Played by Fate - Book 1

By vampiremims

4.9M 130K 28.2K

Our love story will just end up tragic... More

-
Prologue
-1-
-2-
Commercial.
-3-
-4-
-5-
-6-
-7-
-8-
-10-
-11-
-12-
-13-
-14-
-15-
-16-
-17-
-18-
-19-
-20-
-21-
-22-
-23-
-24-
-25-
-26-
-27-
-28-
-29-
-30-
-31-
-32-
-33-
-34-
-35-
-36-
-37-
-38-
-39-
-40-
-41-
-42-
-43-
-44-
-45-
-46-
-47-
-48-
-49-
-50-
-50-
--

-9-

71.8K 2K 329
By vampiremims

NAKATINGIN lang ako kay Iris habang nagsisimula na si Ms. Torres sa pagdidiscuss nito. Sa may harap siya ni Ian nakaupo kaya naman halos nasa harap ko lang din siya. Lumipat siya ng school para kay Jahann. That's weird... and, I don't know... bakit ba kasi kailangan niyang lumipat ng school?

Nakakasama naman niya si Jahann sa tuwing nasa Ai's si Jahann after ng klase nito, hindi pa ba sapat iyon? Gusto nito makakasama pa niya si Jahann kahit dito sa school?

Gustong-gusto ba niya talaga si Jahann?

Iniiwas ko na ang tingin bago humugot ng malalim na buntong-hininga. Wala naman akong mapapala kung iisipin ko ng iisipin kung bakit nandito si Iris. Obviously, si Jahann naman talaga ang pinaka-dahilan niya.

Kung halos hindi ko na nga makausap si Jahann tulad ng dati, ano pa kaya ngayon? Ano pa ngayon na nandito na rin si Iris?

"Are you okay?" umusog papalapit sa akin si Ian. Pabulong lang itong magsalita.

"Huh?" nilingon ko siya. Hindi ko naman akalain na ang lapit na pala niya kaya naman halos magdikit na ang mga ilong naming dalawa. Ako ang kaagad na nag-iwas kaya nalaglag ang mga gamit ko na nasa lamesa ko.

Agad na naglingunan sa amin ang lahat.

"Shit," mahinang usal ko bago tumayo at kinuha ang gamit ko.

"Nagkakayayaan na naman ba kayong magdate na dalawa?" pang-aasar sa amin ni Angelica na sinundan nito ng animo'y kinikilig na tunog.

"Ian, pahinga naman. Nagdate na kayo kahapon, eh..." ani naman ng isang classmate namin na lalaki na hindi ko matandaan ang pangalan.

"Magkukwento ba kayo sa nangyari kahapon?" tanong ng isa pa. Bumalik na ako sa upuan ko at yumuko nalang.

"Guys, stop it. You're making Cherinna feel uncomfortable," seryosong sabi ni Ian sa mga ito. Agad niya akong hinawakan sa braso. "Okay ka lang?" tanong niya sa akin.

"I'm fine," marahan kong binawi ang braso ko at huminga ulit ng malalim. Ayoko talaga na maraming nakatingin sa akin kahit pa nga marami naman talagang nakatingin kapag magkakasama kami ng mga pinsan ko. Mas kumportable si Aly sa crowd, kaya nga pinilit niya sila Mommy at Daddy na payagan siyang magmodel sa Ai's. Hindi kami ni Al yang magkamukhang-magkamukha na kambal. Noong bata pa kami, magkamukha pa kami, eh. Hindi ko alam kung anong nangyari nung lumaki na kami.

Sabin i Lola, mas lamang kay Aly ang Dela Cruz blood, sa akin naman ang Anderson.

Hindi na lamang ako kumibo pa habang nagkaklase at pinilit kong magfocus sa pakikinig kahit pa pamaya-maya ang sulyap ko kay Iris.

Hindi ko alam kung bakit ako naba-bother na nandito siya.

Basta ayoko lang.

"I'm hungry, Cherinna. Let's eat?" aya sa akin ni Ian nang magbreak na. Napatingin ako sakanya. Nakatayo na siya at tila hinihintay nalang ako. Huminga muna ako ng malalim bago ako tumayo at kinuha ang gamit ko.

"Cherinna..."

Napahinto ako nang tawagin ako ni Iris. Nilingon ko siya at nakatingin siya sa akin habang kita ko na nahihiya siyang nakangiti sa akin.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Ian sa aming dalawa. Hindi ako sumagot.

"I'm Jahann's friend. Cherinna's brother. I'm Iris, by the way," inilahad nito ang kamay kay Ian na tinanggap naman ni Ian bago sumulyap sa akin na tila nagtatanong pa.

