Played by Fate - Book 1

By vampiremims

4.9M 130K 28.2K

Our love story will just end up tragic... More

-
Prologue
-1-
-2-
Commercial.
-3-
-4-
-5-
-6-
-8-
-9-
-10-
-11-
-12-
-13-
-14-
-15-
-16-
-17-
-18-
-19-
-20-
-21-
-22-
-23-
-24-
-25-
-26-
-27-
-28-
-29-
-30-
-31-
-32-
-33-
-34-
-35-
-36-
-37-
-38-
-39-
-40-
-41-
-42-
-43-
-44-
-45-
-46-
-47-
-48-
-49-
-50-
-50-
--

-7-

85.2K 2.1K 253
By vampiremims


"GOOD morning," bati ko kay Aly nang magpunta ito sa kusina. Maaga akong nagising ng araw na iyon para na rin tumulong sa pagluluto ng almusal namin. My mom can cook decent food now, that's what dad told us. Kapag nagkukuwento ng ganoon si Daddy, bigla nalang tatakpan ni Mommy ang bibig nito at panlalakihan ng mata. Seriously, they're so cute together.

Tinignan ako ni Aly na tila ba iniisip niya kung aparisyon ako o ano. "Ang aga mo naman magising..." ani Aly na humihikab pa. Kumuha ito ng tubig sa ref at isinalin sa baso. "Sila Daddy?" tanong niya sa akin bago uminom. "Pababa na 'yun. Nagbibihis lang ata. Pakidala naman sa table 'to..." inabot ko kay Aly ang pancakes na niluto ko.

"Okay..." inabot naman iyon ni Aly pero hindi pa man siya nakakalabas sa pinto ng kusina ay naglakad siya pabalik sa akin. "Kambal..." napalingon ako ng tawagin niya ako. "Bakit?" tanong ko habang nagpiprito ng hotdog.

"Inspired ka?" tanong nito sa akin. Kumunot naman ang noo ko. "Inspired saan?" ibinalik ko ang atensyon sa pagluluto pero hinawakan ni Aly ang kamay ko. "Inspired ka!" malakas na sabi nito. "Dahil kay Ian, no?" lumawak ang pagkakangiti nito bago hinawi ang buhok na nasa balikat. "Sabi ko na nga ba, crush mo din 'yung si Ian, eh..." tuloy-tuloy lang ang panunudyo ni Aly sa akin. Napailing nalang ako. Wala namang point na makipagtalo sa kakambal ko dahil ipipilit lang nito kung ano ang iniisip.

"Well, wala namang masama kung maiinspired ka because of Ian, twin..." inakbayan niya pa ako at ihinilig ang ulo sa may balikat ko. "Cherinna Alecksia Anderson-Montenegro..." biglang sabi nito at tumili ng malakas. "Bagay, Twin!"

"Aly, tumigil ka nga!" saway ko dito bago inilagay sa plato ang naprito ng hotdog. Kinuha ko na din ang pancakes at ako na ang naglabas ng mga iyon. Nakasunod lang sa akin si Aly habang panay pa rin ang pang-aasar.

"Wala namang kaso sa akin kung mauuna kang magboyfriend, Twin. And besides, gwapo naman si Ian. So, walang problema. I will support you!" niyakap niya ako mula sa likod at ipinatong ang baba sa may balikat ko. Nilingon ko naman siya bago pinitik ang ilong. "Nababaliw ka na. Hindi ko pa boyfriend si Ian, okay? Wala pang ganun. Umupo ka na nga para makakain na tayo..." sabi ko sakanya.

"Hindi pa. Pero may balak ka..." ngumisi si Aly sa akin bago naupo sa may upuan niya. Nagpalabas naman na ako ng gatas, juice at kape ni Daddy sa kasambahay na naroon.

Wala pang limang minuto ay dinaluhan na kami ni Mommy at Daddy sa may dining room. Nakahawak ang kamay ni Daddy sa likod ni Mommy na tila nakaalalay dito at ganon din naman si Mommy kay Daddy.

"Good morning," bati ko sakanilang dalawa. Lumingon naman sila sa amin at ngumiti.

"You're early," komento ni Daddy bago ginulo ang buhok ko. "Daddy!" sinimangutan ko ito pero nginitian niya lang ako. Manang-mana talaga si Jahann dito.

"Where's Jahann?" tanong ni Mommy sa amin ni Aly. Nagkibit-balikat si Aly.

