I'm Courting Mr. Cold

By fizz_chae07

400K 5.5K 1.2K

Ito'y isang kwento tungkol sa isang engot na babae na naghahabol sa isang cold guy na si Jin Ren. Halos lahat... More

Prologue
CHAPTER I - Love at First Sight
CHAPTER II - Stay Away From Me
CHAPTER III - My Favor or His Condition?
CHAPTER IV - Yes or No?
CHAPTER V - Meeting His Family
CHAPTER VI - Fizz Lopez
CHAPTER VII - Getting To Know Him
CHAPTER VIII - Reminiscing His Past
CHAPTER IX - Meeting the Cassanova
CHAPTER X - Meeting the Cassanova (Part II)
CHAPTER XI - Cookies, My First Move
CHAPTER XII - Dream Come True
CHAPTER XIII - He's Acting Weird
CHAPTER XIV - Date
CHAPTER XV - Real Date
CHAPTER XVI - Walang Sikreto Ang Di Nabubuko
CHAPTER XVII - Devil Beside Me
CHAPTER XVIII - Missing
CHAPTER XIX - Scandal
CHAPTER XX - He Hates Me
CHAPTER XXI - Now, He Hates Me More
CHAPTER XXII - Jealous
CHAPTER XXIII - Reasons Behind My Action
CHAPTER XXIV - The Culprit
CHAPTER XXV - Mixed Emotions
CHAPTER XXVI - Confession
CHAPTER XXVII - The Spies
CHAPTER XXVIII - Dinner
CHAPTER XXIX - We're Locked?
CHAPTER XXX - Library
CHAPTER XXXI - My Mission Impossible
CHAPTER XXXII - Lunch Box and Chopsticks
CHAPTER XXXIII - She's in Danger!
CHAPTER XXXIV - My Hero
Discussion
CHAPTER XXXV - Grocery Store
CHAPTER XXXVI - Trip ko Siya
CHAPTER XXXVII - Bipolar
CHAPTER XXXVIII - Trip Niya Ako
CHAPTER XXXIX - What A Wonderful Day
CHAPTER XL - Two Days Before His Birthday
CHAPTER XLI - Weird
CHAPTER XLII - Unexpected Visitor
CHAPTER XLIII - Birthday Present
CHAPTER XLIV - Pick-up Lines
CHAPTER XLV - Siguro
CHAPTER XLVI - New Mission
CHAPTER XLVII -Trip to Terra Cota
Chapter XLVIII - Destiny
CHAPTER XLIX - Salamat
CHAPTER L - I'm Stupid
CHAPTER LI - Reconciliation
CHAPTER LII - Final Review
CHAPTER LIII - Sinasagot na kita!
Chapter LIV - I'll Be There For You (Part I)
Chapter LV - I'll Be There For You (Part II)
CHAPTER LVI - 1st Lunch Date as a Couple
Chapter LVIII (Part 1)
CHAPTER LVIII (Part 2)
Chapter LVIX - School Festival Day 1
Chapter LVXX
CHapter LVXXI
Chapter LVXXII

CHAPTER LVII - Date Under The Moon

3.4K 63 21
By fizz_chae07

Note: Si Suzy Bae na po ang gumaganap na Yuri Han.

-----

CHAPTER LVII

**REN's POV**

"Jin Ren ko, mauna ka nang umuwi. May gagawin pa kasi kaming mga officers eh."sabi niya sa akin pagkatapos yung huling subject namin para sa araw na ito.

"Hintayin na l--------"

"No! Wag na! Wag mo na akong hintayin. Mauna ka na! Matatagalan kami."sunod-sunod na usal  niya na siyang pumutol sa mga sinasabi ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Hindi ko alam kung tama ba itong hinala ko. Pero pakiramdam ko talaga, parang ayaw niya akong hinahatid ko siya tuwing uwian. Pangatlong uwian na namin to na tumaggi siya sa paghahatid ko sa kanya. Parati na lamang niyang idinadahilan na may gagawin pa raw silang mga officers o di kaya'y may dadaanan pa siya.

