One Hand, One Heart [Escaner...

By eye_you

15.6K 519 36

Babala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Mag... More

Panimula
Page 1
Page 2
Page 3
Page 4
Page 5
Page 6
Page 7
Page 8
Page 9
Page 10
Page 11
Page 12
Page 13
Page 14
Page 15
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page 22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Pagtatapos

Page 16

367 14 0
By eye_you

Page 16

Single

*****

Masyadong naaliw si Nanay sa pakikinig sa mga kwento ni Thea kaya ako na ang nagpunta sa kusina at kumilos para maghanda ng tanghalian namin. It wasn't that hard. Sanay naman ako.

"Malapit na palang matapos yung ginagawang subdivision?"    Wika ko habang naghihiwa nang mga pansahog sa niluluto kong kaldereta.

"Tapos na nga halos."      Sagot ni Kuya Paul habang nilalantakan nang kain yung maja blanca na gawa ni Nanay.

"Oh?"

"Open na nga for occupancy."     Aniya.

"Kumuha ka ba?"

Umiling siya.      "Sana. Pero bakit pa? May sarili akong lupa."    

"Tss. Bakit? Ibabahay mo ba ang mapapangasawa mo sa bukid?"

"Pwede din. Kung gusto niya."       Sabay ngisi.

"Kelan ka ba magse seryoso?"      Napairap na lang ako.

"Kapag nakapag asawa ka?"      Saka tumingin sa akin.       "Sinong boyfriend mo?"

"Wala akong boyfriend."      Napasimangot ako agad.      "Lagi nyo kong hinahanapan niyan? Requirement ba yan?"

"Oo."      Tugon niya.      "Ayaw mo bang maging masaya si Nanay Marya?"  

"At ano namang ibig mong sabihin?"     Nagsalubong ang mga kilay ko.

"Pakunwari ka pa? Syempre alam mo naman ang bagay na makakapagsaya kay Nanay Marya ay ang makita kang magkaroon ng sariling pamilya."

Sandali akong napatitig kay Kuya Paul. Alam ko yun. Kaya lang.....

Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko.

Kaya lang sa kalagayan ko ngayon ang hirap na kayang humanap nang magseseryoso sa akin. May anak na ako. Iba na ang iniisip ng marami tungkol sa akin. Unfair mang sabihin pero ganun talaga ang kalakaran ng mundo.

Haist.   Bakit ko ba sila kailangang isipin?

"Okay na ko sa anak ko."        Wika ko.

"Alam ko naman yan."       Aniya.      "Pero iba pa rin kasi kung me asawa ka. Ang anak, balang araw iiwan ka niyan. They are bound to leave you. Kaya nga mainam na  rin na may mag-aalaga pa rin sa yo kapag dumating ang panahon."   

Nag angat ako ng tingin at nakitang abala lang siya sa pagkain. Hindi ko tuloy alam kung seryoso ba siya.

"Kung makapangaral ka parang si Nanay lang. Ano? Inutusan ka ba niya?"

"Oo. Kapalit ng isang bilaong maja blanca."      

"Tss."      Kainis ah!

Natatawang nag angat siya ng tingin sa akin.      "Hahahaha.... May point naman kasi si Nanay. Pakinggan mo na lang din siya."

"Whatever."

"Hahahaha...."      Tawa siya uli. Ugok lang.

Nailing na lang ako.       "Malake din yung subdivision."

"Oo. Marami ding biniling lupa."

"Buti hindi ka pumayag?"     Sabi ko.

"Yung lupa namin? Syempre hindi. Kaya ko pa namang imanage yun. Pero......"       Nadama ko kaagad ang seriousness sa tono niya kaya napatingin ako sa kanya.         "Yung lupa niyo sa tabi ng subdivision. Mukhang ibibigay na rin ni Nanay." 

Natigilan ako.  

"Ang hirap naman kasi. Walang nag aasikaso. Si Nanay Marya lang. Wala ni isa sa inyo na may interest sa farming."  

Hindi na ako nakapagsalita.

