One Hand, One Heart [Escaner...

By eye_you

15.6K 519 36

Babala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Mag... More

Panimula
Page 1
Page 2
Page 3
Page 4
Page 5
Page 6
Page 7
Page 8
Page 9
Page 10
Page 11
Page 12
Page 13
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page 22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Pagtatapos

Page 14

381 12 0
By eye_you

Page 14

Why

*****

Bumuntung hininga ako ng malalim at muling nilingon ang pwesto nina Henry.

Napakagat ako ng ibabang labi.

Nakaupo sa pahabang sofa si Henry at gayun din si Althea. Pareho silang tahimik na nakatingin sa may TV. Ewan ko ba kung nanunuod si Henry o nakikiramdam lang.

Umakma akong lalapit sa kanila pero agad akong pinigilan sa braso ni Cedes. Nalingon ko siya at nakita ko ang mapanuri niyang tingin sa kin.

"Saan ka pupunta?"       Mahinang tanong niya.

"Ihahatid ko na paalis si Henry."

"May ipapaliwanag ka sa akin mamaya."    Mariin niyang wika saka ako binitiwan.

Napabuga ako ng hangin.  Oo. Halata naman na meron at siguradong hindi mo ko tatantanan kung hindi mo malalaman ang sagot.

Mabagal at maingat akong humakbang papalapit kina Henry.

"How old are you?"       Narinig kong tanong ni Henry habang ang tingin ay nasa may TV pa rin.

Napahinto ako sa paglapit.

"I'm four."       Hindi rin nakatinging sagot ni Thea. Deretso naman siyang sumagot ng english dahil madalas kapag kausap niya sina Kuya ay ini-english siya ng dalawa. Edge daw yun para pag-nagka-edad na raw ang anak ko, sanay at confident na ito sa banyagang salita.     "Ikaw po?"

Pinagmasdan ko silang dalawa.

Nilingon ni Henry si Thea at sandali itong tinitigan.      "I'm twenty-five."

"Same as Mom."      Tumingin na rin si Thea sa binata.      "Are you my mommy's boyfriend?"

Namilog ang mga mata ko sa narinig.    "Thea?"      Mabilis akong napahakbang palapit sa kanya at hinawakan siya sa braso.     "Anong sinasabi mo?"  

Confused akong tinignan ni Thea.       "Wala lang po."

Napansin ko ang tahimik na pagtawa ni Henry kaya tinignan ko siya ng masama.

"What?"     He looked at me and smirked.      "I am not yet your Mom's boyfriend. Hopefully---" 

"You better leave Henry."      Sansala ko sa sinasabi niya.

Sumeryoso ang titig sa akin ni Henry. Kinabahan na naman ako.

"Ihahatid ko lang siya, baby hah. Dito ka lang muna kay Tita Cedes."     Sabi ko kay Thea at ipinaupo siya sa nakahiwalay na single sofa.

"You haven't introduced me yet to your daugther Milca."        Malamig na wika ni Henry.

Natigilan ako.  Naman!

"Oo nga noh."      Sumingit sa usapan si Cedes. Tumayo siya sa likod ng sofa na kinauupuan ni Thea. Nakaharap siya sa akin.       "Thea, introduced yourself sa bisita ni Mommy mo."

What the hell?!   I mouthed to Cedes. Pero nagkibit balikat lang siya.

"Okay po."     Wika ni Thea then tumayo siya at lumapit kay Henry. Wala na akong nagawa kundi ang sundan siya ng tingin.       "Hello po. I'm Alt-lea Canary Mir-anda."

Malapad na ngiti ang sumilay sa mukha ni Henry. Titig na titig siya kay Althea, i felt my heart squeezed.

"I'm Henry Lionel E. Santillan. It's nice to meet you."     Inilahad niya ang kanyang palad.

"It's nice to meet you too, sir."      Wika ni Thea tapos ay inilagay niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng palad ni Henry.

Akala ko magha-hand shake sila pero iba ang ginawa ni Henry.

Hinalikan ni Henry ang ibabaw ng palad ni Thea. Then he smile.     "It's my pleasure little princess."  

