One Hand, One Heart [Escaner...

By eye_you

15.6K 519 36

Babala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Mag... More

Panimula
Page 1
Page 2
Page 3
Page 4
Page 5
Page 6
Page 7
Page 8
Page 9
Page 10
Page 11
Page 12
Page 14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page 22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Pagtatapos

Page 13

356 15 0
By eye_you

Page 13

Concern

*****

"Hindi ka pumasok?"

Naupo sa tabi ko si Cedes. Nasa isang bench kami sa loob lang ng compound ng school kung saan nag aaral si Althea. Kakapasok pa lang ng anak ko at maghihintay kami ng ilang oras hanggang matapos ang klase niya.

Tinignan ko siya at nginitian.

"May sakit ka ba?"     Sinalat niya pa yung leeg ko at natatawang napaiwas naman ako.

"Wala noh!"     Umiling ako.     

"Hindi ka din pumasok kahapon."

"Nakaleave ako."    

"Weird mo."    Nailing naman siya.     "Ikaw na napaka workaholic? Nakaleave?"

"Let just say.... Gusto ko lang ng konting pahinga. Hindi ba pwede yun?"        Nakangiting wika ko. Inabutan ko siya nang dala kong sandwich. Pinagbaon ko kasi nun si Althea at nagpasobra ako nang para sa amin.

"Kunsabagay. Kailangan mo rin naman ng pahinga."      Aniya. 

"Feeling ko nagkukulang na ako kay Thea kaya ako nandito."

She chuckled  softly.       "Hindi naiisip ni Thea yan. Masyado siyang mabait. Hindi ko nga alam kung kanino siya nagmana. Parang hindi naman sa'yo."

"Ayy, grabe naman siya."    Natawa tuloy ako.

Tinawanan niya lang din ako.

Ewan ko ba. Hindi ako madalas mapagkamalan na may anak na. Wala daw sa itsura ko. At kapag sinasabi ko na may anak na ako, hindi agad sila naniniwala hangga't hindi ako magpakita ng pictures.

Wala namang masama sa pagiging single mom. It is like an achievement pa nga para sa akin. Well, only a strong willed woman can endure the hardship of having a child with only herself to help. Lalo na ngayon na napakahirap ng buhay.

"Mommy!!"  

Hindi ko na namalayan na lumipas na pala ang oras. Nagkukwentuhan lang kasi kami ni Cedes  ng kung anu anong bagay. Tumayo kami ni Cedes sa bandang gilid malapit sa gate kung saan tanaw namin ang nakapilang klase nina Thea.

Napangiti ako ng malapad.

Kahapon nang sunduin ko din si Thea ay nilapitan ako ng teacher niya at kinilala. Mabait ang teacher niya at maganda.

Dumaan kami sa grocery pauwi.

"Deretso bahay na kayo di ba? May ibibigay yata si Mama para kay Thea. Hindi ko naman kasi alam na susunduin mo din siya ngayon."      Wika ni Cedes habang nag-iikot kami.

"Oh? E di daan muna tayo sa inyo?"     Sabi ko.      "Ay, kaya lang magluluto pa pala ako."

"Kami na lang. Sandali lang naman yun ta's ihatid ko si Thea. Sa inyo ako makikitulog ngayon."     Nakangising aniya.

"Bakit?"     Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Wala lang. Bawal  ba?"    Saka siya tumawa.

Aning lang. Tsk.

Hinayaan ko na lang ang dalawa na magpunta muna kina Tita Jane. Dumeretso uwi naman ako. Pagdating ko sa bahay ay naghanda na ako para sa pagluluto. Sinampalukang manok ang naiisip kong lutuin.

Habang naghahanda ako ng pansahog ay nakasalang na rin ang kanin ko. Naka-rice cooker naman kaya walang problema. Then may mahinang music na nagmumula sa naka-music mode ko na cellphone. Sinasabayan ko pa nga ang kanta paminsan minsan.

🎶🎶 Kiss me.. Beneath the milky twilight

🎶🎶

Habang nagluluto ay nakadinig ako ng katok sa may pinto.

Nakabalik na agad yung dalawa.

Agad akong kumilos papunta sa pinto para pagbuksan ang dumating. Pag-open ko ng pinto ay isang nakatalikod na lalake ang bumungad sa tingin ko. Natulala pa ako ng sandali. Nang pumihit ito paharap ay laking gulat ko ng malamang si Henry pala ito.