Ngayon naman ay hindi ako sigurado kung ayaw niya lang ba talagang magpahatid o dahil sa masyado lang talaga silang matatagalan sa mga ginagawa nilang mga officers kaya ayaw niya akong pahintayin pa. Dalawang araw na lang kasi at School Fest na namin, kaya heto abalang-abala ang lahat. Pero mas abala sa amin ang mga class officers.

"A-ano?"tanong niya pa nang mapansin niyang tinaasan ko siya ng kilay, na wari bang may kutob ako.

"S-sige na, uwi ka na. Di ba sabi mo kanina, may pinapabili sa'yo si Tita?"sabi pa niya sa akin. At ni hindi man lang niya hinintay ang pagsagot ko.

"Alis ka na, baka kakailanganin na niya yun."dagdag pa niya at talagang tinutulak pa ako palabas ng classroom namin ah. Talagang pinapalayas na ako ng babaeng to. 

Takte! Nakakaasar talaga siya. Palagi na nga siyang abala dahil sa class officer siya, kaya hindi kami masyadong nakakapagsolo. Tapos pati uwian man lang ay hindi ko pa rin siya nakakasama.

Oy, wag kayo ah! Hindi naman sa OA ako, pero kayo sana! Bago-bago lang simula nung naging kami, tapos nawawalan na agad kami ng oras para sa isa't isa? Nakakaasar lang! 

"Oo na! Aalis na ako!"sagot ko pa, tapos kusa na akong lumabas ng classroom. Pero bago pa man ako tuluyang nakalabas ay muli ko siyang hinarap at saka seryoso siyang tinitigan.

"Mag-ingat ka! Text mo 'ko pag nakauwi ka na."paalala ko pa. Tumango naman siya, kasabay nun ay ang pagngiti niya ng pagkatamis-tamis.

"Opo. Mag-iingat ka rin po. Text mo rin ako kapag nasa bahay ka na."sagot naman niya. Tumango lang din ako at pagkatapos ay tinalikuran ko na siya at saka naglakad na palayo. Pero bago pa man ako  tuluyang nakalayo ay muli kong narinig ang malambing niyang boses habang tawag-tawag pa ang pangalan ko.

"Jin Re ko!"sigaw niya sa pangalan ko na siyang ikinalingon ko. Nasa may pasilyo na ako ng aming silid-aralan habang siya naman ay nasa may doorway.

"Saranghae!" sabi pa niya habang ang dalawang kamay niya'y nagfo-form pa ng isang hugis puso.

(see picture,  sa may right side --------> )

Nginitian ko lang siya at pagkatapos ay tumalikod na ako. Itinaas ko ang kanang kamay ko at saka binigyan siya ng thumbs up. At pagkatapos ay iwinawaygay ko ang aking kamay sa ere, hudyat na ako ay nagpapaalam na.

**YURI's POV**

Matapos niyang magpaalam ay tuluyan na nga siyang umalis. Gusto ko sana siyang habulin at sabihang 'wag na muna siyang umalis at sabay na kaming umuwi', kaso hindi pwede. Hindi naman sa matatagalan kaming mga officers kaya ayaw ko siyang paghinatayin, sadyang ayaw ko lang talaga na hinahatid niya ako sa bahay kasi andito na si Papa.

**FLASHBACK**

(Note: Eto yung araw kung saan opisyal na couple na sina Yuri at Ren)

"Oh iha, bat ngayon ka lang. Kanina pa kita hinihintay. May sasabihin nga pala ako sa'yo. An--" bungad sa akin ni Nanny pagpasok ko ng gate, bagamat hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. Alam kong nag-aalala lang siya sa akin kaya ganyan siya magsalita.

 

"Ayos lang po ako Nanny."nakangiti kong sabi sa kanya habang tuloy-tuloy lang ako sa pagpasok sa loob nang...

 

"Abeoji? (Father?)" gulat na tanong ko pa. Halos malaglag ang mga mata ko nang makita ko ang tatay ko na abalang nagbabasa ng dyaryo.