"I'm Ian..." pakilala naman ni Ian sakanya.

"I was just wondering if... pwede akong sumama sa inyo maglunch?" tanong nito bago kagatin ang labi. Nakatingin lang ako sakanya.

"Is that fine with you, Cherinna?" tanong ni Ian sa akin.

Hindi. It's not fine. Ayoko nga siyang makasama kahit hindi ko malaman ang dahilan, sasama pa siya sa akin kumain.

"Yeah," sagot ko. Muli, huminga ako ng malalim bago tumalikod na. "Nagugutom na ako, tara na?" sabi ko sakanila bago naunang maglakad. Kinuha ko ang phone ko at agad nagtype ng message para kay Aly.

Twin. Nagtransfer si Iris sa school. Classmate ko pa siya. Ugh!

Pipindutin ko na sana ang send button nang matigilan ako.

For sure magtatanong si Aly kung bakit tila ayokong maging kaklase si Iris. Wala naman akong mahanap na sagot.

Hindi ko lang talaga gusto.

"Ugh..." iiling-iling na binura ko nalang ang message ko at ibinalik ang phone ko sa bag. Nauuna akong maglakad sa kanila. Mabilis naman akong naabutan ni Ian habang si Iris ay nakasunod sa amin.

"Okay ka lang ba? Parang badtrip ka..." ani Ian sa akin habang naglalakad.

"Okay lang ako. Gutom lang talaga ako..." sagot ko nang nakasimangot. Dumiretso nalang ako ng paglalakad papunta sa canteen.

"Dito tayo kakain?" tanong ni Iris sa amin.

"I'm too lazy to go out," sagot ko naman sakanya habang naghahanap ako ng mauupuan. Wala namang problema sa akin kung sa canteen lang ng school kakain. Isa pa, hindi naman kami maarte nila Aly.

"Okay," tumango-tango si Iris sa akin habang nakangiti.

Don't be nice, Iris.

Naglakad nalang ako papunta sa bakanteng mesa na nakita ko at agad na naupo.

"What do you want?" tanong ni Ian sa akin na inilagay ang bag sa upuan sa tabi ko. Ipinatong ko ang braso ko sa mesa at saka yumuko doon.

"Ikaw nalang ang bahala," sagot ko sakanya. Alam ko naman na hindi bibili ng hindi matinong pagkain si Ian.

"Ikaw, Iris?" narinig kong tanong ni Ian sa babaeng umupo sa harap ko.

"Ikaw nalang din ang bahala. Hindi pa kasi ako pamilyar sa mga pagkain dito, eh..." sagot ni Iris dito.

Tumawa naman ng mahina si Ian. "Sige, ako na ang bahala. Just wait for me here..." sabi ni Ian. Naramdaman ko ang mahinang paghaplos niya sa ulo ko ngunit hindi na ako nagtaas pa ng tingin.

Parang gusto ko ng umuwi.

O kaya matapos ang sem.

O kaya ang school year.

Ugh.

"Jahann!"

Kumunot ang noo ko nang biglang magsalita si Iris. Naramdaman ko ang pagtayo niya kaya naman nag-angat ako ng tingin. Nakatayo si Iris at may tinitignan kaya sinundan ko iyon at nakita ko si Jahann at si Kol na magkasama.

Hindi nagsalita si Jahann. Lumingon lang siya sa akin at naglakad na.

"Hi," iyon lang ang sinabi ni Kol at sumunod na sa kapatid ko.

Dapat ata talaga hindi nagsasama si Jahann at Kol, eh.

"Ang gwapo niya talaga..."

Napalingon ako kay Iris nang magsalita ito. Tumingin siya sa akin nang nakangiti. "Nakakainggit ka..." huminga ito ng malalim. "Araw-araw mong nakakasama si Jahann..." dagdag pa nito.

Kumunot ang noo ko sakanya. "Malamang, kapatid ko siya, eh..." sagot ko. Hindi ko gustong maging sarastiko pero hindi ko tiyak kung hindi tunog-sarkastiko ang dating ng sinabi ko.

Ngumiti si Iris sa akin. "Sana makasama ko din siya lagi..." sabi nitong bigla.

Tinitigan ko siya.

"Do you really like him?" tanong ko sakanya. Mukha naman siyang nagulat sa tanong ko. Napayuko siya at namula ang mga pisngi.

"Obvious ba ako masyado?" nahihiyang tanong niya sa akin.

Oo.

"Not really," nag-iwas ako ng tingin.