Automatic na napanganga ako sa gulat.

Ngumisi siya ng makita ang reaksyon ko. He was wearing a white polo shirt at itim na slacks. He look so clean and fresh at ang bango bango niya. Para siyang naligo sa mamahaling pabango pero hindi naman masakit sa pang amoy.

Napaatras ako.

Anong.....

"Good morning."   Nakangiting bati niya na may kasamang hand wave.

Napasinghap ako. Namamalikmata yata ako.     "A-anong ginagawa mo rito?"

"To see you. Obviously."  

"Hindi ka dapat nandito."        Iling ko.

Napangisi lang siya lalo.         "Bakit hindi? Hindi mo man lang ba ako papasukin?"

Hindi agad ako nakakilos sa sinabi niya.

"Umaakyat ako ng ligaw Miss. Pwede na bang dahilan yan?"     He smirked.

Napanguso naman ako.  Wait! Papapasukin ko ba toh? Panu kung biglang dumating sina Thea?! Hindi pwede!

"Ahm.... Magulo dito sa loob. Sa labas na lang tayo."       Nakaisip agad ako ng idadahilan.

Pero bago ko pa siya maitulak palayo sa pinto ay humakbang siya ng malaki papasok. Napaatras ako dahil sa laki niya. Nabigla na lang ako at manghang sinundan siya ng tingin.

"Malinis naman ah."      Aniya. Inilibot niya ang tingin sa buong bahay.

Nagre rent lamang kami. Maliit lamang ang bahay, up and down, pero sakto lang para sa amin ni Thea.

Nilingon niya ako at ngumiti. Wala na akong choice. Tsk. May lahing makulit din talaga toh. Umiwas ako ng tingin at ipininid ang pinto. Inilock ko ang pinto.  Huminga din ako ng malalim.

"Mag isa ka lang ngayon?"   

Nilingon ko siya. He was busy scanning the place na parang may hinahanap tapos ay napunta sa kusina ang kanyang tingin.

"Bakit ka ba nandito?"    Naiirita kong tanong. Kailangan ko siyang mapaalis bago pa dumating sina Thea.

But what to do?

"Nasagot ko na yang tanong na yan. Nagluluto ka?"       Lumapit siya sa akin at automatic akong napaatras. Ngumisi naman siya. 

Nagtama ang mga mata namin at hindi ko na naman mapigilan ang kaba ko. Gumapang ang init at kilabot sa mukha ko.

"Easy."     Mahinang wika niya.        "I came in peace. Uhm."        Saka niya inilahad sa harap ko ang isang bouquet ng ng white roses.

Napaawang ako ng labi. Ni hindi ko napansin na may dala pala siyang ganyan. Napakurap kurap ako ng mga mata.

"I came to your shop yesterday but you're not there. Tapos ngayon. I missed your face."

Lunok. Dahandahan kong tinanggap yung bulaklak nag hindi tumitingin sa mukha niya. Pakiramdam ko...  Ang init na ng mukha ko.

"Ahm...."      Humakbang akong patagilid, paiwas sa kanya. Tumayo siya ng deretso at hinayaan naman ako na makadaan.

Lumayo ako sa kanya. Sapat na layo para mapakalma ang aking loob. Parang may naghahabulang daga sa dibdib ko sa sobrang kaba. It's dangerous.

"Please Henry."       Mariin kong wika. Mahigpit kong hinawakan yung bouquet na hawak ko.,       "Pabalik na ang anak ko. Pwede bang umalis ka na?"

Huminga siya ng malalim at humarap sa akin.    "Why?"

"Ano ----basta."      Mariin akong napapikit saglit.        "Hindi ka nya pwedeng maabutan dito."

"Hindi mo sinasagot ng tama ang tanong ko. Bakit?"        Seryosong wika niya.    "Ayaw mong makilala ako ng anak mo?"

Oo! Tsk!

Marahas akong napabuga ng hangin.      "Ano ba kasing kailangan mo?"

"You keep on avoiding my questions. And you are avoiding me."      Mapait siyang ngumiti.        "Akala ko binigyan mo na ako ng chance na manligaw?"