Nalungkot ako. Totoo. Wala talaga akong hilig sa pagtatanim though gusto ko. Sina Kuya naman.... Halata naman. Ayaw nila kaya sila lumayo. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako dahil hinayaan kami ni Nanay na gawin kung ano ang gusto namin. Sa totoo lang. Hindi iyon ang gusto niya.  

Iba talaga ang pagmamahal ni Nanay. Haist.

Kinabukasan ay nagpunta kami ni Thea sa bayan. May maliit na tindahan doon si Nanay. Isang shop nang mga merchandise na pantahi. Mananahi din kasi ang Nanay. Nakapagtapos siya noon ng Management at ito na ang minana niyang kabuhayan mula sa magulang niya. Isang maliit na tindahan. Pero kahit maliit lang ang pwesto, sikat naman ito sa bayan at nag iisa lang. I mean wala itong gaanong kakompetensya.

Ito ang isang dahilan kaya nakahiligan ko ang pananahi at pagdedesenyo. Yun nga lang pagdating sa college, napilitan akong kumuha ng mas praktikal na kurso pero ang pagkahilig ko sa pananahi at designs. Nabuhos ko namang lahat sa trabaho ko bilang wedding coordinator.

"NANAY!!"       Masayang bumungad sa entrance ng tindahan si Thea. Tumunog ang chime na nasa itaas ng pinto nang buksan ko ito.

Katulad noon. Napangiti ako.

"Apo ko!"      Natuwa naman agad si Nanay pagkakita kay Thea. Agad pumasok sa loob si Thea at yumakap sa Lola niya. Parang kanina lang umaga ay magkausap pa sila ngayon, parang ngayon lang nagkita.

Naiiling na natatawa na lang ako.

"Malakas pa rin po ba ang benta?"     Tanong ko. Lumakad ako ng mabagal paikot sa loob ng tindahan. Nakasalansan ng maayos sa gilid ng ang iba't ibang tela na may iba iba ding kulay. Pero napansin ko na iilan na lamang iyon hindi katulad dati.

"Walang malakas o mahinang benta dito Milca. Sapat lang."   

Lumingon ako kay Nanay at ngumiti.     "Sinong kasakasama niyo na magbantay dito?"   

"May nagpa part time dito na estudyante. Tinutulungan niya ako pero nasa school siya ngayon. Mabait na bata."

Napaarko ang mga kilay ko.       "Bata?"

"Si Nami."      Aniya.       "Anak siya ni Rita na nagtatrabaho sa may asyenda."

"Hmm.... Okay."      Nakangiting tango ko.

Sumilip ako sa labas. Marami na palang nabago na tindahan sa labas.

"Ginagawa na po pala yung bakanteng lote?"       Napansin ko iyon pagdating namin. Iyon yung malaking lupain na nadaanan namin. Ilang hakbang lamang ang layo sa tindahan ni Nanay.

"Ahh... Oo. Nabenta na iyon."

Bahadya akong natigilan at muling tumingin.       "Nabenta na? Sinong nakabili?"

"Taga-lungsod. Gagawing mall daw."

Napamaang ako.     "Mall?"

Mahina siyang tumango.

"Magkaka-jollibee na dito?"     Masiglang wika ni Thea.

Hindi ko magawang mangiti roon.  Huminga ako ng malalim.       "Itong pwesto natin?"

"Kinausap na nila ako pero pinag iisipan ko pa."       Matapat na wika ni Nanay.

Umiling ako.      "Wag niyo pong ibenta."    

Tumitig siya sa akin panandali tapos ay ngumiti.      "Kapag ipimana ko ito sa iyo, tatanggapin mo ba? Kailangan na nandito ka na lang."

"Ipamana niyo kay Thea."      Walang gatol kong sagot.       "Payayamanin ko ito tapos mamanahin ni Thea."  

Mahinang natawa si Nanay.      "Talaga? Bakit? Wala ka na bang balak bumalik sa Maynila?" 

Sandali akong natahimik. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid at bumuntung hininga ng malalim.     "Balak ko po." 

"Hah?"      Nabigla naman siya sa akin.

"I mean....."      Unconciously ay ikinukuyakoy ko sa pwesto ang isa kong paa.         "Ano po..... Baka dito na lang kami ni Thea. Hindi pa po ako nakapagpaalam sa Boss ko pero balak ko po."

