinasagutan ang assignment na binigay kanina sa Algebra, it's a difficult assignment kaya siguro nagtutulungtulungan sila para sagutin iyon.

"Tiara!" tawag sa akin ni Karlie nang nakita n'ya ako sa may pintuan, ngumiti ako at nilapitan sila

"Turuan mo naman kami dito, oh? Ang hirap kasi ng pina-assignment ni Ma'am, eh hindi pa 'to natuturo." sabi ni CJ sabay kamot sa ulo

"Sure, try ko lang kasi wala rin akong alam dito." natatawang sabi ko at umupo sa tabi ni Bianca

Higit walo siguro kaming nagtutulungan sa assignment habang wala pa si Ma'am. May mga items na sila na mismo ang nag-sosolve kaya tuwang-tuwa ako lalo na kay CJ at Mark na madalas hindi gumagawa ng assignment.

Kumunot ang noo ko habang tinitignan ang last na item, this one is the worst. I don't know where to begin with, kung titingin ako sa pdf sa aking Ipad ay makukuha ko iyon.

Tatayo na sana ako para kunin ang Ipad na nasa assigned seats ko pero nakita ko si Austin na nasa likod ko at nakatingin sa aming ginagawa. Nang nakita n'yang nakaharap ako sakanya ay ngumiti s'ya sa akin at binalik ulit ang tingin sa aming assignment

May sinabi s'ya na sa tingin ko ay ang sagot, nang nakita n'ya ang pagtataka sa aming mukha ay natawa s'ya at umupo sa tabing upuan ko.

Biglang na-excite ang mga kaklase namin dahil hindi daw nila expect na matalino itong si Austin. Well, kahit ako nagulat ako na magaling s'ya sa Math.

"Matalino pala itong si Davis, kung ako si Zeeyan kakabahan na ako sa galing mo sa math." natatawang sabi ni Mark, ngumisi lang si Austin. Tinignan ko ang solution n'ya para icheck at tama nga ito, ngayon ko lang nalaman na kapag ganitong problem ay ganito dapat ang solution.

"I better not, tutulungan ko na lang kayo kapag nahihirapan kayo sa math." sabi ni Austin lumingon s'ya sa akin at binigyan ako ng malaking ngiti. He's happy that he help us. See? He's not that bad at hindi ko alam kung bakit galit na galit si Johansson sakanya. He seems a good person at mukhang gusto lang n'ya ng kaibigan dito sa classroom.

"Thanks, hindi nabanggit sa akin ni Maxxine na magaling ka sa math." sabi ko at pinakita ang assignment

"Well, nagkataon lang na alam ko kung paano isolve." ngiti n'ya

"Yabang..." natatawang sabi ni Maxxine sa likod namin, tumawa si Austin sa sinabi ng kanyang pinsan

"Hindi ah..." sabi ni Austin nang nakatingin sa akin, awkward akong ngumiti. Nag-thank you ang mga kaklase namin sa amin at bumalik na sa kanilang upuan. Tumayo na rin ako para pumunta sa assigned seat ko

"Nagpapa-impress ka lang eh..." rinig kong sabi ni Maxxine at tumawa lang ulit si Austin

Nakuha ng atensyon ko si Johansson na nakaupo at mukhang malalim ang iniisip, nagawa ko ng umupo sa upuan ko pero hindi parin s'ya tumitingin sa akin na lagi n'yang ginagawa simula noon. Catching him watching and staring me every time.

Dumating na si Ma'am at nagsimula ng magdiscuss, nilingon ko si Johansson na nakatingin lang kay Ma'am ni hindi man lang ako sinusulyapan.

Dahil dalawang araw ko ng hindi pinapansin si Johansson ay dalawang araw na rin akong nagcocommute pag-uwi, simasabay ako kay Daddy sa umaga at mag-tataxi ako pauwi. Alam ng parents ko na si Johansson ang naghahatid sa akin pauwi, hindi ko naman pwedeng sabihin na galit ako sakanya at kung tatanungin nila ang rason ay baka magalit lang sila.

Nang nag buzzer na ay nagmadali akong lumabas para pumunta sa taxi area, ayokong maabutan ng mahabang pila ng mga estudyanteng naghihintay rin ng taxi katulad ko.

Sumama sa akin si Maxxine dahil naka day-off ang kanilang driver kaya mag-tataxi rin s'ya habang sina Bianca at Karlie ay nakisakay kay Nick at si Shaira naman ay sinundo ng kanyang Daddy dahil may family dinner daw sila.