"Wala akong sinabing pwede mong gawin yan."     Mabilis kong tugon.

Humakbang siya ng isang beses papalapit.       "What about the kiss?" 

Natigilan ako.

"Wala lang sa'yo yun?"    

Nangatog ang aking mga kamay sa kaba. Nailing ako ng mahina uapang labanan ito.       "Ba--bakit? Ano ba sa'yo ang halik na yun?"

"Akala ko naintindihan mo?"     Sarcastic tone.

"Wala akong naiintindihan sa mga ginagawa at sinasabi mo Henry. Kilala kita. Hindi ikaw... Hindi ikaw yung tipo nagseseryoso sa babae."

"That kiss was real."    His face darken. Nakadama ako ng takot.

For the first time ay nakita ko ang mukha niyang iyan. Parang..…. Parang handa na niya akong saktan.

But, No! Hindi ako dapat magpanaig sa kanya. O sa takot.

"That kiss..... Nagpapatawa ka ba?"     Napangiwi ako.      "You've kissed many lips before. Hindi ko alam kung gaano karami! I don't care! A--
Alam kong wala iyong meaning. Wala iyong meaning sa isang womanizer na tulad mo."

"I only kiss lips of those i like. Hindi counted yung mga may gusto sa akin na silang nauunang humalik. And you..... Are my first."

I stiffened in place.

Parang huminto sa pagpintig ang puso ko ng ilang segundo then nang mag-resume ito ay kay bilis na. Sobrang bilis ng pintig,  para akong nalulunod.

Humakbang siya. Isang malaking hakbang lang at agad na nasa harap ko na siya. Walang salitang hinapit niya ng isang kamay ang baywang ko at isang kamay naman ay kinabig ang aking mukha. His lips claimed mine instantly. Nanlake ang mga mata ko sa pagkabigla.

Automatic kong nabitawan yung bulaklak na hawak ko. Nanigas ako sa pwesto. Kinagat kagat niya ang aking ibabang labi at naghatid iyon ng sanlibong kuryente sa ugat ko. Marahas akong napasinghap at sinamantala niya ang pagkakataong iyon upang palalimin pa ang halik. Mariin akong napapikit.

"Hhmm...."       Nag-malfunction yata ang utak ko.

Lalong humigpit ang yakap niya sa baywang ko. Patuloy niyang inaangkin ang aking labi, bawat sulok nito. Hindi ko na namalayan kung paanong naiupo niya ako sa sofa namin na naroon sa gilid. Masuyong minamasahe ng isa niyang palad ang leeg hanggang buhok ko. Patuloy siya sa paghalik hanggang sa gumapang ang mainit niyang labi sa 'king pisngi, punong tenga at leeg. Para akong sasabog sa hindi maipaliwanag na init.

The feeling was so familiar. Familiar dahil nangyari na ito noon. Ang eksperto niyang mga halik. Ang pagnanasang binubuhay niya sa aking sistema. Muling nagbalik sa akin ang pagkakamaling iyon na ipinangako kong hindi na mangyayari muli.

I remember it all but he doesn't. It is so unfair!

His hands cupped my right boob. Napasinghap ako at napaliyad ng katawan. Mahigpit akong napakapit sa balikat niya't unti unting nagmulat ng mga mata. Nalalasing ako sa init na dulot niya. Sa halik niya't haplos and i know i have to stop.

Pero panu??!! 

"Henry...."        Mahinang anas ko. Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses at mabigat ang aking bawat hininga.         "Please... Stop..."        Pinisil niya ang aking dibdib.  Tumatagos ang init ng kanyang palad sa manipis na telang aking suot. Mariin akong napapikit sa kiliti at kilabot na dulot niyon.

I can feel that part between my legs heating, wet and throbbing.

Kasalanan ito.... Tama na....

"Ssshh.... "        He hushed seductively in my ears.       "I like you so much, sweetheart. Damn! I'm going crazy."           He kissed my neck thoroughly.

"No....."       Hindi ko na alam kung para saan iyon.

"MOOMMYYYY!!!!"   

Automatic akong napamulat ng mga mata ng marinig ang malakas na boses na iyon mula sa labas. Malakas kong itinulak palayo si Henry at napaatras naman din siya. Nagkatinginan kami tapos ay may kumatok sa pinto.

Nalock ko yung pinto kanina!