"Bakit mo naman gagawin yun?"      Gulat na ang bumakas sa mukha ni Nanay. Of course mabibigla siya.

"Ano po...... Syempre gusto ko din po magkaroon ng sariling business."

"Dito mo balak magbusiness?"

"Bakit? Hindi po ba pwede? Maganda dito. Feasible din."      Pilit akong ngumiti.       "Saka... Magkakaroon na po ng subdivision diyan sa malapit. Ibig sabihin dadami na ang tao dito."

"Yung totoo, Milca. May iniiwasan ka ba sa Maynila?"  

Nagulat ako pero agad ko iyong itinago.      "Iniiwasan? Wala po ah!"

"Hindi! Hindi ka pwede dito!"      Biglang iling ni Nanay.  

"Hah?!"     

"Kung nag aalala ka sa akin, wag na. Okay lang ako rito." 

"Hindi po yun noh! Alam ko po na okay lang kayo rito pero syempre kelangan niyo nang makakasama."

"Hindi. Hindi pa rin ako payag."       Matigas niyang wika.     "Kaya ko pang mag isa rito."

Mabigat akong napabuga ng hangin. Humalukipkip ako.  

"Kaya niyo po ba? Nabanggit sa akin ni Kuya Paul na may kumakausap sa inyo na taga-bangko."

Natigilan naman si Nanay at mapatitig sa akin.

"Malapit nang ilitin ang lupa. Bakit hindi niyo sinasabi kina Kuya?"

"Milca...."

"O bakit ayaw niyong sabihin kahit sa akin?"      May pagtatampo ang aking himig. Kasi naman. Mahalaga din sa akin ang bahay. Lahat ng masayang alaala ko mula sa kabataan ay narito.

Bumuntung hininga ng malalim si Nanay.       "Ayoko lang maging pabigat."

"'Nay. You're not like that to us."      Humakbang akong papalapit.      "Let me help you this time."      wika ko saka ako ngumiti.

Inabot ko ang kanyang kamay at mahigpit itong ginagap. Sandali kaming nagkatinginan then a small smile shows on her face.

"Haist. Ano pa nga bang magagawa ko?"      Aniya.

"Wala po kayong dapat gawin. Ako na pong bahala."      Nakangiting wika ko.

Sabay kaming nabigla nang pumatong ang dalawang kamay ni Thea sa magkahawak na kamay namin ni Nanay. Napatingin kami pareho sa kanya.

"Ako din po. Ako pong bahala!"      Aniya. Then she smiles warmly. 

Natawa kami ni Nanay.  

"Aysus! Ang batang ito. Ke bait."     Ginulo gulo ni Nanay ang buhok ni Thea habang tumatawa.

Ayon kay Nanay, mahigit limang daan libo ang perang kakailanganin namin. Napaisip ako sa kung saan ko iyon hahagilapin lalo pa't isang buwan na lang pala ang natitirang palugit. Kaya pala iniisip na ni Nanay na ibenta yung natitira namin lupa at pati na ang pwesto ng tindahan.

May ipon naman ako pero balak ko sanang gamitin iyon sa pagsasaayos nang tindahan. Maliit lamang iyon dahil nag iipon din ako nang para naman sa pag aaral ni Thea.

Kakausapin ko sina Kuya para sa paglikom ng pera. Siguro naman malaki na ang ipon nila.

I message them sa Facebook aside pa sa text ko. I don't know if they'll even make it home for vacation. 

Nakaupo ako sa isang kawayang upuan sa likod bahay at nasa malapit sa akin ang alagang aso ni Nanay. Katatapos lang kasi naming maghapunan at dinalhan ko ang aso nang makakain. Dahil wala naman akong minamadaling gawain ay naisip kong tumambay muna roon.

Wala akong nakikita mula sa kinauupuan ko. Madilim na bahagi ng gubat ang nasa harap ko. Mabuti na lang at maraming stars sa langit then may iilan akong nakikitang alitaptap.

I smiled.

I miss this place. Somehow, some thingd never change and i'm glad.