"Ihatid ko na kayo." napalingon ako sa puting BMW na pumara sa gilid ko, nakababa ang bintana ng kotse ni Austin at nakapatong ang kanyang braso doon.

"Hindi na Austin baka may lakad ka pa." sabi ko. Nakakahiya naman kung makikisakay kami tapos may lakad pala s'ya

"Okay lang, nasabihan rin ako ni Auntie na sabay kami ni Maxxine umuwi."

"Talaga? Akala ko may lakad ka kaya hindi na ako sumabay sa'yo pauwi pero dahil si Mommy and nagsabi..." hinila ako ni Maxxine palapit sa kotse ni Austin "Sabay na tayo sakanya, Tiara. Tutal mukhang wala namang problema sakanya ang gas." halakhak ni Maxxine at binuksan na ang backseat, mukhang magmumukha n'yang driver si Austin dahil sa likod kami sasakay.

Papasok na si Maxxine nang may biglang bumusina sa paligid kaya natigilan si Maxxine at lumabas ulit ng kotse, nilingon ko ang MUX ni Johansson na nakapark sa kabilang gilid ng kalsada. Nakababa ang bintana at nakatingin sa amin.

Matalim ang tingin n'ya kay Austin habang si Austin naman ay may ngisi sa labi, lumapit sa akin si Maxxine at may binulong

"Kung ako sa'yo sumabay kana kay Johansson, ako na bahala sa pinsan ko." sabi ni Maxxine at bahagya pa akong tinulak sa pagtataranta. Both of us think na mag-aaway ang dalawa kaya siguro nagpapanic na si Maxxine.

Nang nakita ako ni Johansson na palapit sa kanya ay ngumiti s'ya at lumabas ng sasakyan. Pinagbuksan n'ya ako ng pintuan at pumasok ako. Nanatili s'ya sa pintuan habang nakatingin sa akin na may ngiti sa labi. Nagtaas ako ng kilay sakanya.

"Anong nginingiti mo d'yan, Johansson?" tanong ko at nag-iwas ng tingin sakanya

"You just chose me..."

"But that doesn't me that I'm not mad at you anymore."

"Okay lang basta alam ko na ako parin ang pipiliin mo." sabi n'ya bago sinara ang pintuan at umikot para pumasok sa driver's seat.

Hindi ko alam kung pang-ilang irap na ito ni Maxxine habang nakikinig sa mga kwento ni Shaira tungkol sa nakilala n'yang lalaki sa bar kagabi. Interesadong interesado si Bianca sa kwento ni Shaira kaya s'ya lang itong talagang nakikinig habang si Karlie naman ay may kinakain at nagkukunwaring nakikinig kay Shaira habang pinipilit ko namang makinig sa kwento n'ya kaso nadidistract ako sa titig ni Johansson.

Maingay ang mga kaklase namin dahil wala pa ang teacher at nangingibabaw ang boses ni Shaira sa aming lahat, tanging si Johansson lang itong tahimik at nag-lalaptop. Bawat galaw ni Johansson ay napapatingin ang mga kaklase namin, lalo na ang mga babae. May mga kinikilig pa at hindi nahihiya na baka marinig sila ni Johansson.

Umiling ako at tumingin sa pintuan, may mga babaeng napapatingin sa classroom namin at diretso ang tingin sa kay Johansson. May mga tumatambay pa sa tapat na mga lalaki na hindi naman namin kaklase kaya tumayo ako para paalisin sila. They should be inside of their classroom, hindi yung pumoporma sila at tumatambay!

"You are not allowed to hang out here, go back to your rooms!" suway ko at may ilang umalis habang si Vince ay nanatili lang doon.

Ngumisi s'ya ng nagkatinginan kami. Ngayon lang kami ulit nagkita pagkatapos ng event at hindi parin s'ya nagbago. Still the boastful Vince I know.

Nagtaas ako ng kilay sakanya, iyong mga kasama n'yang tatlong lalaki, kasama na si Heson, ay hinihintay na lang s'ya para pumasok sa kanilang classroom.

"Long time no see, Vice." ngumisi s'ya at tumayo ng maayos.

"Seems that you have fun with your little vacation."

"Yeah but my Dad was not happy with what that bastard did to me." sabi n'ya, ni hindi man lang ako natakot sa paglapit n'ya sa akin. Baka gusto n'yang makatikim ulit sa akin

"Well, your Dad should know that you deserve it." sabi ko at hinamon s'ya ng titigan, tila nagpapalpitate ang kilay ko sa lalaking nasa harap ko

"Why are you here?" narinig ko ang malamig na boses ni Johansson sa aking likod, nilingon ko s'ya at nagkatinginan kami ng ilang segundo.