Napatingin ako kay Cedes at nakita na nakatitig lang siya sa dalawa.

****

Sadya kong ipinauna sa paglabas ng bahay si Henry. Nakasunod sa amin sina Thea at Cedes pero hanggang sa may pinto na lang sila.

"Mommy, ice cream po."     Paalala ni Thea. Hindi talaga siya agad nakakalimot.

"Okay. Pasok na sa loob."     Wika ko.

"Okay po."     Tugon niya. May ibinulong sa kanya si Cedes then napangiti siya.      "Babye po!"      Kaway niya kay Henry.

Nilingon ko si Henry. Nakangiting kumaway din siya pabalik kay Thea.    "Bye-bye. We'll see each other again."   

"Sige po." 

"Tss."     Mahinang singhal ko sa sarili. Pilit akong ngumiti.     "Sige na Thea. Pasok na sa loob."

"Opo."     Tango nito saka agad tumalima.

Sumunod naman si Cedes dito.

Haist.

"You're over reacting Milca."     Boses ni Henry mula sa likod ko.   

Lumingon ako at nasalubong ang seryoso niyang tingin.   

"Wala naman akong gagawing masama kay Thea."

"I'm not over-reacting."     May bumangon na inis sa loob ko.

"Then why are you like that? Parang ayaw mong ipakilala sa akin ang anak mo?"      Humalukipkip siya.        "May itinatago ka bang ayaw mong malaman ko?"

Ayan na naman siya sa mga hinala. Mabigat akong napabuga ng hangin.

Humakbang na ako palayo sa bahay. Nilagpasan ko siya at sumunod naman siya sa akin. Mabuti na lang at hindi masyadong matao sa kalsada ng eskinita namin ngayon. Mga tulog siguro dahil tanghali pa lang. Pagdating namin sa kanto ay nakita ko agad ang kanyang pulang sasakyan. Hinarap ko siya maayos.

"Salamat sa pagpunta dito, Henry. Sana wag ng maulit."

"Nice."       Sarcastic siyang ngumiti.      "Dahil ba biglaan ang pagpunta ko ngayon ay bawal na akong bumalik dito?"

"Oo. Hindi ko alam kung anong binabalak mo. Kung bakit nandito ka. Pero hindi talaga ako natutuwa. Pasensya na."        Seryoso kong sabi.

"Sinabi ko na ang dahilan ko di ba? Nililigawan kita."

Marahas akong napabuga ng hangin.

"Kung ganun. Basted ka na. Wala akong interest sa panliligaw mo. Please. Tigilan mo na ako."    

Sandaling namagitan ang katahimikan sa amin. Bumuntung hininga siya ng malalim at napasapo sa kanyang noo. Pagod ang mga matang tumingin muli siya sa akin.

"Okay. Fine."      Wika niya at tumango.      "Tatanggapin ko na yang sinabi mo. Mukhang hindi naman mababago ang isip mo eh."       

Umiwas ako ng tingin sa mga mata niya.

"Aalis na 'ko."    

Hindi na ako umimik. Sinundan ko na lamang siya ng tingin nang tunguhin na niya ang kanyang sasakyan. Pinatunog niya muna iyon at agad lumigid para makapwesto sa driver side.

Hingang malalim.

Tinted ang sasakyan niya. Mahirap malaman kung nakatingin din ba siya sa akin pero agad din namang nabuhay ang makina ng sasakyan at dahan dahan itong umandar.  

Okay. Fine.     May kilabot na gumapang sa ugat ko.     It is better this way.

"Ate Milca?"  

Bigla akong napalingon at nakita si Jemica na parating. Nagtaka ako.      "Mimi? Ba't nandito ka?"  

"Wala lang. Tatambay sana ako sa inyo eh. Sino yun ate? Nakita kong may hinatid ka?"     Curious niyang tanong.

"Ahm... Kakilala ko lang."

Kumunot noo siya at napapilig ng ulo.     "Parang nakita ko na siya."

"Talaga?"     Malamang sa mga magazines  Hindi ko na lang yun sinabi.