 

"Yan ang gusto kong sabihin sa'yo kanina pa."bulong sa akin ni Nanny habang ako naman ay nananatili pa ring gulat, dahil sa lalakeng nasa harap ko.

"Im-nida dang-sin-eun dang-sin-ui abeoji im-nida in-sa-ha-neun bang-beop? (Ganyan ba kung paano mo batiin ang iyong ama?)" wika niya sabay ibinaba ang dyaryong nakaharang sa mukha niya.

"Jwe-song-ham-ni-da (I'm sorry)"pagpapaumanhin ko pa.

Hindi naman sa istrikto ang tatay ko. Bagamat napakataas lang talaga ng respeto ko sa kanya, kaya naman masyado akong behave. Ayaw ko kasing nagagalit siya sa akin. Kahit na hindi ko siya madalas na nakakasama ay hindi pa rin naman nawala ang repseto ko sa kanya. Syempre, ama ko siya eh! Sadyang nagulat lang talaga ako sa pagdating niya, kaya ganoon na lamang ang naging reaksyon ko. Nakalimutan ko rin kasi na uuwi pala siya after two months. Pero may pagka-cold lang din talaga si papa. Hindi ko alam kung tama bang sabihan ko siya ng cold. Pero ewan ko ba, parang minsan pakiramdama ko, wala siyang ganang pansinin ako o ano. Parang pakiramdam ko, mas gusto niya ang hindi niya ako nakikita o nakakasama. Hay, pero puro lang naman yun mga pakiramdam. Dahila alam ko namang hindi totoo ang mga iyon. Kasi nga, gaya ng sinabi ko kanina, ama ko siya. Kaya naman malabong maramdaman niya iyon. 

"An-nyŏng-ha-shŏ-ssŏ-yo, abeoji! Chal ji-nae-shŏ-ssŏ-yo? (Magandang gabi Papa. Kamusta na po kayo?)" magalang na tanong ko sa kanya. Bagamat hindi na niya ako sinagot pa. Tumayo lang siya at saka naglakad paalis. Ngunit bago pa man siya tuluyang nakaalis ay muli niya akong kinausap.

"Something went wrong with my business here, that's why I'll be staying here. Maybe for how many days."tumigil muna siya sa pagsasalita.

"or worse for how many weeks." pagtatapos pa niya at pagkatapos ay tuluyan na siyang umalis.

**End of Flashback** 

Ang buong akala ko talaga ay isang araw lang siyang mamamalagi rito. Ganun naman talaga kasi siya parati eh. Di ba nga ang sabi ko'y bihira ko lamang siyang nakakasama. Siguro mga isa o dalawang beses sa isang taon ko lamang siya nakikita't nakakasama.  Masyado  kasi siyang abala sa pamamahala ng mga negosyo namin at saka madalas nasa ibang bansa dahil sa negosyo.

Pero nang dahil nga sa nagkaproblema yung branch ng business niya rito sa Pilipinas ay kailangan niyang mamalagi rito ng ilang araw. Wala pa ring kasiguraduhan kung kailan siya babalik ng Korea. Kaya ayun, hindi muna ako nagpapahatid kay Jin Ren ko. Ayaw ko kasing makita siya ni daddy. Eh kasi naman, hindi alam ni daddy na may boyfriend na ako. Baka mamaya niyan ay tutol siya sa ideyang pagbo-boyfriend ko, baka paghiwalayin pa niya kami nina Jin Ren ko. At isa pa, kung talaga ngang ayaw niyang nagbo-boyfriend ako eh paniguradong magagalit yun sa akin. At ayaw na ayaw ko ang nagagalit siya sa akin. Minsan na nga lang kaming magkita tapos puro sakit ng ulo pa ang ibibigay ko sa kanya. Ni hindi na nga ako nakakatulong sa kanya sa pagha-handle ng mga negosyo namin at ang dami-dami na nga niyang problema nang dahil sa negosyo tapos dadagdag pa ako? Kaya ayun! Todo tago naman ako tungkol sa relasyon namin.