"I didn't know na bawal umapak sa hallway n'yo, hindi mo naman ito pag-aari." He's wrong, hindi man nga ito literal na pag-aari ng mga Johansson pero karamihan sa mga Board of Directors are with or under them so typically, may parte ang mga Johansson sa University na 'to at mukhang walang alam itong si Vince. His Dad was a member of the Board of Directors and for sure, he knows about Johansson legacy.

"Why don't you talk to your Dad, say my name and tell him that I want you out of this school and don't make me do it for him." sabi ni Johansson at hinila ako papasok ng classroom. Sinara n'ya ang pintuan at sumandal doon habang ako naman ay nasa harap n'ya

"Are you okay? Sinaktan ka ba n'ya?" aniya at hinawakan ang braso ko, napatingin ako sa kamay n'ya

Umiling ako "Nakatambay kasi sila sa labas kaya pinaalis ko."

"Uy!! Ano 'yan!?" mabilis kong inalis ang kamay ni Johansson sa aking braso dahil sa sigaw ni Nick.

Umiling si Johansson na nakangisi, unti-unti kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Mabilis akong bumalik sa tabi ni Maxxine at iniwan doon si Johansson na nakangisi.

Huling klase na namin at hinihintay na lang na matapos ang iba sa kanilang quiz kaya habang hinihintay na matapos ang mga kaibigan ko ay inayos ko na ang mga gamit ko para wala na akong aalalahanin mamaya.

"Pass your paper." sabi ni Sir, tumayo ako at binigay ang aking papel kay Sir. Pagkatalikod ko ay nanlaki ang mata ko ng makita ko si Johansson na hawak ang bag ko at hinihintay ako sa tapat ng upuan ko.

Napapatingin ang halos kaklase ko lalo na ang mga babae pero walang masabi dahil na rin sa takot kay Johansson. Si Maxxine lang itong ngumingisi at tumatawa habang pinapasa ang papel kay Sir.

"Uhh..." hindi ko alam ang sasabihin ko

"Let's go? Magpaalam ka na sa mga kaibigan mo." tumango ako at walang masabi. Pinuntahan ko sina Maxxine, Bianca, Karlie at Shaira na nasa tapat ni Sir at nakikitingin ng mga tamang sagot sa quiz.

Ngumisi si Maxxine nang nakita n'ya akong papalapit sakanya. Nilingon ko si Nick na nasa kanyang upuan parin at kausap ang lalaki naming kaklase.

"Mauna na kami."

"Oh? Saan naman kayo pupunta?" nanunuyang tanong ni Maxxine

"Hayaan mo na sila, Maxxine, may mga lakad na hindi natin kailangang alamin." nakangising sabi ni Karlie. Umiling ako, ihahatid lang naman n'ya ako tulad ng lagi n'yang ginagawa. Hindi ko alam kung anong nasa utak ng mga kaibigan ko at iniisip na may lakad kaming dalawa.

Nang nakita ko si Johansson na naghihintay sa may pintuan ay nagpaalam na ako sakanila.

"Bye Pres. and Vice!" sigaw ni CJ nang nakita n'ya kami sa hallway kaya halos lahat ng estudyante ay napatingin sa amin

Tinignan ko ng masama si CJ pero itong si Johansson ay nagawa pang ngumiti at kumaway sakanya! What the hell?

Nasa likod n'ya ako habang naglalakad sa gilid ng court, nagkaroon ako ng pagkakataong tignan ang kanyang likod ng malapitan ng hindi n'ya napapansin.

That broad shoulder and those triceps... Damn, kahit sino napapalingon kung dadaan sa harap mo ang isang Zeeyan Johansson, tulad na lang ng nangyayari ngayon. May mga iilang grupo ng babae na nagdadaldalan pero nang nakita si Johansson ay napapasinghap at natigilan sila sa pagsalita. Mayroon pang titigil pa talaga sila sa paglalakad kapag nakita nila si Johansson sabay kuha ng litrato. Really?

"Damn, may kasama yung crush ko!" sigaw ng naglalaro ng basketball sa court kaya napatingin ako sa pag-aakalang magkakaroon ng ayaw

May mestisong basketball player naabutan kong nakatingin sa akin at nang nakita n'yang lumingon ako sakanya ay kumaway s'ya. Bago pa ako makapag-react ay may humawak sa kamay ko.

Si Johansson na kanina nasa harap ko ay nasa tabi ko na ngayon at hawak ang kamay ko.