"I saw him before... sumama lang ako sa photo shoot ng friend ko..." sabi ni Iris. Ibinalik ko naman sakanya ang tingin ko. "Nagustuhan ko na agad siya..." nakangiti siya habang nagsasalita na tila inaalala ang isang napakagandang pangyayari. "He's snob, yes. Wala siyang kinakausap maliban kay Tito Dale, Tita Julia and Alyanna..."

Close sila ng kakambal ko?

Close sila nila Tito Dale?

"So I asked my Dad to help me became a model..." bigla itong natawa. "Buti nalang pumayag si Daddy. Naging model ako sa Ai's..."

"Ah..." tumango-tango ako.

Hindi naman si Iris ang kauna-unahang babaeng nagkagusto kay Jahann. Marami na ang nagsabi sa amin ni Aly noon pa man. Kahit noong nasa elementary kami at high school.

Pero hindi katulad nila, si Iris pa lang ang nakakalapit ng husto kay Jahann.

Ito pa lang din ang kinakausap ni Jahann.

Is it possible? Gusto ba ni Jahann si Iris?

"Sorry, natagalan ba ako?" naputol ang iniisip ko nang magsalita si Ian. May dala itong tray na may lamang pagkain.

"Thank you," sabi ni Iris dito na nakangiti. Nakatitig ako sakanya. She's glowing... I mean, ang refreshing ng aura niya. Para siyang breath of fresh air.

"Magkano 'to?" tanong ni Iris kay Ian na kinuha ang wallet sa bag nito.

"Don't bother..." sagot naman ni Ian dito bago lumingon sa akin. "Hey, are you sick?" biglang bumakas ang pag-aaalala sa mukha ni Ian nang tignan niya ako. Umiling naman ako.

"Are you sure?" tanong niyang muli sa akin.

Tumango ako bago tipid na ngumiti. "I'm fine..."

"Kumain ka na muna," sabi niya sa akin bago ibinigay ang utensils na pinunasan nito gamit ang tissue na naroon.

"Mukha kang PA ko," natatawa kong sabi sakanya.

"I prefer boyfriend," ngumiti si Ian sa akin at kumindat.

"Baliw..." inirapan ko nalang ito at nagsimula ng kumain.

"You look good together. Kayo ba?" tanong ni Iris maya-maya. Natigilan ako at napa-angat ng tingin.

"What?" tanong ko sakanya.

"Ang sweet niyo kasi. Inasar pa kayo sa room kanina. Kayong dalawa ba?" Ulit nito sa tanong nito kanina.

"Hindi—"

"Hindi pa ako sinasagot," si Ian ang nagsalita kaya naman naputol ang sasabihin ko.

"Talaga?" tila namamanghang sabi ni Iris. "Pero bagay kayong dalawa, swear!" malawak ang pagkakangiti nito habang nakatingin sa amin ni Ian. Nilingon ko si Ian na nakangiti din at iginagalaw-galaw ang mga kilay.

"Kumain ka na nga lang," isinubo ko kay Ian ang nakahiwang karne na nasa plato ko para tumigil siya sa pagngiti sa akin.

Hindi naman na nagsalita pa si Ian at maging si Iris tungkol sa bagay na iyon. Nagtatanong lang si Iris tungkol sa school at sa subjects at si Ian naman ang sumasagot sakanya. Nang magpaalam si Iris na magpupunta ng CR ay humarap sa akin si Ian.

"Kaibigan mo ba 'yun?" tanong niya sa akin.

Napasimangot ako. "Ikaw 'tong nakikipagdaldalan sa kanya, sasabihin mo kaibigan ko? At akala ko ba, masungit ka?" ismid ko dito.

"Selos ka naman agad," iiling-iling na sabi ni Ian sa akin. "I was talking to her because I thought she's your friend. Ayaw mo bang kinakausap ko siya? Sige, hindi na..." dagdag pa niya.

I looked at Ian and smiled sarcastically.

"Ang cute mo din, no?" pinisil ko ang ilong niya.

Ngumiti lang si Ian at kinuha ang kamay kong nasa may ilong pa niya. Natigilan ako nang dalhin niya iyon sa mga labi niya at halikan. Hindi siya nagsalita, basta hinalikan niya lang ang likod ng palad ko.

Binawi ko ang kamay ko at nag-iwas ng tingin.

"Mas cute ka pa din," sabi ni Ian sa akin.

Hindi nalang ako nagsalita hanggang sa bumalik na si Iris. Nag-aya na ako sa kanila na bumalik nan g classroom dahil wala naman kaming ibang gagawin pa.