"Baka nasa room pa niya, Mom. Tawagin ko lang..." sabi ko dito bago tumayo at naglakad na para puntahan si Jahann. Hindi ko naman siya nadaanan na kanina nung bumaba ako para magluto dahil alam kong maaga namang nagigising na si Jahann. Isa pa, isang linggo na ang nakakalipas mula nung nag-weekend bonding kami ng mga pinsan ko at nila Ate Caryl, Kuya Kiro, Enzo at Lean. Isang linggo na din kaming halos hindi nakakapag-usap ni Jahann. Kung minsan ay maaga siyang umaalis. Hindi din naman kami nagkikita sa school dahil magkaiba ang schedule namin at kapag uwian, dumidiretso naman siya sa Ai's.

Huminga nalang ako ng malalim hanggang sa mapatapat na ako sa pinto ni Jahann.

Hindi iyon nakasara gaya ng nakasanayan ni Jahann. Marahil ay nakalimutan lang nito. Itinulak ko nalang iyon ng mahina para makapasok ako. "Jah—"

"Iris, I'll be there later, okay?" narinig kong sabi ni Jahann. Nakaupo ito sa may kama nito at inaayos ang gamit nito. Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya naman lumingon siya sa may pinto.

"I'll hang up now, bye," mabilis nitong pinatay ang phone nito at inilagay iyon sa bag. "What is it?" tanong niya sa akin ng hindi man lang ako nililingon.

Pinili ko na lamang ngumiti. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Breakfast is ready. Pinapatawag ka ni Dad and—"

"Sige, bababa na ako..." putol niya sa sinasabi ko. Hindi naman ako nakapagsalita agad. Nakatingin lang ako sakanya habang nililigpit niya din ang ilang gamit na marahil ay hindi niya dadalhin.

"Do you still need anything?" tanong nito. Nakatalikod siya sa akin at may kung anong tinitignan sa camera nito.

Umiling ako kahit na hindi naman niya nakikita. "Nothing. Bababa na ako. Sunod ka nalang, ha?" napabuntong-hininga nalang ako bago ako tumalikod at luamabas na. Sumandal ako sa pinto ng kwarto ni Jahann matapos ko iyong isara.

Ang sabi ni Aly, madalas na din daw si Iris na nasa Ai's.

Hindi pa man niya girlfriend si Iris, pakiramdam ko lumalayo na ang loob niya sa amin ni Aly. Paano pa kaya kapag nag-girlfriend siya?

"Hay, Cherinna. Jahann's old enough..." huminga ako ng malalim at muli ng bumaba para saluhan sa pagkain sila Mommy.

"Dad, maaga ako nagising. Dagdag allowance..." narinig kong sabi ni Aly pagbalik ko sa dining room. Naglalambing na naman ito kay Daddy.

Nag-angat si Daddy ng tingin sa kakambal ko bago ngumiti. "How about no, Alyanna?"

Natawa naman si Mommy habang napanguso si Aly.

"You're working at Ai's. Hindi ko na nga pinapabawasan kay Dale ang kinikita mo 'don, kulang pa rin sa'yo?" tanong nito kay Aly.

"Eh, Dad, siyempre bibili ako ng damit, bags, sapatos tapos—"

"Then ask your mom. Kapag pumayag siya, I'll think about it..." sabi ni Daddy bago uminom sa kape nito.

"Mom—"

"No, Aly..." sabi agad ni Mommy bago tinitigan ng masama si Daddy na ngumiti lang. Ganoon din naman kasi. Ipapasa ni Daddy kay Mommy ang desisyon pero si Daddy pa din ang masusunod... minsan.

"Si Jahann?" nilingon ako ni Daddy.

"Ah, pababa na daw po siya. May inaayos lang tsaka—"

"Morning."

Napalingon ako nang magsalita si Jahann.

"Take a seat, Jahann," sabi ni Mommy dito.

"Hindi na, Mom. I'll just buy something on the way. May aasikasuhin pa ako sa school, eh..." sabi nito kay Mommy.

"Pero maaga pa, Jahann..." ani Aly dito.

"Yeah, may orasan ako..." itinaas pa nito ang kamay na may suot na relo. Inirapan naman ito ni Aly.

"Dito ka na magbreakfast," sabi ko sakanya. Tinignan naman ako ni Jahann. "I have to go and—"

"Pero ako 'yung nagluto..." mahinang sabi ko.