Waaaah!!! Sorry talaga Jin Ren ko! =(

"Yuri, pakitulungan naman ako rito oh."sabi sa akin ni Reina, vice-president namin. 

"Ahh, sige!"sagot ko naman at saka siya tinulungan sa pagbubuhat nung mga kagamitan na siyang gagamitin namin para sa pag-decorate ng aming room. Yung classroom kasi namin, yung magiging booth namin para sa school fest.

----------------------

"Tinulugan mo na naman yata ako. Sige na nga, good night na! Sleep tight! I love you Jin Ren ko. <3" text ko sa kanya. At pagkatapos ay nilapag ko na yung cellphone ko sa may side table ng kama ko. Kunwari sa text sweet pa rin ako, pero sa totoo lang medyo naiinis ako sa kanya dahil tinulugan na naman niya ako.

Hmp! Nakakainis siya, parati na lang niya akong tinutulugan sa tuwing texting kami. 

Walang gana akong sumalampang sa kama ko. 

Hay, asar talaga oh! Di ko na masyadong nakakasama si Jin Ren ko. Namimiss ko na tuloy siya. Simula nung nag-lunch kaming dalawa sa may likuran ng school building, hindi ko na ulit siya nasolo ng ganoong katagal. Tapos ngayon naman, nagtetext na nga lang kami tinulugan pa niya ako. Hmp! Hindi ba niya ako nami-miss?

*Tok!*

Napatalon ako sa kama nang may kung anong bagay ang tumama sa bintana ng kwarto ko. Ano kaya yun? Mula sa pagkakahiga ay tumayo na ako para sana tignan kung ano iyon, bagamat nagulat na lamang ako ng may bigla na namang nambato ng kung ano sa bintana ko.

*Tok!

At sinong lasinggero naman kaya ang nantritrip na ipagbababato etong bintana ko ngayong dis oras ng gabi?

Lumapit na ulit ako sa bintana para tignan kung sinong hinayupak na iyon ang nambubulabog sa gabi ko. At balak pa yata niyang basagin ang glass window ng kwarto ko.

Nang marating ko na ang bintana ay agad akong sumilip sa labas para tignan kung sino nga iyon. Kaya lang wala naman akong makita. 

Binuksan ko yung bintana ko nang sa gayon ay makita ko nang maayos kung sino nga yung taong nambabalak na basagin tong window ko. Pagbukas ko ay...

*Tok!

"Aray!"singhal ko sabay himas sa may noo ko. Takte! Sharp shooter pa yata yun, tumama yung maliit na bato sa noo ko.

Agad na hinanap ng mga nag-aapoy na mata ko yung taong nambato sa akin. Ngunit ang kanina'y nag-aapoy na mga mata ko'y napalitan ng naghuhugis puso na mga mata nang masilayan ko yung taong nambubulabog sa gabi ko.

"Jin Ren ko!"sigaw ko pa ngunit agad ko namang tinakpan ang bibig ko at baka magising ko yung mga kapitbahay, pati na si Papa.

Pa-cool niya akong nginitian sabay sinaluduhan na parang isang sundalo habang nakasandal pa siya sa kotse niya. Ang cool talaga nitong boyriend ko! Ait! 

Dali-dali akong bumaba ng kwarto at saka lumabas ng bahay para puntahan siya dahil hindi naman pwedeng habang buhay na lamang kaming magsisigawan dun. At isa pa, baka mahuli pa ako ni Papa, eh patay ako pag nagkataon!

"Anong ginagawa mo rito?" bungad ko sa kanya pagkalabas ko ng gate.

Ngunit, imbes na sagutin niya ako ay bigla na lang niya akong hinila papasok ng kotse niya.

"Y-ya! Saan tayo pupunta?"tanong ko sa kanya habang pilit niya akong pinapapasok sa loob ng kotse niya. Ngunit hindi na niya ako sinagot at saka tuluyan na akong pinapasok.