"Tss..." iyong lang ang sinabi n'ya bago pinagpatuloy ang paglalakad

Nang nasa sasakyan na n'ya kami ay hindi n'ya agad pinaandar ang makina kaya tahimik lang ako at pinagmamasdan ang ilang estudyanteng dumadaan sa harap namin.

"I know you're good at avoiding guys so please do it everytime." hindi ko kaagad nakuha ang sinabi n'ya. Sinong lalaki ang tinutukoy n'ya? Hindi ko naman nakausap si Austin ngayon, tanging s'ya at si Nick lang itong palagi kong nakakausap.

"The reason why boys voted you was because of your looks not your capabilities."

"What? Are you saying that I don't deserve my position because they voted me based on physical looks?" hindi ko maiwasan ang tabang sa boses ko. I have so many plans for this school year as Vice President at hindi porque President s'ya at mataas ang posisyon n'ya ay kaya na n'ya akong pagsalitaan ng ganoon.

So anong iniisip n'ya? Na binoto s'ya ng mga kababaihan dahil magaling s'yang magsalita at matalino? Yes, maybe. Pero karamihan ay may gusto sakanya at nahuhumaling sa kagwapuhan n'ya so we're even!

"Ang ibig kong sabihin ay hindi lang ako ang nagkakagusto sa'yo, karamihan sa mga ka-batch natin ay may gusto sa'yo kung hindi mo lang alam! They were fantasizing on your legs every P.E. Time! So please, magsungit ka sakanila dahil matutuwa ako kapag ginawa mo iyon." sabi n'ya at unti-unting hinawakan ang kamay ko, nakatingin s'ya sa akin. Paniguradong pulang pula na ang pisngi ko dahil sa sinabi n'ya and my heart beats rapidly and that I think it's impossible.

"Please avoid them as much as possible because all I can do is stare at them until they feel threaten. Please don't talk back at them because I can't do anything about it unless you tell me that you are mine."

"Johansson..." I really don't know what to say after those words. I want this to never end, I want to feel this kind of feeling every time at natatakot ako na baka isang araw ay magbago ang lahat.

"I know, take all your time that you needed. I will wait for you." sabi n'ya bago pinaandar ang sasakyan.

He's still holding my hands na para bang makakawala ako kapag binitawan n'ya ito and because he's driving, he'll leave my hand to change the gear stick and comes back to hold my hand again. Kinakain ng kamay n'ya ang kamay ko dahil sa laki ne'to and his palm was smooth like mine.

"Johansson, saan tayo pupunta?" tanong ko ng napansin na hindi ito ang daan papunta sa subdivision namin

Ngumisi lang s'ya bilang sagot at pinisil lalo ang kamay ko kaya napatingin ako doon. He's caressing my thumb using his, he'll always look at me when the traffic lights were on red and smile endlessly.

Tumigil ang kanyang sasakyan sa tapat ng matayog na building, doon ko napagtanto na mag-didinner kami sa isang ekslusibong restaurant. Bumaba s'ya at binigay ang susi sa valet pagkatapos ay umikot para pagbuksan ako sa pintuan.

I don't think our school uniforms suit this place. Diamonds and golds intimidate me kahit na sanay na ako dito. It's just having Johansson beside me intimidates me, a lot.

"Good afternoon, Sir Johansson." halos binabati s'ya ng mga staffs na nakakakita sakanya, madalas siguro s'ya sa hotel na 'to. Wait, hotel?

Napatingin ako kay Johansson, bakit kilala s'ya ng mga tao dito? At sino ang kasama n'yang pumupunta dito bago ako? Just... What the hell?

Kinausap n'ya ang receptionist na kilala rin s'ya, his hand was resting on my back habang kinakausap n'ya ang receptionist. They're talking about the table he reserved and I'm thinking of leaving him. I can't imagine him here, in this hotel, with someone.

Napatingin ako sa itaas ng receptionist kung saan may malaking logo ng pangalan ng hotel at nanlaki ang mata ko ng makita ang pamilyar na apelyido sa baba ne'to

Johansson Group

What the hell?


继续阅读

You'll Also Like

27.9K 3.4K 91
❝ pasasabugin ko yung mb mong tangina ka! ❞ ━ in which a girl dared by her best friend to post a message to the one of the most famous auth...
594 95 30
[CYCLE OF LOVE SERIES #2] EPISTOLARY "Why did I fall in love to a crazy man like you?"
3.4M 8K 6
✅ COMPLETED ✅ Nagpakasal ang isang fangirl na si Martha sa kaniyang iniidolo dahil sa kasunduan ng mga Lolo nila. Pabor na pabor kay Martha iyon dahi...