Hindi naman nagsalita si Jahann.

"Just make sure you'll buy something to eat, okay?" sabi ni Mommy dito. Hindi naman na ako nag-angat ulit ng tingin. Naglagay nalang ako ng pagkain sa plato ko at nagsimulang kumain.

"Yeah. Alis na ako..." narinig kong sabi ni Jahann pero hindi na ako lumingon sakanya. May mga sinabi pa si Dad sakanya tungkol sa Ai's pero malabo na ang mga iyon sa pandinig ko. Nagfocus nalang ako sa pagkain.

Nauna ng umalis si Jahann sa amin kaya naman naiwan na naman akong kasama ni Aly. Kahit papaano naman ay nag-iimprove na sa pagmamaneho si Aly. Kung minsan lang talaga, lalo na kapag maluwag ang kalsada'y pakiramdam niya, nrace track kaming dalawa.

"Anong oras labas mo mamaya?" tanong sa akin ni Aly nang malapit na kami sa school.

"4. Why? 4 ka din, diba?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin. "May shoot kasi ako ng 5. Ihahatid na muna kita sa bahay bago ako pumunta sa Ai's..." ngumiti siya sa akin.

"Wag na. Diretso ka nalang sa Ai's para hindi ka malate. Pwede naman akong mag-cab..." sagot ko naman. Ngayon ko nararamdaman ang disadvantage ng hindi marunong magmaneho. Yung driver naman kasi sa bahay, kinuha ni Dad 'yon para kapag aalis si Mommy. Ang alam ko, pupunta siya ngayon kay Lola kaya hindi ako makakapagpasundo doon.

"No, way. Hindi ka pwedeng mag-cab, no and besides pwede ka naman sigurong ihatid nila..." bigla nalang itong tumigil sa pagsasalita. Nilingon ako ni Aly at saka ngumiti. "Ako na ang bahala, kambal..." ani Aly na nakangiti pa rin.

Kung minsan napapaisip nalang ako kung matino ba si Aly o ano.

I saw Jahann's M5. Itinabi ni Aly ang sasakyan nito sa sasakyan ni Jahann bago naunang bumaba kaysa sa akin. Sumunod naman ako sakanya at tinignan ang sasakyan ni Jahann. Napailing nalang ako bago lumapit kina Theon na naroon na din.

Minsan, napapaisip nalang din ako kung bakit ba ang aga ng pasok ni Theon at Keij. Malamang ay wala na naman itong ibang ginawa kundi tumingin sa mga babaeng nasa campus. Buti sana kung seryoso ang mga ito, hindi naman. Nakakaawa lang tuloy 'yung mga babaeng umaasa sakanila.

"Lean, samahan mo muna si Cherinna dito..." hinila ni Aly si Lean at tila may sinabi pa dito.

"Huh? Bakit pa ako magsstay dito, pwede naman na akong dumiretso sa room at—"

"Diyan ka lang!" tinitigan ako ng masama ni Aly pagkatapos ay ngumiti. "Basta diyan ka nalang muna kasi, Kambal. Wag ka ng pasaway, okay?" ngumiti ulit siya ng matamis sa akin.

"Hindi na naman naturukan 'yang si Aly..." komento ni Keij dito. Hindi naman ito pinansin ni Aly. Sa halip ay nagpaalam na siya sa amin na may pupuntahan lang. Hinawakan naman ni Lean ang kamay ko at inaya akong maupo sa may bench na naroon.

"Uh, Cherinna, diba network niyo ang may hawak kay Kevyn?" sabi ni Lean sa akin. Tinignan ko siya bago tumango. "Yeah, sabi ni Aly. Pero hindi ko kasi talaga siya kilala at—"

"Can you ask Tito Kerko kung may scene na kailangan ng bar? Kakausapin ko si Daddy and free na yung paggamit sa Blue's Haven..." tila nagniningning ang mga mata ni Lean nang sabihin niya sa akin 'yon.

"Buti sana kung papayag si Tito Blue," singit naman ni Theon. Agad itong inirapan ni Lean.

"Cherinna, dali na. Kausapin mo si Tito tapos—"

"Hindi kasi nakikialam si Dad sa production ng mga shows sa network, eh. Besides, hindi ko din sigurado kung papayag nga si Tito Blue..." sabi ko sakanya. Mamaya nga, isesearch ko na talaga kung sino 'yang Kevyn na 'yan.