-------------

"N-nasaan na tayo?"tanong ko pa habang hinahawakan siya ng mahigpit sa braso niya. Paano ba naman kasi, ang dilim-dilim nitong lugar na pinuntahan namin at tanging ilaw na nanggagaling sa flashlight na hawak niya ang nagsisilibing ilaw namin. Ewan ko ba kung saan ito. Nakakatakot! Takot pa naman ako sa dilim.

"Secret."sagot pa niya. At kahit na hindi ko gaanong maaaninag ang mukha niya'y sigurado ako na nakangiti niyang binigkas iyon. Ayan na naman siya sa mga secret-secret niya. Sa buong biyahe namin ay tanging iyan lamang ang sinasagot niya sa akin.

Ibinaon ko ang mga kuko ko sa braso niya at...

"Aray!"sigaw pa niya. Ang OA naman nito! Eh hindi naman mahaba ang mga kuko ko ah.

"Kanina ka pa ah!"reklamo pa niya. Kanina ko pa kasi siya hina-harass kung matatawag man. Hahaha

"Ikaw nga kanina ka pa rin secret ng secret diyan!"balik-sabi ko naman.

"Tsk! Di ka ba marunong maghintay?"tanong naman niya.

"Hindi!"diretsong sagot ko, pero hindi naman na siya sumagot pa. 

Ilang saglit pa'y tumigil na kami sa paglalakad nang may marating namin ang isang spot na kung saan may isang torch light.

"We're here."rinig kong sabi niya.

Medyo naguluhan ako sa mga nakita ko. May isang picnic mat kasi ang nakalapag sa may damuhan. Hindi lang iyon, may isang picnic basket pa at isang torch light na siyang nagsisilbing ilaw ng lugar na iyon.

"Anong meron?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Sikreto."nakangising sagot niya at saka ako hinila papalapit dun sa spot na iyon. Umupo na siya sa picnic mat habang ako naman ay naiwang nakatayo pa rin. 

"What? Balak mo bang tumayo na lang diyan habang buhay?" sarkastikong tanong niya nang naka-smirk pa. Napahiya naman daw ako dun at saka umupo an rin ako sa tabi niya.

"Y-yah! Saan ba talaga tayo?"tanong ko pa sa kanya.

"Secret."sagot na naman niya.

"Tch! Ay----"makikipagbangayan na naman sana ako sana ngunit hindi na niya ako pinatapos pa tinuro niya lang ang langit. Labis akong napamangha sa nakita ko. Ang ganda. Ang ganda-ganda ng langit. Pinupuno ito ng mga nagniningning na mga bituin saka ng isang napakaliwanag na 'full moon.'

"Ang ganda." I unconsciously whispered.

Ngayon ko lang din naramdaman ang maganda ambiance ng lugar na to. Napakatahimik ng lugar. Wala kang ibang maririnig kundi ang nakakagaan at malamig na paghaplos ng hangin. Bigla akong napahawak sa magkabilang braso ko nang tumama sa akin ang malamig na hangin. Bigla akong gininaw. Nagulat na lamang ako nang may inilagay si Jin Ren ko ng kung anong bagay sa balikat ko. Pagtingin ko, jacket niya pala ito.

Napahawak ako ng mahigpit dun sa jacket na ibinigay niya. Ang sweet! Abot hanggang langit ang mga ngiti ko dahil sa ginawa niya. Napabalikwas ako ng tingin ng may marinig akong ingay na nanggagaling sa tabi ko. Pagtingin ko, may nilalabas si Jin Ren ko ng kung ano-ano dun sa picnic basket.

"Heto."sabi pa niya at saka iniabot sa akin ang isang tinidor at...

Tinitigan ko maigi yung salad at kung ano-ano pang mga pagkain dun sa container na inilabas niya. I wonder kung binili niya lang ba ito o homemade ba ito. Pero base kasi sa itsura nung mga pagkain pati na sa lalagyan nito, parang homemade eh.

Napangiti ako sa naisip ko. Homemade! Gusto-gusto ko pa naman ng mga pagkaing homemade.