Naalala ko ang mga panahon ng pagkabata namin nina Kuya dito. Kasama si Kuya Paul na para ko na ring Kuya. Lagi kaming nag lalaro at parang hindi nila ako tinuturing na iba sa kanila. Tss. One of the boys ang peg. That was totally change. Change na hindi maiiwasan.

Bigla akong natigilan sa pag iisip nang makarinig nang kaluskos mula sa malayo. Umikot ang tingin ko sa paligid.

Madilim kaya wala talaga akong maaninag sa malayo. Nagpatuloy yung kaluskos and agad bumundol ang kaba sa dibdib ko.

Ano kaya yun?

Tumayo na ako.  Tsk. Hindi ko na hihintayin kung ano man yun.   Akmang aalis na ako nang biglang may lumitaw na hugis tao mula sa madilim na part ng bakuran. Napasinghap ako sa gulat.

Malaking tao din ito. At may hawak siyang mahabang bagay na parang pamalo or something. Kinabahan at natakot na ako.

Hindi kaya..... ??

Kahit gusto kong tumakbo palayo ay hindi ako makakilos. Napako yata ang mga paa ko sa pwesto, ni hindi ako makahinga ng maayos.

Eoteokke??!

"Sino..."      Walang kurap akong nakatingin sa paparating. Umatras ako ng isang beses. Bumibilis ang pintig ng aking puso. Unti unti itong lumapit hanggang na matapat ito sa isang bintana nang bahay kung saan may tumatagos na liwanag.

Marahas akong napasinghap. My heart skipped in place. Napasapo ako ng dalawang kamay sa tapat ng aking puso.

Who....?

"Milca?"      Anito sa baritonong boses.

Napakurap ako bigla.

Bumilis ang hakbang nito palapit sa akin at huminto nang nasa harap ko na. Ngumiti siya. His eyes curved as he smiles.

Parang hindi ako makapaniwala sa nakikita. Hindi kaagad ako nakapagsalita.

"Ikaw nga."     Obvious excitement was on his tone. Hindi din nawawala ang ngiti niya.    "Kamusta na?"    Sabay tapik sa balikat ko.

Dahil sa ginawa niya ay bigla akong nahimasmasan. I remember him. Si...

"Emmanuel?"      

Nawala ang ngiti niya at naging ngiwi.       "Binuo mo talaga ah."

Natawa naman ako sa sarili.       "Ikaw pala yan. Akala ko kung sino."

He chuckled a little.      "Oops. Natakot ba kita? Pasensya na."

"Oo kaya."      Napabuga ako ng hangin.

Napatingin ako sa mahabang bagay na hawak niya. Kawayan pala yun na may kung ano sa dulo. Parang torch. Naalala ko yan. 'Yan yung ginagamit namin na pan-ilaw sa gabi kapag naglalakd kami sa daan at galing kami sa bayan. May nakapulupot na tela sa dulo nito na binabasa namin nang gas atsaka sinisindihan.

Napangiti ako.

Bigla kasing sumagi sa isip ko yung mala-extra challenge namin na treking pauwi tuwing gabi. Ansaya kaya nun. Lalo na kaoag marami kami.

"Kelan ka pa narito?"     

Napatingin ako sa mukha niya saka ngumiti. He is one my childhood friend here and i'm glad that we stayed that way until now.

"Hmm... Nung nakaraang araw lang. Si Kuya Paul ba ang hanap mo?"

"Ahh... Oo."      Tumango siya.     "Andyan ba?"  

"Oo. Nasa taas."      Nagpatiuna na ako sa paglalakad at sumunod siya sa akin.        "Hanggang ngayon pala eh, dyan ka pa rin dumadaan sa gubat. Ang delikado dyan ah."

"It's the fastest way here."    Tugon niya.      "But if i have known early that you are here, inagahan ko na sana ang punta at dinala ko na ang wheels ko."  

Natatawang sinulyapan ko siya.      "Are you trying to show off?"

"Kinda."      Saka humalakhak ng mahina.

His laugh always is contagious. Nakakatuwa talaga na makita siya uli.