"Wag mo na sabihin, Cherinna..." sulsol naman ni Theon sa akin. Tinitigan ito ng masama ni Lean.

"I have to go. Pupunta na ako sa classroom ko..." paalam ko sakanila. Malamang kasi ay magbabangayan lang naman silang dalawa. Naririnig ko pa ang pag-awat ni Lean sa akin na umalis pero naglakad nalang ako ng dire-diretso.

Papaakyat na ako nang makasalubong ko si Aly na pababa naman.

"Saan ka galing?" agad kong tanong sakanya. Magkaiba kami ng building na dalawa kaya wala naman siyang pupuntahan sa building na ito.

"Ha? May pinuntahan lang..." sabi ni Aly sa akin na nakangiti. "Sige na, may klase pa ako. See you later, Twin!" nagmamadali itong naglakad papaalis. Kumunot naman ang noo ko at napailing bago umakyat na lamang para magpunta sa classroom ko.

Naabutan ko naman na nandoon na si Ian. Nakalagay ang bag niya sa may upuan ko.

"Morning," nakangiting sabi niya sa akin bago inalis ang bag niya.

"You don't have to do that. Alam naman nilang upuan ko 'to," natatawang sabi ko sakanya bago umupo na din. Isang linggo na din na nakakasama ko ng madalas si Ian. Kapag nasa school kami, kapag natatapos ang klase, hinahatid niya ako sa may parking kung saan naroon ang sasakyan ni Aly at kung minsan, ang mga pinsan ko.

"Oo nga. Ayoko lang na may ibang uupo diyan kapag wala ka pa, sa'yo 'yan, eh. Parang ako. Sa'yo..." kinindatan niya ako pagkatapos.

"Ewan ko sa'yo, nababaliw ka na naman..." napailing nalang ako.

"Kinilig ka lang, eh..." komento naman nito. Agad ko din siyang tinignan at nakita kong nakangiti siya sa akin. Muli kinindatan niya ako.

"Baliw..." umayos nalang ako ng upo at inilabas ang phone ko. I checked my facebook accounts. Nakikita ko ang mga posts ng mga pinsan ko. Obviously, ang dami talagang babaeng nababaliw sa mga 'yon.

Then I saw Jahann's post.

What brings me joy: You. Of course. Always you.

Napangiti ako sa picture na nilagyan niya ng caption. Flowers.

Maybe it's for Iris.

Baka in denial lang talaga si Jahann.

Agad ko ng inexit ang accounts ko at itinago ang phone ko nang may dumating na prof sa loob ng classroom. Habang may kinokopya ako sa whiteboard, sige naman ang kalabit sa akin ni Ian.

"Tigilan mo nga ako!" mahinang asik ko sakanya. Palibhasa ay favorite siya ng prof na iyon kaya naman walang pakialam ang walanghiyang 'to kung mapapagalitan ako.

"Cherinna..." tawag niya ulit sa akin. I rolled my eyes. Mas tinalikuran ko nalang siya at nagpatuloy sa pagsusulat.

"Miss Torres..."

Natigilan ako nang biglang nagsalita si Ian sa tabi ko. Naglingunan ang lahat sakanya.

"Yes, Ian?" tanong ng prof namin sakanya habang nakangiti. Konti nalang talaga iisipin ko na, na may gusto kay Ian 'to

"Sorry to interrupt your class..." ngumiti ng tipid si Ian bago lumingon sa akin.

"What are you doing?" I mouthed. Parang hindi ko nagugustuhan ang pinaplano ni Ian na gawin.

"What is it?" tanong ulit ni Ms. Torres dito.

"Gusto ko lang sanang itanong kay Ms. Anderson kung free siya mamaya..." biglang sabi ni Ian habang nakangiti sa akin.

"Ian!" pinanlakihan ko siya ng mata. "Tumigil ka nga!" mahinang sabi ko sakanya bago hinila ang kamay niya para umupo. Nakatingin na sa amin ang lahat. May mga tila kinikilig at inaasar kaming dalawa.

"Ma'am, sorry po..." hinging paumanhin ko sa Professor namin bago tinitigan ng masama si Ian.

"Are you free today, Cherinna? Aayain sana kitang na makipagdate sa akin..."

Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang pisngi ko dahil sa ginagawa ni Ian. Napayuko nalang ako.