"Problema mo?"nakataas na kilay niyang tanong sa akin. Ang sungit-sungit naman niya. Napaka-bipolar talaga! Hmp!

"Wala. Binili mo lang ba ito?"tanong ko pa.

"Nope."sagot naman niya.

"Ohhh... ibig sabihin homemade to. Si tita ba ang gumawa neto?"tanong ko ulit.

"Hindi."sagot niya ulit. 

Eh? Kung hindi si tita, edi sino? Hindi rin pwedeng si Maxine, eh ang bata-bata pa nun. Malamang hindi pa marunong magluto yun. Baka naman si Granny, o di kaya yung chef nila sa bahay?

"Kung hindi si tita, edi sino? Si Granny ba?"tanong ko ulit.

"No. Hindi na siya nagluluto dahil bawal sa kanya ang mapagod."paliwanag pa niya. Kung sabagay, may de edad na rin yung si Granny.

"Ahh,ganun ba. Alam ko na, pinaluto mo ito sa chef niyo nuh?"tanong ko na naman. 

"No."sagot pa niya. Hah? Puro no ang sagot niya. Eh kung hindi yung mga taong yun na nabanggit ko ang nagluto nito, edi s----

Bigla akong napatakip sa bibig ko sabay sabing "Omo" nang makita ko ang daliri niyang naka-band aid. Medyo imposible ito, pero malay niyo baka tama ako sa huling hula ko.

Agad siyang napatingin sa akin at saka binigyan ako ng "What's wrong?" na look matapos kong magsabi ng "Omo".

"J-jin Ren ko..."pagsisimula ko pa. Hindi siya nagsalita at tinaasan niya lang ako ng kilay na para bang tinatanong niya ako ng,"What?"

"I-ikaw ba ang nagluto nito?"tanong ko sa kanya.

Agad na lumaki ang mga mata niya nang dahil dun sa itinanong ko. Bakas sa mukha niyang hindi niya inaasahang tanungin ko siya ng ganun. Nung nakabawi na siya sa pagkagulat ay agad naman siyang umiwas ng tingin at saka sinabihan ako ng,"Of course not!" Pero ang hindi niya alam, bago pa man siya tuluyang nakaiwas ng tingin ay nahagilap ko siyang namumula.

Hahahaha! Ang cute niya talaga! Kung titignan niyo siya ngayong namumula, hindi niyo talaga iisipin na isa siyang masungit at cold na tao.

"Kunwari ka pa!"bulong ko sa sarili ko habang nakaplaster sa mga labi ko ang malapad kong ngiti. Syempre, sino ba naman ang mag-aakalang ipagluluto niya ako. At hindi lang yun, alam kong hindi siya marunong magluto. Mukhang nagpaturo pa yata siya para lang maihanda itong baon namin ngayon, kaya naka-band aid pa yung iilang mga daliri niya. Nasugatan pa yata siya.

Lalo lamang  lumalapad  ang mga ngiti ko. Paano ba naman kasi, hindi talaga ako makapaniwalang ginawa niya iyon. Hello! Si Jin Ren ko kaya ang pinag-uusapsan natin dito. Si Mr. Cold na walang ibang alam kundi sungitan ang mga kababaihan a ngayo'y nag-abalang ipagluto ang isang babae!

Kyaaaa! Di ko mapigilang kiligin!

Alam kong nagsisinungaling lang siya kanina, na hindi raw siya ang nagluto. Hahaha, ang taas talaga ng pride. Ayaw pang umamin.

"Anong sabi mo?"singhal niya pa.

"Wala po."sagot ko naman na parang isang masunuring bata.

 "Siya nga pala, pansin ko lang, parang ayaw mo nang magpahatid sa akin ah?"paninibago niya ng paksa.

"Ah eh. H-hindi ah. Sadyang abala lang talaga kaming mga officers para sa school fest natin."sagot ko naman.

"Oh, ganun ba."sabi pa niya, pero parang hindi siya kumbinsido sa sagot ko.

"Y-yes! Ganun na nga."sagot ko naman.

"H-ay naku, ang tagal naman."reklamo pa niya.