"Ihahatid na kita?" tanong ni Ian sa akin nang matapos ang klase namin. Umiling naman ako. Nagtext na sa akin si Aly na sabay kaming uuwi dahil wala siyang gagawin sa Ai's ngayon. "Kasabat ko si Aly, eh..." sabi ko sakanya habang nag-aayos ng gamit.

"Ayaw mo talagang makarating ako sa bahay niyo, no?" pang-aasar sa akin ni Ian. Tinignan ko naman siya. "Don't push it..." ngumiti ako.

"Still, one day... maihahatid din kita," sabi niya bago kinuha ang librong dala ko. "Ihahatid nalang kita hanggang sa parking..." nauna na siyang maglakad palabas ng classroom.

Napangiti nalang ako.

Ian's really cute.

Alam niya kung kailan magseseryoso at magbibiro. One thing I like about him, he's not a flirt. Kung sa akin ay light siyang makipag-usap, sa iba ay pareho lang ang pakikitungo niya sa lahat. Civil. Hindi siya ganoon ka-friendly pero nakikipag-usap naman siya.

"Cherinna..."

Hinawakan ni Iris ang kamay ko kaya naman napahinto ako sa paglalakad. Nilingon ko siya at saka ako nagtanong ng bakit.

"Can I have your number?" tanong ni Iris sa akin na inabot ang cellphone nito. Kinuha ko na lamang iyon at ibinigay ang number ko.

Pwede naman akong hindi magreply.

"I have to go, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sakanya. Halos wala na rin kasing tao sa loob ng classroom namin.

Umiling siya sa akin habang nakatingin sa phone niya. "Magkikita pa kami ni Jahann, eh..." sagot niya habang nakangiti.

"Huh?" hindi ko naitago ang gulat sa reaksyon ko. Magkikita sila ni Jahann?

Pero nagtext ako kay Jahann na kung pwede ay umuwi na din siya dahil magpapatulong ako sa pagluluto para sa dinner namin mamayang gabi. Hindi siya nagreply sa akin.

Kinuha ko ang phone ko para tignan kung nagreply si Jahann pero wala pa rin.

Tumayo na si Iris at ngumiti sa akin. "Sige, Cherinna. Nagtext na si Jahann, eh. See you tomorrow!" paalam nito sa akin bago nagmamadaling lumabas ng classroom.

Tinignan ko ulit ang phone ko.

"Cherinna..."

Napalingon ako nang tawagin ako ni Ian. Nasa may pinto siya at hinihintay ako. Tumango nalang ako at naglakad na papalabas.

Naabutan naming sila Aly at Lean na naroon sa may benches malapit sa parking.

"Hi, Aly, Lean..." bati ni Ian sa mga ito.

"Hi, Ian!" ngumiti naman si Aly dito ng napakalaki. "Mukhang nagkakamabutihan na talaga kayo ng kakambal ko, ah?" sabi pa nito.

"Aly," saway ko naman dito. Ngumiti lang ito sa akin.

Humarap naman ako kay Ian at kinuha ang mga libro. "Sige, Ian. See you tomorrow..." sabi ko dito bago lumapit na kina Aly.

"Yeah. I'll call you later," sabi naman ni Ian bago nagpaalam sa mga kasama ko.

"Cherinna, he's handsome, hindi mo pa ba sasagutin?" tanong ni Lean sa akin.

"Because he's handsome?" balik na tanong ko sakanya. "Well, hindi ba siya nice?" tanong nitong muli.

Tinignan ko si Ian na naglalakad papalayo sa amin.

"He is. He's nice and sweet and caring..." I sighed. Napailing nalang ako.

"And you like him?" pang-aasar ni Aly sa akin. "Uy, gusto na din ni kambal si Ian..." patuloy na sabi nito habang tumatawa.

"Ewan ko sa'yo," inirapan ko nalang ito bago nagpunta sa sasakyan nito para ilagay ang gamit ko. "Where's Keij and Theon?" tanong ko sakanila.

"Malamang naghahanap ng cheerleader na maiksi ang skirt," si Lean ang sumagot sa akin. Napailing nalang ako. Dela Cruz genes. Mabuti nalang at nalihis si Jahann at Koln g ugali.

Maya-maya ay dumating na ssi Enzo kaya naman nagpaalam na rin kami kay Lean.

Tahimik lang ako habang nagmamaneho si Aly pauwi. Kahit na nagtatanong si Aly tungkol kay Ian ay tipid lang ang mga nagiging sagot ko. Gusto ko nalang muna na matulog para makapagpahinga bago magluto ng dinner mamayang gabi. Tutal, mukhang wala namang tutulong sa akin dahil busy na si Jahann kay Iris.