"Oo. Saan ko ba siya nakita?"    Tumingin siya sa malayo at malalim na nag isip.

"Baka hawig lang."     Pilit akong ngumiti.       "Tara. Samahan mo muna akong bumili ng ice cream." 

****

Pagbalik ko nang bahay ay naabutan ko nang nakaupo sa may sofa si Cedes. Hindi na sumama sa akin si Mimi nang malaman niyang naroon din ang kanyang ate. Baka mapagalitan lang daw siya at masabihan na naggagala kaya nagpasya na itong umuwi. Tulog na sa kandungan ni Cedes si Thea. Mukhang nakalimutan na nito ang hinihintay na ice cream at nakatulog na.

Huminga ako ng malalim.

"Tulog na pala siya. Mamaya na lang ito."      Sabi ko at lumakad na akong papunta sa kusina.  Nilagay ko yung ice cream sa may refrigerator.

"Sino yun Milca?"      Tanong ni Cedes nang papalapit na ako sa kanila. 

Balak ko sanang kunin si Thea at iakyat sa second floor  ng bahay pero natigilan ako sa tanong na yan.  Nagkatinginan kami ng mata sa mata ni Cedes.

"Sinabi ko na. Naging kliyente namin ang pinsan niya atsaka, dati ko siyang nakasama sa club sa school."      Pagod akong napabuga ng hangin.

"Then, why is he here? Nanliligaw talaga siya sa'yo? 'Yung bulaklak, sa kanya galing di ba?"      Sunod sunod niyang tanong.

Umiling ako.    "Pinagsabihan ko na siya. Hindi na siya babalik dito."

"Hindi mo sinasagot ang mga tanong ko."    Pigil ang pagtaas ng kanyang tono.

Natahimik kami.   Ayoko na lang sanang magkomento eh. Useless din naman.

"O, itong tanong na lang."      Aniya.      "Siya ba..... Ang...."    Hindi niya natapos ang salita. Sumulyap siya kay Thea at muling tumingin sa akin.

Kumalabog ang puso ko. Mariin kong itinikom ang aking labi at umiwas ng tingin.

"Alam mo."       Wika niya.       "Pinagmamasdan ko sila kanina. Ayoko mang isipin pero masyadong halata.  Masyadong halata na magkahawig sila." 

"Tama na!"      Sansala ko sa kanya. Tinapunan ko siya ng masamang tingin.      "Hindi si Henry. Imposibleng siya. Althea is my daughter. Akin lang."     

"Wala naman akong sinabi na masama."     Napabuga siya ng hangin.       "You never told us who is Thea's father. Why are you so defensive?"

Nagbaba ako ng tingin at mariing pumikit. Nakadama ako ng panginginig sa aking kalamnan. Pinipigilan ko ang aking sarili na magreact ng hindi maganda. Ayoko talaga kapag ito ang napag uusapan. Kung sino ang Ama ni Thea. Nagagalit ako. Galit na hindi ko magawang ilabas. Galit na pilit kong sinisikil sa sarili and it hurts. It hurt so much.

Unti unting namuo ang luha sa aking mga mata. Nag-init ang aking buong mukha.      "Ako. Ako ang naghirap sa kanya na mag isa. Kaya ako lang ang may karapatan sa kanya."  

"Milca?"       Lumambot ang titig sa akin ni Cedes. Nadama niya siguro ang pagka-ilang ko sa topic namin.

Lumapit ako sa kanila at kinuha si Thea. Binuhat ko ito kahit medyo mabigat. Hindi naman matabang mataba si Thea. She's just right for her age.

"Magpahinga ka na Cedes. Thank you."      Tinalikuran ko na siya at iniwan roon.

****

Nang araw na iyon ay sinundo ko si Thea. Umuwi muna kasi ako pagkahatid sa kanya at bumalik lang. Nang dumating ako sa school ay nakita ko na naglalabasan na ang mga magulang at estudyante. Binilisan ko na yung lakad papasok ng school.

Malapit na ako sa gate at namataan ko ng tingin si Thea. Bumagal ang hakbang ko. Napansin ko kasi na may katabi siyang isang matangkad na lalakeng naka kulay itim na suit. Nakashades din ito na parang men in black but....