Wew! Buti naman at di na siya nangulit pa.

"Ano ba kasing hinihintay natin? Lagpas alas dose na ng gabi, baka hinahanap na ako ni Papa."

Napatakip ako ng bibig ng dahil dun sa sinabi ko. Shit lang! Ang tanga-tanga ko talaga! Ayan tuloy, nabuking pa ako! >.<

"Papa? Andito na ang papa mo?"gulat na tanong niya.

 "H-ha? Ah-eh-" parang timang naman ako dahil di ko alam kung ano  ang sasabihin.

"Kaya ba ayaw mong hinahatid kita kasi andito na ang papa mo? Ayaw mong makita niya tayo?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. 

Okay, wala na Yuri. You're doomed!

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya ngayong nabuking na ako. Ayoko namang magsinungaling pa sa kanya. Mas lalo lang madadagdagan ang kasalanan  ko. Napayuko na lamang ako dahil sa wala akong mahanap na tamang dahilan.

"S-sorry!"pagpapaumanhin ko pa. Ayaw kong mag-away kami. Tsaka isa pa, kasalanan ko rin dahil naglihim ako sa kanya, kaya tama lang na humingi ako ng tawad sa kanya. 

Hindi siya kumibo matapos ko siyang sabihan ng sorry. Hindi ko rin alam kung ano ba ngayon ang ekspresyon ng mukha niya kasi nga nakayuko ako. Ayaw ko siyang tignan kasi nahihiya ako at isa pa, nagi-guilty ako. Sobrang guilty dahil sa pagsisinungaling na ginawa ko.

"Sorry dahil naglihim ako!"ulit ko pa, ngunit hindi na naman siya kumibo ulit na wari bang may hinihintay siyang paliwanag mula sa akin. Paliwanag kung bakit ko iyon nagawa. Kaya naman, dahil sa ayaw ko nang magalit pa siya sa akin ay nagsimula na akong mangumpisal.

"Sorry Jin Ren ko."paninimula ko pa sabay tinitigan siya ng diretso sa mata.

"Sorry kung dumistansya ako dahil sa andito na si papa. Hindi ko naman talaga gustong gawin iyon eh. Ang totoo nga niyan ay kada tanggihan ko ang alok mo na ihatid ako; kada makita kitang naglalakad palayo, gusto kitang habulin. Gusto kitang pigilan at sabihang wag kang umalis ng hindi ako kasama. G-gusto ko yun sabihin sa'yo. K-kaso..." hindi ko na natapos pa ang mga sasbaihin ko dahil sa napahikbi na ako sa sobrang pagka-guilty. Ngunit sa kabila ng paghikbi ko'y ipinagpatuloy ko pa rin ang pagpapaliwanag. 

"Kaso, hindi ko magawa dahil baka mahuli tayo ni Papa. *hik* H-hindi niya kasi alam na *hik* nagbo-boyfriend na ako.  B-baka kasi pag nalaman niyang may boyfriend na ako, paghiwalayan niya tayo. *hik*" pagtatapos ko sa pagitan ng mga hikbi ko. Napayuko na lamang ulit ako. 

Nakakaasar! Kinakain na ako ng guilt ko. 

Ilang saglit pa'y imbes na simpatya ang makuha ko'y isang simpleng "Tss." lang ang isinagot sa akin ni Jin Ren ko at....

"Aray!"reklamo ko pa sabay hinimas-himas ang noo ko. Paano ba naman kasi, bigla na lamang niya akong pinitik sa noo.

Pero imbes na tarayan ko siya at titigan ng masama, ay agad na lamang namuo ang mga ngiti sa labi ko nang mahagilap ko ang maaliwalas niyang mukha.

T-teka, hindi siya galit?

"J--" magsasalita pa sana ako ngunit inunahan na niya ako.

"Tch! Sana sinabi mo sa akin nung una pa lang. Maiintindihan ko naman."sabi pa niya sa akin.