"Hindi ka pa rin nagbabago. Mayabang ka pa rin."

"Well. May ipagyayabang naman."  

"Kunsabagay."       Narating namin ang main salas ng bahay at naabutan sina Kuya Paul at Thea na naglalaro ng mga mini doll house.

"Kuya, may naghahanap sa'yo."     Sabi ko saka deretsong lumapit kay Thea.

"Tss. Sa malayo pa lang alam ko ng may parating na bagyo."     Nakangising wika ni Kuya Paul saka siya tumayo.

"Forecaster ka na pala ngayon?"     sarcastic na wika ni Emman. His nick name.

Naupo ako sa tabi ni Thea. Masuyo kong hinaplos ang buhok niya. She just keep on playing.

"Pamangkin niyo?"       Curious na tanong ni Emman.

Nagkatinginan kami then i smiled.      "Anak ko."      Bumaling ako kay Thea.   "Baby, magbless ka kay Tito Emman. Galanteng magbigay yan pag pasko."

Agad namang tumayo si Thea at lumapit kay Emman para magmano. Nakangiting nakamasid kami ni Kuya Paul.

"Bless you."       Ani Emman. Saglit lang yun at bumalik kaagad sa tabi ko si Thea.      "I'm shocked. May anak ka na pala."        Ngumiti siya pero halata pa rin ang pagtataka sa kanyang mga mata.  

"Wala eh. Ganun talaga."      Dinaan ko na lang sa biro. Nagkibit balikat ako.

Hindi ko ito itinatago pero hindi ko na ibino-broadcast sa lahat. If they ask, i wouldn't lie.

"So.... May asawa ka na? Nahuli na pala ako?"      Nagpalipatlipat ang tingin niya sa akin at kay Kuya Paul.

"Nope."     Sagot ko.      "Wala akong asawa."

His eyebrows arch. Confused look on his face.     "Fiance, perhaps?"

Umiling iling ako agad.

"Don't ask the quite obvious Emman. Para kang ewan."       Naiiritang wika ni Kuya Paul.

Ang harsh talagang magsalita nang dalawang ito sa isa't isa.

"Single mom ako."      Sabi ko.

"Ohw? I see."        Parang hindi talaga makapaniwala si Emman. How can i blame him anyway?

Noong mga bata pa kami ay para akong prinsesa. Protektado nang mga kapatid kong lalake at pati ni Kuya Paul. I relay on them most of the time. But when i aged and all them got busy with their own lives. Ayown. Para akong nakawala sa koral.  Marami talaga ang hindi makapaniwala na may anak na ako at walang.... Well.... Asawa. But why do i have to worry? I never regretted having Thea. She's my life now.

"Available ka pa pala. Ayos yan."     Ngumiti siya. Isang nakakalokong ngiti.

"Oo, Wala. Pero hindi ka pa rin allowed na manligaw sa pinsan ko. Ungas ka kaya."       Wika ni Kuya Paul na ikinapatawa ko.

"Grabe ka naman."    React ni Emman.     "Hanggang ngayon ba ay hindi mo tanggap na mas magandang lalake ako sa yo?"     He stares at me then wink.

Natawa ako.

"Ungas. Kailanman ay hindi ko yun matatanggap."      Tumawa lang si Kuya Paul.      "Milca. Labas lang kami. Pasabi kay Tiya."

"Okay."      Tango ko.

"Wait. Dito na lang tayo. Gusto ko pang makita ng matagal si Milca."

"Gago talaga! Tara na."      Saka itinulak na ni Kuya Paul palabas si Emman.

"Ingat po!"      Nakatawang wika ni Thea sa dalawa.

Nang makalabas na yung dalawa ay nagkatinginan kami ni Thea saka sabay natawa.

*****

Updated:  September 23, 2016

**Please vote / comment / share. Salamat. Godbless.

Continue Reading

You'll Also Like

6.6M 134K 51
The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her...
234K 20.7K 4
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
26K 263 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
1.4M 60.7K 38
Conrad Series 2: THE PREACHER ☽❃☾ Mavis Amvaho D. Naligo is a twenty-three-year-old woman who works as an embalmer in the funeral industry...