Sino yan?

Dumeretso ako ng lakad papalapit kay Thea pero ang tingin ko ay naroon sa lalakeng nakatayo sa gilid.

"'My!!"      Agad akong sinalubong ni Thea. Tumakbo siya ng konti at agad akong nagbend payuko upang mayakap siya.

"Sorry. Naghintay ka ba?"      Malumanay kong tanong. I kissed her forehead then nag angat ako ng tingin.

Nabigla ako ng makitang wala na sa kinatatayuan nito kanina yung lalakeng nakita ko. Tumingin tingin ako sa paligid pero hindi ko na mahagilap ng tingin kung sino yun. 

"Baby, sino yung lalakeng katabi mo kanina?"      Iniikot muli ang tingin ko sa paligid.

"Sino po?"     

Nagbaba ako ng tingin kay Thea.      "Yung lalake na naka-itim?"

"Hindi ko po alam eh."       Ngumiti siya.     "Pero lagi po siyang nandito. Sabi po nya me binabantayan sya."

Kumunot noo ako.

Binabantayan?

May nabuhay na kaba at takot sa loob ko. Hindi ko alam kung para saan at bakit basta. I have a bad feeling about it.

Pumunta kami sa bahay nina Cedes at naabutan si Tita Jane na naroon. Wala si Cedes. Nag-apply daw ng work. Tumulong ako sa pagluluto ng kanilang tanghalian. Ilang minuto lang ay dumating na si Jemica at matapos makapagbihis ay nakipaglaro na sa salas kay Thea.

Nagkukulay sila ng mga mandalas nang maabutan ko sila sa salas.

"Hi, ate Milca!"      Nakangiting bati sa akin ni Mimi.

Napangiti naman ako.      "Hello."

"'My, bili pa tayo ng maraming colors hah."       Masiglang wika ni Thea.

Napatango na lang ako.      "Okay. Kapag maganda ang final grades mo."

"May grades na ba sila? Eh, naglalaro lang naman sila dun!"     React  ni Mimi. 

"Tinuruan kami ni Titser ng new song."     Ani Thea.

"Anong song yun?"     Tanong ko.

"May tatlong bibe!"      She lifted her gaze.

"Sige nga. Sample."      Tumawa si Mimi.

Tumayo si Thea at nagsimulang kumanta.      "May tatlong bibi, akong naki-ta. Mataba, mapayat, mga bibi....."

Natatawang sinabayan naman siya ni Mimi.

Pagkatapos ay nagbalik sila sa pagkukulay pero panay pa rin ang pangngungulit ni Mimi sa anak ko. Natatawa na lang ako.

Naupo sa tabi ko si Tita Jane. Nangamusta din siya sa akin ng tungkol sa work at kina Nanay. Nasa probinsya kasi si Nanay.

"Sa bakasyon po. Uuwi kami roon."        Sabi ko.

"Oh, sabay sabay na tayo kung ganun."     Ani Tita Jane.

"Okay lang po."     Tango ko.

"Syangapala.... Naalala ko."     Aniya.     "Noong nakaraang linggo ay may lalakeng nagpunta dito."

Natigilan ako at nagtatakang tumitig kay Tita.     "Lalake po?"

"Oo."    Aniya.      "Matangkad saka mukhang mayaman. Nagtatanong siya nang tungkol sa'yo at kay Thea."

Biglang kumalabog ang aking puso.

"A--ano pong tinatanong?"

"Ahm... Kung saan kayo nakatira. Kung ilan taon na si Thea. Ganun. Pero hindi ko naman sinagot agad. Sabi niya, ka-school mate mo daw siya noon."

"Ano pong pangalan?"      Curious kong tanong.

"Nakalimutan ko eh. Pero gwapo."

"Ayun!"     Biglang singit ni Mimi sa usapan. Nilingon niya ako mula sa ginagawa.       "Ate, naalala ko na kung saan ko nakita yung lalakeng hinatid mo nung nakaraang araw." 

Matiim akong napatitig sa kanya. 