Pagdating sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto at nahiga. Hindi na din ako nakapagpalit ng damit dahil agad akong nakatulog. Nagising lang ako nang maramdaman kong may nakatingin sa akin.

Iminulat ko ang mga mata ko at tinignan ang phone ko.

7:25 pm.

"What the fuck?" agad akong napabangon. "Shit, Cherinna!" naihilamos ko ang mga palad ko. Bakit hindi ako nagising. I promised Mom and Dad that I'll cook our dinner tonight. "Damn!"

"Ilang mura pa ang sasabihin mo?"

Halos mapatalon ako nang biglang may nagsalita. Tinignan ko ang pinto ng kwarto ko at nakita ko si Jahann na nakasandal doon habang naka-krus ang mga kamay sa dibdib nito.

"Huh?"

"Tss. Magbihis ka na, kakain na tayo..." sabi nito bago tumalikod at naglakad na papalabas.

"Jahann, wait!" nagmamadali akong umalis sa kama ko para habulin siya nang matisod ako kaya bumagsak ako sa sahig.

"Aray!"

"What happened?" agad na bumalik si Jahann at lumapit sa akin nang makita akong nasa sahig. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinignan ako. "Saan masakit?" tanong niya ulit. Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Jahann.

"Uh..."

"Tss..." inalalayan niya ako na makatayo at inupo sa may kama ko. "Why do you have to be so clumsy?" tanong niya sa akin.

"Hindi mo naman kailangan magsungit," sagot ko sakanya. "Sana 'di mo ako tinulungan kung magsesermon ka lang din," hindi ko mapigilang mapasimangot.

"I'll bring some ice. Magbihis ka na. Pauwi na si Dad," tumayo ito at naglakad papalabas.

Nakasimangot na nagbihis nalang ako at paglabas ko ng banyo ay naroon na si Jahann na may dalang yelo.

"I'm fine..." sabi ko sa kanya nang iangat niya ang binti ko para lagyan ng yelo ang tuhod ko. Ibinigay niya sa akin ang isang unan ko at ipinalagay iyon sa may bandang hita ko.

"I know..." mahinang sabi niya sa akin. Nilingon ko siya at seryoso siya sa ginagawa niya.

Hindi ba magkasama sila ni Iris? Umuwi ba siya agad?

"Jahann, si Iris—"

"Next time, be careful..." nag-angat siya ng tingin sa akin. "Creep," ngumiti siya ng maliit sa akin.

"What?" kumunot ang noo ko sakanya. What creep?

"You. You're creepy, Creep..." ngumiti siyang muli sa akin.

"I'm not creepy!" pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"You are..." tumayo na ito tumingin sa akin. "Let's go? Ang usapan dalawa tayong magluluto, tinulugan mo naman ako..." sabi niya sa akin.

Napasimangot ako. "Pero ang alam ko magkasama kayo ni Iris at hindi ka naman—"

"Let's go, Creep..." putol niyang ulit sa sasabihin ko.

"Stop calling me that," angil ko sa kanya.

He just smiled at me.

I don't know what's happening... but I'm happy to see Jahann's smile again.

Papalabas na kami ng kwarto ko nang magring ang phone ko. "Wait lang," sabi ko sa kanya. Tumango naman siya kaya binalikan ko ang phone ko.

Ian calling...

Sinagot ko ang tawag nito para sabihin na nasa bahay na ako at kakain na muna kami.

"Hello, Ian?"

Napalingon ako kay Jahann. Nakatingin din siya sa akin.

"Yeah, nasa bahay na ako. Nakatulog kasi ako, sorry..." sabi ko nang magtanong si Ian kung bakit hindi ko nasagot ang tawag niya.

"I'll just text you later, kakain na kasi kami," sabi ko dito. Matapos niyang magsabi n goo ay ibinaba ko na ang tawag at inilapag ang phone ko sa lamesa sa tabi ng kama ko.

"Tara na?" aya ko kay Jahann ng nakangiti.

"Ge." Bigla nalang itong tumalikod at nauna ng maglakad sa akin. Naiwan akong nakatanga sa may pinto ng kwarto ko.

Now what?

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
7.7M 34.2K 12
Vince De Salvo's story
7.7K 359 34
Because practice makes perfect... Or at least close to it.
42.3K 1K 57
Ciudad de Escalante Series 1/8 Being an illegitimate daughter didn't hamper Klevoreign Carvajal's chance to experience a well-lived life until everyt...