"Sagutin mo na kasi!" tila kinikilig na sabi sa akin ng mga kaklase naming dalawa. May mga nagsasabi na "Oo na 'yan!" at may mga nagsasabi naman nag galing ni Ian.

"Umupo ka na nga!" nilingon ko ulit si Ian pero nakangiti lang siya sa akin.

"Are you free later?" tanong niya habang nakangiti pa rin sa akin.

"Ms. Anderson, say yes so we can proceed with our topic..." biglang sabi ni Ms. Torres sa akin. Napatingin ako sakanya. Why would I say yes? Para sa topic? Eh, di wag siya magturo!

"Ma'am can we just proceed and—" natigilan ako. Nakatingin siya sa akin na tila ba pinipilit akong mag-oo sa alok ni Ian. I rolled my eyes and sighed.

Nilingon ko si Ian na nakangiti pa rin sa akin.

"Fine, I'll go out with you..." nakasimangot na sabi ko sakanya.

Nagpalakpakan naman ang mga tao sa loob ng classroom namin dahil sa sinabi ko.

"Thank you, Ma'am..." narinig kong sabi ni Ian bago bumalik sa upuan nito.

"Saan mo gustong magpunta mamaya?" tanong niya sa akin nang makaupo na siya. Tinitigan ko siya ng masama. "Shut up," asik ko sakanya. Nginitian niya lang ako.

"Cute mo talaga," sabi pa niya bago inipit sa likod ng tenga ko ang buhok ko na tumatakip sa mukha ko.

"Ewan ko sa'yo," nakasimangot na sabi ko sakanya bago pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Magkasama pa rin kami ni Ian nang mag-lunch break na kami. Wala naman kaming usapan nila Lean na sabay-sabay na kakain kaya naman hindi na ako nagreklamo nang samahan ako ni Ian.

"Kailan mo pala ako ipapakilala sa parents mo?" biglang tanong sa akin ni Ian habang naglalakad kami. Napahinto ako sa paglalakad at tinignan siya. "Ano?"

"Sa parents mo. Kailan mo ako ipapakilala?" tanong niya sa akin ulit. "May problema ba 'dun?" muling sabi niya habang nakatingin sa akin.

Umiling ako. "Wala naman. Wala pa lang kasi kaming pinapakilalang lalaki ni Aly kay Mommy at Daddy. Laging mga pinsan namin at family friend ang kasama namin..."

"Yeah. Protective si Jahann sa'yo, no?" sabing muli ni Ian.

I smiled. "Yeah..." sagot ko habang tumatango. "And Jahann's not just my brother. He's also my protector. Compared kasi sa amin ni Aly, mas matapang si Aly, eh. Mas kaya niya 'yung sarili niya..." sagot ko habang nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"But I am here now, ako na 'yung protector mo..." seryosong sabi ni Ian sa akin. Ngumiti lang ako sakanya.

"Halika na nga. Baka mainis na naman ako sa'yo. Nagugutom na ako, eh..." inaya ko na lamang siya sa halip na sumagot pa.

Hinawakan naman niya ang siko ko at inalalayan ako sa paglalakad.

Paakyat na ulit kami sa room nang makasalubong ko si Kol na may dalang mga papel na tila pinapirmahan nito.

"Hi, Kol..." bati ko dito. Tinignan naman ako ni Kol, pagkatapos ay tinignan nito si Ian at ang kamay ni Ian na nakahawak sa may siko ko.

"Hi. I have to go..." iyon lamang ang sinabi nito at nagmamadali na umalis na rin.

"Weird ng pinsan mo. Nasa lahi niyo?" tanong ni Ian sa akin. Mahina ko namang hinampas ang bandang tiyan niya at inirapan siya.

"Kidding. Okay lang kahit weird ka. Tanggap kita," sabi ni Ian na sumunod na sa akin papasok sa loob ng classroom.

Nang matapos ang klase namin ay sabay na din kami ni Ian na nagpunta sa sasakyan nito. Nagtext nalang din ako kina Theon na mauuna na akong umalis. Si Aly naman ay sinabihan na akong papunta na siya sa Ai's.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong sa akin ni Ian nang makasakay na kami sa sasakyan niya. Nagkibit-balikat ako. Hindi naman ako nakikipagdate, paano ko malalaman kung saan dapat magpunta?

"Sa mall nalang tayo?" tanong niya sa akin nang nakangiti. Umiling ako. "Can we just eat somewhere? Basta may ice cream?" tanong ko sakanya. Natawa naman siya bago tumango. "You're the boss..." ani Ian bago kumindat sa akin.

Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Hindi ko pa din naman lubos na kilala si Ian. Nagsusungit pa din siya minsan. Mas madalas na nga lang na ngumingiti siya sa akin.

Ilang beses na din siyang nagtatangka na ihatid ako sa bahay pero lagi ko ding tinatanggihan. Hindi ko pa kasi alam kung paano ba magpapaliwanag kay Mommy at Daddy. Kahit pa sabihin na nanliligaw pa lang si Ian sa akin.

"Sa tingin mo, magugustuhan ako ng parents mo?" tanong ni Ian sa akin habang kumakain kami ng ice cream. Hindi ko maiwasang matuwa sakanya nang malaman kong favorite niya ang strawberry. Gusto ko din ng strawberry pero mas lamang lang ata na mas gusto ko ng caramel.

"Hindi ko alam..." kibit-balikat na tugon ko sakanya. Hindi ko alam kung dapat ko na din bang ipakilala si Ian kina Mommy dahil na rin sa sinabi ni Dad before na bata pa kami ni Aly para magboyfriend.

"Sa tingin mo, magugustuhan ako ni Aly?" biglang tanong ni Ian sa akin. Napatuwid naman ang likod ko at tumingin sakanya. "Akala ko ba ako ang gusto mo?" hindi ko napigilang mapakunot ang noo ko.

"Oo nga..."

"Tapos iniisip mo kung magugustuhan ka ng kakambal ko?" napaismid ako. "You're unbelievable! Diyan ka na nga..." tatayo na sana ako nang pigilan ni Ian ang kamay ko.

"Tinatanong ko kung magugustuhan ako ni Aly para sa'yo. Hindi dahil siya ang gusto ko..." seryosong sabi ni Ian.

Natigilan ako.

Tinitigan ako ni Ian bago ngumiti. "Selos ka?"

Inirapan ko nalang siya bago muling umupo at kumain ng ice cream. Hindi naman niya kasi nililinaw 'yung tanong niya. Ano bang malay ko kung iyon pala 'yun? Wala naman kasi akong balak makipagkompetensya kay Aly.

"Ihahatid kita sa inyo ngayon, ah?" sabi ni Ian nang sumakay na kami sa sasakyan niya. Hindi naman kami nagpunta sa kung saan. Hindi ko alam kung matatawag bang date ang pagtambay lang namin habang kumakain. May dalawang oras na din kaming magkasama. Nagyayaya siyang kumain ng dinner pero pakiramdam ko ay busog pa ako.

"Hindi na..." tanggi ko. "Sa Ai's nalang tayo magpunta. Nandun pa naman si Aly, eh..." sabi ko sakanya. "Pwede bang dumaan na din muna tayo sa Sweet Desire? Ituturo ko nalang sa'yo ang way..." sabi ko sakanya. Tumango naman siya sa akin. "Maihahatid din kita sa inyo. Maybe next time," ngumiti siya bago nagsimulang magmaneho.

Pagdating namin sa SD ay sinalubong na ako agad ni Tita Cristine. Hinahanap niya sa akin ang mga pinsan ko at kapatid.

"Wala, Tita. Mag-isa lang po ako. Bibili kasi sana ako ng cake..." sabi ko dito. Napatingin naman siya kay Ian na nasa likod ko.

"Magkasama kayo?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako. "Si Ian, Tita Cristine. Kaibigan ko..." pakilala ko dito.

"Hello po. My mom used to buy cakes here. Masarap po ang mga gawa niyo..." nakangiting sabi ni Ian kay Tita Cristine.

"Thank you..." sagot naman ni Tita Cristine dito.

"Ah, Tita, may red velvet pa kayo?" tanong ko sakanya para hindi na siya magtanong pa tungkol kay Ian. Bakas sakanya na gusto niyang makiusisa pero pinilit ko siyang magakad nalang papunta sa mga cakes na naroon.

"Good luck sa Daddy mo," tila nang-aasar na sabi ni Tita Cristine sa akin.

"Tita naman, eh..." napalabi ako bago kinuha ang card ko at inabot dito.

"No need. Kay Kerko kami maniningil para doble..." natatawang sabi ni Tita Cristine sa akin. Nagpaalam na kami sakanya pagkatapos. Sinabi naman niya na hindi niya sasabihin ang tungkol kay Ian kay Mommy o kay Daddy. Ako daw ang bahalang magsabi ng bagay na iyon.