"Mommy?"     Bulong ni Henry habang nakatitig sa mga mata ko.

"Oh my God!"     Singhap ko. Itinulak ko siyang palayo at natatarantang tumayo.        "Anak ko yan! Umalis ka na."     Mahinang ani ko sa kanya.

Kumunot noo siya.       "Open the door. Eh, ano naman kung---"

"Please, umalis ka na."        Frustrated kong sabi. Pilit ko siyang itinulak papunta sa may backdoor. Mabuti na lang at may backdoor ang bahay.

"MILCA??!"      Boses  ni Cedes. Malakas siyang kumatok  sa may pinto.

"Please Henry...."      Buong lakas kong tinulak palabas si Henry.

Hindi ko na hinintay kung may sasabihin niya. Pagkalabas niya ay isinara ko ang pinto at agad kong tinakbo ang pabalik sa main door. Binuksan ko iyon ng walang dalawang isip. Nagkagulatan pa kami ni Cedes.

"Eto na!"       Hinihingal kong wika.

Kumunot noo si Cedes at mataman kong tinignan. Buti naabutan ko siya. Mukhang balak na nitong umalis at pumunta sa backdoor eh.

"Sorry. Nakatulog ako."      Alanganin kong wika. Pinapasok ko na silang dalawa.

Nagtataka pa rin akong tinititigan ni Cedes.      "Oo. Halata nga."

"Hah?!"      Nagtaka pa ako.

"Ang gulo ng buhok mo."      Sagot niya saka pairap na umiwas ng tingin.

Tsk! Nag init ang mukha ko sa hiya. Saka ko lang naisip iyon. My hair was full mess. Halos malaglag na yung ponytail mula sa buhok ko.

"Mommy..."     Agad akong napalingon ng marinig si Thea.       "May flowers."     Aniya saka naupo sa harap ng bouquet na nahulog sa sahig kanina.

My heart skipped. Nagkatinginan uli kami ni Cedes. Pinaningkit niya ang malalaki niyang mata samantalang namutla na yata ako.

"Ahhm.. Ano yan ---"      mabagal akong humakbang papunta kay Thea at kinuha mula rito yung flowers. Tumayo naman si Thea at sinundan ako ng galaw. Inilapag ko sa lamesita yung bulaklak.       "Pinadala ng supplier namin. Pa-thank you lang."

"Oh?"      Sarcastic na react ni Cedes. Pinagtaasan niya pa ako ng isang kilay at humalukipkip. Angtaray talaga nito.

"Oo nga."     Alanganin kong sagot.

"Gusto ko din po  ng flowers."      Wika ni Thea.

"Ahh...."     Bumaling na lang ako kay Thea para iwasan yung mapanuring titig ni Cedes. Binigyan ko ng isang stem ng white rose si Thea. Sa sulok ng aking mata ay nakita kong pumunta sa may kusina si Cedes. Tinignan niya yung nilututo ko.

"Okay na pala itong niluto mo eh."    Aniya ng hindi tumitingin.

"Kain na tayo?"     Sabi ko at agad akong tumayo.

Mabilis ang kilos ko sa paghahanda ng mesa. Nang matapos ay dumulog na kaming tatlo roon at nagsimulang kumain. Thea always start our feast with a prayer. Bagay na nakasanayan niya agad.

"'My, bili tayo ice cream."    Ungot ni Thea  habang kumakain kami.

"Later. Bibili tayo."       Nakangiting tango ko.

"Icecream na naman. Kahapon nag ice cream ka na."    Pang aasar ni Cedes dito.

"Kahapon yun. Iba na ngayon."

Natawa kami pareho ni Cedes.

"Aba! Magaling nang sumagot ang anak mo ah."

Ngumisi naman ako.       "Tama lang yan anak. Wag kang papaapi dyan sa Tita mong mataray."

"Tse!"    Si Cedes. Nagkatawanan kami uli.

"Syangapala... May sasabihin---"      hindi na natapos ni Cedes yung sasabihin niya sana kasi biglang may kumatok sa pinto.

Kinabahan ako agad sa hindi ko maintindihan na dahilan.

"Ako na."      Wika ni Cedes at tumayo siya.

Lihim akong napalunok.

"My, gusto ko pa po ng kanin."       Inagaw ni Thea ang aking atensyon.