"Sa school ni Thea. Nakita ko siya once na nag hihintay doon. Akala ko nga artista eh. Hehe.... Pero mukha talaga siyang artista."      Nakangiting ani Mimi.       "May hinihintay ata syang estudyante pero hindi ko na nakita kasi umalis na rin kami nina Thea. Di ba?"       Kinalabit niya pa si Thea then nagpalitan sila ng ngiti.

****

Nagkataon lang ba ang lahat? Nakakaduda naman. 

Matapos ang araw na pumunta sa bahay ko si Henry at pinaalis ko siya ay hindi na siya nagpakita pa uli. Hindi din nagparamdam sa shop. Gusto ko sanang matuwa pero parang may mali.

Like now.....

I found myself infront of his coffee cafè.

Ano namang sasabihin ko kapag nakita ko siya?

Tsk. Baka nag iisip lang ako ng wala naman. Baka nagkataon lang o baka may kakilala talaga siya na nag aaral din sa school ni Thea. Is it possible? Possible talaga.

Kahit malayo ang bahay niya sa area namin? Dumayo talaga siya?

Agh!! This thougths is making me crazy!!!!

Napabuga ako ng hangin at pumihit na paalis.

No! I won't confront him. Wala akong sapat na dahilan para gawin yan

Hahakbang na sana ako pero bigla akong natigilan.  Nakita ko ang isang lalake na bumaba mula sa isang nakapark na kotse sa parking space ng cafe. Napasinghap ako sa gulat. Umatras ang paa ko at tumalikod mula sa kanya.

Tsk! Siya yun!!

Humakbang ako papalayo. Mabagal na hakbang pero ilang hakbang lang. Huminto ako at lumingon sa entrance ng cafe. Nakita ko siyang pumasok roon.

Malalim akong napabuntung hininga. Hindi ko malalaman kung hindi ko itatanong, right? Right!!

Bumalik ako sa harap ng cafe at pumasok sa loob. Hinanap ko ng tingin yung lalake pero hindi ko ito makita.

May lahing mahikero ba yun? Bigla biglang nawawala??!

Lumapit ako sa counter. Sa may gilid nito.

"Hi, excuse me."     Wika ko sa nakatayong babaeng staff na agad naman lumingon sa akin.

"Yes po Ma'm?" 

Ngumiti ako.      "Ask ko lang, nandyan  ba yung may-ari ng cafe. I mean... Si Mr. Santillan?"

"Ahm... May kailangan po kayo sa kanya Ma'm?"      Alanganin akong tinitigan nung staff.

"Ah..."        Baka bawal siyang makita   "College friend niya ako. Nagbabakasakali lang na makita ko siya dito. Alam mo na...."

"Ganun po ba? May kameeting po siya sa office eh. May schedule po ba kayo sa kanya?"

"Wala naman."  

"Kunin ko na lang po ang name niyo then inform ko po si Boss."

"Ayy! Hindi na."     Nahiya na ako bigla.        "Maybe next time na lang. Salamat ah."

Pagpihit ko paalis ay biglang may tumawag sa akin.

"Milca?"

Agad akong lumingon at nakita ko si Henry.

Natigilan ako't napatitig sa kanya.  

Ngumiti siya.       "What brought you here?"      Humakbang siyang palapit habang nakapamulsa ang mga kamay.

Huminga ako ng malalim. Casual niya lang ako na hinarap.

"Namiss mo na ako noh? Sabi ko na nga ba!"       Natatawa niyang wika. Pero mukhang hindi naman niya balak na magpatawa.

Hinarap ko siya at tahimik pa rin na tinitigan siya.   

"Let's talk inside."      Aniya. Sumeryoso ang mukha niya at tumalikod. Nang humakbang siyang papunta sa isang nakapinid na pinto sa gilid ay sumunod na ako.

I know he already knows why I'm here.

*****

Updated: September 13, 2016

**Please vote / comment / share. Salamat. Godbless.

Miahne sa late update. Lol.

Continue Reading

You'll Also Like

21.5M 700K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
24.2M 709K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
46.1M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...