Dumiretso na kami sa Ai's pagkatapos naming bumili sa SD.

"Gusto mo bang magpunta sa loob? Kaso hindi ko alam kung maraming tao 'yung nandyan, eh..." sabi ko sakanya nang bumaba kami ng sasakyan. Umiling siya sa akin. "Hindi na. But are you sure, makakauwi ka ng ligtas?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako. Nakita ko na naroon ang sasakyan ni Aly at Jahann kaya sigurado akong may makakasabay ako papauwi.

"Ingat ka sa pagmamaneho, ha?" ngumiti ako sakanya.

Naglakad siya papalapit sa akin at tinignan ang mukha ko. "Sana hindi totoo 'yung sinasabi nilang mararamdaman ng kambal ang nararamdaman ng bawat isa. Ayoko yatang maramdaman ni Alyanna kung paano kita hahalikan, Cherinna..."

"Ian..."

Nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Ngumiti siya bago ako hinalikan sa noo.

"I'll see you tomorrow..." sabi niya bago pumasok sa loob ng sasakyan nito. Huminga naman ako ng malalim bago ako nagpunta sa loob.

Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko.

Dalawang beses na niya akong hinalikan sa noo.

Naabutan ko si Aly na kinukuhanan pa rin ng pictures. Si Jahann ay nasa may monitor at tinitignan ang mga nakukuhang litrato.

"Tito," bati ko kay Tito Dale nang makita ko ito.

"Cherinna, what are you doing here?" tanong niya sa akin. Nagkibit-balikat lang ako dito.

"Jahann, leave that for a while. Your sister's here..." tinawag ni Tito Dale si Jahann na agad namang tumingin sa akin. Tumayo naman ito at naglakad papalapit sa amin.

"Tito, 'di naman kailangan. Pwede naman akong umupo lang dito at—"

"What are you doing here?" tanong ni Jahann sa akin.

"Uhmm..."

"I'll just go check some papers," tinapik ni Tito Dale ang balikat ni Jahann. "Cherinna, may drinks diyan, just ask Jahann, okay?" sabi naman nito sa akin bago tuluyang naglakad papalayo.

"May date ka diba?" tanong ni Jahann sa akin.

"Huh?" napatingin ako sakanya.

"Nevermind..." masungit na sabi nito sa akin.

"Bumili kami ng cake kanina. Your favourite..." itinaas ko ang box ng cake na dala ko at ngumiti sakanya.

"Tss. Hindi ako gutom..."

"Iuwi nalang natin. Sa bahay natin kainin?" sabi kong muli sakanya.

"Bahala ka."

Napasimangot ako. Hindi nalang ako nagsalita at naupo nalang ako sa couch na naroon at hinintay si Aly na matapos.

Isang oras pa ang itinagal ng photo shoot ni Aly bago sinabing pwede ng umuwi.

"Jahann, didiretso ka sa bahay? Sa sasakyan mo nalang yung ibang damit ko..." sabi ni Aly dito.

"Hindi pa ako uuwi. Pero ipalagay mo nalang sa sasakyan ko..." sabi nito nang hindi man lang lumilingon.

"Tara na, Kambal?" aya ni Aly sa akin matapos siyang magbihis. Tumango nalang ako at tumayo na.

"Cherinna..." bigla akong tinawag ni Jahann. Nilingon ko naman siya. Nauna ng lumabas si Aly kaysa sa akin.

"Yung cake mo, baka makalimutan mo..." sabi nito sa akin.

"I bought that for you. Ikaw na bahala kung itatapon mo o ano. Aalis na kami..." iyon lang aang sinabi ko at naglakad na din ako papalabas.

Nakasalubong ko naman si Iris na papasok sa loob.

"Hi, Jahann..." narinig kong bati nito sa kapatid ko.

Iiling-iling na bumaba nalang ako at pinuntahan si Aly.

One thing's for sure... sinusumpong si Jahann ng kasungitan.  

Continue Reading

You'll Also Like

116K 7.6K 31
For Luna Alondra Dawson, marriage is a word so simple but holds so much weight. Some people are scared of it, some don't care much about it, for some...
8.7K 378 11
"The key to a successful relationship is not finding the right person. It is giving the right love for the person you found."
7.7K 359 34
Because practice makes perfect... Or at least close to it.