"Ahh... Sige."        Nilagyan ko pa ng konting kanin ang plato niya. Sinabawan ko na rin ng ulam. Mukhang nagustuhan naman niya ang timpla ko.

"Milca, may bisita ka."      Narinig kong boses ni Cedes.

"Sino--   pag-angat ko ng tingin ay nakilala ko kaagad kung sino ang sinasabing bisita ni Cedes.

Namilog ang mga mata ko sa pagkamangha at gulat.  

"Hi."      Nakangiting bati niya.

Hindi ko napigilan ang singhap ko.       "Henry?"

Napapilig ng mukha si Thea at tumitig sa bagong dating. Nakita ko ang ginawang pagsipat ni Henry ng tingin sa aking anak. Kinabahan ako. Tumayo ako at nilapitan sila.

"Henry? Anong ginagawa mo rito?"        Nalilito kong tanong. 

Dama ko ang kakaibang titig ni Cedes sa akin. Hindi ako makatingin sa kanya.

"Hmm..., i was in the area kaya naisipan kong puntahan ka."      Sagot ni Henry saka ngumiti.

Iyong ngiti niya ay parang nang-iinis lang. May halong kapilyuhan.

"Kain ka muna."     Aya ni Cedes.      "Hindi sanay sa bisita yang si Milca kaya ganyan." 

Natigilan ako at napatingin kay Cedes.     

"Hindi ko tatanggihan ang alok mo."      Ani Henry kay Cedes.     "Okay lang ba?"

"Oo naman."      Si Cedes na yung nag-giya kay Henry papunta sa mesa.

Natutulalang napatingin na lang ako sa kanila.

Halah! Ano nang nangyayari? Bakit close-close na sila? Hindi pwede.... Hindi.....

"'My, dito ka na."         Tawag sa akin ni Thea.

Saka ako nahimasmasan at agad na bumalik sa harap ng mesa.

Naupo si Henry sa kabilang side ng mesa katapat ng upuan ni Thea. Hindi nakaligtas sa tingin ko ang seryosong pagtitig ni Henry sa anak ko. Parang gusto ko na siyang paalisin kaya lang kabastusan naman iyon.

Huminga ako ng malalim at masuyong hinaplos ang buhok ni Thea. She lifted her gaze at me and smiles.

"Tapos ka na ba?"     Mahina pero sapat kong tanong.

"Tapos na po."     Nakangiting tugon niya at tumango.

"Mag-wash ka na at magpalit muna sa taas hah. Uminom ka ng madaming tubig."

"Uminom na po."     Aniya.      "Pero bad pong umalis sa mesa kapag may kumakain pa, di ba? Baka hindi siya makapag asawa."

Hah?!   Nagtataka akong napatingin kay Cedes na tumawa bigla.

"Oi, hindi ako yun ah."      Pagtatanggol agad ni Cedes sa sarili.

"Buti pa siya concern na baka hindi ako makapag asawa."       Wika ni Henry.

Nilingon ko siya then he smirked at me. Napangiwi ako at pairap na umiwas ng tingin. Kakaiba ang ngisi niya.

I bit my lip gently then bumaling uli ako ng tingin kay Thea. Marahan kong hinawakan ang baba niya at inangat ang kanyang tingin sa akin. Ngumiti ako.     "Baby, kapag pinagligpitan lang ng pinagkainan iyon. Don't worry about that. Hindi iyon problema sa kanya."

"Ahm...okay!"        Nakangiting tango ni Thea. Tumingin siya ng deretso kay Henry.        "Excuse po."

"You're excuse little princess."       Magiliw na tugon ni Henry.

Lihim akong napasinghap.

*****

Updated:  September 9, 2016

**Please vote / comment / share. Salamat. Godbless.

Bes... Magpapalit na ba ko ng pangalan? W... W dapat ang start. Hehehe... Yung dalawang paborito ko kasing bagay nag i start sa W 
Wattpad saka W - Two Worlds

Ahahaha.... Feels ko bes... Magpa final episode na ang W. Sana happy ending. 😁😁😁😁

Pasensya na sa feels ko ah. Ok. Fine. Bye. 😁😁

Continue Reading

You'll Also Like

27.4M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
24.2M 709K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
5M 102K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
21.5M 700K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...