"Sorry na! Kung gusto mo, aamin na ako kay Papa nang sa gay---"

"Nope! Ikaw na nga mismo ang nagsabi, baka paghiwalayan niya tayo. So, don't bother."pagputol niya dun sa sinasabi ko, sabay kinindatan pa ako.

Agad ko namang naramdaman ang pagmula ng mga pisngi ko.

"H-hindi ka ba galit sa akin?"paninigurado ko pa. Umiling-iling naman siya. Muli ay namuo na naman ang  ngiti sa mga labi ko.

"Pero next time..."paninimula pa niya, dahilan upang titigan ko siya ng seryoso sa mata.

"Kapagka may bumabagabag sa'yo, gusto ko sabihin mo sa akin agad. Ayaw kong naglilihim ka sa akin. Naiintindihan mo ba?"pagtatapos pa niya.

Tumango-tango lang ako, senyales na  sumasang-ayon ako sa sinabi niya. Pagkatapos nun ay nginitian niya ako at saka tuluyan na siyang humiga sa sahig.

Syempre para maka-chancing ako, humiga rin ako sa tabi niya. De joke lang yung pag-chancing! Hahaha

Napansin kong panay ang pagtingin niya sa relo niyang nakasabit sa wrist niya.

"Ano ba kasi ang hinihintay natin?" tanong ko habang nakatingin  sa kanya.

"And please, wag mo na akong bigyan ng sagot na 'Secret' !" pahabol ko pa. Tapos nakita ko siyang ngumiti. Nginiting panalo! At bakit naman daw siya ngumingiti?

Itinaas niya ang kanang kamay niya at gamit ang hintuturo niya'y itinuro niya ang langit. Ano na naman ba ang meron sa langit. Pagtingin ko dun sa tinuturo niya'y labis akong napamangha.

Agad akong napatayo sa labis na kasiyahan at excitement. 

Sunod-sunod na pagbagsak ng mga meteorites ang nakikita ko. Yes! Tama nga kayo. Sa mga oras na 'to, sa madilim at 'unknown' na lugar na ito, dito namin ngayon pinapanood ang leonid meteor shower.

Abot langit ang mga ngiti ko sa mga oras na ito. Muntikan ko nang makalimutan ang tungkol dito. Buti naman at niyaya ako ni Jin Ren ko rito, sa lugar na ito, para panoorin ang napakagandang meteor shower na ito.

"Maganda ba?"tanong niya sa akin. Hindi ko namalayang bumangon na rin pala siya at kasalukuyan na siyang nakatayo sa tabi ko.

Sa sobrang tuwa ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Tumango-tango ako na wari bang sinasabi kong,"Oo. Napakaganda."

Hindi na ako nakaramdam ng hiya dahil sa niyayakap ko siya. Mas hinigpitan ko pa nga ang pagkakayakap eh. 

"Salamat, Jin Ren ko."sabi ko pa habang yakap-yakap pa rin siya.

"Maraming salamat! Hindi ko inaasahang gagawin mo ang lahat ng ito para sa akin." dagdag ko pa.

Wala siyang sinabi pabalik sa akin, ngunit naramdaman ko naman ang pagtugon niya sa yakap ko. At kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya'y alam kong nakangiti niya akong niyayakap.

 ------- End of the chapter----

Merry Christmas everyone! Sana nagustuhan niyo ang aking munting regalo! Pasensya kung natagalan! XD

fizz_chae07

Continue Reading

You'll Also Like

16.2K 493 42
Ekaanta Amora Flores, Ang babaeng tahimik at parang hindi nage-exist sa school. Walang mga kaibigan. A girl who loves being alone, she doesn't care i...
693K 23.3K 82
#1 IN BOYSLOVE - Most Impressive Ranking! Synopsis: Si Darren Sy III o maskilala sa bansag niyang Thirdy, ang tinaguriang warrior ng Ateneo Blue Eagl...
281K 8.9K 44
Alexies Sapphire Alcantara. A guitarist, a billiard player, taking a Civil Engineering course, and lastly, she hates boys. Alexies love dating g...
600K 38K 55
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...