Ang luha ay pansamantalang pandikit sa mga matang gusto ng pumikit.
Mula sa pagod na nadama nang paulit-ulit na sakit.
Umidlip, makatulog at humimbing
Hanggang sa ang puso ay di na muling dumaing.
Ang luha ay pansamantalang tubig sa mga uhaw at galit
Maibsan kahit sandali ang pait
Kasabay ng pagsara ng talukap ng mata
ang pag-alala sa nakaarang kasama ka.
--------